Chapter 2

2117 Words
Ressel's POV Hindi pa rin ako makaget-over sa panghihipo ng walang hiyang boss ko na yon. Gusto ko nang umatras sa pagiging maid. Aanhin mo ang gwapo at yaman niya kung ganoon nalang ang pakikitungo niya sa mga babae. Ang pambabastos ay hinding-hindi magiging tama. Kung nandito si Mom, malamang ay nakasuhan na siya. Kahit ako naman ay idedemanda ko siya. Kaso sa ngayon ay hindi ko iyon magagawa dahil tumakas lang din ako kila Mom. Sana naman ay hindi niya iyon sinasadya. Kaso sa mukha palang niya ay mukhang playboy na ito. Iba ang ngitian at tingin niya sa akin kahapon. Nandito ako ngayon sa isang room na tutuluyan ko raw. Naayos ko naman na ang iba kong gamit. Maganda rin ang room na ito kung tutuusin. Nagsimula na akong magmake-over. Huminga muna ako nang malalim bago simulang gupitin ang buhok ko. Sobrang nanghihinayang ako dahil ang tagal ko itong pinahaba, ngayon ay hanggang balikat nalang. Nang dahil lang sa isang problema, kinailangan kong i-sacrifice ang buhok ko upang hindi ako makilala. Nakapuyod naman ang buhok ko noong ginupitan ko kaya hindi masyadong makalat. Nakakuha naman ako ng maliit na box. Itatago ko ito bilang remebrance. Tsaka ko na lang itatapon kapag bumalik na ulit sa dati. Maganda pa naman ang pagkakakulot nito. Wavy na tuloy ngayon. Inayos ko naman ang bangs ko. Mas pinaiksian ko ito. Dati kasi ay palagi itong nasa side lang. Ngayon naman ay para na akong si dora. Bumagay pa rin naman sa akin. Kulay brown ang kulay ng mga mata ko kaya lagi na ako ngayon gagamit ng itim na contact lense. Sobrang swerte ko lang na kapag nagpanlalaki ako ay mukha rin akong lalaki. Figure ko lang ang magiging kataka-taka dahil payat ako kung ihahalintulad sa ibang lalaki. May ginagamit naman ako para natakpan ang dibdib ko. Medyo mahirap nga lang kasi masikip at mahirap masyadong huminga. Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay nilinis ko naman ang kwartong tutuluyan ko. Sinabi na rin ng head house-maid dito ang gagawin ko. Well, ako lang naman ang maglilinis ng kwarto ni Sir. Ano ba yan, talagang doon pa talaga ako na-assign? Ano na namang kalokohan ang nangyayari sa akin? Unting-unti na atang gumuguho ang mundo ko. Napasapo na lang ako ng mukha ko. Ang malas ko naman. Nakakainis, nakakainis! Papunta na ako sa kwarto ni Sir. Siya lang ata ang tinatawag na boss dito, tapos panay maid at bodyguards na. Ang lungkot naman. Wala ba siyang pamilya or sariling pamilya? Pero sa tingin ko ay matanda lang siya sa akin ng mga isa o hanggang tatlong taon. Masyado pa kasing bata ang mukha niya. Twenty-three years old na ako. Kaya lang naman ako napatagal sa pag-graudate ay dahil naging exchange student ako. Sayang ang opportunity at tsaka hindi naman ako nagmamadali. Gumraduate ako na magna c*m laude pa rin naman. Binuksan ko naman yung pinto ng kwarto niya. Wala naman siya eh, tsaka ito ang naka-assign sa akin so pwedie akong pumasok. Paano ako makakapaglinis kung bawal di ba? Halos mapamura naman ako sa nakita ko. Ganan ba talaga kadumi sa kwarto yang hinayupak kong boss? Grabe kung saan-saang lupalop nakalagay yung mga damit niya. Hindi man lang naturuan? Yuck, pati underwear nakakalat. Gross! Ang yaman nga, ganoon naman siya sa kwarto niya. Nakaka-turn off. Ako, kahit mayaman ako, hindi ko nagawa ang babuyin ang sarili kong kwarto. Ako pa nga minsan ang naglilinis e. Napailing naman ako. Kaya siguro walang tumatagal na maid na naka-assign dito. Kahit siguro ang iba ay mandidiri. Hindi ko lang sukat akalain na mararanasan kong maglinis ng kwarto ng iba na may nakakalat na used clothes. So, ayun kumuha naman ako ng basket para lagyan ng mga damit niya. Wow, pero mabango yung kwarto niya ha. At ang laki-laki ng kwarto. Pwede na sa isang bahay. Malaki rin naman yung kwarto ko sa mansion namin pero mas malaki pa rin ito. Isa lang masasabi ko tungkol sa kwarto ko, malinis! What's this? Parang bilog na ano? Yuck, bakit parang may sipon? May na-realize ako. Ito ata yung mga ginagamit ng mga lalaki kapag ano, Ah! Maloloka na ata ako sa kanya. Sobrang nakakadiri. Ang baho-baho pa. Halos masuka ako sa amoy. Tama ba na pumasok agad ako sa karto niya? Tho, yun ang utos ng head namin kaya wala akong choice. Kailangan kong bilisan dahil ayokong maabutan niya. Kinuha ko yung isang damit ni Sir tapos ipinangdampot ko nung kadiring gamit. Alam niyo yung mas nakakadiri? May parang sipon kasi talaga e. Dati sa mga movie ko lang yan napapanood, ngayon ay actual ko nang nakikita. Gusto kong umatras sa pagiging maid. May mahahanap pa kaya akong ibang trabaho? O kaya ay magpalipat ako ng ibang area. Ayoko talaga dito. Nasusuka ako sa nakikita ko dito eh. Hay, pagkatapos kong maligpit, dinala ko na yung mga damit sa labahan. Hindi ako yung maglalaba nun. Babalik ulit sana ako sa kwarto kaso naka-lock. Hala, nalock ko? Hindi ko naman ni-lock kanina ah? Paanong nangyari yan? Lagot ako. May narinig akong ungol sa loob ng kwarto. Boses babae? Hala, may magnanakaw? Pero bakit parang ungol yun? Wala naman sigurong magnanakaw na umuungol na parang masaya? "Fvck, yeah!" Napatakip ako ng bibig. Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Sir. I don't know his name. Shocks, anong ginagawa nila? Yun na ba yung reason kung bakit may nakakadiring bagay sa loob ng kwarto niya? Ayokong isipin na ganoon, nakakadiri! "Harder, babe," sabi nung babae. Nagmamake-out siguro ang mga ito. "Ui, sa tingin ko ay bago ka dito. I'm Sheila nga pala. Maid din ako dito," salita noong nasa likod ko. May kumulbit sa akin kaya napatingin naman agad ako. Nagulat kasi ako. Kala ko ay papagalitan ako. Buti nalang mukha siyang mabait. She's Sheila nga ba? Maganda at sexy siya. Given na siguro dahil isa yun sa requirement. "Hi! Ako si Res- Reca," pagpapakilala ko. Muntikan na akong madulas ah. Ang bango niya. She's really beautiful. Napapatulala na lang ako sa kanya. Nakapagtataka lang dahil isa siyang katulong. Pwede nga siya actually na maging model. "Halika, marami akong ikukwento sa iyo, since halata namang nagulat ka sa nasaksihan mo. 'Wag tayo rito. Anyway, dun ka na lang sa kwarto ko matulog," yakag naman niya. Sino ba naman ako para tumanggi? Binibigyan na nga ako ng grasya e. Sobrang laki nang pasasalamat ko dahil nakilala ko siya. Napunta kasi ako sa huling kwarto para sa maid. Wala akong kasama dahil pang-isahan lang. Ang ganda nga ng kwarto na ibinigay nila sa akin. Lahat kaya ng kwarto ng maids ay ganito? Pero bakit niyayakag ako nito na matulog sa kwarto niya? Sabagay, ang laki kasi ng kama. Pagkapasok namin sa kwarto niya ay nagtaka ako. Hindi ko naman ipinahalata sa kanya. Mas higit na maganda kasi ang kwarto na ibinigay sa akin. Yung kwarto naman ni Sheila ay pang dalawahang tao. Maganda pa rin ang kwarto na ito. "Nga pala, ang ganda mo at mukhang mayaman pero nagmaid ka? Bakit," tanong ko kasi kanina pa kasi ako naiintriga. Hindi naman sa kinu-question ko ang pagkatao niya, pero halata kasing mayaman siya. Sa tono ng pananalita niya ay kakaiba na. Katulad ko rin kaya siya na may tinatakasan? Ang laki kasi ng sweldo kumpara sa corporate world kaya siguro pinapatos na nila. "Sus, ikaw nga mas maganda sa akin pero maid ka rin, hindi ba? Mahirap lang kasi ako so, eto lang yung bumubuhay sa akin since patay na rin naman ang mga magulang ko. Dito na rin ako bali tumitira," kwento niya. I felt sorry for her. Mag-isa nalang pala siya. Hanga ako sa katatagan niya. "Ay, i'm sorry to hear that," paghingi ko ng pasensya sa kanya. "Actually, nagtataka ako kung bakit may nangyayaring kababalaghan sa kwarto ni Sir. Dati kasi ay lagi yang nagdadala ng babae dito. Hanggang halik lang naman. Ngayon ko lang nakita yan na nagdala ng babae sa kwarto," parang ayokong maniwala sa sinabi niya. May nakita nga akong nakakadiri e. Impossible namang ngayon lang yan kung parang nagamit na yun. "Tapos ayun, kaya magaganda ang maid dito e pinagsasamantalahan niya rin, yung hinahalik-halikan niya. Wala siyang patawad. Kaya rin malaki ang sweldo natin. Yun yung advantage niya doon," bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya. "Kahit ako kasi ay nahalikan na niya. Masasabi kong magaling humalik si Sir. Sino ba namang babae ang ayaw mahalikan ang isang gwapong katulad niya? Sobrang kinikilig nga ako e kaso marami na siyang nahalikan. Hindi na mabilang sa daliri," nagulat naman ako sa pananaw niya. Hindi okay na basta-basta ka nalang hinahalikan ng walang pahintulot. Pambabastos na kung tutuusin iyon, ngunit hindi ko maintindihan ang iba kung bakit nagugustuhan pa nila. Umaasa ba sila na magbabago ito para sa kanila? "Hindi ako makapapayag na pagsamantalahan ako ng bastos na iyon. Aalis na ako sa mansion na ito. Pasensiya na, Sheila. Hindi ko masikmura na tumira dito. Hindi ka rin dapat pumapayag na bastusin ka," parang nalungkot din ako nung nalungkot siya. "Who said that you can escape here? There's no turning back or else, I will kill you," automatic na napalingon kami sa nagsalita. Nakakatakot ang titig niya. Kinakabahan ako. Hindi ako makapagsalita. Anong sinabi niya? Papatayin niya ako? Ganan na ba kasama ang budhi niya? He's a monster! "Sir Harley," bigkas naman ni Sheila. Harley pala ang pangalan niya. Hindi ko naalala ang pangalan niya or sadyang hindi ko lang narinig noong unang araw. Sayang ang gwapo rin ng pangalan niya kaso nakakasuka ang pag-uugali niya. Akala mo naman kung sinong maangas. "What the f? Anong klaseng amo ka ha? Napakasama mo! Alam mo bang labag sa batas yang pagbabanta mo? Bawiin mo yan," sinagot ko naman siya. Kung ang mga magulang ko ay nagawa kong sagutin, siya pa kaya? Kumukulo na nga ang dugo ko sa kanya. "Omg, Reca 'wag mong pagtaasan ng boses si Sir," tarantang sabi ni Sheila pero hindi ko siya pinansin. Wala akong pakialam kung siya ang boss dito. Hindi kasi tama ang ginagawa niya. Hindi laruan ang mga babae para ganunin niya. Sana irespeto niya ang mga babae. At bakit niya ako tinatakot? Kala niya ba masisindak niya ako? ASA! Humarap uli ako kay 'sir' tapos nakapamewang ako. Kala niya kung sino siya! Pwes, hindi ako magpapatalo sa kanya. Bastusan pala ang gusto niya ha? Sasagut-sagutin ko siya. "Hm, let's see, miss Reca. Palasagot ka ah. Gusto ko yan sa babae," sabi niya sabay kindat. Hinila niya ako papalapit sa kanya sabay yakap. Pumapalagpalag naman ako. Walanghiya, napakahayop niya! "Fvck you! Let me go!" singhal ko sa hayop na ito. Napangisi lalo ang mokong. Napatingin ako sa mukha niya. Matangos ang ilong, mapupulang labi, magandang mata at maputi. Mukha siyang koreano. Napatikom naman ako nang mapansin kong nangisi na pala. "Amazed?" nakuha niya pang magtanong? Napaka-arogante, kainis! Malapit ko na talaga siyang sapakin. Kaunting inis pa ay mapupuno na talaga ako. "Baka natakot? Mukha ka kayang kurimaw!" asar ko sa kanya. tumawa naman ako nang pagkalakas-lakas. Yung noo niya ay kumunot. Nagagalit na ata sa akin. Nakahanap ata siya ng katapat niya. Kinagat ko naman ang kamay niya kaya napasigaw siya sa sakit. Agad naman akong tumakbo sa kwarto na ibinigay sa akin. Nandoon kasi ang mga gamit ko. O, ano ka ngayon Sir Harley? Wala akong pakialam kung galit siya sa akin ngayon. Edi, ayos kung tanggalan niya ako ng trabaho. Marami pa namang ibang willing na maging katulong ang isang napakagandang babaeng katulad ko. Hays, napakasama talaga ng araw ko ngayon. Mas malala pa pala dito kaysa sa bahay namin. Bakit nga ba kasi maid pa ang naisipan ko? May 100,000 naman ako. Pwede akong mag rent o kaya maggawa ng small business like online shop. Bakit ngayon ko lang naisip ang ganitong mga bagay. Sa ngayon ay iisipin ko nalang paano makaalis sa bahay na ito. Lalo lang mamalasin ang buhay ko dito. Ayokong maging maid at parausan ng lalaking iyon. I promised myself na para lang sa lalaking mamahalin ko at mamahalin ako ang pwedeng gumalaw sa akin. Wala ng iba. Simple lang naman ang gusto kong mangyari sa aking buhay. Bakit ba umabot sa ganitong punto? Halos mangiyak-ngiyak na ako habang iniisip ang buhay kong nasira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD