IKA-LABING ISA NA KABANATA

2150 Words
"Thank you for coming to meet me, Attorney Cameron. Maupo ka." Itinuro ni Attorney Carpio ang upuan sa panauhin. Alam niyang mahirap hiramin ang oras nito kaya't tuwang-tuwa siya dahil pinaunlakan siya nito. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong nagpang-abot sila sa tahanan ng mga Aguillar. At sa nakikita niya sa mukha nito ay may nalalaman na. "Salamat, Attorney Carpio." Pasasalamat nito saka hinila ang upuan saka naupo. "Bago tayo magsimula sa ating pag-uusapan ay baka naman puweding maging casual tayo masyado kasing formal eh. Tawagin mo akong Tito walang problema dahil gusto rin kitang tawaging sa pangalan mo," pahayag niya nang nakaupo na silang parehas. "Sure, Tito. Alam mo naman siguro kung ano ang trabaho mayroon tayo. Kaya't hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Tito. Ano ba ang pag-uusapan natin?" agad na tanong ng binata. "Alam kong nag-iingat ka lamang, Iho. Don't worry because I understand you. Kung tutuusin ay wala namang importantante ngunit dahil magkakilala kayo ng anak ko ay nais ko ring ibahagi sa iyo. Lahat nang narinig sa araw na iyon mula kay Chelle ay totoo. Kamuhian mo na ako dahil talaga namang walang kapatawaran ang kasalanan ko. Isa lamang ang ipapakiusap ko, Garrette. Sana ay huwag kang magbago kay Chelle kahit na ang ama niya ay rapist. It's out of the line pero kagaya mo lang akong lalaki kaya't alam at ramdam kong hindi lang basta pakikipagkaibigan ang hangarin mo sa kaniya. I'll not forbids you but please take care of her." Pagsusumamo ng Ginoo. Sa tinurang iyon ng Ginoo ay hindi nakasagot si Garrette ng ilang sandali. Pero hindi rin naglaon ay napangiti siya. His real intention is visible already. Kaya't naisip niya na bakit pa niya ito i-deny. "Kahit hindi iyan sabihin ay gagawin ko, Tito. God will forgive me but it's true that I really love her not just a sister or family member. Siya ang babaeng kauana-umahang pumukaw sa puso ko. Kung ano man ang nakaraan ninyo ay wala na ako roon dahil wala pa ako sa mundong ibabaw nang nangyari iyan. Subalit makakaasa ka na hindi iyan makakalabas o walang makakaalam tungkol diyan. I'll treasure it like all those things (papeles na ipinagkatiwala). And thank you for saying those to me." Umaabot sa kaniyang taenga ang ngiting bumalatay sa mukha. "Thank you, Garrette. Alam kong mapagkatiwalaan kaya't sa iyo ako nagtiwala. By the way, sasama ka ba sa probinsiya nila Chelle? Kasi nakahanda na akong harapin ang Mama niya. Hindi ko alam kung nabanggit niya sa iyo na pupuntahan namin ang Mama niya," muli ay wika ng Ginoo. "Kagaya po nang sinabi ko sa iyo, Tito. May isa akong salita. Lahat nang ipinagkatiwala n'yong mag-ama sa akin ay safety. Tungkol sa pagpunta sa probinsiya ay oo. Ang sasakyan ko ang gagamitin namin. At kung gusto mo po ay makisabay ka na rin upang isahang biyahe." Tumatangong pagsang-ayon ng binata. Nagpatuloy sila sa kanilang usapan. Kung ang binata ay umaabot hanggang taenga ang ngiting nakapaskil sa labi dahil sa excitement sa babaeng pinakamamahal ay kabaliktaran naman sa Ginoo. Takot ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Natatakot siya na baka maranasan ng anak niya ang kahalayan niya sa ina nito noon. Ganoon pa man ay hindi siya nagpahalata. THE ANGEL'S ORPHANAGE "Maupo ka, anak. May pag-uusapan tayo," paunang wika ni Sister Monica sa pamangkin. "Maraming salamat po, Sister." Naupo naman ang dalaga sa upuang itinuro ng madre. May hinala na siya kung ano ang nais nitong pag-usapan nila ngunit hindi niya maiwasang kabahan. Tiyahin niya ito at kapwa niya tagapagsilbi sa simbahang Katoliko. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Kailanman ay wala siyang nagawang pagkakamali o labag sa kautusan ng simbahan at ampunan simula noong nandoon siya. Ngunit ang kaba na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso niya sa oras na iyon ay hindi niya maipaliwanag. "Relax, Iha. Huwag kang matakot dahil wala naman akong ibang ipapagawa sa. Nais lamang kitang kausapin." Napalalim yata ang pag-iisip niya dahil dahil napakislot siya nang nagsalita ito. "Sorry po, Sister," napatungo niyang tugon. "It's alright, Iha. By the way, it's useless to hide it from you. Alam kong nag-usap na kayo ng Papa mo. And I'll say sorry too if I hide it from you as your mother's family. Napakasuwerte ninyong mag-ina sa pamilya Aguillar kaya't hindi na ako nagsalita dahil ayaw kong makagulo pa. Alam kong alam mo ang sinasabi ko anak dahil hindi ko na napigilan ang ama mo," ilang sandali pa ay pahayag ng Madre Superior sa bahay ampunan. "Opo, Mother. Tama ka po. Nag-usap na po kami noong isang linggo. Para po sa akin ay bukal sa kalooban ko ang aking pagtanggap at pa kay Papa Rafael. Dahil buong puso rin naman po siyang nagbalik-loob. Ayaw ko po na may balakid sa aking pagyakap sa simbahang Katoliko. Ilang buwan mula ngayon ay magiging ganap na po akong madre." Naupo siya ng maayos dahil gusto niyang ipakita sa tiyahin at Madre Superior na bukal sa kalooban niya ang mga binitawang salita. "Alam ko, anak. Alam kong matagal mo nang pinatawad ang ama mo. Nasubaybayan ko ang paglaki mo hanggang sa kasalukuyan. Ang problema natin ngayon ay ang Mama mo, iyon ang ikinakatakot ko. Kapag magpakita ang ama mo sa kaniya ay muling magbubukas ang sugat ng kahapon. Dahil kahit bali-baliktarin natin ang katotohanan ay ang ama mo ang siyang sumira sa buhay niya. Kaya kita kinakausap ngayon dahil nais kong itanong kung ano ang plano mo. Desidido ka ba na pagharapin ang mga magulang mo? Handa mo bang harapin ang galit niya? Masaya ako na lumaki kang may takot sa Diyos ngunit natatakot din ako para sa iyo. Hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng Mama mo," mahaba-habang pahayag ng Madre Superior. "Nauunawaan po kita, Mother. Pero ang bulong ng damdamin ko ay tama lamang na magkapatawaran silang dalawa. Tama rin po si Papa, may kaniya-kaniya na silang pamilya kaya't wala siyang ibang hinahangad kundi ang makamtan ang kapatawaran mula kay Mama. Mangyayari lamang po iyan kapag maghaharap silang dalawa. Mabait po si Mama. Marahil ay magagalit siya sa una ngunit alam kong ibibigay din niya ang pagpapatawad. Ganoon din po sa akin. Magagalit pero sigurado akong lilipas din." Buo ang kaniyang loob. Kailangang makausap ang mga magulang niya. "Sa bagay na iyan ay wala na akong masasabi, anak. Dahil alam kong tama ang pahayag mo. At expected mo na ring magagalit ang Mama mo. Kaya't dumako na tayo sa iba pa nating pag-uusapan," anito. Sa narinig ay muli siyang napatingin sa Madre Superior. Buong akala niya ay iyon lamang ang nais nitong sabihin sa kaniya. Ngunit nagkakamali siya ng sapantaha. Kaya naman agad siyang napatingin dito. "May iba po ba tayong pag-uusapan? Ano po iyon, Mother?" tanong niya. "Alam kong sensero ka sa iyong ginagawa kaya't alam kong walang problema sa iyo. Bagkus ay nais kong ipaalala sa iyo na ilang buwan na lamang ay magiging ganap ka ng madre. Kaya't ngayon pa lamang ay mas maiging kausapin mo na si Garrette," paliwanag nito. "Po? Ano po ang tungkol kay Garrette?" muli niyang tanong. "Anak, alam kong walang malisya ang pagmamahal mo sa kaniya dahil normal lamang ito sa tulad nating mga alagad ng simbahan. Pero aminin mo man o hindi ay hindi lang pagmamahal ng isang kaibigan at kamag-anak ang turing niya sa iyo. Ditetsahin kita anak, mahal ka niya bilang isang ordinaryong mamamayan hindi dahil kaibigan ka niya. He loves you as a woman and he wants you to be his wife. Pero iyan ay malaking kasalanan sa Panginoong Diyos dahil kagaya nang nasambit ko kanina ay ilang buwan na lamang ay magiging ganap ka ng madre. Iyon ay depende rin iyo, kung mapagtagumpayan mo na labanan ang tukso sa huling dalawang mo rito sa labas," muli ay paliwanag ng Madre Superior. Sa hinaba-haba nang pahayag ng kaniyang tiyahin ay tumatak lahat sa isipan niya. Pero kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya ang bagay na iyon. Dahil para sa kaniya ay kapatid ito. Kaibigan na handang dadamay sa anumang problema. Mahal niya ito iyon ang totoo pero hindi sa paraang gusto nito. "Nauunawaan po kita, Mother. Pero puwedi po ba na pagkagaling namin sa probinsiya ko siya kakausapin? Nangako na kasi akong sasama siya sa paghaharap nina Mama at Papa," aniya. "Yes of course, Iha. Ang mahalaga ay makausap mo siya tungkol sa bagay na iyan. Mas maganda na rin ang makausap mo siya ng maaga dahil para rin sa kaniya ito. Siya ang mas apektado sa nalalapit mong pagbabalik sa Vatican para sa ordination mo." Tumango ang madre bilang pagsang-ayon. "Sige po, Mother. Tama ka rin po at talagang kakausapin ko na siya dahil ayaw ko rin siyang masaktan ng lubusan. Napakabait pa naman niyang tao," aniyang muli. Nagpatuloy silang magtiyahin sa kanilang pag-uusap. Naging sari-sari ang pinag-usapan. Animo'y hindi sila nagkikita araw-araw. Hanggang sa muling dumating ang ama ni Rochelle Ann. Kaya't mas naging maingay ang usapan nila. Hindi na nga lamang nito ipinagtapat ang naging usapan nila ni Garrette. Sa tahanan ng mga Cameron. "So, hindi pa rin pala naibaling ni Garrette ang paningin niya sa ibang babae. Ang step daughter pa rin ni Tito Cyrus," ani Shane II nang ipinagtapat ng mga mga magulang ang tungkol sa problema nila. "Yes, anak. Iyan nga ang problema namin ngayon ng Daddy mo. Kilala mo naman siguro ang kapatid mo. Walang sinasanto, ginagawa ang lahat mapasakaniya lamang ang ninanais. Wala naman sanang problema kahit sino ang matipuhan niya at gustong pakasalan. Alam mo naman siguro kung gaano siya kadetermimado sa bagay na interested siya," pahayag ni Marga. Na tinuran na iyon ng biyanang babae ay hindi na rin naiwasan ni Samantha ang sumabad. Bihira lamang silang pumupunta sa Baguio dahil nasa Manila ang trabaho nilang mag-asawa. Ngunit sa tuwing may bakasyon sila ay hindi rin sila pumapalya na dalawin sila. "I'm sorry po sa sasabihin ko, Mommy, pero sa tingin ko ay ang mga magulang ni Rochelle Ann ang kausapin ninyo. I mean upang makagawa kayo ng aksyon. Ayon po sa kuwento ninyo ay seryoso si Garrette sa dalaga nila and tama po kayo ni Daddy, nakakabahala na po iyan kaya't habang maaga pa ay nararapat lamang na makagawa kayo ng solusyon upang paglayuin sila. Magagalit siya oo pero alam naman po natin kung paano tumanggap ng katotohanan si Garrette. Madali siyang kausapin at mauunawaan niya iyan balang-araw," aniya. "Ilang taon na kayong mag-asawa ni Shane II pero lagi ka pa ring humihingi ng paumanhin kapag may suhestiyon ka anak. Don't be sorry because you are part of the family and I know that you're concerned to him too. Tungkol sa suhestiyon mo ay kakausapin talaga namin ang mag-asawang Cyrus at Rowena sa bagay na iyan. We don't want Garrette will become a sinner for doing something against the will of heaven." Napatingin naman si Shane I sa manugang dahil sa paghingi nito ng paumanhin. "Tama ang Daddy ninyo, Sam Iha. At sa katunayan ay iyan ang usapan namin dahil nakakabahala na ang kapatid ninyo. Kapag may binitawang salita ay talagang gagawin niya," segunda pa ni Marga na bahagyang tumingin sa gawi ng manugang. "Salamat po, Mommy, Daddy. Ah, naalala ko noong nagkita kami noong nakaraan linggo sa RTC ay may nabanggit siyang attorney Carpio. Baka naman po may kinalaman ito sa hawak niyang kaso sa ngayon. Alam naman po nating ikaw Daddy ang idol niya sa pagkaabogado. Kaya't kako, baka maaari mo po siyang paalalahanan. Nagpa-back ground check po ako at isa po siya sa..." Kaso hindi natapos ni Samantha ang pananalita dahil sa pag-aalangan. Kaya naman ay napatingin siya sa asawa. "Okay lang, Honey. Ako na ang magtatapos sa nais mong sabihin," maagap nitong sabi bago hinarap ang mga magulang. "Attorney Carpio is related to the accident that was happened to Tita Weng three---" "Nasabi ng kapatid mo iyan sa iyo, Iho?" pamumutol na tanong ni Shane I. Alam na nila iyon dahil dumulog na rin sa kanila ng palihim ang taong tinutukoy. Ngunit dinepensahan si Garrette, huwag daw nila itong kamuhian dahil ito mismo ang lumapit sa binata. Nakiusap pa nga ito na hayaan itong makipaglapit sa dalaga hanggat nasa bansa at habang wala pa silang naiisip na plano. "Ang pakikipag-usap niya sa abogadong ito ay opo, Daddy. Pero ang tungkol sa aksidenti ay background check lang po. Subalit huwag po kayong mag-alala dahil kaming mag-asawa pa lang naman ang nakaalam doon." Napaangat tuloy si Shane II dahil sa tono at tanong ng ama. "Very good mga anak. Sa ngayon ay hayaan muna natin ang usapang iyan dahil may plano na kami para sa kapatid mo. Saka itigil na natin nag usapan tungkol diyan dahil baka biglang sumulpot ay lagot pa at bukya ang plano," wika na lamang din ng padre de-pamilya. Kaya naman ay iniba na nila ang takbo ng usapan. Dahil alam at kilala nila ang binatang abogado. His will is strong enough to hold on. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD