Chapter 17 Nirvanna's POV "O teka dito na lang ako." sabi ko kay JC nung nasa entrance na kami ng subdivision. "Ipapasok ko na para alam ko kung saan ka eksakto nakatira." giit niya at pinaarangkada na ulit ang motor papasok. Pinapasok naman siya ni manong guard ng mamukhaan ako. Kulit talaga nito. Nang malapit na kami sa isang up and down na boarding house pinahinto ko na siya. "Salamat." sabi ko nung makababa. "Ilan kayo diyan?" tanong niya at pinagmasdan ang boarding house. "Anim. Bakit?" "Wala naman. Eh bakit parang ang daming tambay na lalake dito sa tapat? Safe ka ba rito? Tapos 'tong poste patay sindi pa?" puna niya. Magkakatapatan lang kasi ang mga bahay dito. Siguro mga limang hakbang lang at iyon na rin ang nagsisilbing daanan ng mga sasakyan. Kumbaga hindi ganun k