Chapter 4: A Gorgeous Invader

2016 Words
Mandy's POV 10 years ago... Nakasimangot akong nakatanaw sa isang malaking bahay kasama ang isang babae na nakapalda. Hawak niya ako sa maliit at payat kong kamay at nakangiting itinuro ang bahay sa harapan namin. Nakatingala lang ako sa kanya dahil mas matangkad siya sa akin. 8 years old lang ako at mapayat. Nakapusod lang ang buhok at nangingintab sa pawis ang noo ko. Nakasuot ako ng pink na damit na binigay sa akin ng babaeng kasama ko. Siya si Tita Olga, ang babaeng umampon sa akin. "Simula ngayon, dito ka na titira. Okay lang ba sa'yo 'yon?" magiliw niyang balita sa akin. Wala akong ibang itinugon kundi tango lang. Tila tumakas na nang tuluyan ang damdamin ko. Pakiramdam ko ay patay na ako. Nang makapasok kami sa bahay, napansin ko agad kung gaano kagarbo ang mga kagamitan sa loob. Mayaman ang pamilya ng umampon sa akin, hindi ko akalain. Napakalawak ng sala. Mas malawak pa ito kaysa sa hardin sa bahay-ampunan. May isang matandang babae ang sumalubong sa amin. Nakasuot siya ng mamahaling damit na kulay purple. Marami siyang alahas na suot at nakasuot pa ng sandals. Nakangiti siyang sumalubong habang nakatingin sa akin nang mataman. "Ito na ba siya, Olga? Napakagandang bata!" aniya. Napatawa si Tita Olga. "Oo nga. Ang bait niya pa. Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa kanya rito." "Naayos mo na ba ang adoption papers niya? Dapat inasikaso mo na para mapag-aral mo ang bata. Aba'y hindi siya pwedeng hindi makapag-aral." "'Wag mo nang alalahanin 'yun, mama! Maayos na ang lahat," she assured the old woman while smiling. Napatingin naman siya sa akin at hinaplos ang ulo ko. "'Wag kang mag-alala, ha? Dito, magiging masaya ka." Napasimangot ako. "Hindi ko kasama si Fritzy, Tita." Tinutukoy ko ang kaibigang nakilala ko sa ampunan. Napatawa naman siya at binuhat ako. "Ako na lang kalaro mo!" Bahagya akong napatawa sa ginawa niya pero kalaunan ding napalis nang maalalang umiiyak si Fritzy nang iwan ko siya roon. Matapos akong ipakilala ni Tita Olga sa mga kasamahan niya sa bahay ay hinatid na niya ako sa magiging kwarto ko. Nang iwan nila ako ay nagsimula nang mag-unahan ang mga luha ko sa mga mata. Napakuyom ako ng kamao at malakas na humikbi. Hindi ko akalain na magiging ganito ang kapalaran ko. Masakit na nawasak ang masaya kong buhay nang dahil sa pag-iwan sa akin ng mama ko. Iniwan niya na lang ako bigla nang wala man lang pasabi noon. Niloko niya lang ako dati na hintayin siya sa may tapat ng mall dahil bibilhan niya ako ng cotton candy. Hinintay ko siya hanggang sa gumabi na. Marami nang nakapansin ng pag-iyak ko at nilapitan ako. May isang pulis na babae ang nagmagandang loob na dalhin ako sa bahay-ampunan. Sa Angel of Light. Ilang taon ko siyang hinintay pero hindi niya ako binalikan. Tatlong taon akong naghintay pero hindi niya pa rin ako binalikan. Umasa ako na maaalala rin ako ni mama. Susunduin niya rin ako ulit sa harap ng mall. Pero maski ako ay hindi na kailanman nakabalik sa mall na 'yon. Hanggang sa nagtanim ako ng galit. Inipon ko ang lahat ng sama ng loob ko para sa kanya at naging masungit sa loob ng bahay-ampunan. Pero nakilala ko si Fritzy. Dahil sa kanya ay nakakalimutan ko ang galit ko kay mama. Pero nang dahil sa inampon ako ay nagkalayo kami. Nanunumbalik muli ang lungkot at galit sa puso ko na akala ko ay nakalimutan ko na. Narinig ko ang paghangos ni Tita Olga papasok sa aking kwarto at agad akong niyakap. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, Angelina?" Nanginginig na napatingala ako kay Tita Olga at tiningnan siya sa mga mata. "Pwede po bang palitan natin pangalan ko? Ayokong gamitin ang pangalan ko. Please po, palitan natin!" hikbi ko. Nakita ko naman ang pagbuntonghininga niya at hinaplos ang bunbunan ko. "Sige. Simula ngayon, Mandy na ang itatawag ko sa'yo. Ako si Olga de Jesus. Ikaw naman si Mandy de Jesus. Gusto mo ba 'yun?" Mapakla akong napangiti at mabilis na tumango. "Kahit ano po. 'Wag lang Maria Angelina. Salamat po." Agad kong niyakap si Tita Olga pagkatapos niyon. Gagawin ko ang lahat, mawala lang sa buhay ko ang anumang bakas ni mama sa buhay ko... Natapos ang gig namin sa Turtle's Shell Bar kasama ang Four O'clock Circus nang hindi man lang namamalayan ang paligid. Para akong robot na gumagalaw na lang nang kusa habang kumakanta. Halos hindi na ako makausap nang maayos nila Terrence pero hinayaan na lang nila ako. Pakiramdam ko kasi parang lalagnatin ako at walang ganang gumalaw. Naging maayos naman ang pagkanta ko, bahagya nga lang akong nakasimangot at hindi bumabati sa mga tao. Para akong radyo na walang pakialam sa pagbati sa mga nakikinig sa istasyon. Nakasuot ako ng puting blouse na pinatungan ko ng itim na crop top. Nakasuot naman ako ng blue jeans na lampas tuhod ang haba pati white sneakers. Dala ko ang back pack ko at matamlay na naglalakad pabalik sa apartment ko. Mag-iisang taon na ako sa apartment na 'yun. Sa lahat ng tinirhan kong apartment, ito na lang ang pinakamalapit sa Freithertz University at sa Turtle's. Ito lang din ang pinaka nagtagal sa akin na lugar. Mas peaceful dito at walang nakakainis na kapitbahay. Pero dahil hindi talaga ako mahilig mag-ayos ay alam kong bagyo ang hitsura niyon. Nasa bungad na ako ng gate ng apartment ko nang mapansin ang nakaharang na malaking truck doon. May mga lalaki na naghahakot ng furnitures na mukhang pamilyar sa akin. Naningkit ang mga mata ko. Sa tingin ko talaga ay alam ko kung kanino ang mga gamit na pinaghahakot ng mga lalaki na hindi ko kilala. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung kanino ang mga iyon. Ang mga furniture ko! "Hoy! Anong ginagawa n'yo sa mga gamit ko? Anong ibig sabihin nito! Ipapupulis ko kayo!" Pipigilan ko na sana ang mga lalaking kanina pa hakot nang hakot sa mga gamit ko nang biglang may lumitaw na isang lalaki palabas ng gate. Nakita ko ang mabagal na paglalakad niya. Nakasuot siya ng puting shirt at sweater. Nakasuot din siya ng dark jeans at puting sapatos. Bahagya pang nahawi ng hangin ang malambot at medyo may kahabaan niyang itim na buhok. Ang mga mata naman niya ay matamang nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan nang makilala kung sino siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang dumadagundong sa kaba ang dibdib ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Parang nakakaasiwa pero mukhang confident naman ang mga tingin niya. Nang mapadako ang mga mata ko sa kanyang labi ay bigla akong napalunok. Agad akong nag-iwas ng tingin at napadako ang mata ko sa truck. Maghunos-dili ka, Mandy! Hindi mo dapat iniisip ang ganyang bagay. Bahagya ko pang tinapunan ng tingin ang lalaki. Siya 'yung jologs na lalaki sa Welfare Concert ng LOVERS na hinatak ako sa stage, si Sigfried. Napanganga na lang ako dahil sa pagtataka. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? "A-anong ginagawa mo rito?" I asked, stammering. He smiled deviously and walked closer to me. Halos magdikit na ang mga katawan namin dahil sa paglapit niya. "Maniningil lang naman ako," aniya. Sinenyasan niya ang mga kargador na ipagpatuloy ang paghahakot na ginawa naman ng mga ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga kargador. "Hindi 'to pwede! Akin ang mga 'yan! Ano bang karapatan mo? Tigilan mo nga 'yan!" Mabilis akong nakalapit sa mga lalaki at isa-isang silang pinigilan ngunit hinatak naman ulit ni Sigfried ang braso ko. "Bitiwan mo nga ako!" asik ko sa kanya. Agad kong pinagpag ang kamay niya mula sa braso ko at dinuro siya. "Hoy! Bakit ba ayaw mo akong tantanan? Sino ka ba, ha? Kilala ba kita?" "Sino ako?" He laughed. Lalo siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso ko. "Ako lang naman si Sigfried Dennis Cruz. Ako ang bangungot mo. Hindi mo dapat kinakalaban ang isang tulad ko," mayabang niyang sambit. Nakangiti siya nang nakakaloko habang nakatingin sa mga mata ko. "Bangungot? Siguro nga, tama ka. Nakakabangungot talaga ang pagmumukha mo!" Mas lalong hinigpitan ni Sigfried ang pagkakahawak sa akin. "Dito ka lang. Wala kang ibang gagawin kundi ang dumito sa tabi ko at panoorin sila. Para na rin makabayad ka sa pagsapak mo sa mukha ko. Simple lang naman ang hinihiling ko, 'di ba?" He grinned. Napaawang ang bibig ko. Dahil lang sa pagsapak ko sa kanya, hindi niya ako tinatantanan? "Sige! Limasin mo lahat 'yan! At hinding-hindi na makikilala pagmumukha mo bukas!" pagbabanta ko pa. Akala naman ng kumag na 'to ay natatakot ako sa kanya. Wala akong dapat katakutan sa kanya! Imbes na matakot ay lalo pa siyang tumawa. 'Kaasar! "Oh, really? Kapag nangyari 'yun," he said while leaning closer to my face hanggang sa gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin sa ilong and said, "I swear ikukulong kita sa bahay kasama ko. I will do so many crazy things to you. Of course! Alam kong mage-enjoy ka naman. Pero hindi ko gagawing madali ang lahat para sa'yo." He breathed on my cheeks and spoke again. "Be honored that a Sigfried Dennis Cruz is ready to taste you..." Napalunok ako dahil sa sinabi niya hanggang sa wala na akong nagawa pa. Kapag gumalaw ako, kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Ayoko nang mangyari 'yon. Sa tuwing maaalala ko ang eksena sa Turtle's ay gusto kong pukpukin ang ulo ko sa sobrang inis. I just watched the men shove my furnitures out hanggang sa matapos sila. Bigla akong nanlumo. Parang halos lahat na yata ng gamit ko ay nailabas na mula sa apartment ko. Sa ganitong sitwasyon ay maagap ako at agad tumatawag ng pulis. Pero ngayong katabi ko si Sigfried, parang bigla na lang akong natutulala na hindi maintindihan. Hindi rin maalis sa isipan ko ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa labi ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko pero ang pinakamatindi sa lahat ay galit para sa kanya. Nang sa tingin ko'y nalimas na nilang lahat ang gamit ko, biglang humarap sa akin si Sigfried wearing his evil grin. And I was just killing him with my stabbing mean look. "Good night, Angelli. Sleep tight," he said, then winked at me. Umalis na rin sila sa wakas kasama ng mga lalaki sakay ang truck na pinaglagyan ng mga gamit ko. Si Sigfried naman ay sumakay sa kotse na dala niya. Dahan-dahan akong pumasok sa apartment ko at pinasadahan ng tingin ang walang kalaman-lamang kwarto ko. I sighed. Mamaya na lang siguro ako magrereklamo sa mga kapit-bahay na hindi man lang nakaramdam na pinagnanakawan na pala ang apartment ko. Mamaya na lang din siguro ako tatawag sa pulis. Pagod na pagod ako at gusto ko nang matulog. Humiga na lang ako sa sahig. Sapin ko ang natitirang carpet na iniwan nila at nakatulog nang mahimbing. Bumabalik muli ang lahat sa alaala ko... Ang ampunan. Si Sister Ricca. Si Anghelita. Si Fritzy. Tama. Naaalala ko na si Fritzy. Naaalala ko na lahat ng sinabi ko sa kanya... "Ang g-gwapo nila, noh?" tanong ko sa magiliw na bata na si Fritzy. "Oo nga! Lalo na si Orlando!" sagot naman niya. "Idol na idol ko sila! Palagi ko silang sinusubaybayan sa TV, e." "Naku! Kailan kaya natin sila makikita nang personal, Angie?" "Hay, ewan. Hanggang pangarap na lang siguro. Alam mo na... sa dinami-rami ng mga may crush sa kanila rito sa bahay-ampunan, imposibleng mapansin pa nila tayo." "E, sino ba crush mo sa kanila?" tanong niya. I smiled and giggled after. "Si Piggy Oink!" pag-amin ko habang inaalala ang pinakamatabang miyembro ng LOVERS... Nagising ako sa isang ingay na nanggaling sa labas ng kwarto ko. Pagmulat ko, sa malambot na kama na ako nakahiga. Inilibot ko ang paligid at napansin na nasa ibang lugar ako. Bigla akong naalarma at agad napabalikwas ng bangon. Halos tumakbo na ako sa loob ng malawak at magandang kwarto na 'to. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalala ang lugar na 'to. Paano ako napunta rito? Teka, na-kidnap ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD