Chapter 7: Captured

2107 Words
Sigfried's POV "I-ikaw na naman?! Sinusundan mo ba ako?" asik ni Mandy sa akin. Imbes na sagutin ang tanong niya ay agad ko siyang tinulungan sa pagtayo. Sakto namang papalabas na ang ibang bodyguards at nilapitan kami. Naalarma ang mukha ni Mandy at akmang tatakbo upang lampasan kami, pero maagap ako at nahatak siya. Itinulak ko siya at napasandal siya sa isa sa mga bodyguards. "Ano bang problema mo?" sigaw niya ulit. "Bitiwan n'yo 'ko!" pagrereklamo niya. Nakahawak na kasi ang dalawang bodyguard sa braso niya para hindi na siya makawala. "Hindi ka aalis!" Lahat kami ay napalingon nang makita ang paglitaw ni Sir Migs mula sa likuran ng mga tauhan niya. "Hindi na ako makakapayag na mapariwara ka nang tuluyan. Mula sa araw na 'to, dito ka na titira sa mansyon. May inatasan ako rito na mga tao na magtuturo sa'yo ng pamumuhay na dapat na ginagalawan mo. Alam kong wala pa ako sa posisyon para gawin ang gusto ko pero hindi na ako makakapayag na mawala ka pa," maawtoridad na sabi niya. "Patawarin mo ako, anak. Pero kinausap ko na ang Tita Olga mo tungkol dito. Kaya wala kang ibang pagpipilian." Tumulo ang luha ni Mandy. "Bakit pati si Tita Olga dinadamay mo? Ano bang gusto mo?!" "Mahal kita kaya ko ito ginagawa, anak..." "Ayoko sa'yo! Kinasusuklaman kita! Ayoko sa'yo!" "Dalhin n'yo na siya sa kwarto niya," utos ni Sir Migs sa mga tauhan niya. "Hindi! Bitiwan n'yo 'ko! Ayoko rito! Ano ba?!" Nagpupumiglas si Mandy sa pagkakahawak ng mga lalaki sa braso niya pero mas malakas talaga sila. Nakalayo na si Mandy at nilapitan naman namin si Sir Migs. "Pasensya na kayo. Kailangan n'yo pang makita 'yon..." sambit niya. I sighed and tapped his shoulder. "Okay lang po, sir. Just like I said, LOVERS is here to help you." Napatingin sa akin ang matanda. "Are you sure you're going to do this?" "No worries po! Sigurado po akong mapapatino namin ang anak ninyo in no time!" singit naman ni Looney. Nagsitanguan naman ang ilan sa kanila. Napangiti ako sa mga kasamahan ko at tinanaw muli ang ngayo'y nakangiting si Sir Migs. "May tiwala ako sa inyo. Please take care of my Mandy..." "Yes, sir!" tugon naming lahat. **** Isang nahihimbing na Mandy ang natagpuan namin sa kwarto na pinuntahan namin. Matapos kasi siyang kunin ay ni-lock siya sa loob ng kwarto na ito para hindi na makatakas pa. Mugto ang mata niya habang nahihimbing sa pagtulog. I admit, she has an angelic face. She can be fierce but her face is bright and lively. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang mapatigil saglit. Nage-enjoy kasi akong pagmasdan ang mga pilik-mata niyang mahahaba. May singkit siyang mata at mapupulang labi. Kahit hindi siya mag-make-up ay maganda pa rin siya. Right now, I could see her feminine side. "Wow! Mukhang mage-enjoy ako nito, ah," bulong ni Ruru habang nakatanaw kay Mandy. "You know, ngayon ko lang sasabihin 'to, pero ang cute niya pala," nakangiting sabi naman ni Virgil. "I can't wait to see her feminine side. Nakaka-challenge pala ang mission natin..." komento naman ni Edwin. "Naku! 'Di ba sabi mo maganda boses niya? E 'di may radyo na tayo nito araw-araw?" sambit naman ni Looney. "Grabe ka, Looney!" saway naman ni Onding. "Hmm... Pwede kaya siyang model sa FHM? I wanna see if she's smokin' sexy!" Binatukan ko naman siya. "Puro kayo kalokohan! Magluto na nga lang tayo sa ibaba para naman paggising ni Mandy, may nakahanda na. Hayaan n'yo na 'yan," sabi ko. **** Habang nagluluto sila Looney, Boom-Boom at Onding, naglilinis naman ang iba pa sa kusina at hinahanda ang hapag-kainan. Ako naman ay abala sa pagtitimpla ng juice at panonood ng TV. Nakita ko na nasa headline na naman ang papa ko. I sighed. Kinakabahan ako sa resulta ng hearing. Sana maipanalo ni Sir Migs ang kaso. "Oh, 'di ba paps mo 'yan, Sig? Ano na raw status?" tanong ni Edwin. "Nah. He's doing fine. Sir Migs assured me he'll win the case." "Hindi mo pa ba siya nabibisita?" Doon ako napatigil sa tanong niya. Bigla akong napatigil sa pagtitimpla at kaagad nilihis ang paningin sa kawalan. Ang totoo niyan, nagagalit ako sa papa ko. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit nasangkot siya sa gulo na ito. Bukod sa kahihiyan, nalulungkot ngayon si mama dahil sa nangyari. **** Agad akong tumulak sa City Jail at binisita si papa. Nagpaalam ako saglit sa mga kasamahan ko na bibisita muna. Nakaupo ako sa isang bench habang may mahabang mesa na kulay dilaw naman ang nasa tapat ko. Bumukas ang rehas na gate at iniluwa niyon ang isang gwardiya at si papa. Nakaposas siya at nakasuot ng kulay orange na damit na para sa mga preso. Bigla akong nahabag dahil sa kalagayan niya. He lossed a weight, I could tell since he became thinner and worn out. Despite that fact, he managed to smile at me. Nakikita ko ang kagalakan sa mga mata niyang napapagod. "Anak, bakit ka napabisita?" tanong niya pagkakuwang nakaupo na siya sa katapat na upuan. I laughed and gave him a packed lunch. Humingi ako ng pabor kay Boom-Boom na lutuan si papa ng paborito nitong sinigang kaya nagdala ako ng lunch box na may kanin at sinigang na baboy. "Niluto ni Boom-Boom 'to, ano? Ang bait talaga ng anak kong 'yun!" masiglang sabi niya. Lahat kasi ng kasamahan ko sa LOVERS ay itinuturing na anak ni papa. Ang pinaka-close niya roon ay si Boom-Boom. "Nami-miss ka na nila. Kaya ipinagluto ka nila." He laughed and started to eat. "Ang sarap nito, anak! Bigyan mo rin ang mama mo, ha? Pakisabi na rin na okay lang ako rito. 'Wag na kamo siyang umiyak..." Suddenly, my heart sunk at his words. Nagpapanggap na lang si papa na maayos kahit alam kong nahihirapan na siya. Pinigilan kong lumuha sa harap niya at agad na nag-iwas ng tingin. "Ayaw mo bang magpagupit? Humahaba na ang buhok mo, 'Pa," sabi ko pagkaraan ng ilang saglit. Napapansin ko kasing humahaba na ang buhok niya. Siguro ay naiinitan ito sa selda kung saan siya inilagay kasama ang ibang preso. Nang lingunin ko siya ay napakunot-noo ako nang may makitang pasa sa may braso niya. "Pa, sa'n galing 'to?" tanong ko nang hawakan at iangat ang braso niyang may pasa. Bigla ay iniwas niya ang braso na iyon at tinakpan. "W-wala ito, anak. Nahulog lang ako sa deck kanina. Wala kasing hagdan doon. Nagkamali ako ng pagbaba, kaya nagkaganito..." Napabuga ako ng marahas na hangin at tiningnan siya. "Pa, makakalabas ka rin dito. 'Wag kang mag-alala..." sambit ko habang tinatapik ang balikat niya. Hindi na ako nagtagal doon at agad na nagpaalam sa kanya. Pumunta naman ako sa isang mall at inabala ang sarili sa pagbili ng ibang gamit na pwede kong ibigay sa grupo since isang buwan kaming magtatagal doon. Marami-rami akong pinamili habang tulak-tulak ang cart. Nasa may toothpaste section ako at kukunin na sana ang toothpaste brand na kailangan ko nang may isang kamay na nakasabay ko sa pagkuha. Nahawakan ko ang kamay niya at awtomatikong napalingon sa nagmamay-ari niyon. Ang gulat na ekspresyon niya ang nabungaran ko na agad napalitan ng ngiti. "I can't believe this! Den?" Hyacinth asked. Masyado nang malaki ang ipinagbago ng hitsura niya. The last time I saw her, maitim pa ang buhok niya, ngayon ay nagpakulay na siya ng blonde. Mas lalo siyang gumanda at sumigla. She's my ex. Hyacinth wore a simple white blouse and jeans. Naka-flats at nakasuot ng cap at shades para hindi agaw pansin sa mga tao. Isa kasi siyang artista. "Hey... Hyacinth? Halos 'di na kita makilala. You look beautiful." She laughed at my compliment. Nakahawak siya ng basket na may mga laman na rin na grocery items. "Bolero ka pa rin talaga," she commented. "So, how are you? I haven't seen you like ages! Where have you been?" "Busy sa charity works and some shows. Ikaw? Nasa Asernon ka pa rin ba?" Tinutukoy ko ang entertainment management na kabilang ang LOVERS noon at ni Alisson. Isa kasi kami sa talents nila. Pero dahil sa isang malaking issue ay napagdesisyunan naming umalis doon. Iyon din ang dahilan kung bakit naghiwalay na kami ng landas ng ex ko. "Yeah. Medyo lie low lang muna ako. No tapings," she answered. "Ikaw? Are you busy today? How about a coffee muna?" **** Nasa loob kami ng isang sikat na coffee shop. Um-order si Hyacinth ng dalawang frappe at garlic bread. Maganda ang ambiance. Kitang-kita ko mula sa loob ng store ang abalang kalsada. Pasado alas kwatro na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik sa mansyon. Nag-chat na ako kay Ruru at tinanong kung nagising na si Mandy pero natutulog pa rin ito. Siguro ay pagod na pagod ito dahil sa mga nalaman. "So, kailan kayo babalik sa pag-aartista ng LOVERS? I know you have plans. Marami nang nag-aabang ng comeback n'yo," Hyacinth spoke. "I don't know. Wala pa kaming napag-uusapan na ganyan sa grupo. We're busy on charity works kasi. Maybe after this, makabalik kami. Pero pag-uusapan pa namin," sagot ko naman. "I heard you made a welfare concert no'ng nakaraan. For free?" hindi makapaniwala ang hitsura niya. Hindi kasi sanay si Hyacinth na binibigay namin ang service ng LOVERS for free. Since wala pang entertainment management ang humahawak sa grupo, inabala muna namin ang mga sarili sa pagbibigay ng kawang-gawa. "Naging panata na kasi..." She sighed. "I missed the old you..." she whispered sexily. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yun. Ang akala ko kasi okay na kami noong maghiwalay. It was a mutual decision we had to make. Nawawalan na rin kasi kami ng oras para sa isa't isa at nili-link pa siya sa ibang actor kaya I have to give her some space she needed. Looking back at it, wala naman akong sama ng loob sa management namin o kay Hyacinth. I was not really that serious and I know I have to be a sport. Being with Hyacinth makes me an aim for media issues. I got tired of it. Lahat na lang naging publicity, even our kisses. Hindi ko rin alam kung seryoso ba si Hyacinth sa akin o hindi dahil hindi ko pa siya kailanman naitanong tungkol sa bagay na ganyan. Marahil ay may espesyal na lugar siya sa puso ko, pero hindi ko alam kung gaano kalalim iyon. I was used to go with the flow and never bothered to fall in love at all. "Hindi ko pa 'to nasasabi sa'yo, but I really do miss you..." dagdag pa niya. Doon na ako napatitig sa kanya. Ilang saglit pa ay napangiti ako. "Me too. But things are different now..." She grimaced and sipped at her frappe. "Sana may kasunod pa 'to, Den. I really missed you." I know what she meant. I just gave her a simple nod. "May susundo sa akin dito. May kailangan kasi kaming asikasuhin ng grupo. See you around!" paalam ko saka tumayo at dinala ang mga pinamili ko. Walang lingon-likod na umalis ako sa harap ni Hyacinth na wala ring sinabi man lang. I know she was disappointed. Siguro nga ay umiiwas lang ako sa kanya. Ayokong maging paraan ng iba para sumikat sila. At that time I was with her, I felt so used. Sinundo ako ni Edwin gamit ang van at pagkalipas ng isang oras ay nakarating na kami sa mansyon. Tahimik ang paligid pero pagdating sa salas ay abala ang apat sa panonood ng basketball. Ibinigay ko sa kanila ang mga pinamili ko at nagpaalam na aakyat. Pupunta na sana ako sa room na pinagamit sa akin ni Sir Migs nang mahagip ng mata ko ang kwarto ni Mandy. Saglit na nagtalo ang isipan ko bago pumasok sa loob. Nakita ko na nakaayos na ng paghiga si Mandy. Nakakumot at nakalugay na ang buhok. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Bahagya akong napangiti. Ano kaya ang mararanasan naming anim kasama ang babaeng 'to? Magiging mahirap kaya ang misyon namin? Maya-maya, hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa mukha niya. Huli na para umatras pa dahil biglang nagmulat ang mga mata niya at nagulat sa akin. The next thing I knew, Mandy shouted at the top of her lungs. Sa sobrang kawalan ng maisip na gagawin ay pati ako ay nabigla rin sa aking ginawa. I kissed her to stop her from shouting. This part might be understandable but the part that I didn't want to accept is the very thing I'm currently doing. I closed my eyes and heard very loud heartbeats from my chest. -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD