Chapter 1

2795 Words
Ressel's POV Kaga-graduate ko lang sa College. Business Management ang natapos ko dahil ako ang magmamana ng business namin na tungkol sa fashion. Marami na ring sikat na fashion designer ang company namin. Isa sa top ang company namin sa fashion industry. Kahit sa ibang bansa ay kilala kami. Mahilig ang pamilya namin sa ganoon kaya yun ang naisipan nila. Ako nga ang mismong model. Mas sikat ang company namin dito sa Pilipinas. May branches naman kami sa ibang bansa pero hindi naman kasing laki ng dito. Kami ang top dito sa Pilipinas. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ako na ang magmamana ng minamahal kong company nila Mommy at Daddy. Pangarap ko rin na maging isang CEO ng isang kompanya. Alam ko naman na malaki ang magiging responsibilidad ko pero alam kong kakayanin ko dahil may sapat na kaalaman ako rito. Kaya nga Business Management ang kinuha ko ay para masanay ako sa mga ginagawa at paano patakbuhin ito nang maayos. Kaso sa isang iglap ay nagbago ang pananaw ko. Nalaman kong ipapakasal na pala ako sa isang tagapagmana ng malaking kompanya. Sobrang sakit lang na naglihim sa akin ang mga magulang ko. Balak pa nilang biglain ang kasal. At syempre, kinompronta ko ang mga magulang ko. Ang dami nilang palusot. Kaysa daw ganito, kaysa daw ganan. Sus, napapanood ko na yung ganoong pangyayari sa ibang palabas sa TV. Paano ko nalaman na arranged na ang kasal ko? Narinig ko lang naman sila na nag-uusap sa kwarto. Napadaan kasi ako tapos narinig ko na binigkas ni Mommy ang pangalan ko. Sa pagka curious ko ay nakinig ako since tungkol ito sa akin Sa sobrang inis at galit ko sa kanila, nagrebelde ako. Isang beses nga ay nagtangka akong magpakamatay kaso biglang inagaw nung maid yung maraming gamot na iinumin ko na sana. Simula noon ay bantay sarado ako. Tinanggal nila ang lahat ng mga bagay sa kwarto ko na maaaring makasakit. Pati nga picture frames ay tinganggal e. Nilagyan din nila ng CCTV ang kwarto ko. Feeling ko ay wala na akong sariling kalayaan. Feeling ko walang silbi ang buhay ko. Minsan nga ay hindi na ako kumakain. Umiiyak lang ako nang umiiyak. Kumakain lang ako once a day. Sobrang worried nga ang mga magulang ko pero hindi pa rin sila natinag sa gusto nila. Sinabi ko na magiging normal lang ako kapag itinigil nila ang kasal. Aba, wala na raw silang magagawa? Kahit kailan ay hindi ko na sila kinausap. Mas minabuti kong kausapin ang teddy bear ko. Yung masisigurado kong mapapanood nila sa CCTV para matamaan sila. Napatingin naman ako sa pinto nang may biglang pumasok. See? Hindi sila marunong kumatok. Wala talaga akong privacy. Sa cr ako madalas tumambay kasi at least doon ay walang cctv. "RC, anak. Please, pumayag ka na. Hindi mo ba alam na yung mapapangasawa mo e pang 10th rank sa pinakamayaman sa buong Asia? Anak, ang swerte mo dahil hindi ka niya tinanggihan. Para sayo rin naman ito eh," pagmamatigas ng Mommy ko. Napatawa nalang ako na para bang naloloka na. Napatingin naman ako sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nilakasan ko talaga ang tawa ko. "Para sa akin o para sa business niyong 'yan? Kung gusto niyong yumaman nang sobra, huwag niyo akong idamay. Pati buhay ko ay sinisira niyo dahil lang sa kasal kasal na 'yan at sa walang kwentang business na yan!" sagot ko sa kanya dahil sobrang napupuno na ako. Hindi na tama na sinasakal nila ako. Sinampal naman ako ni Mommy kaya agad ako napahawak sa pisngi ko. I deserved that slap. Sinagot ko ang Mommy ko e. Well, wala naman akong magagawa dahil ayoko talaga. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Bakit kasi nagkaroon ako ng mga magulang na katulad nila? "HINDI KITA PINALAKING BASTOS. MOMMY MO PA RIN AKO KAYA HUWAG MO AKONG SASAGUTIN. WALA KANG UTANG NA LOOB!" singhal niya sa akin. "Mommy nga kita, kaso bakit pinagpipilitan mo ang taong hindi ko naman mahal para pakasalan ko? Mommy, tell me? Ganan ba ang mga magulang? Lahat ng gusto para sa anak dapat ay masusunod kahit hindi nila gusto?" tanong ko. Tuluy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko. "Mommy, hindi natuturuan ang puso! For pete's sake! Maawa naman kayo sa akin! Mas mabuti pang hindi na lang kayo ang naging magulang ko. Mas gugustuhin ko pa ang buhay mahirap na puno naman ng pagmamahal kaysa sa ganitong mayaman nga kaso sarili nilang anak ay hindi pinapahalagahan ang kanyang kaligayahan!" dagdag ko. Sinampal ako ni Dad. Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong pagbuhatan ng kamay. Sobrang sakit nang pagkakasampal ni Dad. Parang mababasag na ata ang bungo ko. Mas umiyak ako, hindi dahil sa sakit ng sampal, kundi dahil sa parehas nila akong ginaganito. Sarili nilang anak ay sinasaktan nila. Hindi ko na nga napansin na nakapasok na si Dad sa kwarto e. "Wala kang karapatang sagut-sagutin ang Mommy mo! Wala kang respeto!" galit na galit na leksyon ni Dad. Ngumiti nalang ako sa kanila. "Bakit? Kayo po ba ay nirerespeto ang mga desisyon ko? Lalo na sa taong gusto kong pakasalan? Bawal na po bang ipaglaban ang sariling karapatan? Pagsagot na lang ba para sa inyo ang mga pagsabi ko ng karapatan ko? Hayop ba ang tingin niyo sa akin para ikulong? Na kahit ang hayop hindi dapat ginaganoon," pagsagot ko ulit. Sasampalin na sana ulit ako ni Dad kaso pinigilan siya ni Mommy. Sana ay hindi niya na pinigilan. Sana hinayaan niyang basagin ng magaling kong ama ang mukha ko para mahiya silang ipakasal ang anak nilang panay pasa at sugat ang mukha sa mayaman na lalaki. Sa tingin ko naman ay may kaunting hiya pa namang natitira sa katawan nila. "How dare you! Para sa iyo naman ito! See, ikaw yung yayaman after neto, hindi kami!" singhal ni Mom. Edi inamin na rin nila na para sa kayamanan ang dahilan kung bakit nila ako ipapakasal. Sus, kung anu-ano pa ang sinasabi. Ayaw pa kasing idirekta ang mga sagot. "Whatever, Mom. Gagawin ko pa rin kung ano ang tama," wala akong pake kung suwail akong anak sa paningn. Hindi nila nirerespeto ang sarili kong desisyon, to think na anak pa nila ako? Nagbihis ako para pumunta ng Bar. Iiinom ko nalang ito. Medyo nakakapagod na kasing makipagbangayan sa sarili kong mga magulang. Lagi nalang sermon, sampal at pananama nalang. Ang sweet nila sa akin, ano? Wow diba? Happy family! Walang forever. Kaso nang palabas na ako ng gate, ang daming nakabantay. Mga naka-itim pa na tuxedo. Kaunti na lang ay iisipin kong may patay dito sa bahay.Kahit papaano ay nakakalabas naman ako. Mas lamang nga lang na nagkukulong ako sa cr. "Sa tuwing aalis ka, yang anim na yan ang bodyguard mo. Mabuting sigurado at baka may gawin ka pang kalokohan. Bawal kang magbar o makiparty," singit ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad na nasa likuran ko. Wow naman. What a nice Dad. Ano na naman ba itong mga pakulo ng magulang ko? Tell me, sobrang malas ko na ba talaga at ganito ang napapala ko? May kasalanan ba ako dati na pinagbabayaran ko ngayon? Wala akong maisip na dahilan para pahirapan at sakalin nila. Muntik na akong magpakamatay pero naisip ko na may ibang paraan pa naman para makatakas sa gusto nilang gawin ko. "Wow, you are so sweet, Dad. Thanks for reminding me about my wrongdoings. Wrongdoings in your eyes," sarcastic kong pagkakasabi na may halong tonong inis. Ano ba yan? Para naman nila akong ginawang preso. Bantay sarado sa lahat ng oras. So, paano ako makakapunta ng Bar? Naaasiwa pa ako sa pagmumukha ng mga bodyguards ko. Talagang piling-pili ah? Yung tipong matatakot ang magtatangkang kumausap sa akin sa laki ba naman nila. Mukhang mga pang wrestling ang labanan ng mga ito. Napag-iisip isip ko na hindi na pala ako aalis. May mga asungot kasi akong kasama. Bwiset, baka mapagkamalan pa akong flirt at mapagchismisan na ang sikat na modelo ay maraming kasamang lalaki. Hindi sila mukhang bodyguards sa mga suot nila. Mukha silang a-attend ng kasal. Masama ba akong tao? Aminado naman ako na minsan ay pasaway ako pero hindi sa extent na nakakasakit ako physically at mentally ng ibang tao. Ngayon lang naman ako sumasagot dahil ipinaglalaban ko ang karapatan ko. Lahat naman ay ginawa ko para sa kanila, para maging proud sila sa akin. Lahat nang ginagawa ko ay hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanila. Tapos sasabihin nila na wala akong kwenta? Hindi masunuring anak? Palibhasa kasi mga kamalian ko lang ang nakikita nila. Never nila akong pinuri. Bukas na yung araw ng engagement party. Edi, makikilala ko na yung lalaking sagad sa yaman na sinasabi at ipinagmamalaki nila. Kahit kaibigan lang siguro ay okay lang sa akin, hindi kailangan ipakasal. Pwede naman maging business partner na hindi ikakasal. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong tumakas. Naglagay lang ako ng kaunting damit sa bag ko at 100,000 pesos para sa pagtakas ko. Binali ko yung sim card ng phone ko at pinaltan ng bago, since may extra sim card naman. Maaari kasing ma-track nila yung dati kong sim card e. Buti nalang may nabili ako dati. Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang mapansin kong nakabantay yung mga bodyguard. 24 hours ba sila dito? Nasa second floor pa naman ako. May pumasok naman sa isipan ko. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi dahil gumana na naman ang utak ko. Bakit ba hindi ko agad naisip to? Sinilip ko muna ang cctv. Nilagyan ko ng tela panakip para hindi makita ang gagawin ko. Ayokong ma-actionan agad nila. Nilock ko ang pinto ko at hinila ang mabigat na table para mas mahirapan silang buksan ito. Papasok naman sa kwarto ang pinto kaya sakto. Pinagdugsong ko yung kumot ko at kurtina na mayroon sa kwarto ko. Sliding door naman ito papuntang veranda kaya pwede na ito. Sinigurado kong mahigpit ang pagkakatali. Takot pa rin ako na baka mamaya ay bumagsak ako. Gabi naman ngayon kaya sarado na ang kurtina sa tapan ng veranda ko sa ibaba. So ayun, itinali ko dun sa may parang nakausling bakal yung kumot. Niladlad ko na pababa yung pinagdugsong ko. Sumakto naman sa lupa ang haba nito, Kinakabahan ako. Inuna ko naman ibaba ang bag gamit ang isa pang pinagdugsong-dugsong na mga tela. Mahirap bumaba kung nasa likod ko pa ito, mas bibigat kasi. Sinimulan ko nang bumaba ng walang nililikhang tunog. Nasa kalagitnaan na ko nang muntik pa akong makabitaw. Sobrang bilis na naman nang t***k ng puso ko. Paano ako makalalabas ng garden? Kailangan ko na naman umisip ng paraan. May nakabantay na dalwang guard sa gate namin. Nasa labas sila kaya bukas. May nakita akong malaking bato. Aba, bakit may ganitong bato dito? Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan. Hinagis ko yun sa kabilang side para puntahan nila. Yes, ang lakas kong bumato kaya medyo napalayo. Nagtago naman ako sa halaman. Pumunta yung dalwang guard doon. Hinahanap nila yung lumagapak. This is my chance para makatakas. Kumaripas ako papuntang gate. Sinuot ko yung sumbrero kong kabibili ko lang. Sinigurado ko na hindi ako masyadong kita sa cctv. Nakapang boy outfit ako ngayon kaya ang ginawa ko ay pinuyod ko ang buhok ko at tinago sa sumbrero, nagsuot na rin ng shades. Wala na sigurong makakakilala sa akin. Hindi ako pwedeng pumunta sa mga kaibigan ko dahil alam kong may contacts ang parents ko doon. So, kailangan kong magpakalayu-layo at maghanap ng trabaho. Nakakainis, hindi ko nadala lahat ng papeles ko. Sumakay ako ng bus. Bahala na kung saan man mapadpad. Kahit papaano ay may pananalig pa rin ako sa Panginoon. Sadyang iritado lang ako sa mga magulang ko. "Wow, ang gwapo naman niya," napapairap na lang ako sa mga babae. Hindi naman nila kita dahil nakasalamin ako. Nakatingin sila sa akin. Ang gwapo ko daw? Kinikilabutan ako sa sinasabi nila. "Ano kaya ang pangalan niya?" pinili ko na lang manahimik. Hindi ko na sila pinansin at baka mabuking pa na kilala nila ako. Siguro naman ay kilala nila ako dahil sikat ako na model. Nakahinga ako nang maluwag noong matanaw ko ang bus station. Bumaba naman agad ako. Dito pala ako napunta sa Laguna, sa malapit sa may Enchanted Kingdom. Sta. Rosa ito kung hindi ako nagkakamali. Nagpaikot-ikot naman ako para makahanap ng matutuluyan. Ang hirap pala kapag ikaw mismo yung maghahanap ng trabaho na walang tulong ng ibang tao. Ayos lang, experience din ito. Nagrent muna ako ng matutuluyan ngayong gabi. Kinabukasan ay naghanap naman ako ng pwedeng maging trabaho. Hindi ako safe sa pagrerent dahil for sure ay hihingian nila ako ng details na kapag isang buwan. Sinuwerte lang ako dahil may nakahanda akong fake na ID ngayon. Nagsuot pa rin ako ng t-shirt at pants. Tinago ko pa rin ang buhok ko para magmukhang lalaki. Napatingin ako sa isang napakalaking bahay. Nakalagay. 'We are hiring maids' *requirements -Beautiful -5'6 ft & above Oh, maid ang hanap? E bakit ganan lang ang requirements? Napakachoosy naman ng may-ari ng mansion na ito. Tinanggal ko yung sumbrero ko kaya lumadlad ang buhok ko. "Ui, miss mag-aapply ka ba? Tamang tama, lagpas 5'6 ka ata. Mas matangkad ka pa sa akin. Maganda ka rin. Siguradong magugustuhan ka ni sir. At pag natanggap ka, pwede ka dito tumira. At 30,000 pesos per month ang sweldo ng maids dito," oh, my guard pala. Hindi ko man lang napansin. 30,000? Ang laki naman ng sahod? Parang sahod na ata ng ibang employee yun sa ibang company eh. At tama ba ang narinig ko? Pwede ditong tumira? Nice, mapagtya-tyagaan ko to kahit papaano. May alam naman akong gawaing bahay eh. "Sige, Manong. Paano po ba mag-apply?" tanong ko. Napangiti naman siya. Halatang tuwang-tuwa. Mabuti nalang at hindi niya ako nakilala. Wala akong make up ngayon. Hindi ko pa kasi napapakita sa public ang mukha ko na walang make up. "Kakausapin mo lang si Sir. Tara, samahan kita sa loob," sagot niya. Nag okay sign naman ako sa kanya. Sumunod naman ako. Napahanga naman ako sa ganda ng hardin. Maya-maya ay may nakita akong cute na sasakyan. Pinasakay ako nung guard. Malayo pala ang mismong mansion sa gate. Tinanaw ko naman. Aba, parang malapalasyo ang dating ah? Sobrang yaman ata nito? Pumasok kami sa mansion. Omg, mas malaki pa talaga sa mansion namin. Triple ata ang laki kumpara sa amin eh. Nakakamangha talaga. Napapanganga na nga lang ako dahil sa pagkaspeechless. Bawat hakbang ko ay sabay nang paggala ng mga mata ko. Ang ganda dito! Ang gaganda ng maids. "Nandito na po tayo," sabi naman nung Guard. Nakaramdam ako ng kaba. Keri ko ito. Tiwala lang. Kumatok naman si Kuyang guard. "Come-in," boses ng lalaki. Wow ang ganda ng boses niya ha? Mukhang boses pang gwapo. Halatang medyo bata pa ang lalaking ito. Pumasok naman kami. Parang office room ang itsura ng kwartong to ah. Grabe, halatang mamahalin ang mga naka-display. "May mag-aapply po bilang Maid," balita naman nung guard na kanina pang nakangiti. Hindi naman niya ako makikilala for sure. Ang bangs ko na laging nakaladlad noon ay nakapuyod ngayon. Napaharap naman sa amin ang 'Sir' na sinasabi niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil ang gwapo niya. Mas may future pa ang isang ito sa modelling industry kaysa sa akin. Napatikom naman ako nung ngumiti siya. Mukhang mabait naman ang isang ito. Weird lang kasi kakaiba ang requirements niya sa maid. Pang model na ata ang hinahanap niya. "Okay, you're hired," he said then smirked. Problema nito? Ang swerte ko ngayong araw na ito ah? Nabiyayaan agad ako ng trabaho at matitirahan. Sana lang talaga ay mabait siya. Umalis na yung guard. Ako naman ay hindi makapaniwala na nakapasok agad. Kanina pa ako nakangiti. "What's your name?" tanong naman niya sa akin. Parang ang angas niya pala. Hindi ko pwedeng sabihin ang real name ko. Mahirap na, baka matunton ako ng mga magulang ko. Ginamit ko naman ang name ko sa fake na id na pinagawa ko. "Reca," sagot ko. REssel CAmil. RECA. "Nice name," puri niya. Ngumiti naman ako. He touched my butt? Pervert boss! Pervert and Arrogant boss. Gusto ko sana siyang sampalin pero umalis agad siya ng room. Akala ko ay maswerte na ako ngayon. Hindi pala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD