IKA-WALONG KABANATA

2859 Words
Dahil sa kasong hawak ay hindi namalayan ni Garrette ang paglipas ng oras. Sa dami ng mga papeles na pinag-aaralan niya ay saka pa lamang niya ibinaba ang hawak-hawak nang tumunog ang kaniyang tiyan. "Kaya naman pala kumukulo ang tiyan ko dahil lampas alas-otso na pala," bulong niya. Gusto niyang tapusin ang mga trabaho niya dahil ayaw niyang nagkakahalo-halo ang papeles sa lamesa niya. Ngunit talagang hindi na kaya ng oras niya. Kaya naman imbes na puwersahin ang sarili niya ay iniligpit na lamang niya ang lahat ng maari niyang iligpit. Uuwi na muna siya, tatapusin na lamang niya sa susunod na araw. "Ilang araw ko nang hindi nakikita si Chelle. Huh! Sa kasamaang palad naman kasi ay nagkataon na ako ang nakatuka sa kasong ito. Pero hindi na bale babawi na lamang ako sa kaniya sa ibang araw," muli ay bulong niya bago tuluyang pumasok sa sasakyan niya. "Anak ng---" napamurang sambit ni Garrette nang naramdaman ang malamig na bakal sa kaniyang tagiliran at pagtapik poncio pilato sa kaniya. "Sumama ka sa akin kung gusto mo pang mabuhay," malamig na tinig ang nagmula sa kaniyang likuran. Pero imbes na matakot siya ay napataas pa ang kilay ni Garrette dahil sa tinuran ng poncio pilato. At sino naman ito upang manduhan siya? That nerve! Nagugutom na nga siya ay may sira-ulo pa humarang sa kaniya. Baka talagang makatay niya ito at ipakain sa mga aso sa lansangan. "Ang sabi ko---" "You're such a fuckin' jerk! Who told you to abduct me?!" inis niyang tanong at mas mabilis pa sa ibon na pumaikot. Hindi siya basta-basta mapapatumba ng kahit sino man. Lawyer siya kaya't nag-aral din siya ng martial arts dahil alam niyang delikado ang uri ng trabaho niya. In just a blinked of his eyes the gun of the poncios pilate flew away! Ang nasa likuran niya kanina ay nasa harapan na niya. Inipit niya ng paulit-ulit sa mismong pintuan ng sasakyan matapos niya itong bigyan ng mag-asawang sipa dahilan para agad itong malugmok at lumipad ang hawak nitong baril. He's a lawyer and he's martial art expert too. Kaya't walang kahirap -hirap para sa kanya ang napabagsak ang herodes. He's not a policeman but he always bring with him a hand cuffs and now he used it with the devil. "Ngayon sa presinto ka magpaliwanag! Sa pagod ko sa araw na ito gusto mo pa akong subukan! Move!" Itinulak niya ito at palapit sa sasakyan. Pero teka lang! Paano kaya ito makalakad iyan attorney eh nakaposas ang kamay at paa niya! Tuloy, nadapa ang pobreng lalaki. Pero hindi na ito pinansin ng binata bagkos ay dinala niya ito sa back side ng sasakyan niya at gumamit pa ng isang posas para maikabit ito sa sasakyan. "Iyan ang bagay sa iyong pangahas ka!" inis pa ring singhal ng binata rito. Papaaminin pa sana niya ito pero nang maalala kung anong klaseng trabaho mayroon siya ay mas minabuti niyang sa presinto ito dalhin. Pero muli ay nagmaniobra siya nang maalala ang kamakailan lang napabalita na mga tiwaling membro ng kapulisan. Nagmaniobra siya at nagtungo sa Camp Villamor at doon ito isinuko. Sa kabilang banda, kagaya nang nakagawian ng grupo ay nagtipon-tipon sila habang hinihintay ang taong inutusan nila upang dakpin ang binatang abogado. "Mukhang wala namang bibatbat ang taong inutusan mo, Attorney Ingram? Aba'y gabi na pero wala pa rin siyang report. Hindi man lang magparamdam kung buhay pa ba siya o siya na ang pinatumba ng batang iyon." May pagkayamot na binalingan ni Attorney Basil ang kapwa abogado. "Darating pa naman yata si Boss ngayon. Dapat may maipakita o maireport man lang sana tayo sa kaniya." Nagpalakad-lakad tuloy si Attorney Garcia dahil sa hindi na mapakali dahil sobrang late na subalit wala pa rin ang inutusan nilang dakpin ang kapwa nila abogado na mas higit na nakababata sa kanila. "Teka lang, Attorney Garcia. Sino ba ang tinutukoy mong Boss? Diba ikaw ang lider natin, ibig sabihin ay ikaw ang boss." Mapagdudang lumapit ang isa pa na abogado sa lider nila ngunit ayon at sinasabing hindi raw ito ang Boss nila. Napangiti at tumigil sa paglalakad si Attorney Garcia bago humarap sa mga kasamahan. Sa isipan niya ay oras na rin upang malaman nila na hindi siya ang Boss sa grupo. Instrumento lamang siya upang panatilihing buhay at aktibo ang grupo. Kaya't kagaya nang pinag-usapan nila ng tunay na Boss ay nagtapat na rin siya. "You're wrong, Attorney. Dahil pare-parehas lang tayong sumasahod kay Boss. Nagkataon lang na ako ang inatasan niyang mamuno sa inyo. Subalit ang totoo ay kagaya n'yo lang ako. May Big Boss tayong lahat." Nakangiti niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa mga kasamahan. Halatang nagulat silang lahat dahil sa pahayag niya. Ilang sandali rin ang lumipas bago may nagsalita sa mga ito. Ngunit aminin man niya o hindi ay talagang nanlaki ang mga mata nila sa "suweldo" na binanggit niya. Panahon na rin upang malaman nila kung ano ang totoo. "So, gaano kalaki ang grupong kinabibilangan natin? Aba'y kung tutuusin mga ipis lang tayo sa lagay na iyan." Umiling-iling ang isa dahil hindi makapaniwala. "Ang alam ko lang may grupo iyan Manila at tayo rito sa Baguio. And the truth is hindi ko pa nakita in person ang big boss natin kilala ko lang sa boses niya. Kaya huwag n'yo akong ituring na Boss dahil kagaya nang sinaabi ko ay pare-parehas lang tayo. Anyway, subukan n'yong tawagan ang taong inutusan ninyo at kung sablay ay ibahin natin ang paraan upang malaman nating kung may kinalaman ang batang iyon," aniyang muli. Lumipas din ang ilang minuto sa pagtawag nila sa lalaking kikidnap sana sa target nila. Subalit kagaya lang din ng mga nauna nilang pagtawag dito ay walang sumasagot. "Iba ang kutob ko mga kasama. Baka sumablay na talaga ang taong iyon kaya't mag-ingat tayong lahat. Dahil tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan at ang grupo lamang ang nakakaalam sa lugar na ito." Nakangiwi niyang hinarap ang mga kasamahan. Malakas ang kutob niyang sumablay ang inutusan nilang dakpin ang batang Cameron. At mas malakas ang kutob niyang may kinalaman ito sa kasong hawak ng bigla na lamang naglaho na si Attorney Carpio. Bilang abogado ay alam niyang hindi naman basta maaaring dakpin ang isang tao dahil lamang sa malakas ang kutob. At dahil ilang beses din nilang sinubukang tawagan ang tauhan nila ngunit wala pa rin kaya't napagkasunduan nilang magsiuwian na lang muna. "See you tomorrow guys and make sure magreport na ang taong iyon, Attorney Basil." Pangdidismiss ni Garcia bago sila naghiwa -hiwalay at nagsiuwian. Samantala... Hindi mapakali si Marga ng mga sandaling iyon lalo at wala pa ang binata. Marahil nga ay nasa tamang edad na ito pero kapag naiisip niya kung ano ang trabaho mayroon ito ay lagi pa rin siyang kinakabahan. Makataong tao ang binatang abogado. Pantay-pantay ang turing sa mga tao. Ngunit hindi rin maiwasan ang may mamuhi rito dahil sa inggit. "Bakit hindi ka pa umaakyat sa taas, Honey?" tanong ni Shane I sa asawang nadatnan sa malaki nilang sala. Sa hitsura pa lamang nito ay halatang balisa na. "Hindi ko nga maunawaan ang sarili ko, Hon. Wala pa naman ang mga bata," hindi mapakaling sagot ni Marga. "Hon, nasa tamang edad na ang mga anak natin. Sina Shane at Sam ay nasa Manila sila. Si Garrette sigurado akong late siya makauwi dahil may tinatapos na trabaho or nagdate sila ng dalaga ni Cyrus. Si bunso ay mamayang alas-dose pa iyon, alam mo namang party ang pinuntahan. Try to calm yourself, Honey. Let's go up to sleep." Inalalayan ni Shane I ang asawa na makatayo para sa kanilang pag-akyat. Ngunit duda siyang mapasunod niya ang asawa. Dahil sa nakikita niyang hitsura nito. Hindi ito mapakali kaya't ang ginawa niya ay inakay niya ito sa upuan saka pinaupo. They're living as husband and wife already for more than three decades. And he can say that he his wife very well. "I know that you're worrying for Garrette. But don't worry about him. Dahil kaya niyang depensahan ang sarili. He's a black belter remember. Alam mo naman ang trabaho mayroon ang anak natin kaya masanay ka ng late ito umuuwi." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Wala namang magulang na hindi nag-aalala sa mga anak. Dahil sa katunayan ay kahit siya ay nag-aalala. Ngunit ayaw niyang ipahalata sa asawa. Oras na ginawa niya iyon ay talagang bibigay silang parehas sa takot at pag-aalala rito. Nagpakawala naman ng malalim na paghinga si Marga bago ibinuka ang bibig para magsalita sana pero napatigil dahil sa ugong ng sasakyan. Napaupo pa siya ng tuwid dahil sa tuwa. Alam na alam kung sino ang may-ari sa sasakyang dumating. "Hon, ayan na ang binata natin. I'm sure siya na iyan dahil sa tunog nito na halos wala kang marinig. I'm sure naman may paliwanag siya kung bakit siya nalate sa pag-uwi," wika ni Shane sa asawa. "I hope so, Honey. Alam mo naman kung gaano siya katipid magsalita," tugon ni Marga. Hindi na sumagot ang Ginoo dahil alam nila kung ano pagkatao mayroon. Iyon nga lang paborito nitong asarin ang kapatid o ang bunso nilang anak. And at the same time, they know Garrette cares for his family. "Good evening, Mommy, Daddy. Bakit gising pa kayo?" salubong na tanong ni Garreth sa mga magulang nang masulyapan ang mga ito. Halatang hinihintay siya kaya naman ay agad siyang lumapit sa kanila at nagbigay-galang. "Walang problema anak. Alam mo namang nagiging nerbiyosa na yata ang Mommy mo. Hindi mapakali kaya't hinintay ka namin. Kumusta pala ang buong araw sa trabaho? Mukhang ginabi ka ah." Tinanggap ni Shane I ang palad ng anak na nagmano. Sa narinig at muling nalukot ang maamong mukha ng binata kaya't naalarma ang Ginang. Palakaibigan at palangiti ito. Kayang-kaya nang ngiti nitong itago ang tunay na nararamdaman. Kaya naman ay nabahala siya nang napansin ang pagkalukot ng mukha nito. "What's on that angry face son? May nangyari bang hindi maganda?" tanong niya nang nakaupo na ito. "Alam n'yo naman po kung gaano ko kamahal ang trabaho ko, Mommy. Mahirap man o mayaman ang lumalapit sa akin simula noong pumasok ako sa law firm na pinagtatrabahuan ko. Kailanman ay hindi ko ginamit ang position ko upang makapanlamang ng kapwa. Ngunit bakit ganoon? Bakit may mga taong gusto pa yata akong ipatumba? Kahit sino man ang nag-utos sa hayop na iyon at oras na malaman ko ay hindi siya makaligtas sa akin!" Kuyom ang kamao ng binata dahil sa pagngingitngit. Hindi pa nawala ang inis at galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso niya dahil sa panunutok ng walang-hiyang lalaki. Napangiti naman si Shane I sa tinuran ng kanyang anak. Kung tutuusin ay hindi konektado sa tanong ng asawa niya ang naging pahayag nito. Ngunit hinayaan lamang niya dahil bukod sa napagdaanan na niya iyon noong kapanahunan niya ay sigurado siyang may nangyari rito. Kaya naman ay naisipan niyang biruin ito. Kahit pa sabihing birong tototo. "Calm down, Iho. Hindi naman kami kalaban ng Mommy mo. Parang may pinaghuhugutan ka ah. Maari ba naming malaman iyan anak?" pabiro niyang tanong. Pero hindi pinansin ni Garrette ang pasimpleng biro ng ama. Dahil galit pa siya sa kaalamang pinapatumba siya ng sino mang poncio pilato. Muling nabuhay ang galit sa kaibutuwiran ng puso niya. Dahil ayon sa lalaking idineretso niya sa Camp Villamor ay ang isa sa mga senior lawyers ng law firm na pinapasukan ang nag-utos dito. "Damm that old man! I'll surely kill him!" He silently cursed as he clinched his palms. "Magpaliwanag ka nga anak. Para ka naman kasing nasa korte. Ano ba kasi ang nangyari at galit na galit ka?" muli ay tanong ng Ginang. Sa pananalita at kilos pa lamang ng anak ay halatang may nakaaway ito. "Kanina pa naman sana ako nakauwi, Mommy. Ngunit hindi nangyari iyon dahil sinira ito ng taong iyon. Inutusan daw ng taong galit sa akin para itumba ako. Ang mga mangmang hindi na nila pinili ang taong nais nilang gagawa sa utos nila. Ayon kulungan ang bagsak. Damm that madman!" lukot ang mukha nitong pahayag dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. "Ano? May nagbalak na patayin ka anak? Naku kaya naman pala ako hindi mapakali kanina dahil may nangyari pa lang hindi maganda. Nasaan na ang taong tinutukoy mo anak?" may pag-aalalang tanong ni Marga. "Nasa Camp Villamor na ang gagong iyon. Sorry na lang siya at hindi basta-basta ang taong gusto niyang patayin. Baka kung siya pa ang maunang mamatay kung hindi ko naiisip na hindi nila ako ka level!" Lumabas ang pagkamasungit! Dahil mula pagkalukot ng mukha ay napasimangot naman. Kaya imbes na magalit ang mag-asawa dahil sa hindi sila sanay nagmumura ang binata ay napahalakhak na lamang sila bago nagsalita ang ama. Minsanan lamang talaga itong magmura. Ngunit kagaya sa oras na iyon. Kapag galit na galit ito ay lumalabas pa ang pagkamasungit. "Anak isa kang lawyer at huwag mong hayaan na madumihan ang mga palad mo dahil sa kanila. Hayaan mong ang batas mismo ang magpaparusa sa kanila and if ever that the man made law can't control them let the Lord in heaven punish them. Just do your job wisely and always remember we're still here to support you. Sa tono mo pa lamang ay kilalang-kilala mo ang nag-utos kaya't mag-double ingat ka," pahayag ni Shane sa anak. Pagod at gutom man ang binatang Cameron ngunit hindi niya iyon inalintana dahil para bang biglang nawala ang galit niya sa tinuran ng ama. Ang taong inidolo niya simulat sapol. Since his childhood ang Daddy na niya ang inidolo niya. Though no one dictates him to follow his father's footsteps. And because of that, his angers faded slowly until it turns into seductive smile. "Ang anak kong naging sala sa lamig at sala sa init na yata. Kanina ay halos hindi maipinta ang mukha dahil sa galit. Ngayon naman ay mukhang may kumikiliti dahil napapangiting mag-isa. Mukhang may iba pang dahilan ang ngiti mo ngayon anak. Yes, we know you son. Isang taong may paninindigan sa buhay man o sa batas. Subalit parang may ibang nagbibigay nang pagngiti mo," pahayag ni Marga. Muli ay napasandalang binatang abogado sa sofa. Animo'y may anghel na dumikit sa kisame dahil umaabot naman sa taenga ang ngiting nakapaskil sa labi. Then out of the blue he said a word that makes his parents worry. Pansamantala nga niyang nakalimutan ang ang nangyari sa gabing iyon. "I miss her already. Ilang araw ko na rin siyang hindi nadadalaw. She's so beautiful indeed. And for the first time in my life I felt stranges like this," aniya habang nakangiting nakatitig sa kisame. Nakalimutan na nga niyang nasa harapan niya ang mga magulang. Dahil nakatingala siya ay hindi na niya nakita ang makahulugang tinginan ng mga magulang. Tinginang nag-aalala para sa anak na labis umiibig sa magmamadre. Alam naman kasi nilang wala itong naging kasintahan simula't sapol. Kahit pa sana puppy love. Ngunit kung kailan ito nakadama ng pag-ibig ay nagkataon pa na sa isang magmamadre. "Si Chelle pa rin ba anak? Inuunahan na kita ilang buwan na lang mula ngayon ay babalik na siya sa Vatican for her ordination as a sister. Kaya't kung ako sa iyo habang maaga pa ay pigilan mo ang iyong damdamin. Dahil kung hahayaan mo iyan anak ay ikaw din ang masasaktan sa bandang huli," pahayag ni Marga. Then the young Cameron says as he stood up. "If there's a way, there is a wheel." He murmured as he walks away from his parents and started to go on with the staircase leading to his room. Even he forgets about his stomach. In his mind, he will just eat biscuit and drink water. Dahil umakyat na siya ay hindi na niya narinig ang pinag-usapan ng mga magulang. "Ako ang natatakot para sa anak natin, Honey. Kilala natin siya bilang mabait na tao pero kapag nasa karapatan siya ay hindi siya basta-basta tatahimik. And sana huwag humantong sa puntong makakagawa siya ng bagay na pinagsisihan niya sa huli." Mahinang man ang pagkasabi ni Marga ngunit dinig na dinig iyon ng asawa. "I know what you mean, Honey. Si Rochelle Ann diba? May determinasyon sa bawat ginagawa ang anak natin at hindi iyan malayong mangyari kapag ginusto niya. Narinig mo naman ang sinabi niya bago umakyat. Ngunit kagaya nang sinabi mo ay sana huwag dumating sa puntong makagawa siya ng hindi magandang hakbang. Tara na matulog na rin tayo baka mamaya pa ang dating ni Joy. May susi naman siya and besides may mga guard naman diyan sa labas." Inakay na ni Shane I ang asawa paakyat sa kanilang kuwarto. Tahimik silang umakyat sa ikalawang palapag ng kabahayan kung saan naroon ang mga silid-tulugan nila. As the months and days goes on. Habang papalapit nang papalapit ang isang taon ni Rochelle Ann sa labas ng Vatican ay mas pinag-igi niya ang pagsisilbi sa Panginoong Diyos. Halos sa kumbento na siya maninirahan para hindi mapalayo sa sagradong lugar. Until one day! Naisipan niyang umuwi sa piling ng mga magulang. Nasa kahabaan na siya ng biyahe nang may humarang sa kaniya. MAUULIT NGA BA ANG KAHAPON? O ANG DIYOS ANG GAGAWA NG PARAAN PARA MATULOY ANG NINANAIS NIYANG MAGING MADRE? ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD