Chapter 35 Nirvanna's POV "Nakaempake na ko. Ano oras alis natin bukas?" tila excited na tanong ni JC habang papalabas kami ng simbahan. Araw ng linggo at yun ang araw ng pagsisimba ko. As usual kasama ko siya. Para na tuloy kaming kambal tuko na hindi mapaghiwalay. Kung minsan naiisip ko parang hindi ko na maimagine ang sarili ko na wala siya sa paligid ko. "Excited ah?" natatawang komento ko. "Siyempre. O ano sa'n na tayo? Kain o gala?" Napangiti ako. "Grocery." "Mamimili ka?" "Oo. Para may pasalubong na rin ako kahit papaano. Sasamahan mo ba ko?" "Siyempre. Mamimili na rin ako." "Okay. Tara." yakag ko at pumara na ng jeep. Nauna siyang sumakay saka niya ko hinawakan sa kamay para alalayang sumakay at maupo sa tabi niya. Imbes na mailang mas kumportable ako sa hawak ni