Chapter 42 James Carlo's POV "JC gusto ko...ituloy natin." ani Nirvanna saka niya ko hinalikan. Pakiramdam ko para akong sinilihan! Ramdam kong buhay na buhay ang dugo ko... Kung kanina ramdam kong nag-aalinlangan pa siya, ngayon mukhang hindi na. Parang gusto ko ng mapangiti ng tila umalingawngaw sa utak ko ang kasabihang masamang bitinin ang virgin... Iginalaw ko na ang kamay ko pahaplos sa malambot niyang katawan na nasa ibabaw ko habang magkahinang pa rin ang mga labi namin. Dinig na dinig ko ang pagsinghap niya ng bahagya kong pisilin ang pang-upo niya at haplusin ang makikinis niyang mga hita. Pumihit ako at binaligtad na ang pwesto namin. Muli kong kinalas ang mga butones ng blusa niya. May pagmamadali ko itong ginawa dahil baka magbago na naman ang isip niya. Nagdada