Alam niyang nahihiwagaan ang kaniyang ama dahil sa ikinikilos niya ngunit isinantabi muna niya. Ayaw niyang dagdagan ang mga inaalala nito kaya't nothing ang isinagot niya. At mas hindi niya pinansin ang pagtaas ng boses nito nang napapitik siya sa eri nang naalala ang paborito niyang abuela. Yes! His favourite. Dahil ilang taon lamang niyang nakasama ang ninuno sa ama. Malapit din siya sa ninuno sa ina up to the present subalit madalas Kasi siyang nasa tahanan ng mga Aguillar dahil na rin sa pinsan na best friend niya. Actually, nasa ikatlong henerasyon na sila pero hindi nila inalintana ang bagay na iyon.
"Ah! Bakit ngayon ko lang naalala ang puntahan siya kina Lola Rene? Damm! I'm going crazy because of thinking of her. It's getting late already but I can't contact her yet." Napahampas siya manibela dahil sa naisip.
"It's impossible that she's still busy up the present. It's getting late and even I know the time of her work. Ah! Thinking of her without any clue is heavier than handling a case inside the court. I'm really worried about her now. Hopefully she's alright," bulong niyang muli habang nakatutok ang mga mata sa gitna ng kalsada.
Dahil gabi at walang masyadong sasakyan ay madali siyang makarating sa tahanan ng Lola Rene at Lolo Art nila. Kaso halos hindi pa siya nakaparada ay may sasakyan ding tumabi sa kaniya. Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa paningin niya. Ang babaeng dahil ng labis-labis niyang pag-aalala ay kadarating lamang din. Hindi lang iyon, may kasama iton lalaki! Ihinatid ito ng isang lalaki.
At...
"Sasakyan iyon ni Attorney Carpio---"
"Chelle?!" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses nang nakita ang dalagang bumaba mula sa sasakyan ng dating kaopisina. Pero ang dahilan kung bakit mas nagkalinya ang kaniyang noo ay ang din ng abogado na nagpaalam sa kaniya na mawawala sa bansa. But he is still in the country!
Hindi na rin siya nagsayang ng oras. Agad siyang bumaba sa sasakyan niya at lumapit sa mga ito. Huli na upang umatras at itago ang sarili dahil nakapajama lamang siya. Kaya naman ay pinanindigan na lamang niya ang pagsugod.
"Garreth."
"Chelle."
Sabayan nilang sambit nang nakalapit siya.
"Attorney Camero, Rochelle Ann, magkakilala kayong dalawa?" tanong naman ni Attorney Carpio dahil sa tawagan pa lamang ng dalawa ay halatang magkakilala na.
"Oo naman, Attorney Carpio. I know her. But you and her? How did you know each other?" balik-tanong ng binata. Gusto pa nga sana niya itong komprontahin dahil sa pagsisinungaling sa kaniya. Ngunit saka na lamang niya ito kakausapin tungkol sa bagay na iyon. Not in front of his love.
"Yes we do know each other, Attorney Cameron. But it's a long story that I can't explain right at the moment. Ang tanging masasabi ko lang ay huwag mong isipin sa ibang paraan kung bakit kami magkasama ni Rochelle Ann. I'm hoping that one day we will be able to talk in private, I mean the of us. For now, I need to go now before they will know that I am here. Take care of her, Attorney Cameron," mabilisang sagot ni Attorney Carpio saka umalis din ng may pagmamadali.
He wants to explain his side because he know that the young lawyer is a trusted man but he is running out of time. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito dahil sa kaniya. May ibang araw pa naman upang gawin niya kausapain ng masinsinan ang dalawa. Kaya't imbes na ipagkanulo ang sarili sa mga maaaring nagmamasid sa kaniya ay naging mabilisan din ang kilos at paglayo niya sa tahanan ng mga Aguillar.
Samantalang hinintay muna ng dalawa na nawala sa paningin nila ang Ginoo bago muling nagsalita si Garrette. Wala siyang karapatang bakuran ito sa ginagawa ngunit hindi niya napigilan ang sarili na itanong kung ano ang nangyayari. Even he's fooling himself if he will not admit that he got a little bit jealous.
"How are you, 'Chelle? Alam mo bang sobra akong nag-alala sa iyo dahil ilang akong tumatawag ngunit hindi mo sinasagot. Nag-alala tuloy ako na baka kung ano na ang nangyari sa iyo. Don't get me wrong but how it did happen that you and Attorney Carpio know each other?" tanong niya na hindi maitago ang pag-aalala.
"I'm sorry for worrying about me, Garrette. Nakalimutan ko lamang na tinanggal ang silent mode ng cellphone ko nang lumabas ako sa ampunan kaninang hapon. Ipagpaumanhin mo na sana kung napag-alala kita ng sobra. At tungkol naman sa tanong mo ay sa loob ko na lamang sasagutin," pahayag ng dalaga.
Sa narinig na pahayag ng dalaga ay nais batukan ni Garrette ang sarili. Para tuloy siyang sira-ulong gago na basta na lamang sumugod sa nais puntahan na hindi man lang naisipang palitan ang kasuutan. Nakapantulog lamang siya dahil talaga namang matutulog na sana siya subalit dahil sa pag-aalala sa dalagang iniibig ay basta na lamang niya pinatakbo ang sasakyan. Idagdag pa ang tono niya na para siyang nagseselos na kasintahan samantalang kahit manligaw sana ay hindi pa niya nagagawa.
"Sure, 'Chelle. Halika sa---"
"Nandiyan na pala---"
"Hey, young man! What's happening to you?" hindi magkandatutong tanong ni Grandma Lampa.
Hindi nga niya mawari kung sino ang kakausapin sa dalawa. Kung si Garrette ba na nakapapajamas lamang o si Rochelle Ann na nakapanlakad. Ang paborito niyang apo ay mukhang hindi na talaga napaglabanan ang sarili. Lumakad ito kahit makapajama. She needs to talk to him later about what's going on. Kaso bago pa may makapagsalita sa nila ng apo ay naunahan na sila ng dalagang hindi yata marunong magalit at magtampo.
"Let's go inside, Lola. May sasabihin po ako sa inyo ni Lolo. About Garrette po ay nag- aalala raw po siya kung bakit hindi nasagot ang mga tawag niya kaya't napasugod siya rito. Nagpang-abot po kasi kami rito sa labas, Lola," inunahan ni Rochelle Ann ang pagpaliwanag dahil ayaw din naman niyang mapahiya ang binata. Although it's impossible na mangyari iyon lalo at gustong-gusto ito ng abuela nila. Ayon nga sa mga kapatid niya ay ito ang paborito ng Lola nila.
"Hmmm, I can smell something's fishy mga apo. Subalit magsipasok na tayong lahat at doon na natin pag-usapan kung ano ang nais ninyong sabihin sa amin." Tumango-tango bilang pagsang-ayon ang Ginang. Sinarili na lamang din niya ang kuro-kuro na dumadaloy sa kaniyang isipan.
Sa kanilang pagpasok sa kabahayan ay nasalubong nila ang binatang Aguillar na si Vince Ethan. Kaya naman ay agad itong nilapitan ni Garrette. Ang pinsan na best friend niya.
"Pinsan na best friend, nandito ka pala. Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin o kahit dumalaw man lang sana sa bahay. Aba'y mukhang nakalimutan mo na ako ah," pabiro niyang wika kaso ang luko-luko ay mukhang on mood ding magbiro.
"Ikaw ang pinsan ko na best friend kaya't kahit hindi ako madalas pumarito at dalawin ka ay nasa isip ay puso na kita. Saka kadarating ko lang kaya't hindi ako agad nakaparamdam. Pero teka lang, pinsan na best friend, mukhang nakalimutan mo na ring magbihis ah. Marami akong damit sa taas," mapanukso nitong tugon bago binalingan ang kapatid.
"Kumusta ka na, Ate? Parang kailan lang noong dumating ka galing Vatican. Mukhang mas hiyang mo ang bansa natin dahil mas gumanda ka. Bagay na bagay kayo ni Attorney," anito kaso agad umalma ang matanda.
"Ikaw na bata ka ay umayos-ayos ka kung ayaw mong batukan ka ni BOSSING. Kung wala ka rin lang magandang sasabihin ay maari ka nang umalis huwag kung ano-ano ang sinasabi mo." Irap nito sa binata kaya naman agad itong inakbaya ng dalawang barako kaso bago pa man sila makapagsalita ay naunahan na sila ni Rochelle Ann.
"Hayaan mo lang po siya, Lola. Alam ko naman po na nagbibiro lamang siya. Tara na po sa sala dahil may nais po akong ipagtapat sa inyo. Iyan po ang dahilan kung bakit ako late umuwi samantalang on time naman po akong umalis sa ampunan," anito saka nagpatiuna sa paglakad papasok sa kabahayan.
Later that night...
Kung sumugod siya sa tahanan ng Lola Rene niya na hindi man lang nagbihis ay nakauwi naman siya na halos hindi niya namalayan. Ayaw pa ring pumasok sa isipan niya ang nalaman. Kaya naman pala ganoon na lamang ang mga salitang binitawan ng abogadong lumapit din sa kaniya ilang araw na ang nakalipas.
"Aba'y ikaw na bata ka, saan ka ba nagtungo at lumabas ka ng bahay na hindi man lang nagbihis?" tanong sa kaniya ng ina.
Hinintay man siya nito o sadyang nagising lamang ay wala sa isipan na itanong ito. Dahil talagang wala siya sa tamang pag-iisip dahil sa nalaman niya. Dumiretso lamang siya sa paglakad na animo'y wala siyang narinig. Kaya't muli nitong hinarang. Idinantay ang palad sa noo at leeg na na madalas nitong gawin noong maliliit pa silang magkakapatid.
"Normal ang body temperature, wala namang lagnat, wala ring dinaramdam na kahit ano. Ngunit hindi tugma ang ikinikilos. Normal ka pa bang tao, Garrette Shane Calvin Cameron?" nakapamaywang nitong tanong na talagang hindi siya tinantanan.
"Normal na normal po ako, Mommy. Sorry po kung napag-alala kita pero huwag ka pong mag-alala dahil aware naman po ako sa aking paligid. Mayroon lamang po akong iniisip." Tumingin siya rito na pilit maging normal ang boses. Sobra siyang naapektuhan sa nalaman.
"Mabuti naman kung ganoon dahil sa ikinikilos mo ay ako ang nangangamba. Go up now and sleep. Alam kong may trabaho ka pa bukas as I am kaya't umakyat ka na sa room mo at ako rin ay papasok na sa silid namin ng Daddy mo. Nawalan ng stock na tubig sa kuwarto kaya't sa kusina na ako kumuha." Lumapit ito ng husto sa kaniya at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Good night po, Mommy," tugon niya saka ito hinagkan sa noo at nagsimula nang umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Samantalang hinintay muna ni Marga na nakaakyat ang anak saka rin tinungo ang silid nilang mag-asawa. Kung tutuusin ay nasa pangalawang palapag din ang silid nila at maaari silang magsabay na mag-ina sa pag-akyat subalit pinag-aralan muna niya ito. Wala naman itong ibang pinupuntahan maliban sa Lola Rene nito. Ang tiyahin ng asawa niya. Ayon nga sa mahal niyang asawa ay para itong sinundot sa puwet dahil bigla na lamang itong napapapitik sa eri kasabay nang pagdampot sa susi saka nagmadali ring umalis. Ganoon pa man ay hinayaan na lamang niya. He's adults already, he know what's wrong and what's right.
"Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyon noong nakita ko silang dalawa? Bakit ngayon ko lang napagtanto na malaki ang hawig nila sa isa't isa? Hindi rin naman puweding isipin kong nagsisinungaling lamang ang mahal ko dahil kailanman ay hindi niya magagawa iyon." Nagpalakad-lakad siya sa balkonahe ng silid niya.
Tama, umakyat siya sa kaniyang silid subalit hindi siya dalawin ng antok. Duda rin naman siyang makakatulog siya dahil kahit magtago siya sa ilalim ng comforter niya ay siguradong maiinis lamang siya. Dahil mailap ang antok sa kaniya kapag ganoong may pinakakaisip siya. Kaya't dumiretso siya sa balkonahe at doon nagpalakad-lakad hanggang sa sumalampak siya sa sementadong upuan na ipinasadya ng mga magulang niya.
Kaso!
"Bakit ka ba masyadong apektado? Hindi ba't iyon ang gusto mo? Aba'y pagkakataon mo na iyan upang maipagtapat mo ang tunay mong hangarin sa kaniya," wika ng inner part of his mind.
Kaya naman ay bigla siyang napaupo ng matuwid. Nakikinita niya ang sarili na nakapamaywang sa kaniya. Animo'y inaarok siya sa tunay niyang dahilan kung bakit masyado siyang apektado. Samantalang totoo namang hindi lang basta pakikipagkaibigan ang dahilan niya. He wants her as his woman.
"If you want her as your woman, do your best to stop her from in pursuing her ordination. Couple of months from now she will receive her blessings from God to embrace the sacred life of being a sister. If that is the case, you will lose her for the rest of your life." Nakangisi pang panenermon sa kaniya ang sarili niya.
"No! I won't do that!" Napatayo siya ng bigla at kuyom ang kamao. Subalit muling nanutil ang inner part of his mind.
"You're just fooling yourself if you will continue to deny that you just want to befriended with her." His mind making him crazy!
Kaya naman, dahil sa inis ay pumasok siya sa main room niya at isinara ang pintuan. It's late but he doesn't care! Nagpakalunod siya sa ilalim ng shower dahil kahit siya ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit masyado siyang apektado sa nalaman. Samantalang wala naman siyang dapat pakialaman doon. Dahil family issues!
ITUTULOY