Chapter 16 After ko ng duty nagulat ako ng makita si JC sa tabi ng coffee shop habang nakasakay sa isang nakaparadang motor. Nakaheadset pa siya kaya ang cool tingnan. Ngumiti siya sa'kin nang mapansin ako saka niya tinanggal ang headset niya. Ramdam na ramdam ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa ngiti niya. Napangiti rin ako at wala sa loob na lumapit sa kanya. "Uwi ka na?" tila malambing pa niyang tanong. "Oo. Ikaw?" "Hatid kita. Saan ka ba?" "H-Ha ‘wag na! Asan na girlfriend mo? Saka bakit nandito ka pa?" hindi mapigilang tanong ko. "Naihatid ko na. Medyo busy yun eh. May dinaanan rin ako diyan sa malapit kaya naisip ko hintayin na lang talaga kita. Pa'no tara na?" Hinintay niya talaga ako? "H-Hindi ba magagalit yun?" sa halip ay nag-aalalang tanong ko. Ewa