IKA-APAT NA KABANATA

2450 Words
Sa paglipas ng panahon ay naging kapansin-pansin ang saya sa mukha at pagkatao ng binatang si Garrette. Minsan pa nga ay napapakanta ito dahil sa hindi maikubling saya. Minsan ay napapangiti na lamang samantalang bihira nilang masilayan ang ngiting iyon sa mukha simula pumasok ito sa mundo ng pagkaabogado. Hanggang sa isang umaga na kumakanta ito pababa sa hagdan. Kaya't nagkatinginan ang mag-asawang Shane at Marga. Dahil ilang araw na nilang napapansin ang bakas ng kasiglalahan sa pagkatao. Wala namang magulang ang hindi magnanais ng kasiyahan para sa mga anak. Madalas na rin itong kumakanta sa tuwing galing trabaho at paalis. Kagaya sa araw na iyon. Tuloy ay hindi napigilan ng huli ang punahin ito. "Hmmm, mukhang sa wakas ay may nakahuli sa puso ng binata namin ah. Sino ba ang masuwerting bumihag sa puso mo, anak?" tanong nito nang tumapat ito sa kinaroroonan nila. "Paano mo po nasabi iyan, Mommy?" balik-tanong din ni Garrette. Ngunit bakas na bakas pa rin sa katauhan ang kasiglahang bumabalot sa katauhan niya. Inaamin naman niyang masaya siya dahil in love siya. Gagawin niya ang lahat para mapasakaniya ang babaeng pinakamamahal niya. Well, may panahon pa naman kaya't puweding-puwedi niyang pagplanuhan ang nararapat niyang gawin. Kaso sa malalimang pag-iisip niya ay nakaisip naman yata ang ama ng ibabatong sagot sa kaniya. "Remember son we're all lawyers and we can read and analyse the situation. Your case is not exemption. You're in love, son." Nakangiti itong tumitig sa kaniya. Kaya ang kaniyang paglabas ay naudlot. Dahil naupo siya sa tabi ng mga magulang. Alam naman niyang nagtataka ang lahat sa ikinikilos niya ngunit ano ang magagawa niya kun talaga namang nagmamahal siya. Para naman sa lahat ang pag-ibig. Kagaya lang ng batas ang pag-ibig. Walang mahirap at walang mayaman. "Binata ako at may katungkulan sa gobyerno. Hmmm, I am handsome too. And even I very much single. Kaya't hindi naman siguro masama kung in love ako. Mas mabuti na nga po iyon, Mommy, Daddy. Maganda nga iyon upang hindi na ako unahan Ligaya." Naupo siya sa tabi ng mga magulang na talagang hindi maikubli ang kasiyahan. Kaso hindi naman yata naunawaan ng ina kung sino ang tinutukoy niya. Sabagay hindi rin niya iyo masisisi dahil sa kaniya lamang ni narinig ang pangalang ibinansag sa kapatid. "Ha? Sino si Ligaya anak? May girlfriend ka na yatang hindi namin nalalaman ah. Tama ba ako anak?" tanong ni Marga. Mukhang kahina-hinala na yata ang pag-ibig na lumukob sa kaniyang anak. "Ikaw naman, Mommy. Paano ko magiging nobya si Ligaya? Sino pa ba ang ligaya ng sanlibutan kundi ang Miss toblerone natin. She's the one and only Shainar Joy. Siya lang naman po si Ligaya." Nakangiting nagpalipat-lipat ng paningin si Garrette dahil sa tanong ng ina. Napa "oohh" namang pareho ang mag-asawa dahil sa tinuran ng anak. Akmang magsasalita sana ang binata dahil sa reaction ng mga magulang pero inunahan na ito ng ama. "Siya nga pala anak, tumawag ang lola Rene ninyo," anito. "Bakit daw po, Daddy? Ano raw po ang dahilan at napatawag siya?" tanong ng binata saka napatuwid nang pag-upo. Napaisip tuloy siya kung bakit tumawag doon ang Lampa niyang abuela. Kaso nasamid siya sa isinagot ng ama. "Wala naman anak. Ibinalita lang niya sa amin ang palagian mong pagdalaw doon. Tandaan mo anak, magkakamag-anak pa rin tayo. Tiyahin ko si Tita Surene, ibig sabihin ay abuela mo siya," tugon ni Shane I. Sa katunayan ay may ipinagtapat ang tiyahin niya sa kanilang mag-asawa. Ayaw lamang nilang biglain ang anak kaya't ganoon ang isinagot. Nakikita na nila ang kahihinatnan ng una nitong pag-ibig. Ngunit dahil na rin sa pakiusap ng tiyahin ay hindi niya sinabi ang tungkol sa pakiusap nito. Dahil sa narinig na pahayag ng ama ay muling nanumbalik ang ngiting hindi mawala-wala sa labi at mukha ng binata. Akala naman niya ay kung ano na ang ibinalita nito sa mga magulang. Well, it's not bad but he will make sure first his love before he will admit to anyone. Kaya't muli siyang nagsalita. "Si Lola Rene talaga oo pati ba naman iyon ay ibabalita." Hindi tuloy niya alam kung saan niya ibabaling ang paningin dahil nakarating na sa mga magulang ang pagdalaw-dalaw niya roon. But it's okay for him. It's not a big deal if his grandmother spread among their family about his love. Because deep inside of him, he is always feeling blue whenever she's around. Hatid-sundo niya ang dalaga sa THE ANGELS ORPHANAGE. Napapawi ang pagod niya kapag kasama niya ito. Hindi biro ang posisyon niya sa korte ngunit para sa kaniya ay balewala iyon. Dahil walang katumbas ang kasiyahang naradama niya sa tuwing hinahatid-sundo niya ito. "Sa tingin ko ay nakalimutan mo na, anak. Pioneer member sa ampunan ang yumaong Lolo. Dumaan kami ng Daddy mo roon kahapon at naikuwento ni Sister Monica na hatid-sundo mo raw ang isang sister doon," ani Marga. Wala sa isipan niya ang pakialaman buhay pag-ibig nito. Dahil bukod sa nasa tamang edad na ito ay may mayroon din itong stable na trabaho. Wala namang problema sa kaniya kahit sino ang mapangasawa ng mga anak niya basta marunong silang rumespeto. Ngunit sa kaso ng anak niya ay iba. Nahuhumaling ito sa isang magmamadre. Ang ordination na lamang nito ang kulang. "Si Chelle iyon, Mommy. Im sure that I'm in love with her." He mumbled. He even forgot that his parents are around. Only he is thinking that time is her. "Who's 'Chelle son?" tanong ni Shane I sa binata na sinegundahan ni Marga. "Siya ba si Rochelle Ann, anak? Ang panganay ng Papa Cyrus n'yo?" tanong nito. Sa narinig ay agad naupo ng maayos si Garrette. Hindi siya sang-ayon sa tinuran ng ina. Paano naging anak ng tiyuhin niya ang dalagang pinakamamahal niya samantalang anak ito sa pagkadalaga ng asawa nito. At bago pa niya napigilan ang sarili na huwag magsalita at sumalungat sa mga magulang ay nasabi na niya ang nasa isipan. "Hindi siya anak ni Papa Cyrus, Daddy. Alam n'yo naman iyan kaya't huwag n'yong ipagpilitang magpinsan kami ni Chelle." Umiling-iling siya tanda lamang na salungat siya sa ipinahayag ng magulang. "Son, I know what you're thinking. Wala kaming tutol sa kahit sino man na mapusuan ninyo ng kapatid mo. Malaya kayong mamili kahit sino sa mundo. Dahil kahit nanggaling kayo sa amin ng Mommy mo ay hindi namin saklaw ang usaping pag-ibig. But let me remind you, Rochelle Ann is on her way to be ordained sister. Vatican City just let her stay outside the basilica to test her feelings, her will to become a sister. I'm telling you all this because you're my son. I don't want you to get hurt," pahayag ni Shane I. Siya bilang ama nito ang numero-unong matutuwa kapag mayroon itong maipakilala sa kaniya. Ngunit sa kaso nito ay sila ang tututol dahil ang Panginoong DIYOS ang kalaban nito. He is aiming an unattainable love that can lead him to be the biggest enemy of his REDEEMER. "I know, Daddy. But I can't help myself in thinking of her since the wedding of Crystal Marie and she's on the piano that time." Sa narinig na pahayag ng ama ay napatungo na lamang ang binata. Dahil totoo naman kasi ang tinuran ng mga magulang niya. Ano pa nga ba ang dahilan niya upang itanggi ang kaniyang nararamdaman sa mga magulang. They're the one who knows him inside out. Ngunit sa pagtungo niya ay nagkatinginan ang mga ito. Sa uri pa lamang ay nagkaunawaan na sila. Hindi pa nangyayari subalit nasasaktan na siya sa maaaring kahantungan ng pag-ibig niya. Pero may panahon pa, hindi pa ito ganap na madre. Kaya't malaki pa ang tsansa na mapasakaniya ito. "You are old enough to decide what you will do, Iho. You're professional too and a public servant. And I'm hoping that you will do and follow the right path. We will trust you that you will never do such a thing that against the law because it may hurt you. I'm saying this because I am your mother and I'm concern to you." Idinantay ng Ginang ang palad sa balikat ng anak. "Nasabi na ng Mommy mo ang nararapat anak kaya't wala na akong maidugtong pa. At bago ka pa mahuli sa trabaho mo ay tumayo ka na riyan," ani Shane I. Wala siyang ibang intensiyon kundi ang pagaanin ang damdamin nito. Napagdaanan na nila ang bagay na iyon kaya't wala ng ibang mas nakakaunawa rito kundi sila na magulang nito. Ngunit dahil ayaw nila itong magkasala sa Diyos kaya't habang maaga pa ay pigilan na nila. Samantalang hindi na umimik si Garrette bagkos ay dinampot ang attache case at car key saka tuluyang lumabas sa kabahayan. Sa isipan niya ay hindi matanggap-tanggap ang mga pahayag ng ama. Tama ito sa lahat ng sinabi subalit sadyang ayaw lamang tanggapin ng isipan niya ang katutuhanang iyon. Dahil sa unang pagkakataon ay umibig siya. Hinintay naman ng mag-asawa na nawala ang kanilang anak bago nagsalita si Shane I. Nasabi na nila ang nais nilang ipabatid dito pero nangangamba pa rin sila sa maaari nitong gawin. They know him so well. His determination will lead him to achieve what he is aiming "Ako ang nangangamba para sa anak natin, Honey. Sa boses pa lamang niya ay hindi siya kumbinsado. Kung hindi nga lang sana magmamadre si Rochelle Ann ay ako na mismo ang makikialam, kakausapin ko na sana si insan Cyrus para sa kasal nila. Ngunit walang-wala siyang laban sa pag-ibig na minimithi niya," aniya nang nawala na sa kanilang paningin ang binata. "We both know that he never engages himself into a relationship before up to the present. But as we can see to him now, it's impossible to stand on his way. His will about his love is very strong. I feel so sorry for him because for the first time that he fell in love, it's impossible to achieve." Isinunod ni Marga ang paningin sa daang tinahak ng anak. "Nandoon na tayo, Honey. Ngunit huwag naman sanang umabot sa puntong makagawa pa ng hindi maganda ang anak natin. Dahil simbahan ang kalaban niya, ibig sabihin ay ang Diyos," napabuntunghinga na ring saad ni Shane I. "I hope so, Honey. Maiba pala ako si Joy, pumasok na ba siya? Aba'y hindi ko na siya nakikita ah." Napalingon ang Ginang sa asawa dahil sa pagkaalala sa anak na pati kalampahan yata ng abuela nito ay namana. "Hindi mo na makikita sa oras na ito ang dalaga natin, Honey. Kung wala iyon sa trabaho, malamang sa malamang ay nandoon siya kina Adrian and I'm sure inaasar na naman niya ang binata ng hipag ni kambal." Kibit-balikat ni Shane I. "Ewan ko ba kay Joy palakaibigan naman si Bryan Christoph. Kaso lagi na lamang niya itong pinagtritripang asarin." Napailing na lamang din si Marga sa pagkaaalal sa anak. "They're both adults now. May mga sariling isip as well as they can decide kung ano ang magaganda sa kanilang dalawa without fighting," saad na lamang ni Shane sa asawa dahil maski siya ay hindi niya maunawaan ang dalawa kung bakit para