Lukso ng dugo!
Tama! Lukso nang dugo ang lumulukob sa kaniya sa oras na iyon. Idagdag pa na para siyang namamalikmata dahil ang dalagang nasa harapan at nakabanggaan niya ay walang ipinagkaiba sa babaeng hinalay nila noong kabataan. Ang maamo nitong mukha, kahit pa sabihin na nakatalukbong ito. Kaso sa sa pag-iisip niya ay naunahan siya nitong nagsalita.
"Sorry po, Sir. Ipagpaumanhin mo na sana ang pagkabangga ko sa iyo. Nagmamadali kasi ako kaya't hindi ko napansin na may makasalubong ako. I'm sorry, Sir." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.
Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa kaniya o ang paghingi ng paumanhin kundi ang mukha at boses nito. Kaya naman bago niya napigilan ang sarili ay nasambit na niya ang nasa isipan.
"R-rowe-rowena? Ikaw ba iyan?" nautal-utal niyang tanong.
"Hindi po Rowena ang pangalan ko, Sir. Pero pangalan po iyan ni Mama. Ako po si Rochelle Ann Zaragoza. Pasensiya na po talaga kayo, Sir." Muli ay hinging paumanhin ng dalaga.
"Puwedi ko bang makausap ang mama mo, Iha? Saan ko siya puweding makita?" tanong niyang muli.
"Nasa probinsiya po si Mama. Kasi nandoon po ang negosyo nila ni Papa. Sige po mauna na po ako baka naghihintay na si mother. Maiwan na po kita riyan," tugon ni Rochelle saka akmang aalis na pero muling nagsalita ang hindi niya nakikilalang ama.
Yes! Rafael Carpio was her biological father!
Pero ito ay lingid sa kaalaman ng lahat maliban sa kapatid nito. Kasama niya ang mga kaibigan sa krimen pero hindi alam ng mga ito ang tungkol sa bata. Dahil nalaman na lamang niyang namatay na ang mga ito dahil sa pakikipagsapalaran sa siyudad at nagkataon pang ang biniktima nila ang naging katrabaho nila. Ngunit kung nanatili siguro sila sa kanilang lugar ay baka buhay pa silang apat.
"No don't worry ana---Rochelle. Wala pa si Ate kaya't hindi ako makapasok sa opisina niya dahil hindi pa pumuparito. Si sister Monica ba ang nais mong makausap?" tanong niya kahit halata namang sa opisina ng kapatid niya ang tungo nito.
Nagtataka man ang dalaga sa paraan nang pakikipag-usap sa kaniya ng lalaki ay hindi niya ipinahalata. Ayaw niyang may nakakaayaw at mas lalong lalong hindi siya pabor na may maging bastos. Maayos naman ang pakikipag-usap nito sa kaniya kaya't isinantabi na lamang niya ang pagtataka at takot. Inisip na lamang niyang kung nais siya nitong gawan ng masama ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik. Instead, nakipag-usap siya rito ng maayos. Few months from now she will be ordained as a sister.
"Sa katunayan po ay pupuntahan ko si Sister Monica. Simula po dumating ako galing Vatican ay dito na po ako nanilbihan. Ilang buwan mula po ngayon ay yayakapin ko na ng buong puso ang simbahang Katoliko. Ikaw po, Sir? Saan ka po pupunta? I'm sorry for asking but I know that you know what I mean. Bahay ampunan ito at ang pioneers ang nakakalabas-masok dito," pahayag niya.
Sa narinig ay lihim na napangiti si Rafael. Bunga ito nang panggagahasa nila ng mga kaibigan niya. Ngunit ilang buwan pa lamang ay maging ganap na itong madre. May tuwa na lumukob sa puso niya dahil kahit nabuo ito na labag sa kagustuhan ng ina ay lumaki pa ring may may takot sa Diyos at magiging madre. May nais siyang itanong dito ngunit nag-aalangan siya dahil sa mga oras na iyon lamang sila nagkita.
"Alam kung kay Sister Monica ang tungo mo, Iha. Dahil sa katunayan ay doon din ang tungo ko. Kaya't sabay na tayo. Subalit alam kung wala pa siya riyan sa opisina niya," aniya.
"Okay lang po iyon, Sir. Napaaga lang po siguro ako kaya't ako na lamang po ang maghintay sa kaniya. Sige po, Sir. Maiwan na po kita rito. Have a good day po." Yumukod ito bago tuluyang tumalikod.
Tumango na rin lang siya bilang tugon. Hinayaan niya itong naunang nagtungo sa harapan nang tanggapan ng kapatid niya. Kahit walang DNA Test nagaganap ay sigurado siyang sa kaniya ang dalagang magmamadre. Wala na ito sa paningin niya ngunit nanatili pa ring nakasunod ang pangtingin niya sa daang tinahak nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakadaupang palad niya ang anak sa taong hinalay nila ng mga kaibigan.
"Ngunit bakit Zaragoza ang apelyido niya hindi Castañeda? Kung napangasawa nito ang drummer nila noon ay bakit hindi siya nakasunod sa Aguillar?" tanong niya sa sarili.
Sa buong pag-aakala niya ay sarili lamang niya ang nakarinig. Kaya naman ay nagulat siya nang nagsalita sa likuran niya ang kapatid. Nakatuon naman kasi ang paningin at atensiyon niya sa dalaga kaya't hindi niya napansin ang paglapit nito sa kinatatayuan niya.
"Patawarin ako ng Diyos, Rafael. Pero mas mainam na huwag mo nang ituloy ang binabalak mong pakikipagkita sa ina ni Rochelle Ann. Huwag mo nang guluhin ang buhay niya. Bilang kapatid mo makinig ka bumalik ka na sa pamilya mo sa America. Total doon ka naman nagtatrabaho," anito kaya't napalingon siya.
"Papanindigan ko ang pagbalik ko rito sa bansa, Ate. Mas nanaisin ko pa na pagbayaran ang kasalan ko kahit buhay ko ang kapalit kaysa habang-buhay akong inuusig ng aking konsensiya. Huwag mong alalahanin ang mag-iina ko dahil ang asawa ko mismo ang tumulong sa akin upang hamigin ang sarili ko at harapin ang bagay na ito. Walang nakaunawa sa inyong lahat sa pang-uusig ng konsensiya ko sa akin ngunit ang asawa ko ay siya bukod tanging nagawa sa bagay na iyan. Kaya't I'm sorry I can't agree with you, Ate." Umiiling-iling siya habang nakatanaw sa daang tinatahak ng anak niya.
Hindi tuloy alam ng madre ang sasabihin. Dahil ibang-iba na ang nakikita niyang Rafael kumpara sa dating ito. Ang kapatid niya na mapusok at matigas ang ulo ang nakikita niya sa kasalukuyan. Alam niyang wala nang makakapigil dito at iyon ang ikinatatakot niya. Dahil naging uliran itong ama, asawa, kapatid simula nang inilayo nila sa kanilang lugar. Subalit hindi niya inaasahan na babalik ito upang harapin ang halos naibaon sa limot na kaso. Malapit nang maging ganap na madre ang anak nito kaya't malapit na ring maging tatlong dekada ang lumipas.
"Ang makahingi ako sa kaniya ng kapatawaran at mapatawad ako ay okay na, Ate," anitong muli kaya't mas nabahala siya dahil sa nakikitang finalidad sa mukha nito.
Tuluyan na siyang napaantada dahil sa tinuran nito. Hindi na siya nakapagsalita lalo at lumabas na ito instead na magpatuloy upang katagpuin siya sa opisina niya. Alam naman niyang nandoon ang pamangkin niya dahil sa katunayan ay nahagip pa ng kaniyang pandinig ang pamamaalam nito sa hindi nakikilalang ama. Hindi lamang siya nagpahalata dahil hangga't maaari ay ayaw na nilang maungkat ang tungkol doon. Ang naghilom na sugat ay muling magbubukas kapag nagkataon. Hindi lang buhay ng ina ni Rochelle Ann ang manganganib kundi pati mga in-laws nito.
Sa kabilang banda, sa lugar kung saan nagtratrabaho si Garrette. Sa isang room o adjacent room sa opisina ng isa sa kasamahan nila, nagtitipon-tipon ang grupo ng isa pang abogado.
"Ano na ang balita mga kasama? Aba'y kung hindi tayo kikilos malamang sa malamang makakarating sa kinauukulan ang lahat. Gusto n'yo ba na kangkungan tayong lahat pulutin?" may pag-aalalang tanong ni Attorney Garcia.
"Ikaw ang nataguriang leader ng grupo, Attorney. Kaya't dapat lang na ikaw ang mag-isip ng gagawin natin," wika ng isa.
"Hindi porke't ako ang leader ay ako na ang solo na mag-isip o plano para sa ating lahat. Isipin n'yo na kaya tayo tinawag na grupo dahil kailangang magtulong-tulong tayo." Napalingon tuloy si Attorney Garcia sa kasama.
Gusto niya itong barahin ngunit pinilit niyang kinalma ang sarili. Ayaw niyang mayroong uusbong na hindi nila pagkakaunawaan. Kailangan niyang pahabain ang pasensiya niya. Alang-ala sa samahan nila.
"Isali natin sa ating pinag-uusapan ang bigla na lamang pagkawala ni Attorney Carpio. Dahil sa hawak niyang kaso lang naman tayo namumurublema. Kung alam lang sana natin kung nasaan siya ay maari nating malaman ang tungkol doon. Alam kong nagkakaasaran na naman kayong dalawa, Attorney Garcia at Attorney Reyes. Iwasan n'yo iyan dahil iisang grupo tayo. Kapalpakan ng isa ay kapalpakan nating lahat. Tagumpay ng isa ay ganoon din. Kaya't iwasan ninyo iyan kung gusto ninyong may mahanap tayong sulosyon," pahayag ng kanina pa nanahimik na si Attorney Ingram.
"Idadaan ko pa sana sa biro pero seryoso ka, Attorney Ingram. Kaya't magseryoso na lang tayong lahat. Tama ka sa pahayag mo ngunit ang tanong, nasaan siya ngayon? We all know na hindi maaring mawala iyon. Dahil ang kasong iyon ang pinakamalaki nating problema sa ngayon lalo at ang tao natin ang sangkot." Napaupo nang tuwid ang nakasandal na si Attorney Reyes. Maliit na bagay lamang ang nasabi ng lider nila kaya't hindi niya pinatulan. Napagpapasenaiyahan naman kaya't hinayaan lamang din niya.
Lihim namang napangiti si Attorney Garcia dahil epektibo ang kaniyang paraan upang lumabas ang idea ng mga kasamahan niya. Pero ang plano niyang sasabad na at naudlot dahil ang isa naman ang nagsalita. Kaya't lihim siyang nagbubunyi dahil kailangan lang pala niyang mag-speech.
"Mas dapat nating idagdag sa listahan ng kahina-hinalang tao na pinagkalooban niya sa problema ang batang Cameron," anito dahilan upang matigilan siya.
"Anong kinalaman ni Cameron dito? Saka bata pa iyon eh, anong nalalaman nito sa mga ganitong bagay?" agad niyang tanong.
"Iyan ang akala mo, Attorney. Nais ko lamang ipaalala sa iyo na may batang Cameron at old Cameron. And besides galing ang batang iyan sa pamilya ng mga lawyers," pahayag ni Attorney Basil.
Kaya naman ay napatingin silang lahat sa kaniya. Di yata't hindi nila alam ang tungkol sa bagay na iyon. Aba'y kilalang-kilala ang pamilya Cameron dahil sa galing nila sa batas. Sila ang mga taong hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng kliyente. Sila pa ang madalas humahawak sa mga kaso ng mga mahihirap.
"Don't look at me like that, guys. Dahil ang mag-amang Cameron ay mga abogado," aniyang muli kaya't napatingin sa kaniya ang kanilang lider.
"Teka lang, Attorney Basil. Parang kilalang-kilala mo ang Cameron na iyon ah." Napatingin ito sa kaniya.
"Well, not at all, Attorney Garcia. Nagkataon lamang na kilala ko siya o ang pamilyang pinagmulan niya. Dahil naging professor ko ang kaniyang ama na kapwa niya abodago." Kibit-balikat na niya.
Sa narinig ay napahawak sa sentido si Attorney Garcia. Halatang nag-iisip kung ano ang nararapat na gawin. Hindi sila maaaring magkamali dahil kung may nalalaman nga ang pinakabata sa grupo nila ay mas kailangan na nila ang mag-ingat. Kahit tahimik ang taong iyon ay halatang hindi nagpapahuli sa kanila kung reasonings lamang din ang pinag-uusapan.
"Ganito na lang ang gawin natin guys. Ewan ko lang kung sasang-ayon kayong lahat. Total nasa iisang departamento naman tayo ay maging mapagmasid na lamang tayo. Sa paraang ito ay baka sakaling malaman natin kung kanino ipinasa ni Attorney Carpio ang kaso. Hindi rin naman kasi natin puweding ipagtanong sa iba baka makahalata silang may kakaibang nangyayari." Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga ito. Animo'y sinasabing sumang-ayon na kayo.
They answered back in unison "tama" saka sila nagkaniya-kaniya ng landas.
Kinagabihan sa tahanan ng mag-asawang Ace Cyrus at Weng.
"Asawa ko may sakit ka ba? Aba'y ilang araw na kitang napapansin na ganyan," puna ni Cyrus sa asawa.
"Wala naman asawa ko iyn nga lang parang mabigat ang pakiramdam ko," tugon ni Weng.
"Baka naman over fatigue na iyan, mahal? Tomorrow sasamahan kita sa doctor para maipa-check kita baka ano na iyan ha." Sa pag-aalala ay agad lumapit si Cyrus sa asawa.
"Kahit huwag na asawa ko. Napagod lang siguro ako kaya ganito." Umiling-iling si Weng tanda nang pagsalungat.
Duda siya kung iyon nga ba ang dahilan sa kalungkutan at bigat sa karamdaman niya. Dahil biglaan ang pagsalakay ng bigat sa kalooban niya. Animo'y may mangyayaring hindi maganda. Kaya't labis-labis ang panalangin niya na huwag sanang magkatotoo ang nasa isipan niya.
"God, huwag naman po sanang may panganib na nagbabadya. Iligtas mo po kaming lahat sa kapahamakan," dalangin niya sa kaniyang isipan ngunit hindi pala niya namalayang naisatinig niya.
"We are living as husband and wife for almost three decades now, wifey. Sa hitsura mo pa lamang ay halatang may bumabagabag sa iyo. Alam kong hindi ka magkakaganyan kapag stress sa trabaho. C'mon, tell me what's on those deep sigh." Umakbay siya sa asawa nang sumiphayo sa pandinig niya ang bulong nito.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Weng. Dahil sa tinuran ng asawa. Tama naman kasi ito. Ilang araw ng ganoon ang nararamdaman niya. Para bang hindi siya mapakali. Minsan pa nga ay nabibingi siya sa kabog ng dibdib niya.
"Sorry asawa ko kung napag-alala kita. Subalit iyon talaga ang totoo. Ewan ko ba ngunit nitong mga nakaraang araw ay parang ang bigat ng pakiramdam ko. Tapos bigla kong---bigla kong ---" hindi matapos-tapos ni Weng ang sinasabi dahil parang may bikig sa kanyang lalamunan.
"Asawa ko, what are you trying to say? Alam ko, sa pananalita mo pa lamang ay alam ko na may bumabagabag sa iyo. C'mon spell it out, asawa ko. Mauunawaan kita kaya't huwag ka nang mag-alinlangan." Niyakap siya ng asawa. Ramdam na ramdam niya ang haplos nito sa likuran niya.
Dahil dito ay hinamig niya ang kaniyang sarili bago kumalas sa pagkakayakap nito. Tumitig siya rito na animo'y doon kumukuha ng lakas upang magsalita.
"Hindi ko alam asawa ko kung bakit ngayon pa na may edad na tayo saka naman iyon muling bumabalik sa isipan ko. Thirty years ago to be exact nang nangyari ang sinapit ko sa mga kamay ng mga rapist na iyon. Kung kailan matatanda na tayo at nilimot ang nakaraan ay saka naman ito muling bumalik sa akin. Isa pa na bumabagabag sa akin iyan ay si Rochelle. Pakiramdam ko ay parang nasa paligid siya ng kapahamakan. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko para sa kanya. Oo mabait siyang bata alam natin iyan saksi tayo sa kaniyang paglaki pero pakiramdam ko nasa paligid niya ang kapahamakan." Tuluyan nang kumawala ang luhang nagkukubli sa sulok ng mga mata niya.
Kaya naman ay muli itong niyakap ni Cyrus. Ramdam na ramdam niya ang bigat sa kalooban ng asawa. Dahil totoo namang kinalimutan na nila ang nakaraan. Nagpatuloy sila sa buhay kaso tama ito. Kung kailan may mga edad na sila ay saka pa ito dinalaw ng nakaraan.
"Hindi natin hawak ang buhay o ibig kong sabihin ay hindi natin alam kung ano mangyayari sa susunod na araw. Kung gusto mo luluwas tayo ng Baguio bukas upang makumusta natin siya. Upang maikunsulta rin natin ang nararamdaman mo sa mga experto. Alam mo namang limited ang mga nandito sa lugar natin." Kasabay nang pagyakap niya rito ay hinaplos-haplos niya ang mahaba nitong buhok. Hinahalik-halikan din ang buhok.
Hindi na sumagot si Weng bagkus ay gumanti na lamang siya nang yakap. Sa isipan niya ay naroon pa rin ang takot sa maaring nais iparating ng pakiramdam niya. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagpakita sa kaniya ng araw na namatay ang lahat.
"Patay na silang lahat ngunit bakit kailangan ko pa na makaramdam ng ganito? They were punished by the law not in my personal anger! Why they are chasing me!" Napangitngit ang kalooban sa pagkaalala sa bahaging iyon ng buhay niya.
Subalit sa pagkaalala niya sa apat naa taong humarang sa kaniya dati ay bigla siyang napakalas sa yakap ng asawa. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito.
"What's happening to you, wifey? May iba pa bang bumabagabag sa damdamin mo?" muli ay tanong ni Cyrus dahil sa inasta nito.
"Asawa ko may naalala lang ako. Ngunit hindi ko alam kung makakatulong ito sa pagkawala nang pagkabagabag ko at higit sa lahat ewan ko lang baka kamuhian mo ako kapag malaman mo ito." Umiwas ito nang paningin kaya't mas kumpirmadong may bumabagabag sa damdamin.
This time si Cyrus naman ang nagpakawala ng malalim na paghinga bago nagsalita. Muli siyang umusog sa tabi ng asawa saka muli itong kinabig at isinandal sa kaniya. Alam niya ang nais nitong tukuyin. Ang nakaraan nito ngunit wala siyang pakialam doon. He really love his wife that made him to accept everything about her including that part as her daughter.
"Asawa ko, huwag mo ng isipin iyan. All our kids are already adults. Patunay lamang na may kaniya-kaniya na silang trabaho. Nasabi ko lamang iyan dahil kung galit ako sa iyo matagal na sana itong nangyari subalit hindi dahil mahal na mahal kita kahit ano at sino ka pa. Now asawa ko sabihin mo ang nais mong sabihin at ipinapasigurado ko sa iyo matatanggap ko iyan dahil mahal kita," pahayag niya.
"Namatay sila sa laban natin noon dahil sa pagkakasala nila sa batas. Subalit tatlo lang sila, asawa ko. May isa na hindi pa namamatay sa kanila. Iyan ang totoo, asawa ko." Muling umagos ang luha sa pisngi niya bang nasabi ang tunay na dahilan kung bakit binabagabag siya ng isipan.
Napangiti si Cyrus dahil sa narinig. Hindi nga siya nagkamali dahil talagang kunektado sa nakaraan. Ihinarap niya ito sa kaniya at pinunasan ang pisngi ng asawa na mayumaagos na luha gamit ang palad niya.
"It maybe sounds corny, wifey, but I don't care 'cause the truth is nothing gonna change my love for you as the song says. Kung buhay pa man ang pang-apat sa kanila ay I'm sure pinagbayaran na nito ang kapangahasan sa iyo way back then. And if ever man na magsangga muli ang landas ninyo ay patawarin mo na lamang siya. Dahil ang Diyos ay nagpapatawad tayo pa kayang mga tao ang hindi? And besides, wifey, kapag pinalaya mo na ng tuluyan ang pangamba sa puso mo at mapatawad mo ang pang-apat kung buhay pa ito ay sigurado akong mawawala na ng tuluyan ang pangamba na bumabalot ngayon sa katauhan mo, asawa ko," mahaba-habang pahayag ni Cyrus.
"In God's will, asawa ko. At maraming salamat sa lahat." Nakangiting kumalas si Weng sa asawa saka tumingala rito.
"Walang anuman, asawa ko. Kaya't matulog na tayo. I love you, asawa ko," tugon nito.
"Good night, asawa ko." Nahiga na lamang siya sa tabi nito saka yumakap na may ngiti sa labi.
She's so lucky to have him in her life. They are not perfect family but they are trying their best to live happily.
ITUTULOY