Chapter 3

2391 Words
Ressel's POV Hindi pa rin mawala ang mapang-asar na ngiti sa mukha ko. Isang Sir Harley ang nayamot sa akin. The best talaga ako pag dating sa ganoong mga bagay. Nakaka-asar kasi akong kausap lalo na kapag sumasagot sagot ako. Natuto lang naman ako nitong mga nakaraan lang. Sa mga magulang ko nga lang nagsimula.  Promise, napakabait ko talaga. Minsan nagbabago rin ang mga tao dahil sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari. Lalo na kung inaabuso o tinatanggalan ng karapatan para sa ibang kagustuhan. Maya-maya ay may kumatok. Binuksan ko naman agad at ang napakagandang mukha ni Sheila ang nakita ko. Marami nga palang maids dito. Hindi ko pa nami-meet ang iba, yung iba naman ay walang pakialam sa ibang maids. Parang walang ibang nakikita kasi focus sila sa trabaho nila. "Reca, 'wag kang umalis ha? Kasi ayokong mawalan ng friend. Dati kasi ay nabalitaan ko na pinapatay niya yung dating maid na tumakas pero walang nakakaalam. Narinig ko lang yung usapan nila. Nanahimik lang ako. Please, ayoko mangyari sa iyo yun," literal na napanganga na naman ako sa narinig ko.  Walanghiya talaga ang lalaking yun. Kinakawawa ang mga babae. Hindi ba pwedeng stick to one nalang siya? Kailangan lahat ng maganda ay mahalikan niya? What the hell? What's with him? Anong sakit ang mayroon siya? Hindi niya ba alam na ba magka Infectious mononucleosis ang mga babaeng mahahalikan niya? Baka kasi you know, may virus or something sa laway niya. Ew, kung sinu-sino pa naman ang nahahalikan niya. Kadiri talaga.  Hindi siya ang tipong masasabing ideal man ng mga babae. Isa siyang halimbawa ng isang lalaking hindi dapat maging karelasyon.  Sa katulad niyang lalaki, imposibleng mainlove ako. Ang taas ng standard ko sa mga lalaki. Okay na sana sa akin ang kahit hindi masyadong gwapo basta mabait. Ayoko nung sobrang gwapo nga kaso bastuga naman.  Overall, i don't like him. Never na magugustuhan ko ang katulad niya. Pangdidirian ko siya habangbuhay. Kung pwede lang siyang ipakulong, nagawa ko na. Natatakot din naman ako para sa buhay ko. Lalaban lang ako kapag may gagawin siyang masama.  "Wala naman din akong magagawa, Sheila. Nandito na e. Ayoko namang mamatay agad," ngumiti naman siya pero palihim na napairap naman ako. Napipilitan in short. Totoo naman e, ayoko pang mamatay. Kung totoo man yung sinabi niyang may pinapatay si sir Harley, sa hell ang punta niya. Well, bagay na bagay siya doon.   "Hey, nakita kong sinaktan at sinagut-sagot mo si Harley kanina. How dare you, b*tch!" may babaeng lumapit sa akin sabay sabunot. Tinatanggal ko naman ang pagkakahawak niya. Tinutulungan din ako ni Sheila. Ang tindi naman makakapit ang isang ito. Aba masakit! Wala pang gumagawa sa akin nan.  Sinubukan ko munang hindi lumaban dahil ayokong bumaba ang sarili ko sa level niya. Pilit ko pa ring tinatanggal ang pagkakasabunot niya. Napangiwi ako nang makalmot niya ang ulo ko. Bigla akong napuno. "O, pakialam mong impakta ka? Inggit ka? Lakad saktan mo rin!" binitawan niya ako kaya na-out of balance ako tapos itinulak niya ako. Buti nalang nasalo ako ni Sheila. Para saan pa ang pagkalaban ko sa karapatan ko kung hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko kung masyado niya nang sinasagad ang pananakit sa akin? Agad ko naman siyang itinulak. Napahiga siya kaya dinaganan ko siya tapos sinabunutan ko siya. Luckily, mahaba ang mga kuko ko kaya kinalmot ko ang mukha niya. Nasugatan naman ang kanan niyang pisngi. Napatitig ako sa mukha niya, may itsura siya. Yeah, may itsura, itsurang hihiram ng mukha sa putikan kapag inulit niya pa sa akin ang pananakit. "Hayop kang babae ka! Kabago-bago mo pa lang, ganan na agad ang ipinakikita mo? Napakasama ng budhi mo!" natawa naman ako sa sinabi niya.  Siya kaya ang nauna tapos ako pa ang sasabihan niya ng masama ang budhi? Gumanti lang ako sa pagkakatulak niya. Hindi ko naman kasalanan na mas magaling ako sa kanya makipag-away. Mali ang binangga niya e. "Hey stop Jamai, Reca!" sigaw naman sa amin ni Sheila.  "Eh, kasi itong babaeng ito e. Siya ang nagsimula. Kapal ng mukhang saktan ako," reklamo ko naman. Tapos bigla kaming nakarinig ng ismid. Tumindig agad ang balahibo ko. Nakita kong lumuluha na yung Jamai na sinasabi ni Sheila. Akalain mong hindi lang pala siya pangbasag ulo? Marunong din umarte? Natawa naman ako sa iniisip ko. "Sir Harley, help me! Sinasaktan niya ako!" hala sinasaktan daw? Baka siya kamo ang nanakit? Siya naman angnauna kaya wala akong kasalanan. Nakakainis ang pagmumukha ng babaeng ito ah, magsusumbong na nga e magpapacute pa? Victim blaming na naman? Nakakasawa na ang ganoong gawain, wala na bang iba? "Excuse me? Ikaw ang unang nanabunot at nanulak. Gumaganti lang ako," nginitian ko siya kasi yun ang pinakamaganda at pinakamabisang pang-asar sa taong pikon. Ang sweet ko nga dahil minsan lang ako ngumiti. Akalain mo na isang tulad niya ay ngingitian ko?  "Stop it!" sigaw naman ng boss naming walang modo. Alam ko naman yung maarteng babae ang kakampihan niya dahil sa ginawa kong pagsagot at pagkagat sa kanya.  Tumakbo naman yung Jamai sa likod ni Sir Monster. Humihikbi siya. Ano, best actress lang ganoon? Nakita ko naman siyang ngumisi. Akala niya ba ay ikinaganda niya yun? No, nagmukha siyang binuhusan ng tubig mula sa mabahong imburnal. "Sir, tanggalin niyo na po siya. Mukhang malandi ang babaeng yan at walang maitutulong sa mga gawaing bahay," pagmamakaawa niya.  Wow, ako pa ang naging malandi? Porke nakaaway niya na agad ay malandi? Kung malandi ako, malamang hindi ako tatanggalin ng boss namin dahil mas malandi yang lalaking yan at ako agad ang kakampihan niya. Ang kapal ng mukha niyang bigyan ako ng label na malandi, hindi naman niya ako kilala personally.  "Ano, ako pa ang malandi sa paningin mo e nakita mo ngang sumasagut-sagot ako ah? Ano bang tawag mo sa sarili mo? Slut?"  susugod sana siya sa akin nang bigla siyang hilahin ni Monster sa braso niya.  Ang lakas nang hila sa kanya. Sana na-out of balance nalang siya para sakaling mabagok siya. Umirap nalang ako. Minsan ay hindi ko maiwasang isipan nang masama ang mga nakaka-usap ko.  "I SAID STOP!" sigaw ng boss namin na mukhang galit na naman. Bumulong ako sa sarili ko na stop your face monster. Freak monster. "What did you say?" tanong ng monster este ni Sir Harley.  "Sabi ko ang gwapo mo,"  ngumiti naman siya. Aba, sino ba namang hindi ngingiti kung bolahin ko na ang gwapo mo? Natawa na naman ako sa isipan ko. Masyado naman niyang tinatanggap ang puri sa kanya.  "Pero syempre, joke lang yun. Naniwala ka naman?" nakita ko namang nawala ang mga ngiti niya kaya mas lalo akong natuwa sa reaction niya. Ang sarap asarin ng isang ito. Ako lang talaga yung tumawa kasi parang kinakabahan si Jamai at Sheila. Ako lang kasi ata ang may lakas ng loob sumagot.  "At ikaw," turo ko kay Jamai. "Jamai ba? Maligo ka nga, ambaho mo na. Ang sakit mo sa ilong at sa mata," nginitian ko pa nga siya tapos umalis na ko sa harap ng mga nakakainis na nilalang. Sumunod naman sa akin si Sheila.  Nakita kong inirapan niya yung Jamai. Mukhang may away din ata sa pagitan ni Sheila at Jamai ah? Siguro kaaway ng Jamai na yan ang lahat ng maid dito. Kakaiba kasi ang ugali. Akala mo naman kasi ay asawa ni Sir Harley para umasta ng ganan. Napailing-iling nalang ako. Humiga ako sa kama. Si Sheila naman ay umupo sa dulo ng kama ko. Nakangiti siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "Reca, ayun nga pala si Jamai. Actually, napaka yaman ng impaktang yun," biglang tumawa si sheila kaya napatawa naman ako. "Kaso na-inlove kay Sir kaya nag-apply bilang maid. T*nga ano? Wala e, in-love ang bruha," nakakatuwa pala magkwento si Sheila, may kasama pang hand movements.   "Alam mong sa lahat ng maid dito, siya lang ang hindi pa nahahalikan ni Sir? 2 years na siyang nandito. Hindi ko alam kung bakit at anong mayroon sa babae na yun. Mukhang ayaw na ayaw ni Sir sa kanya. Well, patay na patay kasi sa kanya kaya ayaw doon, yun ang pakiramdam namin," napahalakhak naman ako sa kwento niya.  Kawawa naman pala si Jamai. Hopeless Romantic. Akalain mo na isang playboy ay inaayawan si Jamai? Ang sama kasi ng budhi e. Nakakaumay pati ang pagmumukha niya. Obsessed lang? To think na mayaman pa siya tapos nasisikmura niyang magmaid para sa lalaking gusto niya. Kakaibang love story ito ah?  "Kung ganoon ay nakikidalimhati ako sa kanyang patay na patay na puso ngunit sa huli ay sawi ang nguso," sabay na naman kaming tumawa ni Sheila.  Ang lakas talaga ng trip kong mang-asar. Pasensya na, wala akong magagawa kung nakakaasar talaga ang pagmumukha ng babaeng yun. Hindi ako insecure dahil hindi siya ka-insecure insecure. Walang babaeng maiinggit sa kanya.  "Sira ka talaga, Reca. Ang galing mo talagang mang-inis. Hanga na talaga ako sa iyo," pabiro ko namang inirapan si Sheila.  Tinulungan niya akong maglipat ng gamit habang nagkukwentuhan kami. Manghang-mangha rin ako sa haba ng pasensiya niya. Masaya pala siyang kausap. Simula ngayon ay sa kwarto na niya ako matutulog. Dalwa naman ang kama doon. Pwede pa nga kaming magtabi dahil malalaki talaga ang kama kaso mas malaki ang kama ko sa binigay nilang room sa akin. Parang pang master's bedroom na nga iyon kung tutuusin. Nakakapagtaka naman na doon ako dinala. "I know right? Hindi naman ako kasing sama ng ugali niya na dinadaan sa dahas. Mas gusto ko sa salitaan lang." "Sino ang masama ang ugali?" padabog na sumulpot sa harapan namin si Jamai. Nginitian ko naman siya nang nakaloloko kaya pinaningkitan niya ako ng mga mata. I love it. May mapipikon na naman dahil sa sweet words ko. "Ikaw, nagtanong ka pa?" nakita ko siyang pasugod na naman papunta sa akin.  Good thing, nasa tapat ako nung pinto kaya isinarado ko ito nang malakas. May narinig naman akong lagabog. Mukhang binunggo niya yung pinto. Nilock ko naman para sure. Tumawa na naman ako habang naririnig kong nagrereklamo sa sakit si Jamai. "Phew, akala ko mamamatay ka na e!" napangiti na naman ako sa asar ni Sheila kay Jamai. Hindi naman ako masisindak ng babaeng yan. Never.  "Matagal mamatay ang masasamang damo, remember? Lalo na ang masasamang bato, bato katulad ni Sir," sabi ko habang natatawa. Ako lang pala ang natawa. Aba, hindi nakitawa sa Joke ko.  "Hoy, nakasimangot ka dyan?" ngumuso naman siya. Ang cute niya pala, parang bata na naagawan ng lollipop.  "Mabait naman si Sir. Bago ka palang kasi dito. Tsaka alam mo ba, ikaw ang kauna-unahang sumagot sa kanya nang pabalang. Pati na rin kay Jamai," na-amaze naman ako sa sinabi niya.  Parang isang malaking karangalan sa akin na ako pa ang kauna-unahan ah? Hindi lang ako sanay na binabastos ako. Kung kailang lumaban, lalaban ako basta nasa tama ako at hindi ako ang nauna. Ayoko lang na hayaan na saktan nila ako. "Oh, talaga? Dapat pala may reward ako, ano?" biro kong pagkakasabi sa kanya. Inirapan naman niya ako at binatukan. Aba, teka nga. Ano na naman ang mali sa sinabi ko? "Pero ayos din kasi na may nakaharap din sa wakas yang babaeng yan. Sobrang dami na niyang binully kung alam mo lang," tinutukoy niya si Jamai.  "Alam mo, hindi mo naman dapat hinahayaang saktan at mabully ka, Kung kinakailangan lumaban para sa karapatan at tama, lumaban ka," payo ko naman sa kanya. "Naiintindihan ko, Reca. Masyado akong naging duwag. Susubukan kong lumaban kung kinakailangan," natuwa naman ako sa sinabi niya. Yan, tama yang ganan. Isang gabi na naman ang nakalipas. Iniisip ko na naman ang trabaho na naka-assign sa akin. Ano na naman kaya ang madadatnan ko? "O, siya maglilinis pa kasi ako ng kwarto ni Sir eh. Maya uli tayo chika kapag tapos na ako," pagpapaalam ko sa kanya.  Lumabas na ako ng kwarto. Sana ay wala doon si Sir. Baka kasi masapak na ako nun. Lagi kasi akong lumalayas sa harapan niya pagkatapos ko siyang sagut-sagutin. Walk-out queen ang drama ko naman ngayon. Mas okay na yon kaysa humaba pa ang pagtatalo. Kumatok naman ako sa kwarto ni Monster este sir pala. Wala namang sumagot kaya pumasok na ako. Lagi naman daw iniiwang hindi nakalock ang kwarto nito kapag magpapalinis. In-assume ko na kailangang linisin na ulit ito. Naiinis ako sa outfit naming mga maids. Ang sexy tapos backless. Cosplay ba? Ano kami dito, pokpokers ganoon? Sanay naman ako sa ganito dahil nga model ako, pero saan ka makakakita na ang maid ay ganito ang sinusuot? Dinaig pa ang mga model. Dapat nairereport yang lalaking yan e. Hindi tama ang pamamalakad niya. Nagsimula na akong maglinis ng kwarto niya. Buti nalang at medyo malinis na kaya hindi na ako masyadong mahihirapan. Hay, sana ganito nalang araw-araw para hayahay ang buhay ko. Araw-araw lilinisin tapos lagi mong madadatnan na marumi? Hindi na ata tama iyon. Bigla akong nakarinig nang pagbukas ng pinto sa Cr ng kwarto niya. Akala ko ay wala dito si Sir? Napalingon naman ako doon sa pinto. Nakatapis lang siya ng twalya sa baba. Topless pa, anak ng! Bukas naman ang aircon pero bakit parang naiinitan ako? Nakita ko naman siyang napangiti. Napatingin ako sa dibdib niya. Aminado akong maganda ang hubog ng katawan niya. Model ba siya? Bakit hindi ko siya kilala kung ganoon? May tumutulo pang tubig muna sa kanyang buhok. "Enjoying the view, Miss Reca?" bigla akong bumalik sa tamang pag-iisip nang banggitin niya ang pangalan ko. Nagmayabang na naman ang maangas na lalaki.  "Baka nandidiri lang?" sagot ko naman sa kanya.  Buti nalang magaling akong magpalusot. Expert na yata ako diyan. Inirapan niya naman ako. Hala, may pag-irap na nagaganap?   Nanlaki naman ang mga mata ko dahil papalapit siya nang papalapit sa akin. Napasandal naman ako sa may kabinet. Bumaba ang ulo niya siya sa tapat ng mukha ko. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Mabango siya pero hindi tama ang ginagawa niya. "Hoy, 'wag ka ngang ano diyan! Lumayo ka sa akin. Sisigaw ako ng rape dito!" pagbabanta ko sa kanya. Sobrang kinakabahan ako dahil ang lapit lapit niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko.  "Excuse me? Baka gusto mong umalis diyan? Nasa kabinet kasi ang mga damit ko," napahiya ako doon  sa sinabi niya. Agad naman akong umalis. Nakakainis! Magaling din pala siyang mang-asar. Parang narinig ko ata siyang tumawa nang mahina.  May araw ka rin sa akin Mr. Arrogant!  Agad ko namang nilinis ang kwarto niya para matapos na. Ayoko kasing makasama nang matagal ang pervert na ito. Baka hindi ako makahinga.  Aaminin ko na ang Hot niya, gwapo siya, ang bango niya at gwapo talaga, define Gwapo. Syempre arogante at pervert pa rin siya. Hindi maitatama ng magandang katawan at mukha ang kasamaan ng ugali niya. Lumabas agad ako ng kwarto. Nakita ko naman si Jamai na masamang nakatingin sa akin kaya nginitian ko ulit siya. Nakakadalwa na siya ha? Inirapan naman niya ako. Mas natutuwa akong asarin siya kung sobrang pikon niya.  Bahala na kayo sa buhay niyo. Ang hirap niyong pakisamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD