CHAPTER 2
"Anak, mukhang tinanghali ka ngayon ah." Sinalubong ni Marga sa pangalawang anak. At his young age isa na itong successful criminal lawyer. Wala pa itong hinawakang kaso na hindi naipanalo.
"Napasarap and tulog, Mommy. Hindi ko nga po narinig ang alarm clock ko." Napangiwi si Garreth dahil sa pagkakaalala sa alarm clock niya hindi yata tumunog kaya't tinanghali siya ng gising. Ibabato niya iyon kapag mangyari pa ulit na tanghaliin siya ng gising.
"Baka naman nanaginip ka ng girl in your dream," mapanuksong wika ni Shane I.
"Si Daddy naman late na nga ang tao eh nangantiyaw pa." Napakamot tuloy siya sa ulo ang binata dahil sa pangangantiyaw ng ama.
"Tama naman kasi si Daddy. Narinig pa nga kita kagabi humahagikhik ka nga while dreaming," panggagatong pa ni Joy na ikinalingon nila.
"Aba'y himala Joy, nandito ka pa. Kung late ako sa trabaho eh sa palagay na iyan ay absent ka na ah," sabi ni Garreth.
"Your dreaming nga, Kuya. Dahil nakalimutan mong day off ko ngayong araw. Kaya nga nandito ako ngayon sa bahay." Nakangiting pang-aasar ng dalaga.
Akmang sasagot pa ang binata pero pumagitna ang kanilang ama.
"Tama na iyan mga anak. Maaga pa naman para sabihing late ka na, Garreth. Kaya't kung ayaw mong tuluyan kang mahuli sa trabaho ay pumasok ka na alam ko namang hindi ka nag-aalmusal." Nakatawang pagitna ni Shane I.
Dito napagtanto ng binata na pinagluluko siya ng kapatid pero bago pa siya makapagsalita ay nakalabas na ito habang tumatawa.
"Naisahan ka na naman ng kapatid mo anak. Hala, gumayak ka na rin bago ka pa niya balikan." Nakailing naman ni Marga saka binalingan ang binatang anak.
"Mang-asar ng babaing iyon day off daw samantalang naka-uniform naman. Sige po Daddy, Mommy, mauna na po ako." Dinampot niya ang attache case, car key saka tuluyang lumabas ng kabahayan.
Hinintay muna ng mag-asawang Shane I at Marga na nakaalis ang mga anak bago sila nagsalita.
"Ang bilis panahon, Hon. Parang kailan lang noon gumagapang pa silang pareho sa lapag ngayon mga propesyunal na sila," nakangiti na sabi ni Marga. Kahit tumatanda na sa edad ay hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan.
"Yes, Hon. Tama ka riyan. Itong Joy nga parang kailan lang alaga pa siya ng Kuya Shane niya ngayon may anak na rin ang Kuya niya. Maiba ako, Hon, kumusta si Papa?" tanong ni Shane I.
Sa narinig ay bumalatay ang lungkot sa mukha ng Ginang. Ilang taon na rin ang ama niya na pabalik-balik sa pagamutan dahil habang nagkakaedad ito ay dumadalas ang pagka-stroke nito.
"Dumaan ako sa bahay kahapon, Hon. Sa awa ng Diyos okay naman siya. Iyon nga lang bawal na bawal na sa kanya ang mapagod o mastress," malungkot na tugon ni Marga.
"Ayun sa kuwento ni Daddy. Si Papa ang dahilan kaya nabuo ang grupo nila pero sayang nga lang dahil nauna nang nagsauli ng buhay si Daddy. Hindi na niya nasamahan ang mga kaibigan niya sa kanilang pagtanda. Pero si Papa ang may pinakamabuting kalooban. Although, hindi naman sila masasamang tao. Si Tito Raven, Tito Oliver, Tito Bryan. Mga pasaway nga lang daw according sa kuwento ni Daddy. Anyway Honey, hindi ka ba papasok sa clinic ngayon?" tanong ni Shane I.
"Para saan ba't ako ang Boss doon kung lagi akong nagmamadali sa pagpasok? Kagaya mo Hon, anumang oras ay puwedi ng papasok." Napangiti siya lalo sa pagkakaalala sa mga kaibigan ng ama.
"Well, tama ka riyan, Hon. Ang trabaho ko ay malapit ko na ring bitawan dahil nasa edad na rin ako saka nariyan naman si Garreth para siya na rin ang mamahala sa law office. Sayang nga nurse ang dalaga natin hindi sumunod sa yapak mo na isang surgeon para siya na rin ang mamahala sana sa clinic," ani Shane I.
"Who knows someday, Hon. Maisipan niyang mag-doctorate nang sa ganoon ay siya na rin ang mamahala doon," tugon ni Marga.
Lumipas ang ilang sandali na pagmumuni-muni este pag-uusap nilang mag-asawa bago naisipang lumabas para papasok sa kani- kanilang trabaho. Ihinatid muna ni Shane I ang asawa sa clinic nito bago tumuloy sa trabaho, ang law office.
Samantala, makalipas ng ilang oras niyang biyahe ay sa wakas nakarating na rin sa Baguio ang dalagang si Rochelle Ann.
"Welcome home, Rochelle Ann. Maraming salamat at naalala mo kami rito sa Baguio." Masayang sinalubong ni Grandma Rene ang dalagang kadarating lang.
Kung tutuusin ay hindi nila ito kadugo, pero tinanggap nila ito kagaya ng ina na buong-buo. Dahil bilang magulang ay hindi nila ugali ang makialam sa love life ng mga anak kaya't ng nagsabi ang panganay nilang si Ace Cyrus na mahal at handang iharap sa dambana ang dalagang ina na si Rowena ay walang narinig ito sa kanila na pagtutol.
"Opo naman po, Lola. Dumiretso po ako sa Nueva Ecija kina Mommy kaya hindi po agad nakapunta rito. Pero huwag ka pong mag-alala Lola dahil magtatagal po ako rito sa Baguio." Yumakap si Rochelle sa matandang Aguillar. Napakasuwerte niya sa buong pamilya. Wala siyang masabi dahil hindi man siya galing sa dugo nila'y mainit pa rin ang pagtanggap sa kaniya.
"Wow! Mabuti naman kung ganoon, Iha. Lalo ngayon dahil kami lang dito ngayon ng Lolo mo. Nasa destino ang mga kapatid mo though dumadalaw naman sila rito paminsan-minsan." Gumanti ng yakap si Lola Lampa.
"Sana magkita din kami nila Ethan at Niel habang nandito ako sa Baguio. Sabi ni Papa bihira rin daw silang umuwi sa Nueva Ecija," sagot ng dalaga.
"Kung magtatagal ka rito iha makikita mo sila. Tama ka riyan bihira lang maka-uwi ang mga kapatid mo lalo ngayon at malilipat na yata ng trabaho si Ethan. Si Niel aba'y sumunod sa yapak ng Papa Dos ninyo na nagpalipat sa Benguet. SibSamantha naman ayun buntot na yata ng Papa mo. Hindi na iniwan ang mga magulang n'yo. Halika muna apo at makapagkape ka," sagot ni Lola Lampa.
"Salamat po Lola. Siya nga pala Lola, parang hindi ko nakikita si Lolo ah?" sagot at tanong ng dalaga saka pinaunlakan ang paanyaya ng matanda.
"Dumaan yata riyan sa pinsan ninyo apo kaya natagalan. Heto na ang kape mo apo ako na ang nagtimpla para sa iyo," malambing na tugon ni Lola Lampa.
"Naku po Lola nag-abala ka pa. Puwedi naman po na ako ang gagawa sa kape nating dalawa. Kumusta po pala sina JC at Shiela, Lola?" muli ay tanong ng dalaga.
"Malalaman natin pagbalik ng Lolo mo apo kung kumusta na nga ba silang mag- asawa," tugon ng matanda sa pagitan ng paghigop ng kape.
Marami pa silang napag-usapan habang nagkakape hanggang sa naitanong ng matanda ang tungkol sa pagmamadre ng una.
"Yes po, Lola. In God's will next year ay ganap na po akong madre. Bukal po sa kalooban ko ang pagyakap sa simbahan kaya't alam kung magiging ganap akong madre." Napangiti tuloy ang dalaga sa pagkakaalala sa pagyakap sa simabahang Katoliko.
"Masaya kami para sa iyo, apo. Sa wakas ay matutupad mo na rin ang iyong pangarap." Papasok pa lamang si Grandpa Art ng maulinigan niya ang pag-uusap ng dalawa kaya't hindi niya napigilang sumabad.
"Lolo, ikaw pala. Mano po, Lolo." Tumayo si Rochelle Ann saka nagbigay galang sa matanda.
"Maraming salamat po, Lolo. Dahil sa suporta ninyo sa akin. Kung tutuusin ay hindi n'yo naman ako kadugo," muli ay wika ni Rochelle Ann ng nakaupo ang matandang Aguillar.
"Kape mo asawa ko. Kumusta ang mga bata?" Iniabot ng Ginang sa asawa ang bagong templa na kape saka naupo sa tabi nito.
"Salamat asawa ko. Wala ka pa rin kupas sa pagtitimpla ng kape your still the best." Tinanggap ni Sablay Dulay ang kape na iniabot ng asawa saka humigop. Binalingan niyang muli ang dalaga.
"Alam mo, apo. Simula ng naging magkasintahan ang Mama at Papa mo ay tinanggap na namin ng buong-buo ang lahat ng Mama mo. Kasama ka na roon kaya huwag mo ng isipin na hindi ka namin kadugo dahil you belong to our blood line," sagot ni Sablay sa pagitan ng paghigop sa kape.
"Maraming salamat po, Lolo---"
"Hay naku, it's still early in the morning nag-eemote na kayong mag-Lolo. Ubusin n'yo na iyang mga kape ninyo at mamasyal tayong tatlo. Ay mali mangangapit-bahay tayo doon kina JC." Nakatawang pamumutol ni Lampa sa dalawa pero ang purpose lamang niya ay pagaanin ang atmosphere.
Paano naman kasi! Napakaagang dramahan!
The result? Ang simpleng kapehan ay nauwi sa maagang pangangapit-bahay sa tahanan ng mag-asawang JC at Shiela.
Few days later...
"Attorney, salamat naman at pinagbigyan mo akong makausap ka," masayang sabi ng isa sa mga associates ni Garreth.
"Oo naman, Sir. Araw-araw naman naman akong nandito and you also know when we are all busy. Anyway, maupo ka pala." Iminuwestra ang palad sa visitor's chair patunay na pinapaupo niya ito.
"Nahihiya kasi ako, Attorney. Lagi kang may hawak na kaso. May ipapakiusap pa naman ako sa iyo kung maari lang naman," hindi matukoy kung namumula ba o nanginginig na sagot ng kapwa abogado.
"Ikaw naman, Sir Carpio. Wala namang problema roon. We are in the same field at kung kaya ko rin naman eh why not sure I will do," pampalubag-loob ng binata sa may edad na ring abogado.
Huminga ng malalim ang Ginoo bago nagsalita.
"Ganito kasi iyan, Attorney Cameron. Gusto ko ng magresign sa trabaho pero hindi pa pumapayag ang superiors natin sa kadahilanang may hawak pa akong kaso. Nakahanda na rin ang lahat para sa pagmigrate ng buong pamilya namin sa Europe at ako na lang ang kulang." Nagpakawala pa ito ng malalim na hininga sa pagsimula ng pagpapahayag nito.
"Ahem, Sir Carpio. Ano ba ang nais mong tumbukin sir?" nahihiwagaan niyang tanong.
Tumayo ang Ginoo saka isinara ang pintuan saka muling humarap sa binata. Siniguradong sila lamang ang makakarinig sa pag-uusapan nila.
"Ganito iyan, Garreth. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman ang buhay mayroon tayo. Lalo na sa ating hindi ipagpapalit ang dangal o dignidad sa kinang ng salapi. May banta ang buhay ng pamilya ko kaya't kahit ayaw akong payagan ng superiors natin na aalis ako. Oo, mahal ko ang trabaho natin pero mas mahal ko ang pamilya ko kaya't mas nanaisin ko pang iwan ang trabaho ko sa mahabang panahon kaysa ang buong pamilya ko ang mawala ng tuluyan sa akin." Muli, nagpakawala ito ng malalim na hininga.
"Sir?" Napatayo ang binata dahil nakukuha na niya ang nais nitong sabihin.
"Heto ang folder, Garreth. Ang nilalaman ng files na iyan ay ang mga hawak kong kaso. Hindi iyan alam ng mga kasamahan natin dahil hindi nila alam na aalis ako at mas lalong hindi nila alam na may hawak na akong ebidensiya na magdidiin sa suspect. Sa iyo ako lumapit dahil alam kung mapagkakatiwalaan kita. Nasaksihan ko ang dedikasyon mo sa trabaho natin simula't salol. At your young age, marami ka ng napatunayan na hindi pa nagagawa ng iba. You're such a genius, Garreth Shane. Kilala ko ang pamilya mo na maaring mapagkakatiwalaan ng anumang sekreto," paliwanag nito sabay lapag sa lamesa sa isang folder.
Hindi naman agad nakasagot si Garreth dahil sa narinig. Hindi naman sa ayaw niyang tanggapin ang folder pero hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Wala siyang balak magpapuri dahil hindi siya Diyos upang purihin.
"Don't worry, Garreth. This is not a joke and I can assure you that you're safe. You're smart man that's why I trust you and hope you keep it up what you started," muli ay wika ng kapwa abogado. Maaring hindi mahintay ang tugon niya kaya muli siyang inunahan sa pagsasalita.
"Sir Carpio? Hindi pa rin kita maunawaan, Sir. Teka lang huwag ka munang umalis, Sir." Pagpipigil ng binata sa panauhin sa akmang pag-alis.
Pero ngumiti lang ang Ginoo bago muling nagsalita.
"I'm not going to say sorry for bothering you, young man, but I'm going to say keep up the good work. In a short period of time that you are working here I know that you can do it. But for now I need to go before they can notice that I talked to you before I leave. And when the right time come, you will never forget me as you will scribe my name in your heart. I'm leaving, Attorney Cameron," nakangiti nitong sabi.
Buong akala ng binata ay aalis na ito pero muli itong nagpahabol ng salitang mas gumulo sa isipan niya.
"At kung ako sa iyo, Iho. Huwag kang magtiwala kahit kanino man lalo na sa uri ng trabaho natin. Keep that folder in a very safe place. Just use it as your last resort," anito saka tuluyang lumabas sa kaniyang opisina.
Naiwan siyang gulong-gulo ang isipan. Hindi niya lubos maisip kung ano ang nangyayari. Nagtataka siya kung bakit siya pa ang napili ng kapwa abogado na pag-iwanan sa hawak na kaso. Kung tutuusin ay siya ang pinakabata sa kanilang lahat. Kahit pa sabihin na may paliwanag ito kung bakit siya ang napili ay hindi pa rin niya maiwasang mag-isip.
"Ano ba ang mayroon sa iyong folder ka at sa akin ka iniwan ng may-ari sa iyo?" bulong niya. Gustuhin man niyang buksan ang folder pero gulong-gulo pa rin ang isipan niya kaya't itinabi na lamang niya ito.
Lumipas ang maghapon na hindi ito mawala-wala sa isip niya kaya't kung hindi pa kumatok ang janitor na off time ay hindi pa siya tumayo mula sa maghapong pagkakaupo.
At sa kaniyang paglabas ay nabangga naman niya ang isang nilalang. Ang taong hindi niya inaasahang makita sa ganoong tagpo. Kaya naman hindi siya agad nakahuma.
.
.
.
.
.
ITUTULOY