CHAPTER THREE

2362 Words
CHAPTER 3 "I'm so sorry, Sir. Hindi ko naman po sinasadya na mabangga ka." Nakayukong hingi ng paumanhin ng dalaga. At first gustong mainis ni Garreth dahil sa bumangga sa kaniya. He's in a deep thoughts ng may basta na lang bumangga sa kanya. Pero ng narinig ang malamyos nitong boses ay agad siyang napatingin dito. Parang hinaplos ang kaniyang puso sa nakitang reaksiyon ng mukha nito na hindi malaman kung naiiyak o ano dahil sa namumula nitong mukha. Pero teka.... "No problem, Sister. Kasalanan ko rin dahil napalalim ang pag-iisip ko. Garreth Shane, is my name how about you?" Inilahad niya ang kaniyang palad para sa formal na pakikipagkilala sa madreng nakabanggaan. "Rochelle Ann Zaragoza, and in God's will magiging madre na ako after one year kaya't puwedi mo pa akong tawagin sa pangalan ko." Tinanggap ni Rochelle Ann ang palad ng binata kaso agad ding binawi dahil inaayos ang kamuntikang mahulog na talukbong. "Hapon na Chelle pero ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng binata. "Ahm, inutusan kasi ako ni Sister Monica na pumunta rito pero dahil hindi ko kabisado ang lugar ay nahuli ako ng dating. Mukhang wala ng katao-tao." Napayukong muli si Rochelle Ann dahil sa pagkakaalala sa rason kung bakit nasa law firm siya. "Sige samahan na lang kita sa pupuntahan mo baka maligaw kang muli, pero teka lang sino ba ang hinahanap mo?" tanong ng binata. "Attorney Carpio, Sir." Napaangat ng tingin ang dalaga. "Teka lang, Chelle. You let me call you by your name pero Sir pa rin ang tawag mo sa akin?" tanong niya Hindi tuloy maiwasan ng dalaga na mapangiti na naging sanhi upang lumitaw ang mga mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. "Okay, Garreth na lang. Total Shane Garreth naman ang pangalan mo." Nakangiti siyang napatingin dito. "Garreth Shane Calvin Cameron, is my complete name, Chelle. At bago pa tayo gabihin pareho ay sabihin mo na ang ---wait lang, did you say a while ago, Attorney Carpio? Anong kailangan mo kay attorney?" sunod -sunod niyang tanong ng pumasok sa isip niya ang tinuran ng dalaga. "Do you know him, Garreth? Kasi kailangan ko siyang makausap kaya nga ako pinapunta ni Sister Monica, rito para kausapin siya," tugon ni Rochelle Ann. Nang tumino sa kaniyang isip ang sinasabi ng bagong kakilala ay mas minabuti niyang hilain ito papasok sa kaniyang tanggapan ang dalaga. "Sorry ha kung hinila kita papasok dito dahil ayaw kong manghinala ang mga nakapaligid sa atin," wika ni Garreth. Pero hindi ito pinansin ng dalaga bagkos ay may paghanga niyang binasa ang nakasulat sa lamesa ng binata. "Attorney Garreth Shane Calvin Cameron. Wow! If I'm not mistaken your still young ang fresh graduate but your at a high position already," may paghangang sambit ng dalaga habang nakatingin sa name ng plate ng binata sa lamesa nito. "Hindi naman, Chelle. Nagkataon lang na talagang ang hilig ko ay ang propesyon mayroon ako ngayon. Siya nga ano na iyong sasabihin mo? Bakit mo hinahanap si Attorney Carpio?" Napakamot tuloy sa ulo ang binata dahil kamuntikang makalimutan ang pakay ng dalaga o ang bagong kakilala. "Sabi kasi ni Sister Monica na puntahan ko siya upang papuntahin sa orphanage. Hindi na raw kasi niya makontak ang abogado." Binalingan niya ang kausap dahil ayaw rin naman niyang maging bastos. Hindi man alam ng binata kung ano ang rason ng paghahanap ng sinasabi ng dalaga na Sister Monica sa kasamahan niyang abogado ay malakas ang kutob niyang malaki ang kinalaman nito sa ibinigay ng abogado sa kaniya na folder. Hindi rin siya pintaserong tao at mas lalong hindi siya ang uri ng tao na basta-basta nagtitiwala sa ibang tao pero siya ang tipo ng nilalang na nakakabasa ng tao kung mapagkakatiwalaan ba ito o hindi. Pero sa kaso ng kasalukuyang hawak niya lalo sa ibinigay ng abogado ay mahigpit niya itong iniingatan lalo at hindi pa niya ito napag-aaralan. "Saang orphanage iyan, Chelle?" muli ay tanong ng binata saka palihim ding pinag-aaralan ang kausap. Pilit niyang inaalala kung saan niya unang nakita ang dalaga. "THE ANGELS ORPHANAGE, Garreth," sagot nito dahilan para mapahampas siya sa kanyang mesa na labis namang ikinagulat ni Rochelle Ann. "Anak ng ****, anong nangyari, Chelle? Don't get me wrong pero paano nagkaroon ng aberya sa ampunan samantalang hawak ng mga magulang ko iyon?" Napahampas tuloy siya sa lamesa dahil hindi maiwasang kabahan sa pagkakarinig ng binanggit nitong ampunan. Bilang alagad ng simbahan inunawa ng dalaga ang pagtaas ng boses kausap saka talaga namang hindi siya mainiting tao. "Ang mabuti pa Garreth samahan mo na lang ako sa lugar kung saan ko matatagpuan si Attorney Carpio. Kailangang makausap ko siya dahil napag-utusan lang naman ako," may ngiti sa labi na sabi ng dalaga pero ang mga mata ay abala sa pagtingin sa mga nakasabit sa dingding na parangal sa kausap. "Listen to me carefully, Chelle. Alam kung mapagkakatiwalaan lang tao lalo at membro ka ng simbahan. Kung ano man ang sasabihin mo kay Attorney Carpio ay sabihin mo na sa akin dahil ang totoo niyan ay wala na siya rito. Nakalabas na siya ng bansa kasama ang pamilya niya pero isa lang ipapakiusap ko sa iyo at ito ay panatilihin mong lihim na wala na sila dito sa Pilipinas," ani Garreth......nasa akin ang kasong hawak niya nais sana niyang sabihin pero nagdalawang isip siya and he never fail by his instinct. Dito ay napabaling ang dalaga sa binata dahilan para masilayan ng binata ang kabuuan ng mukha nito. "Ha? Hala, baka naman hindi siya nagpaalam kay, Sister Monica," sagot ng dalaga na bumalatay sa mukha ang pagtataka. Para namang gustong pagsisihan ng binata kung bakit pa niya sinabi dito ang ganoon pero nanaig pa rin sa kaniya ang kagustuhang malaman kung ano ang kinalaman ng ipinahawak na kaso sa kanya ng abogado sa tatlong dekada at mahigit ng orphanage at sa madre. "Bakit hindi ko naisip na ang mother superior ng orphanage at ang madre na sinasabi mo ay iisa lamang? Huwag lang nilang galawin ang lugar dahil hinding-hindi ko sila papayagan," bulong ng binata na akala niya'y siya lamang ang nakakarinig pero hindi dahil narinig rin ito ni Rochelle. "Ah, Garreth, huwag mong masamain kasi Cameron ka. Si Lola Rene ay Cameron din ayun sa kuwento ni Papa Cyrus, magpinsan daw sila, Lola Rene at late Grandpa Allen dahil galing silang pareho sa Cameron," lakas loob na tanong ng dalaga. Bigla namang napatingin ang binata sa kausap dahil sa narinig dahil 'di yata't nanaginip siya ah. "Chelle, kamo Zaragoza ka pero paano mo naging Papa si Tito Cyrus?" maang na tanong ng binata na nakalimutan na yata ang sadya ng dalaga. "To make the story short Garreth, anak ako sa pagkadalaga ni Mommy Weng na asawa ni Papa Cyrus. Ikaw paano mo naging tiyuhin si Papa?" balik-tanong ni Rochelle. "Ikaw na rin ang nagsabi Chelle, na magpinsan ang Grandpa Allen at Grandma Rene, kaya't mag-second cousin naman sinaPapa Cyrus mo at Daddy Allick Shane." Napapitik sa ere ang binata na labis namang ikinagulat ni Rochelle Ann. "Oh, I'm sorry if I scared you, Chelle. But I just remembered where I saw you first. Kaya naman pala parang familyar ka sa akin dahil ikaw iyong nakita ko sa orphanage na tumutogtog ng piano noong kasal ni CM. Ikaw din iyong kumanta noong kasal ng kapatid ko si Kuya Shane II," masayang sambit ni Garreth ng sa wakas ay namukhaan ang dalaga. "Crystal Marie, ba?" tanong din ng dalaga. "Yes tama ka, Chelle," sagot ng binata. Ilang sandali din ang lumipas bago sila natapos sa pag-uusap. "Mauna na ako, Garreth. Baka magalit si Lola, kapag malate akong uuwi. Sige hayaan mo, makakarating ito kay Sister Monica. I, mean I'll keep it secretly." Tumayo na ang dalaga tanda lamang na paalis na siya. "Sabay na lang tayo, Chelle. Doon din naman ang tungo ko kina Grandma," tugon ng binata. "Nakakahiya naman sa iyo, Garreth. Baka it's out of your way ang daan patungo kina Lola. Saka baka magalit sila sa akin." Napailing siya dahil sa kaisipang nagpapahatid siya ng lalaki. "Don't think it that way, Chelle. Dahil I'm sure Grandma at Grandpa, will be happy to see me there." Pangungumbinsi ni Garreth sa dalaga. Hindi na umangal ang dalaga bagkos ay pinaunlakan niya ang bagong kakilala na ihatid siya total apo ito ng Lola Rene niya ito. Samantala, sa tahanan ng mga Aguillar sa Nueva Ecija particularly sa tahanan ng mag-asawang Cyrus at Rowena. "Mukhang nag-eenjoy ang panganay natin ah. Hindi pa siya tumatawag how is she in Baguio?" tanong ni ni Cyrus sa asawa. "Tumawag si Mama kanina but tulog ka kaya ako ang sumagot. Nagpaalam daw kanina si Ann na pupunta sa orphanage," tugon ni Weng sa asawa. "Mabuti naman kung ganoon, Mahal. Dahil isang taon na lang ay magiging ganap na siyang madre." Umupo ng maayos si Cyrus kaso nagulat at agad lumingon sa asawa dahil napabuntunghininga ito. "Oh, mahal? Para saan ang malalim na paghingang iyan? Hindi ka ba masaya dahil sa wakas ay makakamit na niya ang kaniyang pangarap? We all know her simula pagkabata niya na wala na siyang hinangad kundi ang makapagsilbi sa Panginoon." Tumayo siya saka lumapit dito. "Masaya ako, Mahal. Pero kung ako lang ang masusunod ay hindi ang pinasok niyang bokasyon ang gusto ko para sa kanya. I want her to follow the footsteps our my parents dahil sumunod naman sa atin si Ethan kaya't kahit isa sana sa kanila eh may magmamana sa negosyo. We're not getting any younger anymore," pahayag ni Weng. "Mahal, huwag ka ng magtaka sa panganay natin. Dahil hindi rin naman natin sila puweding pakialaman kung ano man ang napili nila o ang landas na kanilang tatahakin. Ang magagawa na lang natin ay ang gabayan sila." Inakbayan ni Cyrus ang mahal na asawa bilang suporta. "Oo naman, Mahal. Hindi ko lang lubos maisip wala man lang isa sa kanila na business minded. Pero okay lang iyon, Mahal. Sabi mo nga ay hindi natin sila maaring saklawan sa bagay na iyan." Tumatangong pagsang-ayun sa wakas ni Weng sa asawa. Ibubuka pa lamang ni Cyrus ang kanyang bibig para sagutin ang asawa ng sumulpot ang bunso nilang anak. "Ako ang tunay na baliw este ako ang magmamana sa lahat ng negosyo nila Lola at Lolo dahil ako ang tunay na tagapagmana ng kanilang pag-iisip at pagka-business minded," pakikay nitong sambit pero ang mga kilay ay nakataas. Ika nga nila maldita ang mga babaing Aguillar. Mula pa raw sa tiyahin ng mga ito na wild princess na sinundan ng magpipinsang Crystal Marie, Eula Gwendolyn, Samantha, at Christine Jullianne. "Wala talaga kayong ipinagkaiba sa tiyahin ninyo," madalas ngang sabihin ng abuelo nilang si Sablay Dulay. Mga sutil lang ang mga ito but deep inside of them ay mababait. Maldita lang sa panlabas na kaanyuhan. Kung hindi sila kilala ng kausap ay mapapaiyak ito. They're the female version of their grandfather retired General Artemeo Aguillar. "Saan mo naman napulot ang kaisipang iyan, anak? Aba'y idol mo na yata si Basilio ah," nakangiting wika ni Weng sa anak. "Diyan lang sa tabi-tabi, Mommy," sagot nito with matching giggling. "Ito kasing Mommy mo, anak. Nag-eemote kaya I tried to comfort her. Pero teka lang anak, saan ka ba galing? Sa pagkakaalam ko kanina pa ang out ninyo sa office ah," wika ni Cyrus. As she always says mana-mana lang daw ang kapasawayan. Umupo ito at sa tabi ng mga magulang saka naka-de-kuwatro. "I've been to London to look at the queen." Nakatingala ito na ang mga nagniningning. Animo'y nangangarap na gising dahil nakatingin ito sa kawalan. Nagkatinginan tuloy ang mag-asawa dahil dito. Pero namana pa yata nito ang matalas na pakiramdam dahil bigla itong nagsalita. "Kayo naman Mommy, Daddy. Anong nakakapagtaka roon upang magulat kayo? Galing man ako sa kabila kaya't huwag na kayong magtaka." Tumayo at umakyat na ito sa ikalawang palapag ng kahahayan kung saan naroon ang silid-tulugan. "Ang batang ito, oo. Wala ng pinagkaiba sa mga pinsan niya." Napailing si Cyrus dahil sa inasta ng anak. "Mga Aguillar ang mga anak mo, Mahal. Huwag ka ng magtaka sa kanila dahil may pinagmanahan," nakangiting sagot ni Weng habang nakatingala sa taong kanilang pinag-uusapan. Sa kabilang banda matapos maiparada ni Garreth ang sasakyan ay agad siyang bumaba upang pagbuksan ang dalaga na siya namang paglabas ng kanyang abuela. "Wow! My favorate handsome apo and his cousin are here. Pero teka lang, do you know each other? " salubong nitong tanong sa dalawa. "Mano po, Lola," "How are you, Grandma?" Sabay pa nilang sambit kaya't mas napangiti ng kanilang abuela. Pero bago pa ito makapagsimulang manutil ay sumabad na ang padre de-pamilya ng mga Aguillar. "Pasok na muna mga apo bago kayo interrogate ng Lola ninyo," wika nito na ikinapanlaki ng mata ng may bahay bagay na ikinatawa nilang lahat. . . . . . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD