Sigfried's POV "Oh, ano nang plano, mga bro?" tanong ni Boom-boom matapos umakyat ni Mandy sa hagdan. Matapos no'n ay agad kaming tumulak sa library na katabi lang ng music room. Doon ay nagsimula kaming magtipon-tipon para mag-meeting. Idagdag pa na wala kaming ibang kasama rito kundi si Mandy lang. Lahat ng empleyado ni Sir Migs ay pinag-day-off niya. Ang mga hardinero naman ay on-call lang kung tawagin para ma-maintain ang garden. Si Sir Migs naman ay mas piniling maging abala sa kanyang kompanya at tumuloy sa isa pa niyang bahay sa Manila. "Grabe ang babae na 'yon, ah! Dragona masyado," komento naman ni Ruru na tila natatakot pa rin. "Malungkot siya. Pansin n'yo ba?" tanong naman ni Lawrence. "How could you say?" metikulosong tanong naman ni Edwin. Nagkibit-balikat si Lawrence. "W