Chapter 29 Kasalukuyan akong nakatanaw sa mga bituin mula sa second floor at sampayan ng boarding house habang nagmumuni-muni. "Nirvanna..." Napalingon ako ng marinig ang boses ni JC?! "Huy bakit ka nandito? Gabi na bawal ang lalake. Pagagalitan ako." paalala ko. Ngumiti lang siya at humakbang. "Okay lang kahit magalit sa'kin yung landlady basta wag lang ikaw." matiim ang titig na sagot niya. "P-Paano ka ba nakapasok?" naitanong ko na lang. Kapag ganito kasing oras inilolock na yung gate. Tutal naman may sari-sarili kaming susi. "Kung gusto may paraan..." "P-Puro ka kalokohan. May kailangan ka ba?" naiiling na sabi ko at lumapit sa may sampayan para sipatin ang mga nilabhan ko kahit alam kong basa pa ang mga iyon. Naiilang kasi ako sa titig niya. "Ikaw..." "H-Ha?!" Napangiti