Chapter 5: Gatchalian Mansion

2091 Words
Mandy's POV Wide sheets, wide bed, wide shiny floor, unreachable ceiling, dramatic scenic portrait of a ship and a cylindrical...study table? Wait lang. Bakit ako nandito? Sa'n na ba ako? Ang natatandaan ko lang, nilimas ng ugok na si Sigfried ang mga gamit ko sa apartment at naiwan akong natutulog sa sahig. Wala talaga akong maalala na may pinuntahan akong ibang bahay na ang kwarto ay 'sing gara ng katulad nito. Isang katok sa pinto ang tumapos sa pagsipat ko sa paligid. Iniluwa naman ng malaking pinto ang isang babae na nakasuot ng bestida na may bluish floral apron. May head band din siya na kakulay ng kanyang damit. Naisip ko na mukha siyang anime version ng maid dahil complete uniform pa siya sa kanyang attire. "Ma'am Mandy, good morning po! Ipahahanda ko na po ba ang pampaligo ninyo sa jacuzzi? Anong gusto n'yo, milk o rose petals?" tanong ng maid. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "J-jacuzzi?" Tumango siya. "Opo. Nand'yan lang po sa kabilang pinto ang jacuzzi area." Bahagya pa akong sinipat ng babae at inangat ang braso ko. Nagtataka man ay nagpatianod na lang ako. "Medyo dry na po ang skin n'yo, Ma'am Mandy. Isa-suggest ko po na gamitin ninyo ang milk sa jacuzzi. Sigurado ako na babalik ang dating ganda ng kutis ninyo, ma'am," suhestiyon niya. "K-kailangan kong uminom ng gatas bago maligo?" Bahagya siyang tumawa. "Hindi po 'yun ang ibig kong sabihin, ma'am. Para po 'yun sa tub kung saan kayo magbababad ng katawan. Para po gumaan ang pakiramdam ninyo at matanggal ang dead skin cells," paliwanag niya. Napatango na lang ako sabay sabi ng, "Ahh..." Bago pa tumalikod ang katulong ay nagsalita akong muli. "Bakit ako nandito, miss? Kanino po itong bahay?" She smiled gently. "Makikilala mo rin siya. Maligo ka muna at makakasalo mo si Don Miguel sa agahan," aniya saka itinuro sa 'kin ang pinto papasok sa jacuzzi na sinasabi niya. Dumiretso na lang ako sa palikuran at hinubad ang damit ko. Inaamin ko na hindi ko pa naranasan na maligo sa isang malaking bath tub na tila kumukulo pa mula sa ilalim. Nahintakutan man ay sinubukan kong pakiramdaman ang tubig. Nang masigurong hindi ito nakakapaso kundi katamtaman lang ang init ay agad na akong lumublob doon. Kumatok muli ang katulong kanina at pumasok sa jacuzzi area. "Lalagyan ko lang po ng milk ang tub. Gusto n'yo po bang dagdagan ko ang init or lamig ng tubig?" Napailing ako. "Ayos na 'to, miss. Salamat. Hindi ako sanay maligo sa ganitong lugar. Napakagalante siguro ng amo mo," sambit ko. Napangiti siya habang naglalagay ng mixture sa tub. "Mabait po 'yun. Magugustuhan mo rin po ang ugali niya," sagot niya. "By the way, ma'am. Magbabad lang po kayo rito kahit isang oras para mas lumambot ang balat ninyo. 'Wag kayong mag-alala, hindi naman po maiinip ang amo ko. Gusto niya na ma-enjoy mong mabuti ang jacuzzi bago ka sumalo sa breakfast." Napatango ako at hinayaan na lang na lumisan ang babae palabas ng kwarto. Makalipas ang isang oras ay umahon na ako at nagtapis ng bathrobe na puti. May tatak itong "G". Paglabas ko ng CR, napanganga ako sa nakahandang damit sa may kama. Iyong damit ko na hinubad kanina ay 'di ko na alam kung nasaan. Isang yellow t-shirt at short shorts ang nakalatag do'n. Napalunok ako. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapagsuot ng maikling short. Ang pinakamaikling nasuot ko lang ay tokong. Hindi naman dahil sa boyish ako manamit ay kaya ako umaayaw. Marami kasi akong peklat sa binti gawa nang palagi akong umaakyat ng bundok kasama sila Terrence at ang banda. Iyon kasi ang bonding namin sa tuwing wala kaming gig. Sakto namang nakahawak ako sa damit na nasa kama nang dumating sa kwarto ang maid. "Bakit po, Ma'am Mandy?" "Wala ba kayong jogging pants or jeans man lang? Hindi kasi ako nagsusuot nito, e." "Pasensya na po, Ma'am. 'Yan lang din po ang damit na naiwan dito ng anak ng amo namin. Hindi kasi siya mahilig sa mga damit na nabanggit mo." "Gano'n ba? E, 'yung pinagbihisan ko kanina? Nasa'n na?" "Naku! Nilalabhan na ngayon ng isa kong kasama rito. Sandali lang po, ha? Babalikan ko kayo at maghahanap ako ng masusuot ninyo." Walang lingon-likod na umalis na naman ang katulong. Sasabihin ko sana sa kanya na size 27 ako kaso umalis na siya. Napakamot na lang ako ng ulo at napaupo sa kama. Makalipas ng ilang sandali ay bumalik agad si ate at may dalang paper bag. Nakatatak pa ay "Marks & Spencer". Biglang nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. "Ito na po, Ma'am Mandy. Ibinili po pala kayo ng amo ko ng isang tight jeans. Size 27 po kayo, 'di ba?" "P-paano mo nalaman?" Natawa ulit siya at ibinigay sa akin ang paper bag. "Suotin mo na po 'yan, ma'am. Hinahanap na po kayo sa ibaba." Iyon lang ay umalis na naman siya sa paningin ko. **** Dahan-dahan kong binuksan ang malaking pinto ng kwarto na pinanggalingan ko. Napanganga ako sa nasaksihan. Ang ganda ng labas! Ang staircase na matatanaw ko lang mula sa pinto ay parang gawa sa ginto dahil sa kulay nito. Lumabas na ako sa kwarto at tinungo ang hagdan. Pababa na ako at laking gulat sa lawak ng espasyo sa ibaba! Marami akong nakitang magagandang paintings at jar collections. Mahilig yata sa jar ang nagmamay-ari ng bahay na ito. May nakasalubong akong isang maid at binati ako ng isang masiglang ngitim "Good morning, Ma'am Mandy! Naghihintay na po si sir sa dining area. Sumunod po kayo sa 'kin..." Sinundan ko siya at habang naglalakad kami, kapansin-pansin ang mga portrait na nakasabit sa mga dingding sa alley. Modern days pero mas pinili ng may-ari na magpapinta ng mukha ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Nakikita kong Pinoy naman ang features ng mga mukha na nasa paintings. Parang makatotohanan na picture ang mga painting na tila tumititig ako sa mismong harapan nila. Mukhang pamilyar ang mga mukha na nasa paintings. Parang ang tagal ko na silang kilala. Weird... Nang makarating na kami sa dining area na pagkalaki-laki, napasinghap ako sa haba ng mesa at sa haba ng pila ng mga pagkain! Sa dulo naman ay makikita kong nakaupo roon ang isang middle-aged man. May singkit na mata at maputing kutis. Nakasuot siya ng simpleng puting shirt. "Maupo ka, hija," paanyaya niya. Maganda ang ngiti niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. May parang kung anong kumurot sa puso ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko maintindihan. Para kasing pamilyar sa akin ang lalaki. Nang hindi pa ako tumalima, biglang tumayo ang lalaki at sinugod ako ng yakap. "At last, I've finally seen my daughter. Natagpuan din kita. Ang tagal kitang hinanap. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon," sambit niya. Bigla ay bumilis ang t***k ng puso ko. Daughter? Ako? Buong buhay ko, wala akong inisip kundi ang magalit sa mama ko na nang-iwan sa akin sa harap ng isang mall. Wala akong natatandaan na may nakagisnan akong ama na ipinakilala sa akin. Nang lumaki ako, kay Tita Olga na ako nakatira. Walang asawa si tita at wala ring ibang anak. Nakursunada lang niya akong ampunin noon dahil gusto niyang magkaanak. Wala talaga akong natatandaan na may ama akong nakagisnan. Parang hindi ko mapaniwalaan ang naririnig ko. "Teka... n-nagkakamali po kayo." Sinubukan kong kumawala sa bisig niya pero maya-maya'y umuuyog na ang kanyang balikat at nagsimula nang humikbi. Tila may kumurot sa puso ko. Isang alaala na tila ngayon lang nanumbalik sa akin. Kumawala ako bigla sa pagkakayakap niya at tumalikod palayo. "S-sandali!" tawag niya. Napatigil ako at humarap sa kanya habang walang ganang nakatingin sa kanya. "Pasensya na pero nagkakamali lang kayo ng babaeng dinukot. Hindi ako ang babaeng hinahanap mo. Aalis na po ako." Tumalikod na ako at umalis. Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa mas malawak na bahagi ng bahay. Ito yata ang living room. Nakakagulat ang lawak nito na parang ground floor ng isang normal na shopping mall. Napakayaman talaga siguro ng lalaking 'yun. Bakit kaya niya ako dinukot? May pasok pa naman ako ngayon sa lahat ng major subjects ko. Akma na sana akong lalakad nang biglang may magsalita mula sa aking likuran. "Mandy! Sandali lang. Pakinggan mo muna ako." Boses iyon ng lalaki kanina. Humugot muna ako ng hininga bago humarap ako sa kanya. "Ano bang dapat kong marinig? Ipagpalagay na lang natin na ako nga ang nawawala n'yong anak. Oh, anong gusto mong maramdaman ko, matuwa? Maiyak dahil nakita na kita?" sarkastiko kong tanong. "Ano ba sa tingin mo ang dapat maramdaman ko sa matagal na panahon? Ine-expect mo ba na matutuwa ako na nakita na kita, na yayakapin kita dahil ikaw ang papa ko?" I laughed. "Wala kang puwang dito sa puso ko. At kahit nanggaling ako sa inyong dugo, hinding-hindi ako yayakap sa inyo at tatawagin kayong papa, dahil wala akong ama na pabaya. Kaya pwede ba? Tigilan mo na ang ilusyon mong 'yan. Para sa 'kin, matagal nang patay ang mga magulang ko." Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko mula sa mata. Noon pa man, pinangarap ko nang maampon ako at mapalitan ang pangalan ko. Dahil 'yon ang nagpapaalala sa akin sa nakaraan ko. Limang taong gulang ako noon nang iwan ako ni Anghelita sa ampunan. Siya ang biological mother ko. Isa siyang katulong at ang tanging babaeng minahal ni Miguel Gatchalian. Nang iwan ako ni Anghelita sa ampunan, nag-iwan rin siya ng isang sulat sa akin na nabasa ko nang mag-eight years old ako. Doon ko nalaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Bunga lang pala ako ng pagtataksil ni Miguel Gatchalian sa totoo nitong asawa. Itinakas ako ng mama ko at nakasama ko siya hanggang sa maglimang taong gulang ako. Ginawa niya akong iwan sa bahay-ampunan para sa kaligtasan ko ayon sa kanya. Ayon pa sa kanya, kailangan kong iwasan na makilala si Miguel Gatchalian. Hindi ko naintindihan ang paliwanag niya, pero malinaw sa akin na hindi niya ako mahal dahil ninakaw nila sa akin ang buhay na dapat kong nararanasan ngayon, katulad ng mga bata sa paligid na araw-araw karga ng kanilang mga magulang kapag lalabas. Katulad nilang sa lahat ng mga mahahalagang okasyon ay naroon sila upang ngumiti at tapikin sila sa balikat. Lahat ng iyon, ninakaw lahat ni Anghelita at Miguel. Dahil sa makasarili nilang adhikain, nawalan ako ng buhay. Para na rin nila akong pinatay dahil sa ginawa nila. Kinamumuhian ko silang lahat! "I'm so sorry, Mandy," sambit niya na nanlulumo sa harap ko. "Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa'yo. Pati na rin sa mama mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa inyong masama. Hinanap ko kayong dalawa pero wala na pala kayo sa rest house na tinutuluyan ninyo. "Nalaman ko na lang after 5 years na namatay na si Anghelita. Ang buong akala ko rin ay namatay na ang anak namin. Pero may report sa akin na buhay ka pa at ipinaampon ka niya sa Angel of Light. Pero pagdating ko do'n, wala ka na..." aniya. Nanatili lang akong nakatayo at hindi makapaniwala sa mga naririnig ko. Gusto kong humagulgol ng iyak pero nanatili akong matigas. Hinding-hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap ng lalaking 'to. "Matagal na kitang pinamamanman sa mga tauhan ko at nalaman ko ang sitwasyon mo ngayon sa buhay," dagdag niya pa. "Nababahala na rin ako sa kalagayan mo kaya gumawa na ako ng paraan para magkita tayo. Gusto kong maalagaan ka ngayon. Gusto kong makabawi, anak." "Kaya mo 'ko dinala rito? Kaya ako nandito ngayon dahil nag-aalala ka sa kin?" Nagbabadya na naman ang luha ko sa mata. "Maayos lang ako. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kayo kailangan!" sigaw ko sa kanya bago tumakbo papalabas ng bahay. Naririnig ko pa ang pagsigaw ni Miguel mula sa loob pero hindi na ako lumingon pa. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko sa labas. Nagulat ako sa lawak ng labas nila. Para akong napunta sa napakagandang hardin ng iba't ibang bulaklak. Bahagya pa akong naghanap ng ibang daan bago lumabas sa nakita kong bakal na arko na napapalibutan ng gumapagang na halaman. Pagkalabas na pagkalabas ko roon ay agad akong nabuwal nang may matigas na bagay akong sinalpok. Napangiwi ako sa sakit ng noo at pang-upo ko. "Hey, are you okay?" Napadilat ako nang madinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nang lingunin ay nalaglag pa ang panga ko sa pagkagulat. Nakatayo sa harapan ko ang nag-aalalang mukha ni Sigfried. "I-ikaw na naman?!" -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD