Naia namang pagsisihan ni Rafael ang pagharang sa anak dahil sa takot na bumalatay sa mukha. Ngunit nagawa na niya kaya't mas minabuti niyang kausapin ito ng maayos. Wala naman siyang ibang halak kundi ang personal na makilala at matanong tungkol sa ina nito. Kasalanan man pero kaya't iniiwas niya ito sa ampunan dahil alam niyang sasalungat ang kapatid niyang madre. Iyon ang iniiwasan niya, dahil pursigido siyang makahingi ng paumanhin sa mga nagawang kasalanan.
"Don't worry, Iha. Wala akong ibang intensiyon kundi ang makausap ka. At sorry na rin kung natakot kita ha. Gusto lang naman kitang makausap kaya hinarang kita. Ihahatod din kita sa inyo after nating mag-usap," hinging-paumanhin ni Rafael sa dalaga.
"Po? Bakit mo ako gustong kausapin? I mean para tungkol saan po? Di po ba ikaw iyong kapatid ni Sister Monica? Bakit kailangan n'yo pa po akong harangin?" natatakot man siya ngunit sinunod-sunod pa rin niya ang pagtatanong. Wala naman siyang ibang hinangad kundi ang makapagsilbi sa Panginoong Diyos.
Napabuntunghininga si Rafael dahil sa tinuran ng anak. Tama naman kasi ito na araw-araw silang nagkikita. Kailangan pa niyang gawin ang pagharang at dalhin ito sa may kalayuan sa kabahayan. Ngunit para sa kaniya ay iyon ang pinakamagandang paraan upang magkasarilinan sila.
"First of all I'm going to say sorry because I scared you. But I can assure you, Iha, I don't have any bad intention with you. Kagaya nang sinabi ko ay nais lamang kitang makausap in person at pagkatapos niyan ay ihahatid na rin kita sa inyo," malumanay niyang pahayag.
Para namang may bumubulong sa dalaga na pakinggan ito. Hindi man niya ito kilala ng lubusan but she believes in him. Something's telling her na totoo and sinasabi nito. Kaya naman ay kusa na rin siyang nagsalita. God will protect her.
"Okay po, Sir. Ano po ang pag-uusapan natin?" tanong niya sa wakas.
Labis-labis naman ang kasiyahang lumulukob sa kaibutuwiran ng puso ni Rafael dahil sa tinuran ng dalaga. Kaya't bago pa man magbago ang isipan nito ay nagtanong na rin siya.
"Don't get me wrong, Iha. My question is a little bit personal. Sino ang Papa mo, Iha? Kahit saang anggulo ko tingnan at pag-aralan ay hindi ka tunay na anak ni Cyrus. Pangalawa ay Zaragoza ka ngunit Castañeda ang Mama mo while Cyrus is Aguillar. Sino ang Papa mo?" tanong niya.
Sa narinig ay napabuntunghinga si Rochelle Ann. Hindi niya ikinakahiya na anak siya sa pagkadalaga ng ina ngunit mas hindi niya inaasahang iyon ang itatanong ng kaharap niya. Masuwerte siya dahil tinanggap sila ng pamilya Aguillar ng walang pag-aalinlangan. Itinuring siyang tunay na kadugo.
"Sa totoo lang po ay tama ka po, Sir. Hindi ako anak o hindi ako kaano-ano ng mga Aguillar pero kung paano nila tinanggap ang Mama ko bilang siya at ganoon din sa akin. Ayon kay Mama at sa Lola ko o ang taong nagpalaki sa amin ni Mama noong bata pa kami ay anak ako sa pagkadalaga ni Mama. Bunga ako ng karahasan sa madaling salita raped victim ang Mama ko at ako ang naging bunga. But God loves us. Dahil may isang Ace Cyrus Aguillar na tumanggap sa amin ng Mama ko. Hindi lang lang si Papa Cyrus ang tumanggap sa aming mag-ina kundi ang buong angkan nila. Tinanggap nila kami ng buong-buo. Kaya't masuwerte pa rin kami ni Mama kahit ganoon ang sinapit niya way back then," mahaba-haba niyang pahayag saka nagpakawala ng malalim na paghinga. Subalit nang napansin ang naiiyak na kausap ay muli siyang nagsalita.
"Sorry po kung napaiyak po kita. Ngunit iyan po ang totoo sa aking pagkatao. Kung tungkol po sa tanong mo kung sino ang Papa ko ay hindi ko alam iyan. Baasta ang alam ko ay si Papa Cyrus ang tumayo kong ama. Kung paano niya minahal at inarugaan ang tatlo kong kapatid ay ganoon din sa akin kaya't hindi ko na po naisip na itanong kung sino ang tunay kong ama. At saka ayaw ko po na magalit sa akin si Mama, dahil kako baka magalit kapag ngayon ko pa iyan itanong sa kaniya. Ngayon puwedi po bang ako naman ang magtanong?" pahayag niya at nagtanong sa bandang hulian.
Hindi naman agad nakasagot si Rafael. Aminado siyang gustong-gusto niyang malaman ang katutuhanan ngunit iba pa rin pala na ito mismo ang nagtapat sa kaniya. Damang-dama niya ang kasenseruhan nito sa pahayag dahil alam naman niyang totoo lahat ang mga binitawang salita. Hanggang sa tuluyan na nga siyang napahagulhol. Kaya't hindi na niya ito nasagot ng tuluyan.
"Sir Rafael, bakit ka po umiiyak? May nasabi po ba akong masama? Heto po panyo para may pamunas mo po sa luha mo." Walang pag-aalinlangang iniabot niya ang panyo sa kausap na bigla na lamang humagulhol habang nagkukuwento siya.
Lukso ng dugo ika nga nila. Hindi na nag-atubli pa ang dalaga. Niyakap niya ang Ginoo na umiiyak sa kaniyang harapan. Bilang alagad ng simbahan ay walang malisya niya itong niyakap. Gusto niyang e-comfort ito. Naramdaman niya ang paghagulhol pa nito lalo sa kaniyang pagyakap. Tumagal ng ilang minuto na nasa ganoon silang sitwasyon. Hanggang sa kusa itong kumalas sa kaniya at pinunasan ang pisngi gamit ang ibinigay niyang panyo.
"Okay ka na po, Sir?" tanong ng dalaga nang mahalatang tumigil na ito sa pag-iyak.
"Oo, Iha. And I'm sorry because I became too much emotional. Napaiyak ako dahil ako man ay may nais ipagtapat sa iyo. At ngayon pa lamang ay humihingi na ako ng kapatawaran kahit pa sabihi nating walang akong karapatang hihingi sa iyo nito. Still, I'm really sorry for what I've done, Rochelle Ann." Pinunasan na niya ang pisnging hilam pero patuloy ang pagbuhos ng luha niya. Ganoon pa man ay nagpatuloy siya.
"Rochelle Ann, ako ang tunay mong ama. Isa ako sa bumaboy sa mama mo way back then at alam kong ako ang ama mo kahit na walang DNA Test na magaganap dahil ako ang nakauna sa ina bago ko ipinasa sa mga kaibigan ko. Napatunayan ko iyan dahil noong una kitang nakita sa orphanage ay iba na ang pakiramdam ko. Kaya't palihim akong nagpaimbistiga, upang mas makasigurado ako kahit sabihin nating hindi na kailangan ang DNA ay nagpatulong ako kay Ate Monica. Siya ang nagproseso sa lahat at ang resulta ay positive. You are my flesh and blood, Rochelle Ann." His tears again rolled down to his cheeks.
"If you're my father, why you only appeared now? I mean, I'm already thirty years old. Meaning, that event happened three decades ago. If you will reopen that case, the old wound in my mother's soul's will open too," Rochelle Ann said emotionless.
"Yes, Iha. Walang nakaalam na isa ako sa mga humalay sa Mama mo dahil right after na nalaman nila Papa ang lahat ay pinaalis nila ako sa lugar namin kaya't no one knows about me. Pinagtakpan din ako ng mga kaibigan ko kaya't wala ring nakaalam na sangkot ako sa kahayupang nangyari. Until the day I saw you sa orphanage, idagdag pa ang guilt at sundot ng konsensiya up to this moment ay hindi na naging tahimik ang buhay ko. Lagi kong nakikita ang mukha ng mama mo na nagmamakaawa ng panahong iyon na huwag ituloy ang balak namin." Again he paused for a moment to catch up an air. He is getting out of air but he continued immediately.
"Yes I succeeded to achieved my ambitions in life, naging mapagkawang-gawa ako, tinulungan ko ang lahat ng mga lumapit sa akin o ang mga kliyente ko ng walang bayad lalo na ang mga mahihirap sa kanila. Ginamit ang pera na ibinabayad sa akin ng mga mayayaman na kliyente ko. Still hinahabol ako ng konsensiya ko kaya't naipasya ko na hanapin ang Mama mo para makahingi ako ng tawad sa kaniya personally ngunit ikaw ang una kong nakita. Kapag nangyari iyon ay makakahinga na ako ng maluwag. Alam kong wala itong kapatawaran ngunit gagawin ko pa rin ang paghingi ng patawad, anak. Wala akong ibang intensiyon kundi ang makahingi ng tawad sa kaniya at sa iyo. Wala akong balak manggulo sa pamilya ninyo. Once again, Iha, I'm really-really sorry for scaring you as well as to all the mess that I'd caused to you and your mother." He is crying uncontrollable but he managed to finished his explanation to his daughter.
She can't say anything at all!
She became speechless right up to that moment!
Even Rafael can't say anything too. It takes time for them to regained and come to their senses. And after sometimes, Rochelle Ann finally composed herself as she started to say a word
"S-sorry po pero h-hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Pero bilang magiging alagad ng Diyos ay ngayon pa man pinapatawad na po kita. Yes, nagkamali ka po pero nagsisi ka naat ginawa mo ang lahat para makabawi sa kasalanan mo. Ang Diyos po ay nagpapatawad, tayo pa kayang mga nilikha lamang niya? Magbalik-loob ka sa KANYA ng buong-puso at huwag nang ulitin pa ang nagawang kasalanan. Sige po kung iyan ang iyong ninanais sasamahan po kita para kausapin ang Mama ko. Nasa Nueva Ecija po si Mama kasama si Papa Cyrus." Nautal-utal man siya subalit napagtagumpayan niyang natapos ang pananalita.
Right after she uttered those words! Para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan o mas tamang sabihing na nawala lahat ang takot na lumukob sa kaniya nang hinarang siya nito. Mas magaan ang buhay kapag walang kaaway, walang dinadalang bigat sa kalooban. Kaya't ibinigay niya ang hinahangad nitong kapatawaran.
"Can I hug you for this moment bago kita ihatid sa tinutuluyan mo, anak?" may pagsusumamong tanong ni Rafael.
Without hesitation Rochelle Ann hugged him voluntarily.
"Thank you so much, anak." Nakatawa na naiiyak ang Ginoo dahil sa tuwa. Natutuwa siya dahil lumaking may takot sa Diyos ang anak niya kahit pa sabihing unforgivable ang kasalanan niya sa ina nito.
"Walang anuman po. Kailan mo gustong makausap si Mama? Sa susunod na linggo po uuwi ako sa probinsiya, baka gusto mong sumama upang kausapin siya?" patanong na sagot ng dalaga.
"Sige, anak. Sasabay ako sa iyo at maraming salamat sa---"
"Tao lang po tayo, P-papa. Nagkakamali pero ang mahalaga ay nagsisi at magbalik-loob tayo sa kaniya. Kaya wala pong anuman dahil ramdam ko naman po na labis mo nang pinagsisihan ang nagawa mong kasalanan," pamumutol at sagot ni Rochelle Ann sa ama.
Tears of joy! Naiiyak dahil sa tuwa. Dahil sa wakas ay mapatawad siya ng anak ay muling napaluha ang abogado. He's crying out of his happiness as well as while he's saying how lucky he is to have her as his daughter.
Ilang sandali pa ay masaya na nilang tinahak ang daan patungo sa tahanan ng mga Aguillar. Kung saan nakatira ang dalaga.
Samantala hindi mapakali si Garrette dahil hindi niya matawagan ang dalaga. Ang taong tanging nakapukaw o ang babaeng pumana sa kaniyang puso.
" Wala pa naman siya apo. Baka nasa orphanage pa siya." aniya nga ng lola Lampa nila ng tinawagan niya ito.
Kaya't sa orphanage naman siya tumawag.
"No, Sir Garrette, she's not here. Kanina pa naman siya nakauwi ah. Why?" sagot at tanong ng madre.
Labis-labis na rin ang pagkabahala niya dahil sa unang pagkakataon ay tumawag at naghahanap sa pamangkin niya. Ilang buwan na rin itong nasa piling niya sa ampunan ngunit sa gabing iyon lamang ito hinanap. Ibig sabihin ay hindi pa ito kakauwi.
Samantalang hindi pa rin mapakali si Garrette. Hindi tuloy niya alam kung aakyat ba sa kuwarto, kung tutungo ba sa unang palapag ng kabahayan, kung sa balkonahe ba siya mauupo. Para siyang hilong talilong dahil sa kilos niya. Marahil ay hindi nakatiis ang ama kaya't sinita siya.
"Akala ko ba ay matutulog ka na, anak? Aba'y ako ang nahihilo sa iyo ah. Dinaig mo na ang hindi mapakaling pasyente ng Mommy mo. May problema ka ba? Aba'y kanina pa kita napapansing akyat baba sa hagdan ah," anito.
"Wala po, Daddy. Hindi lang po ako makatulog," tipid niyang sagot.
Subalit hindi sumasang-ayon ang katawan niya. Dahil nagpatuloy siya sa pag-akyat baba na panay ang tingin sa cellphone. Panay ang tawag sa dalagang iniibig subalit ganoon pa rin. Walang Rochelle Ann na sumasagot kaya naman ay hindi niya niya napigilan ang sariling napamura.
"Sh*t! Where is she now?! It's getting late already," napamura niyang bulong kasabay nang paglakad-lakad kaya't muli siyang sinita ng ama.
"Hey, Garrette! What the hell is going on with you young man? Don't you get tired of what your doing?" inis nitong tanong.
Pero hindi iyon pinansin ng binata. Animo'y may sumundot sa puwet dahil napapapitik siya sa ere saka dinampot ang susi ng sasakyan at tinawid ang pagitan ng sala at garahe saka pinasibad ang sasakyan palayo sa kanilang tahanan.
"He's out of his mind I guess." Kibit-balikat ng padre de-pamilya bago sinundan ang asawa sa kanilang kuwarto.
Well they know him when it comes to self-defense so they don't have nothing to worry. Noong nasa sekondarya pa lamang ito ay hindi na basta-basta natatalo sa martial arts competition. Ilang kalalakihan na ba ang humarang dito simula nag-aral? Ilang kaklase na ba nito ang nagtangkang saktan ito? Labis-labis ang pasasalamat nila sa Maykapal dahil biniyayaan sila ng anak na makatao. At his young age he is undefeated lawyer that makes them feel afraid that he might get hurt because of his opponents.
ITUTULOY