Chapter 1: Not A Cinderella Babe

2072 Words
Sigfried's POV Nakailang tungga na ako sa tequila na in-order ko mula sa kaharap kong bartender habang hinihintay na magsimula ang tugtugan sa harap ng mini stage. Ang loob ng Turtle's Shell Bar ay isang masikip na lugar para sa isang acoustic gig, pero hindi ko maiwasang purihin ang paligid. From the authentic stone wall granite designs up to the fine looking furnitures everywhere, the place is a haven. Maraming tao ang nasa kanya-kanyang mga upuan habang kumakain at umiinom. The bartender tossed two cubes of ice on a glass and stirred them using a long spoon, poured some tequila and a lemon, then placed it in front of me. "Are you waiting for the acoustic band tonight?" he asked while smiling. Napailing ako at lumagok sa panibagong baso. "I just wanna check kung tama 'yung narinig ko na bukod sa masarap ang timpla ninyo, maganda rin ang ambiance at music sa bar." He laughed at my statement. Nagtimpla na naman ulit siya ng panibagong inumin para sa bagong dating na lalaki. "You'll love it here. It's about time na may artista rin na maligaw rito. I'm glad na dito mo piniling maligaw. Hahaha!" I smirked bago sumimsim muli sa baso. "More than glad!" komento ko habang itinaas ang basong hawak. Nang mabaling na sa iba ang atensyon ng bartender ay napabuntonghininga ako. I would've rested my back on my bed while reading a lot of books tonight, kung hindi lang ako napasubo sa isang kasunduan. Nang dahil sa kasunduan na 'to, nagkalabuan na naman kami ng grupo ko. I've decided this on my own and it's unacceptable. Usually, kasama ko pa ang anim na kaibigan ko sa tuwing may lakad ako. We're inseparable. But, now I need to do this on my own. I hate the idea of myself stalking someone I hardly know. Pero eto ako at nakamasid sa stage mula sa kinauupuan ko. I've loved music for so long that I could no longer remember the day I hated one single genre. Well, maybe I could exclude this particular day from those days I relied on music. Siguro ay hindi ko nagustuhan ang naging ambiance ng paligid simula nang tumapak sa stage ang isang babae na maputi at mapayat. She wore a dirty green bonnet covering her jet-black long and straight hair, and a loose black shirt with its hem knotted at the side. Nakasuot siya ng itim na leggings at black sneekers. Dala rin niya ang Fernando acoustic guitar na nakasukbit ang belt sa kanyang balikat. Her skin is fair, medyo may pagkabalbon. Hindi naka-make up. It's probably just powder. Masyado akong mitikuloso pagdating sa mukha. Marami na akong napagdaanang babae kaya alam ko kung kailan nagpapa-impress ang isang tulad nila. The girl only wore a semi-glossy lip balm. Her dark brown Spanish eyes have very long and curled lashes. She had no guts to impress, but I'm quite surprised that she stood out in my sight. There was something about her that's making me want to look for more. Inaayos niya ang set-up ng kanyang microphone pati na ang speaker para sa kanyang gitara. Ikinabit na rin niya ang chord sa saksakan ng kanyang dalang instrumento. "Hello... sound check..." she uttered as soon as her lips touched the microphone. Biglang naghiyawan ang mga tao mula sa mga nanonood nang marinig nila ang babae na magsalita. Pinagmamasdan ko pa rin ang babae mula sa stage. Magaling siyang kumuha ng atensyon ng mga tao. Her eyes, a bit expressive and mysterious. There was something about her eyes that makes me want to watch how it changes color from dark brown to gray. Nagsimula na siyang bumati sa mga tao na nasa harapan niya. Pumalakpak naman ang ilan. She offered a song to them. A very familiar song. Isa ito sa rare songs na gustong-gusto ko. Nakita ko sa ekpresyon ng mga tao kung paano sila mamangha sa boses ng babae. Her voice is so soft and modern. She uses head tone and belting with the song she started to sing. While she tickled the strings of her guitar, nakita ko ang kanyang pagpikit. She was in sync with the emotions of the song like they were connected to each other. Her song gave the people a message. She described the beauty of the earth while searching for the notion of loving someone she looks in awe everytime. The chorus urged this lover to open up his heart to her and asked to dream about a new world that awaits them. In each morning that they'll wake up, the woman will begin to embrace it as the light of the morning glows up the footsteps of her lover that she will gladly follow until the ends of the earth. I ended up closing my eyes as I heard her sing the beautiful lyrics. I was expecting her to be just a normal vocalist in a bar. Iyong tipong nagkakalat lang, pero napatameme ako nang marinig ang boses niya. Napakaangas ng hitsura niya pero taliwas naman ang ipinakita niyang galing sa pagkanta. Parang no'ng kumanta siya, saka lang niya isiniwalat ang tunay niyang kahinaan. "Ang ganda ng boses niya, 'di ba?" biglang komento ng bartender sa tabi ko. Nang lingunin ko siya ay nakangiti siyang nakatanaw sa stage. Hindi lang pala ako ang nag-enjoy sa pinanood ko. "Her name is Mandy. Suking bokalista rito sa Turtle's. Palaging maraming benta rito kapag siya talaga ang nakasalang d'yan," dagdag niya pa. I gently smiled while looking back at the vocalist. She's still inside her trance while singing the rest of the song. Dahil sa boses niya, nakalimutan ko na ang pakay ko rito. After she finished the song, the clapping started. Nagsimula nang magpasahan ng maliliit na papel na pinalamanan ng tig-iisang libong piso para sa song request nila. I smiled. From what a respected business tycoon said, this girl in front of many people is a very complicated woman. That Gatchalian man said he needed me and my group to tame her. But, as far as I'm seeing her sing that piece, I began to think that she's no complicated woman. In fact, she's very soft. Hindi ko lang maintindihan kung bakit napakatapang ng hitsura niya pati na ng kanyang suot. It'll be easy to make her a princess. Hindi pa man natatapos ang gig ay may biglang umeksena. A thin man started prancing and dragged Mandy to his side. His eyes darted to her like fire. "Excuse me? Sino ka?" tanong ni Mandy sa lalaki. "At nagmamaang-maangan ka pa ngayon? Ilang beses pa akong tumawag sa'yo mula pa kanina tapos ganyan lang sasabihin mo sa 'kin? Akin ka lang, Mandy. Walang ibang makikinabang sa'yo. Ako lang!" sigaw naman ng lalaki. Mandy pulled her arms back at hinarap ang lalaki. "Bingi ka ba? Ang sabi ko hindi kita kilala. Now, if you'll excuse me, may session pa akong tatapusin. You can go out now," matigas niyang sabi. "Kita n'yo na? Bakit kayo nakikinig sa babaeng 'to? Bayaran siyang babae! Kung sino-sino lang pumapatol d'yan!" bigla ay sigaw ng lalaki habang nakaharap sa maraming tao. Napansin ko ang pagnginig ng katawan ni Mandy dahil doon. Mukhang hindi niya inaasahan na gano'n ang gagawin ng lalaki. From the way I look at her, mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, or is it because she forgot about him entirely since he was one of the guys she toys around? The Gatchalian man said to me that Mandy is in trouble with random guys she slept with every night after her gigs. At first ini-expect ko na isang maarte at mahilig sa make-up ang babaeng tinutukoy ni Gatchalian nang sabihin niya 'yon. Pero, nang makita ko na sa harapan ang babae ay nagtaka ako sa porma niya. Nagulat ang lahat nang makita nilang nakabulagta na sa sahig ang lalaki na kanina pa nagha-harass kay Mandy. Pinagpag niya ang kamay niya at pinunasan ang dugo na lumabas mula roon. Agad na nagsilapitan ang dalawang bouncer at binuhat ang lalaki na nakatulog dahil sa suntok ni Mandy. Halos nakanganga na ang bibig ko dahil sa nasaksihan. I almost imagined myself butting in and protecting Mandy from the freaky guy. Pero, nakakagulat na naprotektahan niya ang kanyang sarili. I guess, my heroic plans didn't go well. I closed my eyes for a moment and opened it after a few seconds, then smirked. I have an idea. The waiter nodded at me as soon as I gave him the signal. He held a flat tray both on his hands with a very strong vodka in a glass was placed there. Nilapitan niya ang bokalista at in-offer-an siya ng drinks. Along with the drink, I placed two 1,000 peso bills on it with a note saying, "Sing for me more." Pasimple naman akong tumingin sa ibang direksyon at pagkakuwa'y sumimsim sa baso kong may laman na tequila nang maramdamang nakatingin na si Mandy sa direksyon ko na itinuro ng waiter. After some while, binalik ko na ang tingin ko sa babae habang patuloy siya sa pagkanta. **** The bartender gave me my last glass of tequila when a shadow suddenly dawned at me. Hindi ko man lingunin ay alam ko na kung sino 'yon base sa ekspresyon ng bartender nang may lumapit sa akin. Napaka-genius mo talaga, Dennis. "I don't drink." Iyon ang mga sinabi niyang agad na nagpalingon sa akin nang may pagtataka. "Huh?" "Ang sabi ko, hindi ako umiinom. Pasensya ka na. Nand'yan na rin ang dalawang libo mo. Baka sabihin mo kinuha ko," sabi pa niya nang mailapag sa counter top ang isang baso ng vodka at ang dalawang papel ng isang libong piso. Marahan kong inilapag ang baso ko saka hinarap ang babae. "It's a shame. Hindi ko tinatanggap ulit ang mga naibigay ko na. What will you do?" hamon ko sa kanya. Napairap siya at nakapamaywang. "Ibibigay ko na ba sa bartender 'to kung ayaw mong tanggapin ulit?" "Kapag ginawa mo 'yan, mapipilitan akong pagnakawan ka..." I warned her. She scoffed and hit the counter top using her single hand, sabay marahas na kinuha ang dalawang libo at iwinagayway pa sa harap ko. Pagkatapos no'n ay bigla niyang hinagis sa bartender at akmang tatalikod mula sa akin. Mabilis akong nakatayo at hinatak siya pabalik. "Not so fast, babe..." As soon as she turned around, her body collided with mine and received her mouth with pleasure. Ang nakaawang niyang labi ay agad kong sinakop. Bahagya pa siyang nagpupumiglas pero dahil mas malakas ako sa kanya ay wala na siyang palag. I moved my lips and savored her sweet and menthol pair of enchating lyrical lips. This moment of craziness went inside me to the core and has broken a sleeping desire. After a moment, I was the one to break off the kiss. Nakita ko ang nakaawang pa rin niyang labi. Isama pa ang pinagsamang gulat at kantyaw ng ilang tao sa paligid namin nang makita ang ginawa ko kay Mandy. "I told you I would take away something from you kapag binigay mo sa iba ang binigay ko na sa'yo," I said while smirking. Ang gulat na ekspresyon niya ay biglang napalitan ng pagkainis. "B-bakit mo ginawa 'yon? Bastos!" I laughed at how she was shocked. Her facial expression tonight makes me wanna frame a picture of her. She's not bad. She's actually cute lalo na't galit siya at parang sasabog na sa inis. I didn't know what has gotten into my mind at nagawa ko siyang halikan. Siguro ay talagang disappointed ako at bigla na lang niyang itinapon ang dalawang libo sa bartender o dahil sa kanina ko pa tinitingnan ang mga labi niya. Curious ako kanina pa kung anong hitsura niya sa malapitan, hanggang sa naisip ko na lang na gusto kong tikman ang mga labi niya. "See you around, Mandy..." I uttered right before I winked at her left her with her a puzzled look. Umalis na ako sa loob ng bar at agad na pumunta sa nakaparada kong sasakyan sa labas. I smiled at myself as soon as I jumped in the car habang inaalala ang nangyari kanina. It turned out she's not a Cinderella Babe after all. Muli akong napatanaw sa Turtle's Shell Bar entrance at napangiti. Makikilala mo rin ako, Mandy. Malapit na. -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD