Dahil wala namang malisya para kay Rochelle Ann ang pakikipagkaibigan ni Garreth sa kaniya ay hindi niya ito binigyan ng ibang kahulugan. Para sa isang tulad na yayakapin ang simbahang Katoliko ay MGA anak at kapatid niya ang lahat. Mga kaibigan niya ang lahat kahit sino ay tatanggapin at yayakapin niya ng buong puso kagaya nang pagyakap niya sa simbahang Katoliko.
"May himala yata ngayon, Apo. Mukhang hindi ko nakikita ang sundo mo ah," ani Lola Lampa.
Masaya siya sa palagiang pagdalaw ng apo niya sa pinsan niya. Dahil ito sa buong pamilya nila ang talagang malapit sa kanilang mag-asawa. Wala namang nagbabastusan dahil family oriented silang lahat. Ngunit iba si Garrette para sa kanila. Hindi rin niya alam kung bakit bukod tangi ito sa kaniya. Kaya't siya ang natatakot dahil hindi siya manhid upang hindi malaman ang nais nitong ipahiwatig.
"Baka busy siya, Lola. Alam naman po natin kung ano ang trabaho mayroon siya. Kaya okay lang po," sagot ni Rochelle.
"Kahit gaano kabusy ang taong iyon pagdating sa iyo. Gagawa at gagawa ng paraan upang masundo ay maihatid ka niya." Nakangiti siyang tumingin sa ng dalaga.
Magkakatabi man siya ngunit hindi magkakadikit kaya't malaya niya itong pinagmasdan. Inosenting-inosenti ito, bukal sa kalooban ang bawat katagang binitawan. Hindi kagaya ng apo niya na na sa bawat titig nito ay halatang in love na. Maaaring kontrolado nito ang kilos kaya't wala itong malisya sa dalaga ngunit para sa kanilang nakakaalam ay bistado nila ito.
"Okay lang po, Lola. Wala naman po akong ibang pinupuntahan kundi sa ampunan. Gamitin ko na lang siguro ang sasakyan ni Papa nandiyan naman ang susi," tugon nito kasabay sa pag-ayos ng talukbong.
Sa pag-aayos nito sa talukbong ay mas napagmasdan niya ito. Gusto niyang kumpirmahin ang nasa isipan. Kumpirmadong pakikipagkaibigan at pagmamahal ng kapatid ang nakikita niya sa dalaga ngunit sa apo niya ay sigurado siyang pag-ibig.
"Hindi ako maaaring magkakamali. Alam kong hindi lang basta pakikipagkaibigan ang hangad sa yo ng apo ko. Kami ang numero-unong natutuwa dahil sa unang pagkakataon ay may oras siyang makipaglapit sa ibang kasarian bukod sa amin. Maganda nga iyon dahil kilala ka na namin. Subalit ang Diyos naman ang kalaban ninyo." Kaso napalalim yata ang pag-iisip niya dahil napakislot siya nang nagsalitang muli ang dalaga.
"Lola? Okay ka lang po ba? Natahimik ka na po bigla, Lola. May masakit ba sa iyo? Tatawag na po ba ako ng doctor?" dinig niyang tanong nito.
Sa boses pa lamang nito ay hatalang nag-aalala na. Kung kanina ay napaisip siya but this time napangiti naman siya kasabay nang pagsalita niya. Ayaw niyang maging atrabida sa imahe nito. Kaya't idinaan niya sa magandang paraan.
"Thank you for the concern, Iha. I'm okay and you don't have nothing to worry about me. Nasa room ng Papa mo ang susi apo. Kunin mo roon." Napangiti siya upang ipakita na wala siyang iniinda o problema.
"Salamat sa Diyos at okay lang ka po, Lola. Akala ko naman po kasi kung napaano ka na dahil bigla ka na lamang napatahimik," ani Rochelle Ann.
Nakahiga siya ng maluwag dahil sa isinagot ng matanda. Kung tutuusin ay hindi naman siya kaano-ano ng mga Aguillar. Dahil anak siya sa pagkadalaga ng ina. Ayon dito ay raped victim ito kaya nga raw siya nasa mundong ibabaw. At laking pasasalamat niya dahil kahit ganoon ay tinanggap siya ng buong pamilya. Kung gaano kainit tinanggap ang kajiyang ina ay ganoon din siya. Nais siyang isunod sa Aguillar ngunit legal naman siyang Zaragoza kaya't hinayaan na lamang nila.
"Siya nga pala, apo. Kumusta naman ang orphanage? Alam mo bang matagal na rin ang ampunan? It's been three decades and more. Pero ang pinakamatagal na namuno sa ampunan ay si mother Judith. Marami na rin ang kasaysayan ng ampunan at higit sa lahat nanatili itong matatag. In other word, ang ampunan ay hindi lang basta-basta ampunan. Umakyat ka na sa room ng Papa mo upang makuha mo ang susi. Mamaya ay maipit ka pa sa traffic, " pahayag ng matanda.
"Salamat po, Lola. Siya nga po pala, hindi po ba tayo dadalaw kina Mama? Ilang araw na rin ako rito at hindi pa muling umuuwi sa probinsiya," hindi niya tuloy mawari kung nahihiya ba o ano ang bumalatay sa mukha niya dahil sa sinabi.
Ngumiti naman si Lola Lampa. Dahil natutuwa talaga siya sa kainosentahan ng dalaga. Kung tutuusin ay hindi nila kadugo pero dahil buong puso nilang tinanggap ang ina nito o ang asawa ng panganay na anak kaya't ganoon na rin ang ginawa sa dalaga. Ginawa nila ang lahat upang maramdaman nito na hindi ito iba sa kanilang lahat.
"Ann-Ann, huwag kang matakot o mahiya kung may gusto kang puntahan. Nasa tamang edad ka na at kaya mo ang magdesisyon para sa sarili mo para. Salamat sa pag-aalala sa side namin ng Lolo mo. I appreciated that much. At alam mo namang hindi kami mahilig makialam sa mga gusto ninyo ng mga kapatid at pinsan mo. Ang suportahan kayo sa mga nais ninyo ay malaking bagay na iyon." Masaya niyang inuwestra ang mga braso.
Dahil sa tuwa ay napayakap ang dalaga sa matanda. They're in the moment nang bulabugin sila ng continuously ringing na cellphone ni Rochelle Ann. Kaya naman ay dali-dali niya itong sinagot. Saka may pagmamadali rin nagpaalam sa abuela bago umakyat sa ikalawang palapag ng kabahayan upang kunin ang susi.
Later that day...
Paakyat na sana si Garrette sa ikalawang palapag ng kabahayan kung saan naroon ang kuwarto niya nang biglang may tumawag. Kaya't imbes na magpatuloy sa pag-akyat ay bumalik siya sa sala at iminuwestra ang kanang palad na para bang nagsasabing "manahimik kayo"sa mga magulang.
"Hello, sino po sila?" sagot at tanong niya sa caller.
"Isa sa mga kakilala mo, attorney Cameron. Maari ba kitang makausap in person?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Kung kakilala kita, bakit unknown number ang nandito? Ano ba ang kailangan mo at bakit gusto mo akong makausap personally samantalang kausap mo naman ako ngayon?" kunot-noong tanong ni Garreth. Animo'y nasa harapan ang kausap. Ang isipan ay naglulumikot kung sino at ano ang motibo ng caller.
"Yes I know that, Attorney Cameron. But I want it in person. Can we?" muli ay tanong ng nasa kabilang linya.
Hindi naman sa ayaw ng binata na katagpuin ang caller niya. Subalit nandoon pa rin ang pagdududa. Dahil bukod sa unknown number ito ay hindi pa naman siya kabasta -basta nagtitiwala sa ibang tao. Tama, nakikipag-usap siya ngunit ang tiwala niya ay bihira lang niyang maibigay. Hindi rin naman masama ang mag-ingat. Ngunit ayaw din niyang maging bastos kaya't sumagot siya.
"Okay, but not now. You know it's night time already. And don't force me to get out this time. Because you will never succeed in letting me to come out," he answered in very serious voice.
"Alright, Attorney Cameron, tomorrow. Kailangan kitang makausap bukas ng lunch time upang walang dahilan na hindi ka papayag. I just really want to talk to you in person. Don't worry because I'm not a trouble maker," sagot pa ng nasa kabilang linya.
"Okay bye." Ibababa na sana ng binata ang tawagan ngunit muling nagsalita ang nasa kabilang linya.
"Let's meet up, Attorney Cameron sa ***** Restaurant main branch and we'll have a lunch tomorrow. See you there," pahabol nitong sabi saka tuluyang nawala sa linya.
"Who's that mad man? I don't know him but he talk like he really know me. He wants to speak with me in private and he really meant. But do I need to meet him? What if he is just fooling me? What if he's only doing pranks? Damm that man!" He cursed. He forgot that he's parents are around.
Kaya naman napalingon siya nang nagsalita sila.
"Isa kang abogado, anak. Hindi basta-basta pasado sa exam dahil sa katunayan ay with masteral ka pa, Iho. Kung ako sa iyo ay pag-aralan mo muna ang pakikipagkita mo sa taong tumawag sa iyo. I'm not saying not to meet him but remember thay crime is everywhere. What I'm saying is you need to have double care. In order to protect yourself and everyone," ani Marga sa anak na agad namang sinegundahan ng asawa.
"Tama ang Mommy mo anak. Nasabi na niya ang nais ko ring iparating sa iyo kaya't iba ang sasabihin ko. Go and meet him to the place where he told you but don't show yourself unless he do first. Ibig kong sabihin ay hayaan mong siya ang maunang magpakita. Tricking an enemy is a great strategy too. Kapag makita at makasigurado kang nandoon siya without any doubtful acts then show yourself," anito.
"Mommy, Daddy," tanging sambit ng binata.
"You know what we want you to understand. Do it in secrecy. Disguise yourself while placing some trusted men nearby for you to move freely. Don't engages yourself in a situation without securing the truth. Do you understand, Garrette?" muli ay saad ng Ginang.
Dahil dito napangiti ang binata saka muling bumalik sa sofa kung saan nakaupo ang mga magulang at pumagitna sa mga ito. Pero bago pa siya makapagsalita a dumating naman ang kapatid na babae na abot hanggang taenga ang ngiti habang kumakanta. Subalit agad ding tumigil nang napansin na nandoon sila.
"Hello everyone. Magandang gabi sa inyo." Masigla itong lumapit sa kanila at inisa-isa silang binati.
"Sayang naman, Miss Toblerone, bakit mo ihinto?" tanong ni Garreth imbes na sagutin ang pagbati nito. May hinala na siya kung saan ito galing ngunit gusto rin niya itong sutilin.
"Daddy nasaan ang GMRC ng attorney na iyan? Aba'y binati ko kayong lahat ng magandang gabi iba ang isinagot." Ngunit imbes na magalit ito ay umabot naman sa taenga ang ngiting nakapaskil sa labi saka hinarap ang mga magulang nila.
"Nasa school, Sis. Absent ako ng itinuro ni Ma'am Kurdapya," saad ng binata.
Dahil sa kapatid niya ay bahagya niyang naisantabi ang isipan tungkol sa caller na nais kumausap sa kaniya. Lalo na nang nagsalitang muli ang kanilang ina. Well, that's how their parents motivates and nurtured them into better person up to the present.
"Tama na iyan mga anak. Ang tatanda n'yo na ngunit kung ano-ano pa ang pinagsasabi n'yo." Pagitna ng kanilang ina dahil magsasalita pa sana ang dalaga.
"Anong nangyari at ginabi ka sa trabaho ngayon anak?" singit namang tanong ni Shane.
Dahil sa tanong na iyon ng ama ay muling bumalik ang ngiting nakapaskil sa labi ng dalaga. Kaya naman ay hindi agad nakasagot. Bagay na sinamantala ng Ginang. Ito ang nagsasalita.
"Hmmm I can smell something, Iha. Wanna share it with us?" tanong ni Marga. Ang nais lang niya'y kumpirmahin ang nasa isipan. Subalit bago pa man ito makasagot ay naunahan na ito ni Garrette.
"Let me guess it, Mommy. Ibig kong sabihin ay kung bakit kay lapad ng ngiti ni Miss Toblerone. I'm so much sure na galing na naman siya kina insan Adrian Joseph at I'm sure naasar na naman niya ng husto si Bryan. Wala naman siyang ibang pinupuntahan kundi roon," pahayag ng binata pero agad ding sinupla ng kapatid.
"Tse! Manghuhula ka nga, Kuya. Dahil tumama ang hula mo na naasar ko ng husto ang masungit na iyon. Subalit kina grandpa B kami galing ni Adrian hindi kina Mama Grace," She answered it with matching giggling. Saka binahiran nang lakad pero bago ito nagsimulang humakbang paakyat sa may kataasan nilang hagdan ay muli itong humarap sa kanilang tatlo.
"Huwag n'yo na pala akong katukin for dinner. Dahil pinakain na ako ni Grandpa B at Grandma D. Good night sa inyong lahat," pahabol nitong sabi bago tuluyang umakyat sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan.
Nagkatinginan tuloy silang tatlo bago sabay kibit-balikat dahil sa tinuran ng dalaga. They know her so well kaya't hinayaan na lamang nila ito.
"Go and change your clothes now, Iho. Ipapahanda ko muna kay Manang ang hapunan natin. Don't worry about your caller. Just do what we've suggested for your own safety." Nakangiting humarap ang Ginang sa anak.
" Opo, Mommy. Aakyat na po upang makapagbihis. Baba rin po ako agad." Tumango-tango ring pagsang-ayon ni Garrette saka tinanguan ang ama.
They are just as the same of the other families. They are not perfect but they are trying their best to live with happiness.
ITUTULOY