silang aso't pusa sa tuwing nagkikita. Samantala sa isang kuwarto ng THE ANGELS ORPHANAGE masinsinang nag-uusap ang magkapatid na attorney Carpio at sister Monica. "Bakit ka pa bumalik dito sa bansa? Ano ba ang balak mo sa buhay, Rafael?" malumanay na tanong ng madre sa nakakabatang kapatid. "Parang hindi kaya ng konsensiya ko ang iwanan kay Cameron ang hawak kung kaso lalo at mga bigating tao ang sangkot dito," tugon nito. "Pero hindi mo ba alam na maari kang mapahamak dahil sa ginawa mo? Ang mag-iina mo paano na lamang sila kapag malaman ng mga kalaban mo na nandito ka sa Pilipinas? So far as I know Rafael may maganda ka na sanang trabaho doon sa Europe pero bakit ka pa bumalik ng bansa?" muli ay tanong ni Sister Monica. Hindi agad sumagot ang abogado bagkos ay tumanaw siya sa kabilang bahagi ng kuwarto bago muling nagsalita. "Alam kung ligtas sila doon kaya't umalis din ako na hindi nagpapaalam sa iyo. At bilang sagot sa katanungan mo ay bumalik ako para ituwid ang isa ko pang pagkakamali." Nakatingin man siya sa labas ng bintana ay hindi naging sagabal iyon upang hindi maipahayag ang saloobin. Natigilan ang madre sa tinuran ng kapatid. Dahil kung kailan naibaon na sa limot ang lahat saka naman ito bumaliktad. Kaya naman ay agad niya itong sinalungat. Maraming maaring ibunga ang paglantad nito. Lalo at maselan ang nais nitong gawin. "I think you're out of your mind already, Rafael. Bakit kung kailan naibaon na sa limot ang lahat ay saka ka nakapag-isip-isip? Naisip mo ba ang maaring kahahantungan nito?" hindi mawari kung galit nga ba ito sa kapatid o ano. "Namuhay ako ng tahimik, namuhay na pinaniwala ko kayong lahat na okay na ang lahat sa akin. Ngunit ang hindi ninyo alam ay hindi ako pinatahimik ng konsensiya ko simula ng araw na iyon. Kahit pa sabihin nating bumawi ako sa pamamagitan ng pagtulong ko sa mga mahihirap. Lahat ng kaso na hinawakan ko lalo ang mga kaso ng mahihirap ay hindi ako pumayag na hindi ko ito maipanalo. Subalit nitong mga nakaraang buwan ay bumalik sa aking pagkatao ang bangungot ng nakaraan. Ang pagmamakaawa ng babaeng iyon sa aming apat ay paulit-ulit kong nakikita. Isa pa iyan sa dahilan kung bakit bumalik ako para maituwid ko ito at higit sa lahat naipasa ko na ang kaso kay Cameron. Kaso ayaw ko rin siyang mapahamak kahit pa sabihing isa siyang batikang abogago," pahayag nito sa habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kung kanina ay ang abogado ang natahimik, this time ay ang superior naman ang natahimik. Hindi niya sukat akalain na biglang mag -iiba ang ihip ng hangin at babaliktad ang kapatid niya. Sa mahigit dalawang dekada ay naitago nila ang lihim na iyon sa kanilang pamilya pero sa hindi niya malamang dahilan ay nagbago ang isipan nito. "Pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo na iyan, Rafael. Matanda na ako at hindi ko alam kung kailan ako mamahinga ng tuluyan. Wala ka nang masasandalan kapag nagkataon. Alalahanin mong wala na ang mga magulang natin at wala ring kaalam-alam ang pamilya mo tito." Napatingin na rin ang madre sa labas ng bintana. "Desidido na ako, Ate. Para naman kahit papaano at maituwid ko ang aking kamalian bago ako magsauli ng buhay. Alam ng Diyos Ate na ginawa ko na ang lahat at kung sakali mang mamatay na ako atleast nagawa kung itama ang mga kamalian ko," muli ay wika ni Rafael. Tumagal ng ilang minuto ang usapan ng magkapatid na Monica at Rafael. Nais salungatin ni sister Monica ang kapatid pero hindi na nagpaawat ang huli kaya't nanahimik na lamang ito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD