Chapter 30 "Hoy tulala ka!" siko sa'kin ni Mitch habang nasa harap ako ng kaha. "Hindi naman." tanggi ko. "Asus. Tanggi ka pa. May gumugulo sa utak mo 'no?" Napabuga ako ng hangin. "Mitch naranasan mo na bang humanga sa iba maliban sa boyfriend mo?" naitanong ko. "Crush? You mean? Wala namang masama dun eh. May mga pagkakataon lang talaga na may mga taong kahanga-hanga at hindi mo mapipigilan yung sarili mo na gustuhin sila. Basta ang importante alam mo kung sino ang mahal mo." Napatango ako. "Bakit? May nagugustuhan ka na bang iba?" tanong pa niya. "E-Ewan ko. Basta ang alam ko sumasaya ko kapag kasama ko siya. Kahit kakikilala pa lang namin palagay na yung loob ko sa kanya. Alam mo yun? Pero hindi naman pwede." "Eh siguro nga ganun na yung nararamdaman mo? Teka kamusta na ng