CHAPTER ONE

2709 Words
CHAPTER 1 "Welcome home, anak." Masayang salubong ni Ace Cyrus sa anak na panganay. "Thank you po, Papa. Kumusta po kayo rito 'Pa?" masaya ring tugon ni Rochelle Ann. "We're great at all, Iha. How's your trip?" tugon ni Cyrus. "Okay lang po, Papa." Inabot niya ang palad ng nakagisnan niyang ama saka nagmano. Kung tutuusin ay hindi niya kaano-ano ng Papa Cyrus niya dahil anak siya sa pagkadalaga ng ina. Pero tinanggap at minahal nito kagaya ng mga kapatid niya sa ina. "Si Mama, wala bang hug? Magseselos na ako niyan, anak. Kung walang hug si Mama," kunway nagtatampong wika ni Weng pero bakas naman sa mukha ang kasiyahan. "Sus naman ang asawa ko. Siyempre mayroon ka ring hug and kisses mula sa anak natin pero dahil ako ang naunang sumalubong sa kaniya eh ako rin ang ang unang yumakap sa kaniya," sagot ni Cyrus sa asawa. Pero kung ang mag-asawa ay nag-momoment iba naman ang pasaway dahil pumagitna ito. Ang bunso nilang si Samantha. "Ay naku! Daddy, Mommy, ang oras n'yo riyan na mag-emote ay ilaan n'yo na lamang upang welcome si Ate. Kaya kung mag-emote lang din kayo'y maaring tatabi na lang muna kayo at ako ang yayakap kay ate Ann." Pabiro pa nitong hinawi ang magulang saka mabilis na yumakap sa kapatid. "Welcome home, Ate. Sana ma-enjoy mo ang isang taon mo rito sa labas este dito sa Pilipinas bago ka maging ganap na madre." Nakayakap siya rito. May katangkaran ang panganay nilang kapatid kaya't tiningala niya ito. "Salamat, Bunso. And yes I will, dahil alam ng Panginoon na malinis ang kalooban ko. Handa kong yakapin ang simbahan ng buong puso," tugon ni Rochelle Ann. "Oo naman po, Ate. Dahil hindi ka magtatagal ng ilang taon sa Vatican kung hindi ka seryoso ginagawa mo." Kumalas si Samantha sa pagkakayakap dito pero umangkla naman. Iginaya sa sasakyang naghihintay sa kanila. "Tara na sa sasakyan mga anak. Ipagpatuloy na lang natin ang kuwentuhan sa loob ng sasakyan," ani Cyrus sa mga kasama na sinigundahan ng asawa. "Tama ang Daddy ninyo , Ann, Sam. Tara na habang hindi pa humahapon aba'y ang hirap pa naman ang bumiyahe lalo kapag rush hour," anito. Masaya silang apat na nagtungo sa sasakyan. Para bang wala ng bukas dahil na rin sa walang hanggan nilang kuwentuhan. "Papa, kumusta po sila Lolo Art at Lola Rene? Ilang taon na rin akong hindi nakapunta ng Baguio para dalawin sila," sabi ng dalaga makaraan ng ilang sandali habang sila ay nasa biyahe. "Okay lang sila anak. Don't worry about them dahil kahit tumatanda na sila sa edad ay nasa maayos naman silang kalagayan sa awa ng Diyos." Nakatutok ang mata ni Cyrus sa daan kaya't hindi na siya lumingon sa dalaga. "Mabuti naman po kung gano'n, Papa. Dahil nakakamiss na po sila," ani Ann. "Ate, gusto mo bang dumaan tayo kina Lolo?" Lumingon si Sam sa kinaroroonan ng kapatid. Akala nga nila ay hindi ito nakikinig dahil naka-headset ito tila ba walang pakialam sa paligid. "Hayaan mo na muna ang Ate mo na magpahinga, Samantha. Don't worry dahil pupunta naman tayong lahat doon sa golden anniversary ng THE ANGELS ORPHANAGE," wika ni Weng. "Tama ang Mommy ninyo mga anak para minsanan ang ating biyahe. Mabuti nga iyon at makita mo rin ang mga Kuya mo Sam Iha. I'm sure nandoon ngayon ang Kuya Vince at Kuya Niel mo. Ewan ko nga sa kanila dahil hindi rin sila mapirmi sa Baguio. At para makapahinga muna ang Ate Ann mo anak." Napangiti na rin ang padre de-pamilya. Hindi na sumagot si Ann dahil labis-labis ang pasasalamat niya dahil kahit anak siya ng kaniyang ina sa pagkadalaga o mas tamang sabihin na hindi nila alam na lalaki. Dahil ayun sa ina niya ay raped victim ito. Tinanggap pa rin ng Papa Cyrus niya ang kaniyang ina at itinuring siya ng buong pamilya Aguillar bilang tunay na kapamilya. Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Cameron. "Bakit nakasimangot ka, anak?" takang tanong ni Marga sa nag-iisang babae na supling nila ni Shane I. "Si Kuya kasi, Mommy." Nakasimangot ito tanda lamang na masama ang araw. "Hep-hep-hep anong kinalaman ko riyan, Miss Toblerone?" maang na tanong ni Shane II na kapapasok galing sa labas. "Eh, kasi naman! Hindi ikaw Kuya Shane, kundi si Kuya Garreth ang sinasabi ko." Nakanguso at kulang na lang ay magpapadyak ito. "Bakit, anak? Anong kasalanan ng Kuya mo sa iyo?" nagtataka man siya(Marga) pero mas piniling tanungin ito ng maayos. "Kung hindi lang sana niya sinabing dadaanan niya ako sa hospital kanina disin sana'y hindi ako naghintay ng matagal. Kakainis kasi hiniram pa niya car ko." Nakapangalumbaba na dahil sa nararamdamang inis sa kapatid. "Teka lang, bunso. Sa pagkakaalam ko ay may kanya-kanya tayong car. Paano hiniram ni Garreth ang car mo? Nasaan ang car niya?" naguguluhang tanong ni Shane II. "Nasa shop daw, Kuya. Okay lang naman iyon eh, kaso---ahhh basta nakakainis siya." Tuluyan na nitong sinabayan ng pagpadyak ang pananalita. "Tama na iyan, anak. Unawain mo na lang ang Kuya mo. Malay mo babawi rin siya some other day. Alam mo naman ang uri ng trabaho ng Kuya mo saka---" Pero ang pananalitang iyon ng padre de-familia ay pinutol ng taong pinag-uusapan nila. "Miss Toblerone, huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko naman sinasadya iyon dahil may hearing kami kanina kaya sorry na. Heto na car key mo. May pasalubong pa ako sa iyo pandagdag mo sa mga collection mo." Pamumutol ni Garreth ang pananalita ng ama. Dahil dito ay napabaling silang lahat sa bagong dating na si Garreth. Kung kanina ay halos malukot ang mukha ni Joy dahil sa inis, ngayon naman ay parang bituin sa kailangitan dahil sa liwanag. At bago pa makaiwas si Garreth ay nakalambitin na ang dalaga sa kaniya. "Hey, dahan-dahan lang anak. Para namang gusto mong masaktan kayong pareho ng Kuya mo," sawata ni Shane I. "Okay lang, Daddy. Kasalanan ko naman talaga kasi nasa shop ang sasakyan ko kaya ang sasakyan niya ang ginamit ko. Dadaanan ko sana siya pero hindi agad natapos ang hearing kanina. Lumampas sa oras kaya't ayun hindi ko na siya nadaanan. Mabuti na lang naisipan niyang umuwi at hindi na naghintay sa akin." Hinarap niya ang ama ng siya ay makabawi sa paglalambitin ng bunsong kapatid. "Speaking of hearing ninyo, anak. Kumusta ang resulta?" tanong ni Shane I. Ibubuka pa lamang ni Garreth ang kanyang labi para sumagot pero naunahan na ito ni Joy. "Hindi na ako galit sa iyo, Kuya. Salamat sa collection ha. Kakainin ko itong iba lalo itong puti." Lumakad na ito patungo sa hagdan kaso ng maalala ang bag nito ay mabilis din itong bumalik saka dinampot ang kailangan. Pakanta-kanta pa itong umakyat sa second floor ng kabahayan. Hinintay nilang nawala ito sa kanilang paningin. Kung tutuusin ang chocolates ay isa sa mga paborito nitong pagkain pero hindi naman ito tumataba. Sa lahat ng refrigerator sa kanilang tahanan ay may lamang toblerone na kahit sa bawat kuwarto ay may lamang chocolates dahil kahit anong oras ay pumapasok ang dalaga. Kung saan ito makaalalang kakain ng chocolate ay may makuha ito. "Mawala na ang lahat ng manliligaw ko huwag lang ang toblerone ko," lagi nga nitong sinasabi. "Grabe ka naman, Joy. Punong-puno pa nga ang transparent cabinet mo, nagpapabili ka na naman? Kunin mo na lang ang nandoon sa room ko," madalas namang sagot ni Garreth sa bunsong kapatid. Kung sa iba ay halos ayaw kumain ng chocolate dahil sa takot tumaba pero si Joy ay kabaliktaran dahil mas gustuhin pa nito ang toblerone na pasalubong kaysa materyal na bagay. "Ano ba ang nangyari sa sasakyan mo, anak? Bakit nasa shop?" tanong ni Shane I sa anak makaraan ng ilang sandali. "Nasira po ang gulong sa unahan, Daddy. Doon sa pinuntahan kung survey kahapon." Napabuntunghininga si Garreth dahil sa pagkakaalala sa resulta ng lakad niya sa nakaraang araw. "Hala anak mabuti at nakauwi ka pa ng maayos? Bakit hindi mo sinabi sa amin ng Daddy mo para ang sasakyan na lang niya ang ginamit mo. Alam mo naman ang kapatid mo," bakas sa tinig ang pag aalala na wika ni Marga sa anak. "Ayaw ko naman po kasing mag-alala kayo ni Daddy, saka po ginagamit n'yo naman po kasi samantalang si bunso eh madalang niyang gamitin kaso nagkataon yatang gusto niya sanang gamitin kanina pero okay lang po Mommy dahil success naman po ang hearing namin kanina," masayang sagot ni Garreth. "Really, anak? Wow! Congratulations sa iyo, anak," masayang sabi ni Marga saka ito niyakap. "Thank you, Mommy. Actually, nakakulong na po ang suspect. Baka ibibyahe na nila ito bukas sa New Bilibid Prison," tugon ni Garreth. "Mabuti naman kung ganoon, anak. Para mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng biktima. Kung bakit kasi naglipana na ang mga krimen sa bansa." Nilapitan ni Shane I ang anak saka ito tinapik sa balikat. Ito ang sumunod sa yapak niya bilang abogado. "Congratulations, brother. I'm so proud of you. Dahil kahit bata ka pa kung tutuusin para sa pagkaabogado. But you proved it na hindi batayan ang edad, Bro." Kagaya ng ama, lumapit si Shane II kapatid bago ipinatong ang dalawang palad sa balikat nito. "Thank you, Kuya. And you're right, hindi batayan ang edad. And besides nasa dugo na natin ang pagiging law maker. Mula pa kay Great Grandpa Policarpio, Grandpa Allen at kay Daddy. Kaya it's not surprising," nakangiting tugon ni Garreth sa kapatid. Bahagya namang natigilan si Shane II sa tinuran ng kapatid but indeed he's happy too for the success of his brother. Sabagay totoo naman kasi ito. Mula pa pagkabata nila ay nakitaan na nila ito ang potential sa daang tatahakin. He still remember when his brother was just fourteen years old, napatumba na nito ang isang college student na martial art experts samantalang nasa huling taon ito secondary. Ayaw na ayaw nito ang inaapi ang nakapaligid kahit sino o ano pa man ito. "Learn your lesson you fool! Don't underestimate anyone or else I'll really break your neck!" galit pa nga nitong sabi sa kinalaban o mas tamang sabihin na nagprovoke. Hindi naman siya bobo pero talagang hindi niya linya o wala sa dugo niya ang ang pagiging law maker. Actually he has the ability but not in law but it's in business. Patunay lamang na natapos niya ang Business Administration major in Management after he shifted from law courses. He, successfully finished his course with flying colours iyon nga lang bumigay ang isip niya way back then pero after two years of being beggar ay unti-unti niyang natanggap ang lahat as well as his family and now he's happily living with his wife. His lawyer wife Samantha Francisco the one who helped him to regained his confidence. Sabi nga ng kapatid niya "have faith in Him and He'll not forsake you". How he wish na kagaya siya ng kapatid niya. May sapat na lakas ng loob upang sabihin ang nasa isipan. Kahit pa sabihing nakalipas na ang lahat pero sa tuwing sumasagi ito sa isip niya ay napapabuntunghininga pa rin siya. "Shane, anak napalalim na yata ang pag-iisip mo ah? Remembering the past?" Kalabit ni Marga sa anak na panganay dahil mukhang napalalim ang pag-iisip. Actually, kung tutuusin ay hindi niya ito kaano-ano dahil anak ito ng asawa niya way back to their younger years. Pero minahal niya ito ng higit pa sa tunay na anak. Kung ano ang pagmamahal na ipinaparamdam niya kina Joy at Garreth na iniluwal niya ay gano'n din dito. "Can't avoid, Mommy. Pero okay lang iyan dahil maski ang asawa ko ay abogada rin like my brother Garreth and I'm so proud of them," napangiting tugon ni Shane II. "Okay lang iyan, Kuya. Maraming salamat sa suporta. Nagkataon lang na wala sa hilig mo ang pagiging law maker like us. Ngunit kilala n'yo ako na walang makakadikta sa gagawin o susundin ko. Dahil ang alam kung tama ang siyang susundin ko. Nasaksihan n'yo naman ang buhay ko mula noon hanggang sa kasalukuyan. I'm not saying not to mind me pero pagdating sa mga ganyang bagay kahit pa sina Mommy at Daddy ang magsasabi ay wala akong papakinggan. I'll just do what's the best thing to do because this is me, no one can dictate me on what will I do." Napakibit-balikat tuloy si Garreth na ikinaluwag ng ngiti ng kanilang ama. "I admire you alot, anak. Dahil may sarili kang pinanindigan and no one can dictates you on what you will do. Pero ang nangyari sa Kuya mo ay nagbigay din sa akin ng lesson not to mind and dictates you on what you will do. And thanks God you follow your dream by your own will," anito na abot hanggang taenga ang ngiti lalo sa pagkakaalala sa nakaraan. "Tama iyan asawa ko. Dahil hindi naman natin hawak ang kanilang isipan upang diktahan sila kung ano ang dapat nilang gawin," sabi naman ni Marga. "Naging madrama na yata tayo ah. Puwedi na ito para sa MMK." Napahalakhak tuloy sila dahil sa pagbibiro ni Shane II. Few days later.... "Are you sure, anak? Kaya mo pa ang magmaneho? Matagal ka ng hindi nagmaneho ah," diskumpiyadong tanong ni Weng sa anak. "Si Mommy naman po. Oo naman basta iyong sasakyan ko pa rin ang gagamitin ko para kabisado ko." Napangiti siya dahil kahit nasa tamang edad na siya ay ramdam pa rin niya ang pag-aalala ng ina sa kanya. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, anak. Ang Lola mo sa Sta Maria, hindi mo ba pupuntahan doon sa kanila?" tanong naman ni Cyrus. "Magrereport muna ako sa orphanage Daddy, bago ako pupunta roon." Inayos niya ang kanyang belo saka humarap sa nakagisnang ama. "Siya sige anak. Lumakad ka na mahirap pa namang maipit sa traffics. Just call us when you get there." Yumakap ang ilaw ng tahanan sa panganay na anak. "Pasyalan mo rin ang Lola Rene at Lolo Art mo, anak. I'm sure matutuwa sila kapag mapasyalan mo sila." Hinagkan ni Cyrus sa noo ang dalaga. Panganay niyang anak. Kailanman ay hindi niya ito itinuring na iba kahit pa sabihin nilang anak ito ng asawa niya sa pagkadalaga. His wife was a raped victim way back then but he take them both as his own daughter and wife. "Opo, Daddy. Doon po ako tutuloy kina Lola. Sige po Mommy, Daddy, mauna na po ako," tugon ng dalaga saka dinampot ang katamtamang maleta na naglalaman ng ilang pirasong damit at ilang gamit niya saka tuluyang lumabas sa kabahayan. . . . . . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD