Chapter 3: Pool of Raging Fans

2019 Words
Mandy's POV Halos hindi ko mapaniwalaan ang mga naaalala ko. Ang lalaking papalapit sa akin ngayon matapos ang isang kanta nila ay ang nag-iisang lalaki na nakanakaw ng unang halik ko. Agad siyang lumapit sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. Hinawakan niya akong muli sa kamay at akma itong dadalhin sa kanyang mga labi. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bago pa man magkaroon ng reaksyon sa magandang niyang mukha, pinadapo ko na kaagad ang kamao ko sa mukha niya. Nakita ko ang pagbuwal ni Sigfried sa stage. Halatang hindi niya napaghandaan ang nakaamba kong kamao kanina. Masama ko siyang tiningnan sabay bumaba sa stage at dire-diretsong naglakad palayo roon. Ramdam ko na nakasunod si Fritzy sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. Naiinis din ako sa kanya. Kung 'di dahil sa kanya, hindi ko sana makikita ang pagmumukha ng lalaking 'yon! Nasa labas na kami ng mall bago ko narinig si Fritzy na muling nagsalita. "Maria Ange--" "'Wag na 'wag mo akong matawag-tawag sa ganyang pangalan kung ayaw mong pati ikaw sapakin ko!" malakas na sigaw ko nang humarap ako sa kanya. Napipi naman siya. Maya-maya, nalukot na ang mukha niya at nagbabadya nang umiyak. "Uy...t-teka. 'Wag kang magkakamaling-- ang sabi ko lang naman kasi-- ayoko ng tinatawag akong..." "Best!" sigaw niya sabay sugod sa 'kin ng yakap. Napatulala ako dahil doon. Anong nangyari? "Ang ganda-ganda mo talaga, Best! Yieee! Kinikilig ako para sa'yo. Akalain mo 'yun, naka-holding hands mo ang isang Sigfried Dennis Cruz tapos hinaranahan ka pa niya! Grabe. Kung wala lang si Orlando Babes sa drumset, malamang hinatak na niya rin ako sa stage!" nakatiling sambit niya habang pinanggigigilan ako sa pagyakap. Napatawa naman ako nang peke. "Ah, gano'n ba? D-dapat kasi ikaw na lang ang hinatak ng jologs na 'yun kanina. Alam mo na naman... 'Di sana hindi ko na siya sinapak sa mukha." She pouted. "Ikaw talaga, Best! Kawawa naman si Sigfried. Siya kaya ang pinakagwapo sa kanila. Pinadugo mo naman ang ilong. Tsk. Maraming galit sa'yo kanina, 'te. At alam kong pasugod na ang mga 'yun dito." Speaking of which, halos dumagsa na ang mga babae na papalapit na sa amin. Maya-maya ay pinalibutan na nila kami. May iba pang nakahawak ng mahabang patpat. Ang iba sa kanila ay galit na nakatingin sa akin. "Sinasabi ko na nga ba at may tinatagong kalandian ang babaeng 'yan, e." "Playing emo ka, gurl? How dare you hit our Siggy on the face!" "'Di ba siya 'yung humalik kay Siggy sa isang bar kagabi? Yuck lang, ha? Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa rito. Maraming galit sa'yo!" "Malandi!" Iyon ang ilan sa mga sinisigaw ng mga tao sa akin. Napahalukipkip lang ako roon at napairap. Hindi naman kasi ako affected. Hindi naman kasi ako malandi. Hindi rin ako ang humalik sa lalaking 'yun kagabi. In fact, ako pa ang pinagnakawan ng halik! "Hoy, mga bruhang Siggy fans kuno! Magdahan-dahan nga kayo sa sinasabi at binibintang ninyo sa best friend ko. Inggit siguro kayo kaya gusto n'yo siyang pagdiskitahan, 'no?" Nagulat ako nang biglang sumingit si Fritzy at hinarangan ako. Matapang niyang hinarap ang mga babaeng hitad at taas-noong nagsalita. "At sino ka naman, pangit? Kinakausap ka ba namin, ha?" mataray na sagot naman ng isa. Napabuga ng hangin si Fritzy at dinuro ang babae. "Hoy, hindi ako pangit, ah! Manalamin ka nga, 'te. Okay ka lang? Kung wala kang ibang magandang sasabihin, mas mabuti pang padaanin n'yo na kami." Hinila ako ni Fritzy at akmang aalis na pero may biglang humarang at tinulak si Fritzy pabalik sa gitna. Gano'n din ako. "Hoy, mga malalandi! Hindi namin pinapatakas ang mga katulad n'yo. Kung gusto n'yong lumampas sa amin, kailangang malumpo muna namin kayo!" mayabang na sabi ng isang naka-bangs na babae at mayabang na nakatingin sa amin. May kalakihan ang katawan niya at nakahawak pa siya ng isang patpat. Napatingin ako sa langit at napabuga ng hangin sa sobrang pagkainis. "Ibang klase talaga..." Ibinalik ko sa kanilang muli ang tingin ko at hinubad ang back pack ko. Hinagis ko 'yun kay Fritzy. Pinunasan ko ang tungki ng ilong ko at saka sumenyas sa kamay para palapitin sila. "Ayoko ng puro satsat. Bakit hindi n'yo na lang ako atakihin? 'Wag na 'wag n'yo lang sasaktan ang kasama ko. Maliwanag ba?" paghahamon ko sa kanila. Napatawa naman ang babaeng naka-bangs na tila siya ang pinaka-leader ng mga babaeng hitad. "Ikaw lang mag-isa? Baka hindi ka na mabuhay pagkatapos nito?" I smirked and gestured my head facing the palm heavenwards and moving my fingers toward me as a sign of invitation. "'Wag puro satsat. Ano? Tara na!" Napatingin nang masama ang babae sa akin at bigla na lang tumango. Kasabay niyon ay ang pagsugod ng tatlong babae mula sa aking likuran. Alisto akong gumalaw at nasalag ang lahat ng kanilang mahahabang patpat na kanilang ipinalo sa akin. Naagaw ko sa isa ang patpat at ginamit 'yon bilang pansalag sa mga atake nila. Nang makakita ako ng tyempo ay pinaghahataw ko sila sa katawan nila hanggang sa matumba sila. Nang mangyari 'yon ay nagsisugod ang iba sa kanila nang sabay-sabay. Pinagpapalo ko sila gamit ang patpat na hawak ko. Winasiwas ko at pinatama sa kanila. Ni isa sa kanila ay hindi man lang nakatama sa akin. Nang matumba na halos ang lahat ay akma naman akong susugurin ng leader at ng iba pa. Mas marami sila sa pagkakataong iyon. Nagkatinginan kami ni Fritzy. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at pag-aalala para sa akin. Nginitian ko lang siya bago akmang hahampasin ng patpat ang leader ngunit biglang nakarinig kami ng ingit mula sa mga sasakyan na bigla na lang nagsidatingan. Apat na sports car ang biglang huminto mula sa likuran namin dahilan upang mapahinto at mapaatras ang iba sa pagsugod sa akin. Nagtaka man ay inusisa ko ang ekpresyon ng mukha ng mga babae. Nakita kong nanlaki ang mga mata nila at biglang nagsiyuko. Nang mapalingon ako sa may sasakyan ay napatigil ako nang makitang isa-isang nagsilabasan ang anim na lalaki mula sa apat na sasakyan. Ang nangunguna sa kanilang maglakad ay ang lalaki kanina. Si Sigfried. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin at masamang tiningnan ang mga babae. "S-Siggy--" sambit ng leader ng mga hitad na babae. "Sinong nagpasimuno ng gulo na 'to? Bakit n'yo pinagtutulungan ang girlfriend ko?" tanong ni Sigfried sa kanila habang nakaakbay sa akin. Ah, girlfriend... Biglang nanlaki ang mga mata ko at marahas na napalingon sa lalaki. Girlfriend?! "Sorry po, Siggy! Hindi po namin alam na girlfriend mo ang babaeng 'yan..." Sigfried sighed and face the girls. "Dahil sa ginawa ninyo, ipapalista ko ang lahat ng pangalan ninyo sa management and they will make sure na wala ni isa sa inyo ang makakatapak sa susunod na concert venue namin. I don't like my fans hurting my girlfriend. Naiintindihan n'yo ba?" bigla ay pasya niya. Narinig ko ang sunod-sunod na atungal ng ilan. Ang iba pa ay nagso-sorry pero hindi ko na nausisa ang lahat nang bigla akong hilahin ni Sigfried palayo sa komosyon na iyon. Nakalayo na kami at napansin kong iniwanan niya roon ang iba niyang kasama. Marahas kong binawi ang kamay ko at masamang tinitigan siya. "Ano bang problema mo? Bakit ba palagi ka na lang sumusulpot? Hoy! Bawiin mo ang sinabi mo kanina. Hindi mo ako girlfriend!" sigaw ko sa kanya. Kanina, pinagpipilitan ni Fritzy na kilala ko siya. Ngayon naman, may isang lalaki naman ang biglang lilitaw at ipapakilala ako bilang girlfriend niya. Nakakainis na. Ayoko pa naman sa mga tao na sinungaling. Kailan ko pa naging boyfriend ang isang 'to? Wala sa priority list ko ang magkanobyo ng isang jologs at walang modo na lalaki! Sigfried laughed crispily and faced me afterward. "Gusto mo bang bawiin ko? Okay lang sa'yo na hindi ka nila tantanan?" I rolled my eyes and cross my arms across my chest. "Kaya ko naman silang labanan isa-isa! 'Di ko kailangan ng tulong mo. At saka pwede ba? 'Wag mo nga akong susundan!" Akma na sana akong tatalikod pero napatigil lang ako sa huling sinabi niya. "I'm sorry about the kiss..." he said in a low voice. Ilang sandali akong napatigil bago nagpasyang umalis at hilahin si Fritzy palayo sa lugar na iyon. **** "Halika, Best. Pasok ka na!" imbita ni Fritzy sa akin nang makarating kami sa isang bahay na may kulay green na gate. Nagdalawang-isip ako at nanatiling nakatayo. Napatungo ako. "H-hindi na siguro. Uuwi na rin ako. May gig pa kasi ako mamaya, e," pagdadahilan ko. "Gano'n ba? E, 'di dito ka na lang muna sa 'min magtanghalian. Tutal, mamaya pa namang gabi ang gig n'yo, 'di ba?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Teka, paano niya nalaman 'yun? "Ah...k-kasi...a-ano kasi...kailangan ko na talagang umalis. May ensayo pa kami, e," tanggi ko pa. Napabuntonghininga na si Fritzy at pinandilatan ako. "Alam kong wala. Nagdadahilan ka lang. Kinausap ko kanina si Kuya Terrence. Wala naman kayong ensayo ngayon kasi wala namang bagong kanta na dapat n'yong siprahin," sabi pa niya. "K-kilala mo si Terrence?" Tinutukoy ko ang lead guitarist at manager ng banda namin na Four O'clock Circus. Tumawa siya nang malakas at pinalo pa ako sa balikat. "I forgot to tell you, Best. Hindi mo nga pala ako naaalala. Kapatid ko si Terrence Galvez. Ang nag-iisang gwapong lead guitarist n'yo lang naman." She laughed again. "Gulat ka, 'no? 'Di mo akalain. Small world ba?" tanong niya. Nanatiling nakakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Marami akong hindi maintindihan. Ano ba talaga problema ng utak ko? Bakit hindi ko maalala na may best friend ako? Bakit hindi ko maalala 'yung part na sinabi kong idol ko ang mga jologs na LOVERS? May amnesia kaya ako? Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatianod na lang kay Fritzy at pumasok na sa loob ng bahay nila. **** "Aray! Ano ba, Mandy! Sorry na-- aw! Malay ko bang 'di mo pa alam-- aw!" hiyaw ni Terrence matapos kong paluin ang noo niya sabay sinakal ang leeg niya gamit ang braso ko. Napabuntonghininga ako. "Bakit gano'n? Hindi ko talaga maalala na nagkakilala kami ni Fritzy, Teroy! As in wala akong maalala. Baka nagkakamali lang siya. Baka hindi ako 'yung sinasabi niyang best friend niya?" tanong ko sa kanya na hindi pa niluluwagan ang pagkakasakal ko sa kanya. "Teka nga! Pakawalan mo muna 'ko. 'Di ako makasagot nang maayos, e!" Pinakawalan ko na lang siya. Nakita ko pang hinihimas-himas niya ang leeg niyang namumula. "Grabe ka! Kapag namatay ako, wala na kayong lead guitarist na gwapo!" "Aba! Magpapa-party ako kapag dumating ang araw na 'yan!" pagbibiro ko. "Oh, ano na?" "Lasing ka no'n, Mandy. Natural, wala ka talagang malay sa mga nangyari sa'yo. Mukha ka ngang bangag no'n eh. Do'n dumating si Fritzy na brokenhearted." "Kailan lang nangyari 'yun?" "Last week lang," sagot niya. "Do'n nga rin namin nalaman na Maria Angeli--" "Next topic!" putol ko sa sinabi niya. "So, 'yun nga. Nakita rin namin 'yung feminine side mo. Sabi mong idol mo 'yung LOVERS. Tapos tinawag mong 'Best' si Fritzy. Ayun, naging magkaibigan kayo. Tapos...tumba ka na." He shrugged. I left my mouth hung open in disbelief. Ginawa ko talaga ang mga 'yun? Sa puntong ito, gusto ko nang lamunin na ako ng lupa. Hindi ko akalain na magagawa ko ang mga bagay na 'yun. Nakakaasar! "Nalaman ko rin na," pagpatuloy ni Terrence, "pareho kayong galing sa orphanage ni Fritzy." It took me a moment to react. I grimaced. Oo nga pala. Nanggaling ako sa isang orphanage. Doon ako tinapon ng mga walang puso kong magulang. Ang pangalan ko lang ang tanging palatandaan ko sa kung sino talaga ako. Ang pangalang ayaw kong maalala. Maria Angelina Gatchalian. Nang dahil sa pangalan na iyan, mas ginusto ko na lang na gumamit ng ibang pangalan para kahit kailan ay hindi ko na maalala pa ang masalimuot na kahapon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD