Hawak ni Dennis ang isang blouse na kulay puti maganda ang style at yari nun at tingin n'ya bagay yun kay Aira. Muling inilayo at tinitigan ni Dennis ang blouse.
"Binili ko lang to kasi nasira ko yung damit n'ya, Walang ibig sabihin to." bulong pa ni Dennis.
"Hi! Sir, maganda po yan tiyak na bagay na bagay po yan sa wife n'yo." wika pa ng saleslady na lumapit sa kanya.
"I'm still single." sagot ni Dennis.
"Ah! Sorry po, meron pa po ba kayo specific na gusto para po ma assist ko kayo?"
"Kapag ba nag bigay ang lalaki ng damit sa isang babae anong ibig sabihin?" napangiti naman ang saleslady.
"Depende po sa babae yung sir?"
"Enlighten me, kapag nagustuhan ko ang sagot mo bibili ako ng marami." halata naman natuwa ang babae.
"Ahm! ganito po kasi yan sir, may mga babaeng po kasi na mababaw lang konting effort n'yo lang po marami ng meaning sa amin nun, minsan may babae naman po na bigyan o hindi walang problema, meron din pong babae na hindi marunong mag appriciate ng ginagawa ng isang lalaki. To be more specific sir, kanino n'yo po ba ibibigay ang damit."
"She's no one, I don't even like her, Nasira ko kasi yung damit n'ya so balak ko sanang palitan kaso baka bigyan n'ya ng ibang meaning."
"Naku sir, honestly speaking possible po yun kasi malawak po kasi ang imagination namin mga babae lalo na po kung may gusto kami sa isang lalaki."
"Paano ko ba malalaman kung may gusto sa akin ang isang babae." humagikgik naman ang saleslady na akala mo ay kinikiliti.
"Sa guwapo n'yo po sir hindi naman po malabo na hindi n'yo agad mahalata ang isang babae kung may gusto sa inyo."
"Paano kung magaling s'yang mag tago."
"Imposible yun sir kami pong mga babae, kahit ano pong tago namin mabilis kami mahalata. Mabilis po kaming mag blush kapag kaharap namin ang lalaking gusto namin, Madalas din po kaming nakatingin ng pasulyap-sulyap lang."
"Mainitin ang ulo n'ya, akala mo lagi n'ya akong gustong ipalibing kung makatingin." tumawa naman ang babae.
"Naniniwala po ba kayo sa kasabihan na the more you hate, the more you love, sir?"
"I never heard about that." iling ni Dennis.
"May ganun po kasing babae, kunwari galit para lang po maitago ang totoong damdamin."
"Hala! Talaga ba, sinasabi ko na e, yung klase ng tinginan n'ya sa akin ramdam ko talagang may malisya."
"Imposible din po kasi talaga na hindi mag kagusto sa inyo ang isang babae lalo pa't singel po pala kayo."
"So, sinasabi mo ba na may gusto ka na rin sa akin." humagikgik nanaman ang babae sabay pakita ng kamay na may Singsing.
"Married na po ako sir at 2 na po ang anak ko. Although sir, talagang super pogi n'yo po talaga."
"Tsk! Dahil na uto mo na ako, sige bigyan mo na ako ng lahat ng halerang to." turo ni Dennis sa isang rack ng maraming damit na pang babae na naka hanger. Tuwang tuwa naman ang mga slaeslady na naroon na nag tulong tulong para ayusin ang mga binili n'ya. Pinabukod na lang n'ya ang isang damit.
******
Kumunot ang noo ni Aira ng huminto sa tapat ng mesa n'ya si Dennis at isang paper bag ng isang sikat na clothing line ang ipinatong nito sa mesa n'ya.
"Ayoko na may atraso ako sa isang tao, kahit pa masama ang ugali mo." wika pa nito saka tumalikod na aksidente pang natabig ang isang vase na ikinagulat pa ni Dennis ng mabilis yung nasambot ni Aira. Ang bilis ng reflex nito parang hindi babae, idagdag pa na may kabigatan ang crystal na vase. Napatingin s'ya rito na kunot ang noo.
"Kailangan ba akong kabahan?"
"Of course, sample pa lang yung nakita mo kahapon Sir." ani Aira na kinuha ang paper bag after ibalik sa mesa ang flower vase at tiningnan ang damit na binili n'ya.
"Infairness, marunong kang pumili." wika pa ni Aira na inilapat pa sa katawan nito ang blouse. Hindi naman naka-imik si Dennis at tumalikod na lang na pumasok sa loob ng office at napasandal sa pinto ng matiyak na sarado ang glasswall n'ya. Hindi pumayag ang Daddy n'ya na ilipat ang mesa ni Aira, hindi rin na tuloy ang termination nito dahil kung ipipilit daw n'ya car at bank account daw n'ya ang ma teterminate kaya wala s'yang choice kundi pakisamahan ang ma-attitude na assistant.
"Ano ba! Bakit ba kinakabahan ka pa."suntok ni Dennis sa dibdib dahil hindi nabago ang t***k ng puso n'ya. Sa elevator pa lang kinakabahan na s'ya na ewan basta ang bilis ng t***k ng puso n'ya lalo pang lumakas iyon ng papalapit na s'ya sa mesa ni Aira na mukhang kadarating lang dahil bago pa lang itong paupo ng matanaw n'ya.
"Nagagandahan ka lang sa kanya yun lang yun. Mamayang gabi hahanap tayo ng mas maganda sa kanya." comfort n'ya pa sa sarili na nag tungo na sa mesa n'ya. Pag-upo n'ya roon, inabot na n'ya ang remote na maliit para buksan ang glasswall kaso agad din n'yang isinarado ng makitang saktong angat ng tingin ni Aira at nag tama pa ang tingin nila.
"F**k! Ano ba, nabura lang alala mo para kang teenager boy kung kumilos." sita ni Dennis sa sarili at ewan ba n'ya kung anong nangyayari sa kanya bakit iba ang kinikilos ng katawan n'ya. Hindi umaayon sa gusto ng utak n'ya.
"Asan si Roldan?" tanong n'ya sa intercom.
"Hindi po ba nag paalam sa inyo last day na n'ya kahapon, binawi na s'ya ni Kuya Dev." sagot ni Aira napapalatak naman si Dennis.
"Be ready! Mag iikot tayo sa hotel?" utos n'ya kay Aira. Nag check lang s'ya saglit ng mga emails n'ya saka muling lumabas. Napatingin pa si Dennis kay Aira na nakatayo na at nakaabang na sa kanya.
"Ang iksi naman ng skirt mo?" pagalit pang turan n'ya na nauna ng nag lakad. Napatingin naman si Aira sa suot na skirt, wala naman s'yang choice dahil may uniform ang hotel kahit assistant lang s'ya katulad ng uniform n'ya ang mga taga HR staff. Na kanya kanyang design at color coding ang bawat department ng hotel. Mukha nga s'yang taga banko sa suot n'yang uniform, hanggang kalahati ng hita n'ya ang skirt, medyo maiksi nga. Sinabi na n'ya kahapon pa na parang maiksi ang skirt n'ya iniissue sa kanya pero ipinilit parin ng HR na sakto lang daw naman.
"HIndi ka rin ba na brief ni Roldan na more on paikot-ikot lang tayo dito sa hotel to check everything so hindi mo kailangan mag suot ng ganyan kataas na heels." wika pa ni Dennis habang nag lalakad na sila papuntang elevator. Wala naman sinabi si Roldan regarding dun, tinuroan lang s'ya nito sa mga importanteng mga duties n'ya as assistant ni Dennis. Pag pasok nila ng elevator may tinawagan ito sa phone.
"Wala bang ibang available size ng uniform para kay Ms. Montenegro--- meron naman pala bakit ang iksi ng binigay n'yo sa kanya, No! masyadong maiksi. Halos makita ko na ang underwear n'ya." angil pa ni Denis na ikinaawang naman ng bibig ni Aira. Napaka OA naman nitong mag salita.
"Mag padala kayo ng kasunod na size sa office ko, iwan n'yo sa table n'ya." utos pa nito saka ini-off na ang phone.
"Hindi ba masyado naman OA yung sinabi mo Sir."
"Bakit mali ba ako?" humarap naman si Dennis sa kanya kinuha nito ang signpen sa loob ng suot nitong coat at basta na lang inilaglag pero bago pa man yun lumapat sa sahig na salo na ni Aira na hindi man lang tumuwad.
"Ano ba kanina kana salo ng salo? pabayaan mong mahulog." inis na sita ni Dennis na inagaw rito ang signpen at ibinababa na sa floor ng elevator.
"Kunin mo." nag tataka man sumunod naman si Aira pero sa huli na realize rin n'ya ang gusto nitong patunayan kaya paupo s'yang bumaba para makuha ang signpen.
"See, hindi ka makatuwad kasi kapag ginawa mo yun makikita na ang purgatoryo ng langit. Unless na lang gusto mong ipakita sa akin kaya pumayag ka na ganyan size ang ibigay sa'yo." umasim naman ang mukha ni Aira.
"Sabagay mukhang wala ng mawawala sa'yo. You let me touch your boobs remember." ngisi ni Dennis na literal pang tumingin sa dibdib n'ya.
"Hindi mo ba naisip na mag pa enhance ng boobs, Maganda na ang balakang mo kinulang ka lang sa boobs." gustong mapikon ni Aira sa binubuksang topic ni Dennis. Hindi naman na s'ya na babastos sa paraan ng pakikipag-usap nito dahil sanay na s'ya kay Dennis na talagang may paka bulgar talaga ang bibig kapag silang dalawa lang. She remember kapag na sasarapan ito sa ginagawa nila literal nitong sinasabi. Tinuturuan s'ya nito kung anong gagawin, kung paano. Lahat na yata ng kahalayang alam n'ya dito n'ya na tutunan.
"Ayaw ng boyfriend ko." sagot na lang n'ya.
"Your too young pero mukhang marami ka ng expirience when it comes to bed. Alam ba ng parents mo?"
"Pag-uusapan ba talaga natin ang s*x life ko. Sir Dennis?" mataray na tanong ni Aira.
"Anong gusto mong pag-usapan natin weather update." tumarak ang mata ni Aira sa pamimilosopo ni Dennis.
"Virgin pa ako." tamad na sagot n'ya. Malakas naman tumawa si Dennis na akala mo e nakarinig ito ng nakakatawang joke. Pinindot pa nito ang emergency stop dahil sapo na nito ang tiyan sa kakatawa at sirang-sira talaga ang posture nito sa ginawang pag tawa.
'Grabe! Ngayon lang ako tumawa ng sobra sa buong buhay ko. Ayos din yung joke mo, bentang benta sa akin. Isa pa nga." wika pa ni Dennis na tumatawa pa rin pero bahagya na lang habang sapo pa ang tiyan.
"Virgin pa ako."
'Alam mo ba sa 100 na adult na babae 1-2 na lang ang nanatiling virgin sa panahon ngayon. It's either lesbian o madre."
"Bakit? sa buong buhay mo bang pagiging babaero, hindi ka pa nakakatikim ng virgin sir Dennis."
"Hindi pa." mabilis na sagot ni Dennis na pinindot na ulit ang emergency stop para muling umandar ang elevator.
"Paano mo na sabi na hindi pa? e wala ka namang na aalala ."
"Dahil hindi naman ako papatol sa tomboy lalo na sa madre." ngisi naman ni Dennis sabay bukas na ng elevator at lumabas na. Napasunod na lang naman si Aira.
"Hindi ka nga napatol sa Lesbian at Madre pero sa minor pumatol ka." bulong ni Aira habang nakasunod ng lakad kay Dennis na saglit s'ya nilingon at senenyasan na bilisan daw n'ya.
*****
Hinilot-hilot ni Aira ang paa n'yang nanakit dahil sa tagal nilang nag paikot-ikot sa buong hotel na parang sinadya ni Dennis na pag lakarin s'ya ng paglakarin ng malayo at matagal dahil sa ilang foreigner na guest ng hotel na nag papakita ng paghanga sa kanya. Kaya pikon na pikon si dennis dahil abala daw masyado ang ganda n'ya kaya after 3 months daw at kapag umalis na s'ya hindi na daw ito kukuha ng babaeng maganda dahil hassle lang daw. Pag tyatyagaan na lang daw s'ya nito dahil kaya pa daw nitong tiisin ang attitude n'ya. Ang hindi daw nito kaya ang ma terminate ang card ang bank account nito kaya mag pasalamat daw s'ya at matindi ang kapatid n'ya.
Tatapusin lang talaga n'ya ang OJT period n'ya after nun hindi na n'ya papansinin pa si Dennis. Mukhang legit naman na nabura na talaga ang alala nito. Hindi isang palabas lang na akala n'ya pero pinag-iingat pa rin s'ya ng grupo nito at maging alerto pa rin daw s'ya any moment. Natanggal lang daw ang microchip sa ulo ni Dennis pero yung naiwang program hindi masabi ng mga ito kung nanatili ba sa isip ni Dennis o nakasama sa mga naburang alala.
After na mag bihis ng normal na denim jean, sneakers at simpleng blouse nag handa na sa pag-alis si Aira. At inayos ng pag kakahanger ang bagong uniform na isusuot n'ya bukas. Hindi n'ya inuuwi sa bahay ang uniform dahil galit pa rin sa kanya ang Papa n'ya dahil sa pag pasok n'ya sa buhay nanaman ni Dennis. Wala na itong tiwala sa kanya at 'di n'ya masisi ang magulang n'ya, ilang araw na rin s'yang naka uwi sa bahay nila pero hindi pa n'ya nakikita ang sariling anak. Iniiwasan pa rin n'ya hanggat maari dahil kahit maliit pa ang anak n'ya nahihiya s'yang mag pakilalang Mommy nito.
Pag labas n'ya ng hotel sakto naman daan ng magarang kotse ni Dennis na huminto pa sa harapan n'ya akala n'ya pasasakayin s'ya nito dahil nag bukas ang bintana ang binata at automatic na bumaba ang bubong ng sasakyan nito sabay lingon sa kanya. Diablo lang talaga dahil napaka guwapo talaga ni Dennis.
"Wanna ride?' tanong pa nito pero tatangi na sana s'ya ng muli itong mag salita.
"Ahh! I forgot. Hindi pala ako nag sasakay ng virgin dito." ngisi ni Dennis sabay paharurot roon. Napailing na lang si Aira na na tumawid na. Hindi s'ya nag dala ng kotse dahil bukod sa wala pa s'yang sariling kotse, ayaw din n'yang humiram sa mga kapatid at parents n'ya. Sanay naman na rin s'yang mag commute, saglit lang s'yang nag intay sa waiting shed ng may dumaan na bus na agad n'yang pinara. Pag pasok pa lang n'ya ng loob ng bus medyo nagtaka pa s'ya dahil ilang pasaherong babae ang napansin s'yang umiiyak. Kaya iniikot n'ya ang paningin n'ya 4 na lalaki ang may kahina-hinalang hitsura.
Bago pa lang umaarangkada ang bus ng biglang tumayo ang 4 na lalaking kahina-hinala ang hitsura ang isa may hawak na mahabang kutsilyo. Habang ang tatlo ay puro maiiksing revolver ang hawak.
"Miss Maganda upo ka na dito." napahigpit ang kapit ni Aira sa railing na malapit sa pinto. Napatingin s'ya sa bus driver at sa cundoctor na medyo bata pa na naka-upo sa likuran ng driver na halatang mga namumutla dahil katabi ng conductor ang isang holdaper. Mabilis na gumana ang utak ni Aira at pinag aralan ang makipot na espasyo kung paano s'ya makakakilos ng maayos. Saka pa lang n'ya na pansin ang ilang pasahero sa likuran na mukhang mga sugatan na may isa pang parang wala ng buhay.
Nag simula s'yang humakbang papalapit sa upuan na inaalok ng mga ito sa kanya ng isa sa mga holdaper ang pumalo sa puwet n'ya na ikinatigil n'ya sa pag hakbang at masama ang tingin ang pinukol rito.
"Wow! Gusto ko to pare, maganda na palaban pa. I tatake home ko to." anusyo ng lalaking may hawak na mahabang kutsilyo.
"Putsa pare gusto ko rin tikman yan ang puti at makinis." wika ng isa pang lalaki ng muling paluin ng lalaki ang puwet n'ya agad ng umigkas ang kamay n'ya at malakas itong siniko sa mukha. Sa isang iglap putol ang kamay ng dalawang lalaking may hawak na baril na malakas na nag sisigaw ganun din ang mga pasaherong nagulat sa bilis ng pang yayari. Pag baling n'ya sa likod kung nasaan ang isang holdaper. Agad n'yang ibinato ang kutsilyong inagaw at sapol ito sa dibdib pero bago pa nito mabaril ang hostage nitong conductor pero biglang pumutok ang hawak nitong baril at tuma iyon sa driver na bumagsak ibabaw ng manibela nito kaya nag sigawan ng malakas ang mga pasahero ng gumewang ang bus at bumilis pa ang takbo. Mabilis n'yang tumakbo patungo sa driver seat at inalis ang bus driver na mukhang buhay pa at nawalan lang ng malay. Ngunit ilang mga kotse na ang inararo ng bus bago pa na pahinto ni Aira ang bus. Napahinga naman si Aira ng malalim ng marealize kung ano nanaman gulo ang ginawa n'ya. 4 na lalaki ang naka bulagta at hindi n'ya tiyak kung buhay ang mga ito.
"Wag kang mag-alala hija. Kami ang bahala sa'yo hindi ka namin pababayaan na makulong. Utang namin sa'yo ang buhay namin." wika ng isang matanda mula sa likuran n'ya. Isang radio ang narinig n'yang tumunog at isang boses ang narinig n'yang nag salita at sinasabing the hostage is taker is down. Ibig sabihin lang may pulis sa loob ng bus, lalo ng napasubsob si Aira at pinag sisihan kung bakit pa s'ya naki-alam sana nanahimik na lang sana s'ya.