Mandy's POV Hindi ko akalain na sa pagmulat ko ng mga mata ay makikita ko ang napakalapit na mukha ni Sigfried sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at malakas na sumigaw pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako for the second time! Hindi ko alam kung ano ng gagawin kaya nanatili akong naestatwa sa hinihigaan ko habang ramdam ang malambot na labi niya. Hindi siya gumagalaw. Ramdam ko lang ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Amoy kape at toothpaste. No one was moving but I could hear the erratic heartbeats of our chests. Sa umpisa ay magkaiba ng ritmo, pero sa katagalan ng pakikinig ko ay tila naging isa ang kanilang pagtibok. Ilang beses kong sinubukang utusan ang katawan ko na itulak siya pero wala pa ring response. Para akong namatanda na hindi maintindihan. Ano