Sigfried's POV
"Onding! Sa'n ka na ba? Kanina pa 'ko nakatayo rito sa labas ng apartment mo. Hindi ko na matatago nang ganito katagal ang identity ko. Dumarami na ang tao rito sa labas!" sigaw ko sa kabilang linya. Katawag ko ngayon si Orlando habang nag-aabang sa harap ng apartment niya.
Matapos kasi ang ilang araw, ngayon lang kami ulit nagkasundo ng grupo sa gagawin namin. Nagkatampuhan kasi magmula nang malaman nilang nagdesisyon ako nang mag-isa. Somehow, I was ashamed of what I did but I had no other choice.
Itong misyon namin ay ang pinakamahirap sa lahat ng nagawa namin bilang isang grupo. Ang turuan kung paano maging isang dalagang Filipina ang isang babaeng nagbibihis lalaki.
Nakasuot akong ng black bonnet at naka-black shades. Nakasuot ako ng dark green na shirt at dark jeans. Panaka-naka akong sumisilip sa paligid dahil tila marami nang nakakapansin sa ikinikilos ko.
"Relax, bro. Bakit kasi ang aga-aga mo? 'Di ka rin naman excited, ano? Alam mo namang pakipot pa tong si Monica sa 'kin, di ba? Bakit hindi ka na lang muna pumunta sa condo ni Boom-boom? Tutal naman tambay pa 'yun, e," sabi ni Orlando mula sa kabilang linya.
"Alam mo namang ikaw ang pinakahuli kong tinatawagan kapag wala ang mga 'yun, 'di ba? Ano na? 'Wag mong sabihing magba-back out kayo sa kasunduan natin? Nakarating na ang anak ni Tito Migs sa mansyon. Tinawagan niya ako kanina para ipaalam na kailangan na nating gawin ang misyon natin ngayong araw na 'to."
He sighed. "Damn that, girl! Nasira na diskarte ko," he shouted. Nailayo ko tuloy sa tenga ko ang cellphone.
"Ha? Sinong tinutukoy mo? Si Monica o si Mandy?"
"Si Monica! Sige na, bro. On the way na 'ko d'yan. Sira na araw ko." Iyon lang nawala na ito sa kabilang linya.
Nagkibit-balikat na lang ako sa tinuran niya.
Bad tempered talaga si Orlando. Siya ang sporty type member ng LOVERS. Speaking of the LOVERS, kami ang pinakasikat na group sa Pilipinas. Hindi lang kami basta boy band group, isa talaga itong group of friends na tumutulong sa mga kapwa kabataan. Sumikat lang ang grupo na 'to dahil sa pagkakawang-gawa at dahil na rin sa kanya-kanya naming karisma.
Nasubukan na rin naming mag-artista, sumayaw sa harap ng maraming tao, bumuo ng banda at kung anu-ano pa. Pero lahat ng kinikita namin ay ibinibigay namin sa mga bahay-ampunan sa iba't ibang parte ng bansa.
Maraming nag-iisip na mga anak-mayaman kami o anak kami ng politicians pero simpleng tao lang kami katulad ng iba. 'Yung sakto lang.
Nanggaling ako sa pamilya ng OFWs. Ako lang ang hindi sumunod sa mga yapak nila. Though, makailang beses na rin akong inaalukan na mag-abroad, tumatanggi pa rin ako dahil mas gusto ko ang trabaho ko bilang miyembro ng LOVERS. Ako ang 6th member nila.
Ako kasi ang tumatayong lead at spokesperson ng grupo. Ang pinakamahirap sa trabaho ko ay ang pagtakas sa mga mata ng media. Palagi kasi kaming sinusundan at pinag-uusapan. Nakakasawa na rin kung minsan. Daig pa namin ang mga totoong artista sa TV. Common celebrity kami pero dahil sa marami naming videos sa vlogging sites, marami kaming fans na mas gustong gawin kaming public figure na ihahanay sa mga artista.
Ang unang member ay si Lawrence Mauricio. Siya ang Tatay namin sa grupo. Siya rin ang best 'best-friend' ko. Siya ang founder ng LOVERS. Mahilig siya sa mga bata. Palibhasa lumaking walang kapatid, ang ampunan ang naging takbuhan niya kapag gusto niya ng kalaro noong bata pa siya. Hanggang sa maisipan niyang itatag ang grupo namin.
Ang pangalawang member ay si Orlando James Fernando. Isa siyang swimmer. Siya rin ang bunso namin sa grupo. Hindi ko na rin itatanggi, siya ang pinakababaero sa aming lahat. Daig pa niya siguro lahat ng sasali sa paramihan ng syota kung may gano'ng contest.
Pangatlo naman ay si Virgil John Fernando. Siya ang kuya ni Onding (Orlando). Siya ang Chef ng grupo, ang total opposite ni Onding. Kung si Onding ay babaero, si Boom-Boom naman ay masyadong pihikan. Ang gusto kasi niya sa isang babae ay ang napapasunod siya hindi 'yung siya ang nagpapasunod. She likes women in command. Marami nang sumubok sa puso niya, ang kaso ay 'di rin namin maintindihan kung bakit wala pang nakakapagtumpag sa pagiging dominante niya. Lahat kasi nagiging under sa kanya.
Pang-apat naman sa grupo ay si Edwin Jill Alcantara. Siya ang anak-mayaman sa aming anim. Banidoso at masyadong reckless. Siya lang ang may pinaka-dark side sa grupo namin. Mapang-asar kasi siya at prangka. Nagtataka ang karamihan sa LOVERS fandom kung bakit nasali sa grupo siya sa grupo namin. Siya kasi ang entertainer ng mga bata. Siya ang tinaguriang 'clown' ng grupo.
Panglima sa grupo ay si Rodney Nicholas Panganiban. Siya ang binansagang ng fandom na 'Prince Ruru'. Lahat ng mga babae ay baliw sa kanya. Ang hilig kasi niyang bumanat ng nakakalokong linya. Very sweet din at talagang prinsipe sa mga mata ng kababaihan. Pero hindi lang ang mukha niya ang kailangan namin kundi ang knowledge at time niya para sa mga bata. Siya kasi ang nagtuturo nang madalas sa kanila kaya mas hinahanap-hanap siya ng mga ito. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang nakakatanggal sa kanya sa pagiging top 1 sa Freithertz University at sa ibang schools na pinasukan niya since kindergarten. Kahit nga ngayong Civil Engineering ang kinukuha niya, lahat nai-intimidate sa katalinuhan niya. Pati kami sa loob ng grupo ay natatameme sa kanya pagdating sa school matters.
Ch-in-at ko silang lima at ibinigay ang address kung saan kami magpapangita. Pinili ko ang lugar na mas malapit sa address na ibinigay ng taong pupuntahan namin ngayon. Ang lugar ay tahimik at hindi tinatao.
Papalapit na nga ang lima patungo sa 'kin. Napanganga ako nang makita kung ano ang kanilang isinuot. Mukha silang sasabak sa giyera. Naka-camouflage pa ang mga ugok.
"Ano na? Tara na! Kanina pa ko ready!" sigaw ni Ruru.
"Anong tinira n'yo? Saang probinsya kayo sasabak ng giyera? Pupunta lang tayo sa Gatchalian Mansion, hindi sa safari zone!" nakasimangot sabi ko.
"'Di ba gyera ipinunta natin dito? Akala ko ba 'di basta-basta ang paaamuhin natin?" tanong ni Boom-Boom.
Napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay ko. "Balak n'yo bang ipahiya ang grupo natin sa harap ni Sir Migs? Ang taas-taas ng tingin no'n sa 'tin tapos ganyan lang suot n'yo? Magpalit nga kayo!"
Napakamot na lang ako ng ulo at nauna nang naglakad patungo sa van ni Win-win habang nakasunod naman ang lima sa likuran.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang maalala ang dahilan kung bakit kami napasubo sa ganitong trabaho...
Katatapos ko lang tawagan noon ang papa ko na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya. Pinadampot kasi siya ng isang Chinese National businessman sa salang pagnanakaw. Halos sumakit na ang ulo ko sa ibinalita ni mama noon na binisita si papa sa kulungan.
Nagkaroon ng preliminary hearing at binigyan naman siya ng libreng abogado galing sa PAO pero hindi naman siya tinutulungan.
Iginigiit ni papa na hindi siya nagnakaw at planted ang lahat ng ebidensya laban sa kanya. Kilala ko naman ang papa ko, pero mahirap kalabanin ang mayayaman sa panahon na 'to. Kaya nilang baliktarin ang lahat gamit ang kapangyarihan at pera.
Napabuntonghininga ako habang nakatanaw sa abalang grupo ko na nakikipaglaro sa mga bata sa bahay-ampunan ng Angel of Light.
Napansin ko na may tumikhim mula sa gilid ko at nakita ang pigura ni Sir Migs, isa sa malaking donor ng Angel of Light. Isa siyang businessman na nagmamay-ari ng malaking corporasyon ng alcoholic drinks at iba pang liquor products. Palagi siyang bumibisita sa ampunan na ito simula nang maitayo namin ang grupo.
