Chapter 36 "JC! Dito tayo sa unahan." yakag ko sa kanya nung makasampa kami ng bus. Madaling araw ang napili kong oras para maaga ring makarating sa'min. Kinuha niya ang mga gamit naming dala at hihikab-hikab na inilagay sa taas ng bus na lagayan ng baggage. Pumuwesto ako sa tapat ng bintana at umupo naman siya sa tabi ko. Nagulat pa ko nung bigla siyang humilig sa balikat ko. "Huy! Inaantok ka pa ba?" alog ko sa balikat ko. "Hmm. Siyempre alas kwatro pa lang oh." aniya at parang batang mas nagsiksik sa'kin. "Sensya ka na. Mahihirapan tayong sumakay kapag tinanghali." "Okay lang. Patulog na lang muna ko sa balikat mo. Mamaya kapag ikaw inantok gawin mo rin akong unan." Napangiti ako. He's cute. Mayamaya pa lumarga na ang bus. Napansin kong malalim na ang paghinga nitong katab