Mandy's POV
"Andito na sila! Kyaaaaaa!" 'Yan ang madalas kong marinig sa mga hinayupak kong schoolmates whenever they come...
The LOVERS.
Sila 'yung mga jologs na hunks na napapanood sa TV. Simula nang sumikat sila 2 years ago, bigla na lang silang lumipat dito sa Freithertz University.
Sa ilang milyong tao sa Pilipinas, isa na ako sa mga tao na hindi sila kilala at walang balak kilalanin. Hindi rin ako fan at hindi pa ako magiging tanga para gawin 'yon.
I'm just rolling my eyes everytime I hear their quacks about these guys. Bilib na 'ko sa epedemia nilang pinakakalat. Buti na lang, wala sa lahi ko ang mahawa sa kanilang handang maglupasay para lang makamayan ng anim na lalaki na 'yon.
Dire-diretso lang ako sa Computer Building sa gitnang gusali sa bungad ng school. Kalat-kalat ang mga estudyante na nagtitilihan.
'Yung isa muntik pa akong mabangga katatalon niya habang nangingisay sa kilig. 'Yung iba naman halos himatayin na sa katitili. Pawisan at mangiyak-ngiyak pang tumatalon na akala ng makakakita ay napili ni Kuya Wil sa mananalo sa Pera o Bayong segment.
Hinawi ko ang tuwid at maitim kong buhok na hanggang baywang ang haba. Suot ko ang paborito kong dark brown bonnet at ang pamatay kong Death Note back pack. Nakasuot ako ng itim na blouse na medyo maluwag na may print na "Stop Staring, Idiot", stretchable dark jeans, at white sneakers.
Nang hindi ko na matagalan ang kaingayan ng mga estudyante ay sinaksakan ko na ng earphones ang magkabila kong tenga at nagpatugtog sa android phone ko ng scream-o songs.
Nang makapasok ako sa room para sa next subject ko ay nagtaka ako nang makitang nakatuon ang atensyon ng lahat sa direksyon ko. Lahat ng classmates ko sa Business Math ay hindi ko kilala personally. Iilan lang kaming Computer Science students dito sa subject ni Mrs. Pacarag, kaya wala akong ideya kung bakit parang iba ang pagkakatingin nila sa akin.
"Oh my gosh! 'Di ba siya 'yung girl kagabi?"
"I'm so shocked! Ang lakas ng loob niyang pumasok ulit after what she's done to our poor Siggy!"
Napataas ang kilay ko dahil sa mga bulungan nila.
Ako ba ang pinag-uusapan nila? Sinong Siggy?
"Hoy, Maria!" Isang boses ng babae ang biglang sumingit mula sa aking likuran.
Nang lingunin ko siya ay mas lalong napataas ang kilay ko.
"Anong petsa na, bakla! Akala ko ba sasamahan mo 'ko sa mall ngayon?" the girl in front of me pouted. Nakasuot siya ng green fitted blouse at maikling palda. Nakakulot ang dulo ng buhok niya at naka-make-up.
Biglang bumagsak ang kanyang balikat nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. "Don't tell me wala ka nang naaalala?"
Bago ako nagsalita, nag-isip ako ng ilang libong beses. Pero, wala talaga akong maalala. Sino ba 'to?
She sighed. "Let me recap the introduction." She cleared her throat. "Hi! Ako si Fritzy. Naging magkaibigan tayo sa bar na tinutugtugan mo. Sa Turtle's, remember? I was crying when you helped me. Well, medyo lasing ka kaya kung ano-ano na sinasabi mo no'n. Dinamayan mo 'ko sa problema ko kaya naging magkaibigan tayo," she uttered happily.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.
Teka, uminom ba 'ko kagabi? Hindi naman yata. At saka, ako? Makikipagkaibigan? Kailan pa nangyari 'yun?
May himala bang nangyari na hindi ko alam?
Ilang saglit akong nanahimik at inusisa ang babae mula ulo hanggang paa. Ni isang parte niya ay hindi ko maalala. Hindi ko talaga matandaan kung saan ko siya nakilala.
I finally sighed. "Sorry, miss, pero hindi kita kilala. May kamukha lang siguro ako. Hindi ako si Maria. Mandy ang pangalan ko," sambit ko.
"Teka! Ikaw ang may sabi sa 'kin na Maria Angi--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko bibig niya at agad na hinila palayo sa room namin.
Ilang minuto na lang at magbe-bell na. Napabuga na lang ako ng hangin nang wala sa oras.
Bahala na. Bahala na kung pagalitan na naman ako ni Mrs. Pacarag sa ikalimang absent ko sa subject niya. Tutal, nakakatamad naman talagang pumasok.
Nang makarating kami sa pinakadulo ng building kung saan wala masyadong dumaraan na mga estudyante ay saka ko pinakawalan ang babae.
Nang humarap ako sa kanya ay nakita ko siyang nangingiti na tila nang-aasar.
"Ano bang kailangan mo?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Ito naman! Ikaw kaya nagsabing mag-shopping tayo today!"
Bago pa 'ko makapagsalita ulit, nahila na niya ako palayo sa Computer Building.
"At since niyaya kitang mag-cutting, libre ko lahat. Pero bago 'yan, manonood muna tayo ng Welfare Concert ng LOVERS!" masaya niyang anunsyo. "Excited na 'kong makita si Orlando Babes ko!"
Hinatak ko bigla ang braso ko at napaharap siya sa 'kin nang may pagtataka sa mukha.
Walang emosyon na napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang makakaladkad ako ng isang hindi kilalang babae at yayayaing manood ng nakakasukang LOVERS na 'yan. Ano bang mayro'n sa araw na 'to at ang malas ko?
"Oh, 'wag mo sabihing ayaw mong sumama? Ikaw kaya nagsabi sa 'kin na idol mo ang LOVERS!"
Napatigil ako sa sinabi niya at napataas na naman ang kilay. "S-Sinabi ko 'yun? K-kailan pa?"
"Asus laptop! 'Wag ka nang magmaang-maangan pa d'yan, 'te! I know na may natitira pang dugo ni Eba sa'yo. 'Wag ako!" pang-aakusa naman niya.
Bigla ay na-conscious ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ide-deny na may pagka-boyish ako gumalaw. Wala akong hilig sa sexy dresses. Jeans at t-shirt lang ng babae nasisikmura kong suotin. Hindi naman sa tomboy ako at nagkakagusto na sa kapwa ko babae, dahil may mga naging boyfriend din ako noon. Hindi ko lang sila matagalan dahil ayoko talagang madikit nang matagal sa mga lalaki.
Kahapon nga ay may lalaki na bigla na lang nagpakilala na boyfriend ko at ipinahiya pa ako sa mga tao habang nasa gig ako. Sa sobrang inis ko, nasampulan ko ng sapak.
"T-teka nga! Sino ka ba talaga? Kanina mo pa sinasabi na kilala kita pero hindi kita maalala man lang. At saka, anong sinasabi mong gusto kong manood ng concert ng mga mokong na 'yun? Kahit kailan ay hindi ako manonood ng gano'n!" tanong ko.
She sighed and grabbed my arm again. She dragged me roughly palabas ng school nang walang sinasabi na kahit ano.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya pinigilan sa ginawa niya. Hinayaan ko lang siyang kaladkarin ako hanggang sa makalabas kami ng school.
Pareho naming narinig ang pag-ring ng bell. Hudyat na 10 A.M. na't oras na ng klase.
Nakarating na kami sa loob ng mall, malapit sa Freithertz University. Sa mismong entrance ay may nakalatag na blanket of people na tinabunan ang built-in stage sa harap. Ang mga letterings lang sa stage ang nakikita ko.
"WELFARE CONCERT BY THE LOVERS"
"Hala! Ang gwapo nila, best 'no?" ani Fritzy habang nagkakandahaba ang leeg niya kakatingin sa stage. Nasa bandang dulo kami ng mga tao na nanonood ng concert. Sa height ni Fritzy na 5'1 ay talagang mahihirapan siyang makita ang sinumang Pontio Pilato na aakyat sa stage at kakanta. Napakaraming tao sa paligid at napakaimposibleng makita namin ang kahit isa sa members ng LOVERS.
"B-best? Tinawag mo 'kong Best? At sinong gwapo? Eh wala naman akong makita!" pagrereklamo ko. It was meant to be a sarcastic remark. Pero nang ma-realize ko kung ano ang pagkakamali ko ay napakagat-labi ako. Nagtunog curious tuloy ako.
She giggled. "Ikaw talaga, Best! Ang hilig mong magbiro. 'Yung LOVERS ang tinutukoy ko. Sila Lawrence, Orlando Babes, Virgil, Edwin, Rodney at Sigfried!" Habang sinasabi ni Fritzy ang mga salitang 'yun ay pakiramdam ko, pati ang mga mata niya ay naghugis puso na rin.
Ano bang mayro'n sa LOVERS at sobra kung mahumaling ang lahat ng kababaihan sa Freithertz?
I scoffed and laughed sarcastically. "Hindi ko alam kung matatawag bang mga gwapo ang mga jologs na 'yan. Pwede bang umalis na tayo rito?" pagmamaktol ko.
"Hindi pwede!" pagtanggi niya. "Ito na nga lang ang chance kong makita si Orlando Babes ko, e!"
Napagpantastikuhan ko ang sinabi niya. Kaya maraming umuuwing luhaan na mga babae kasi ang hilig nilang angkinin ang mga gwapong lalaki nang sila lang ang nakakaalam na may endearment sila.
"Wow! Bahala ka. Aalis na 'ko!" Akmang aalis na sana ako nang bigla akong hilahin ni Fritzy mula sa likuran.
"Not so fast!" Hinila niya ako at ibinalik sa kinatatayuan ko kanina nang walang kahirap-hirap. Kahit pala parang gasul ang height ng katabi ko, ang lakas ng katawan niya.
Hinayaan ko na lang siyang manood at walang ganang nakahalukipkip at pinagmamasdan ang stage na ngayon ay tinitilihan na ng mga tao.
Maya-maya, unti-unting nagsiakyat sa stage ang anim na miyembro ng LOVERS at binati ang mga tao sa harapan nila. Sumagot naman ng nakakatulilig na tili ang mga ito.
Wala akong nagawa kundi ang magtakip ng tenga.
Nabigla pa ako nang hilahin ako ni Fritzy papunta sa pinakaharap ng stage. Nakakagulat na nagawa naming makipagsiksikan hanggang sa isang dipa na lang ang pagitan namin sa stage.
Dalawa ang vocalist ng grupo. 'Yung isa ay nagse-second voice lang habang nagtitipa sa keyboard. Isang drummer, bass player at lead guitarist.
Hindi ko naman alam kung alin sa kanila ang kinahuhumalingan ni Fritzy.
Napatawa na lang ako sa sarili ko. Tama naman si Fritzy. May pwedeng ipagmalaki ang anim na lalaki at iyon ay ang kanilang mga mukha, pero kung sa tugtugan lang naman ang pag-uusapan, supalpal na sila.
Kahit amateur lang ako, 'di hamak na mas magaling pa rin ako sa kanila.
They started to sing a pop song. Bago lang ang kanta sa pandinig ko. May pagka-upbeat at dramatic.
The first vocalist sang the first line. His lyrics was about a wallflower girl who's always been pushed away by other girls. Sa kasanayan ng babae na 'yun na maging isang kahoy sa paligid ay hindi nito alam na may isang lalaki na lihim siyang pinagmamasdan. Sinasabi ng lalaki na habang abala ang ibang mga lalaki na tingnan ang mga sikat na babae ay siya lang ang nakatuon ang pansin sa babae sa likuran.
Habang kumakanta ang unang bokalista ay biglang naningkit ang mga mata ko. Para kasing pamilyar ang mukha niya para sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita noon.
May clean cut ang maitim niyang buhok at maputi ang kutis niya. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan. Sa tuwing bubuka at ngingiti ang mga labi niya ay lumalabas ang biloy sa magkabila niyang pisngi.
Ang pangalawang bokalista ay kumanta na rin sa part niya. His part is about his feelings for this certain wallflower girl. Dito niya ipinaparamdam kung ano ang tingin niya rito, isang magandang babae na nakilala niya.
Sa chorus naman ng kanta ay may choreography dance steps pa silang lima, except sa isang member na nakatoka sa drums.
Sa lyrics, talagang ang ibang babae sa harap ng stage ay kuntodo kung tumili. Nagagandahan sila sa mensahe ng kanta. Inuudyok kasi ng lalaki ang wallflower girl na 'wag lumayo sa kanya. Dito sa part ng lyrics, mararamdaman na ng babae ang feelings ng lalaki para sa kanya.
Maya-maya ay biglang lumapit sa direksyon namin ni Fritzy ang vocalist number 1. Mali... papalapit siya sa... akin? Pero, bakit?
He stretched out his hand towards me. Parang involuntary lang inilagay ko ang kamay ko sa kamay niya habang nakatingin sa maaliwalas niyang mukha.
Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko namalayan na nasa stage na pala ako kasama ng bokalista na nanghila sa akin. Napatingin ako sa mga tao at nakita ko si Fritzy na hanggang tumbong ang kilig. Halos magkaroon na ng sabayang sanib sa harapan namin sa paraan ng pagtili at pagwawala ng mga tao.
Hindi ko maiwasang mapasimangot.
The vocalist suddenly whispered in my ear. "Sabi ko na nga ba at magkikita pa tayo. Hindi ko alam kung nagpakilala na ako nang maayos sa'yo." He offered his hand to me. "I'm Siggy, by the way," he said, then smiled. Bago pa 'ko makapag-react, ipinagpatuloy na niya ang pagkanta.
He held his microphone and timidly smiled in front of me. Halos mabingi ako sa tilian ng mga tao.
His lyrics was so unbelievable. Hindi ko alam kung kumakanta pa siya o nagsasalita na lang. It's like I am hearing his own words. The song taled a very romantic gesture. He was confessing his feelings to the wallflower girl in front of him. Admitting his first time to get so nervous about confessing. He admits that he never felt that way before not until he met her. He wished this moment to be perfect and hoped for the day the girl would accept his confession and take him as her own man.
The last line was breathless to me. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko at may naalalang isang nakakahiyang eksena kagabi...
Napairap ako at nakapamaywang. "Ibibigay ko na ba sa bartender 'to kung ayaw mong tanggapin ulit?"
"Kapag ginawa mo 'yan, mapipilitan akong pagnakawan ka..." the guy warned me.
I scoffed and hit the counter top using my single hand, sabay marahas na kinuha ang dalawang libo at iwinagayway pa sa harap niya. Pagkatapos no'n ay bigla kong hinagis sa bartender at akmang tatalikod.
"Not so fast, babe..."
As soon as I turned around, nagulat ako sa susunod na nangyari. This guy in front of me was kissing my lips.
Bahagya pa akong nagpupumiglas pero dahil mas malakas siya ay wala na akong nagawa.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang nawala lahat ng dugo ko sa ulo at lahat ay nagsibaba papunta sa talampakan ko.
After a moment, he broke off the kiss. "I told you I would take away something from you kapag binigay mo sa iba ang binigay ko na sa'yo," he said while smirking...
He walked me to the center singing with his bandmates began singing the chorus part again.
Teka, 'wag mong sabihing ang humalik sa 'kin kagabi ay walang iba kundi ang isa sa members ng LOVERS?!
Agad kong sinampal ang sarili ko habang abala ang lahat sa pagkanta ng anim.
Relax, Mandy. Hindi ka tinamaan. Walang nangyaring gano'n.
Mariin akong napapikit at pailing-iling. "Tangina, 'yung first kiss ko. Siya ang kumuha?"