May hinahanap kasi siyang tao na dati nang nakatira rito. At dahil hindi na niya matagpuan ang hinahanap ay inabala na lang niya ang sarili sa pagbibigay ng tulong sa mga bata.
Napalingon siya sa akin at binati ako ng isang ngiti. I can see his laugh lines across his forehead and eyes. May kaunti na ring puting buhok na nasa kanyang uluhan. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"
I laughed wryly and shook my head. "Just a bad day. It'll subside..."
"Narinig ko ang usapan ninyo ng papa mo kanina. Maybe I can help."
Doon ay napaharap ako nang tuluyan sa kanya nang nakakunot ang noo. "Oh, it's okay. Okay naman siya."
"Sorry for eavesdropping. Pero narinig ko na. Gusto ko kasi sanang tumulong. You know that I'm a lawyer. I've defended quite a number of cases for 30 years. I'll give my service for free. Tutal, magkaibigan na naman tayo," he offered.
Napanganga ako. Ilang sandali pa akong napipi at hindi makahuma sa sasabihin. "S-sir... I think it's too much--"
"'Wag mong isipin 'yan. I'm your friend. Hindi ako tumatalikod sa isang kaibigan. Mark my words. I wanna meet your father," he insisted.
I smiled a bit with my amused eyes. "T-talaga po, sir? You're not joking right now, are you?"
"I'm serious. I can do that for you. Natutuwa kasi ako sa'yo. Kaedad mo lang kasi ang anak ko na hinahanap ko. This way, I could make an effort as if I'm doing this for my daughter." He grimaced while looking from afar.
"Sir, hindi po ako mahilig tumanggap ng libreng tulong. If there's any help that I could give you, tell me. My group is ready to help you. Hindi ka na iba sa amin. Malaki ang naitutulong mo sa mga outreach program namin dito kasama si Sister Ricca. I wanna pay back for your kind offer." Hindi ako papayag na tulungan niya ako nang hindi ko rin siya matutulungan. I know it's going to be tough, but I'm willing to help this man if in any way he can help my father get out of that miserable place.
I saw Sir Migs sighed and smiled bitterly. "Actually, kailangan ko talaga ng tulong mo. Would you do anything for me?"
"Yes, sir! Of course, I would."
"You need to teach someone a lesson. Literally, a personal development lesson. Would you do that for me?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "I don't understand. Sino pong tuturuan namin?"
"You need to teach my daughter how to be a woman. Can you do that?"
That's the only thing me and my group should do, ang gawing prinsesa ang nag-iisang anak ni Mr. Miguel Gatchalian. Si Mandy de Jesus.
****
Nakababa na kami mula sa van at naglakad papalapit sa napakagandang mansyon ni Sir Migs. Ang lugar ay located sa Cavite.
Maganda ang landscape ng mansyon at pinaangat ito sa usual na lupa sa paligid. Magaganda ang halaman na nabungaran namin. May garden din kaming nakita at napupuno ng iba't ibang uri ng bulaklak. Natural na mabango ang paligid at maaliwalas.
Nakita namin ang abalang mga hardinero't hardinera na naka uniporme habang naglilinis, naggugupit ng mahahabang tangkay at damo at nagdidilig ng halaman. Napansin nila ang pagdating namin at agad kaming binati nang may sigla. Mukhang inaasahan na talaga kaming darating.
Ako ang nauuna sa paglalakad at nasa likuran ko naman ang lima. Nang papasok na sana ako sa isang malaking arko ay bigla akong napatigil at napapikit nang may isang bagay na bumangga sa akin at nabuwal sa lapag.
Napatanga ako nang maabutan si Mandy na nakabuwal sa sahig. Nakita kong napangiwi siya dahil sa sakit na naramdaman niya sa pagkakabunggo sa akin.
Bahagya akong napangiti nang mapansing lalong pumuti ang kutis niya lalo't kulay dilaw ang suot niyang blouse. Mas hapit ito kaysa noong sinuot niya sa Turtle's. Wala rin siyang bahid ng kahit na anong make-up o pulbo man lang. Mas lalo siyang gumanda dahil doon.
Biglang sumikdo ang dibdib ko. She's cute at all angles today. Ang sarap niyang i-frame at i-decorate sa kwarto ko.
I wanted to punch my face for thinking such things. I have to focus on my mission.
Hindi lang kasi ang pagtuturo sa kanya bilang isang babae ang kailangan kong gawin. I have a top secret mission from Sir Migs.
Mandy de Jesus must fall in love with me.
"Hey, are you okay?" I asked while offering my hand.
Napatingin naman sa akin si Mandy at nanlaki ang mga mata habang itinuturo ako. "I-ikaw na naman?!"
-to-be-continued-