Chapter 4

2064 Words
Ressel's POV Pinatawag ang lahat ng katulong. Hindi ko alam kung anong mayroon. Lahat kami ay nakapila sa gilid ng red carpet. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil dati ay ako yung lumalakad sa gitna. Ngayon ay isa ako sa mga babating maids.  Parang ako lang ata ang walang alam. Pansin ko na parang namumutla ang iba. May nasesense tuloy akong kakaiba. Parang ayaw nila sa darating.  "Be ready. They are here," sabi nung head maid.  Lahat naman kami ay nakatayo nang tuwid. Bawal daw ang ngumingiti. Aba, anong klaseng bisita ba mayroon sila? Ang weird nga ng mga tao dito e. Yung mga maid rin minsan ay naririnig kong nag-uusap about Vampires. Hindi naman totoo yun. Nagbabasa sila sa dreame. Tinry ko yun since wala naman akong ginagawa minsan. Napalitan ko na rin naman ang sim card ng phone ko kaya hindi ako malo-locate.  Nagsimula akong magbasa ng Magical Vampire Academy. Nasa book 2 na nga ako ng MVA2. Binabasa ko rin yung VNIGHT: Vampire in Disguise. Nagbabasa ako para maintindihan yung mga pinagchichismisan ng mga kapwa ko katulong. In fairness nahihilig na rin ako.  "Huy. Umayos ka nga. Ayan na sila. Daydreaming pa," Inirapan ko naman si Sheila dahil sa sinabi niya. Agad naman akong lumingon sa may main door. Letse kasing mga bampira, nagugustuhan ko na kasi sila. Ayan tuloy parang lumilipad ang tingin ko. Napanganga naman ako nung may babaeng pumasok. Mukhang mga nasa fourthy plus siya. Ang ganda niya. Familiar siya e. Teka, kailangan nga palang serious look. May sumunod naman sa kanya na isang lalaki na mukhang kasing edad rin nito. Mag-asawa?  Tinitigan ko silang mabuti. Kahawig ni Sir. Harley. Magulang niya siguro. At kung hindi ako nagkakamali, kaya familiar ang dalwang yan sa akin ay dahil isa sila sa pinakasikat na tao sa buong mundo. Kasama sila sa pinakamayaman sa buong Asia. Hindi pure Filipino ang lahi nila. Nagtataka lang ako na bakit sa dinarami-rami ng bansa ay sa Pilipinas naisipan ni Sir. Harley tumira. Ang alam ko ay sa Korea nakatira ang mga magulang niya. Yun kasi yung nabasa ko sa magazine.  Sopistikada ang dating. Mataray at mukhang matapobre. Well, ganoon talaga. Napansin ko naman na nasa likuran nung dalwa si Sir Harley. I admit, he's really hot.  Dumiretso naman ako nang tingin, baka kasi mapagalitan ako. Agad naman kaming tumungo nung dumaan sila. Nung pag angat ko ng ulo ko ay mas ikinagulat ko. Yung nawawala kong kaibigan ay nasa tapat ko. Si Azereth Claire. Ang laki nang ipinagbago niya. Sobrang ganda niya ngayon. Bakit ngayon ko lang siya nakita sa mansion? Nakatitig na rin siya sa akin ngayon dahil kanina pa ako tulala sa kanya. Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko. Nawala siya dahil balak rin siyang ipakasal sa lalaking hindi niya gusto at hindi kilala. Ni hindi niya pa nga rin nakikita yung nakatakdang ipakasal sa kanya e. Simula at sapul kasi ay si Jerome Silvante na ang gusto ni Claire.  Nung tuluyang nang nakapasok sa loob ang mga Villafuente ay lumapit ako kay Claire. Napayakap ako sa kanya. Dalwang taon na siyang nawawala. Siya ang nag-iisang bestfriend ko. Ang saya ko dahil makakasama ko na ulit siya. "Claire!" tawag ko sa kanya. Napaluha naman ako nung niyakap niya rin ako. "Ressel. Bakit ka nandito? Namiss kita. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo ha?" hinila ko naman siya papuntang garden.  "'Wag mo akong tatawaging Ressel. Reca nalang okay? Kung anong nangyari sa iyo ay yun din ang nangyari sa akin. Ang ipinagka-iba lang natin ay napagbuhatan ako ng kamay ng mga magulang ko kaya nagrebelde ako. Ayun, naisipan ko ring tumakas. Nautakan ko lang sila dahil sobrang daming bantay sa mansion. Teka, namiss talaga kitang bruha ka" mahabang kwento ko sa kanya. Niyakap ko ulit siya. Para ko na rin siyang kapatid. "Ginawa sa iyo nila Tita at Tito yan? Akala ko pa naman napakaswerte mo sa kanila. Pero sabagay, laging kagustuhan nila ang sinusunod mo. Nakakasakal yun. Okay naman na e. Bakit kailangan ka pang ipakasal sa iba? Kaya mo namang ihandle ang business niyo? Ako naman ay hindi ko kaya, kaya ayun pinilit akong ipakasal. Magkasama na tayo ngayon. Kaso nagbabalak akong tumakas e. Sama ka? Alam kong magaling ka rito," nagulat naman ako sa kanya dahil balak na namang tumakas?  Gusto ko ang idea na iyan. Mas masasakal kasi kami sa mansion na ito. Lalo na sa mga walang kwentang patakaran. Kung mapapatay man nila ako ay okay lang. At least, kahit isang sandali ay naranasan kong maging malaya. "Pero papaano? Gustong gusto ko na kasi talagang umalis dito. Natatakot ako na baka may mangyari sa akin dito. Nahalikan ka na ba ng pervert na lalaking yan?" patukoy ko kay Sir Harley. Hindi ko kayang tumira sa mansion na may kasamang lalaki na katulad niya. No way!  "Hindi pa. Hindi ko nga alam kung bakit e. Pero sayang yun. Ang gwapo gwapo niya kasi. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya ako hinahalikan. Maganda naman ako hindi ba?" binatukan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Lukaret rin kasi ang isang ito. "Eto naman, hindi mabiro. Seriously, hindi pa niya pa talaga ako nahahalikan. Gusto kong si Jerome lang ang makahalik sa akin. Ang saya-saya ko nga kasi kabarkada niya pala si Sir Harley. Lagi ko tuloy siyang nasisilayan," napangiti naman ako kasi mukha siyang masaya.  Masaya akong nakikita na inspirado ang bestfriend ko. Minsan ko nalang kasi makita yang ngumiti simula nung ipagkasundo siya sa ibang lalaki na hinding hindi niya pa nakikita at wala siyang balak makita ito. "Balak mo pa ring tumakas kahit na kabarkada ni Sir Harley si Jerome?" tanong ko sa kanya. Sumeryoso naman ang tingin niya. Okay, seryoso nga siyang tatakas. "Ressel, aanhin ko pa na nandito yung taong gusto ko pero hindi naman ako kilala? Oo gusto ko siya pero mas mahalaga ang kapakanan natin. Sobrang strict din ang mga magulang ni Sir. Yun yung dumating kanina. Nananakit at namamahiya sila ng mga katulong," bigay impormasyon naman niya. Mukha palang nila ay hindi na katiwa-tiwala. Hindi magandang pakisamahan ang pamilya nila. "Kailan ba tayo tatakas?" tanong ko naman sa kanya.  Mas maraming alam sa akin si Claire pag dating sa pagplano pero mostly ako yung gagawa nung on the spot na plano kapag hindi gumana yung kanya. Mautak kaya ako. Matalino rin ako kaso mas matalino si Claire ng mga point one lang naman.  "Balak ko sana sa summer. Wala sila rito ng summer dahil nagbabakasyon ang Villafuente family. May bakasyon rin ang maids. Nasa sa iyo kung magbabakasyon ka o mag stay ka rito. Ako naman ay nag stay nalang kaysa naman sa mahuli ako no. Alam rin nila na hindi tatakas ang mga maids dahil may data sila Sir Harley kung nasaan ang mga pamilya ng bawat isa. Binanggit lang sa akin ito ni Sheila e. Yung katabi mo kanina," napatango naman ako. Ang daming alam ni Sheila ah. Pero papaano pala si Sheila kung sakaling tumakas kami? Kaibigan ko na rin kasi siya. "Anyways, wala kang dapat pagsasabihan ng plano natin. Kahit kay Sheila. Mahirap magtiwala Ressel. Hindi natin kilala ang mga tunay na kakampi. Sa ngayon, tayong dalwa lang ang magtutulungan," iniisip ko palang, sinabi na niya. "Alright. Utos ng magaling kong bestfriend e. Basta sure na yan ha? Walang atrasan," sabay ngiti ko sa kanya kahit kabado. "Oo naman. Alam mo na? Ikaw lagi ang magbabaon ng back-up plan," inirapan ko naman siya sabay tawa namin. Ganito lang talaga kami magbonding.  "As always Claire. As always," biro ko naman. Dating nerd si Claire. Ayaw niya kasi ng atensyon. Lagi nga siyang binubully noon. Naiinis kasi ako sa mga taong nambubully at lalo na sa mga judgemental. Ni hindi muna man lang kilalanin yung taong gaganunin nila. Sino ba sila? Tao lang rin naman sila ah? Wala silang karapatang manghusga, manakit at manlait ng iba. Sa sobrang inis ko noon ay napaaway ako.  Lahat ng mga gumugulo kay Claire ay binantaan ko. Takot sila sa akin dahil sikat at mayaman ako. Hindi ko namang ginagawang advantage yung pagiging mayaman. Ang gusto ko ay walang mga nang-aapi. Hindi naman nalaman ng parents ko ang mga pangyayaring iyon.  Simula noon, naging kaibigan ko na si Claire. Hindi ako umaalis sa tabi niya. Ayoko kasing inaapi siya porke ganoon ang itsura niya. Hindi ba nila nakikita ang tunay na kagandahan ni Claire? Napakabait at napakatalino niya. Walang wala ang kagandahan ng iba. Siya ang Valedictorian namin nung highschool. Ni hindi nga nila nakita ang kagandahan ni Claire sa likod ng pagiging nerd niya. Sobrang gandang ganda ako sa kanya nung tinanggal niya yung malaking eyeglasses niya. Naging mamatag ang pagsasamahan namin ni Claire. Yun nga lang, bigla nag ka arranged marriage ang loka.  Bumalik naman siya sa trabaho niya. Ako naman ay wala nang gagawin dahil naayos ko na yung kwarto ni Sir. Kung pwede lang sanang magpalipat sa ibang gawain ay ginawa ko na.  Gaano kaya kalandi yang boss namin? Pansin ko nga na halos araw-araw ay may dinadalang babae. Ganan rin kaya siya kahit nandito ang parents niya? Tumambay muna ako sa labas. Tinulungan ko nalang yung iba na mag-ayos. Napalingon naman kami nang may bumusina sa gate. Isa pa itong bigatin. Mamahalin ang kotseng dala. Sino naman kaya ito? Napalinya naman yung mga maid kaya ginaya ko sila. Nagulat ako nung si Jerome Silvante yung bumaba sa Driver's seat. Agad naman akong tumungo. Baka kasi makilala niya ako. Nakasama ko na yan ng isang beses nung photoshoot para sa magazine. Sana hindi niya ako natandaan.  Napaangat ang tingin ko nung lumagpas si Jerome. Mas ikinagulat ko nung may isa pang lalaking bumaba sa isa pang kotse. Hindi ko napansin na dalwa pala ang bisita.  "Krich?" napabulong ako.  No, impossible. Hindi siya si Krich dahil patay na siya. Si Krich yung kababata ko. Siya yung lalaking gusto kong pakasalan. Nangako kami sa isa't-isa na magpapakasal kami. Tuwang-tuwa nga sa amin yung parents namin. Botong boto sila. Kaso pupuntang US si Krich para doon magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Iyak ako nang iyak nun.  Hindi ako pumayag na umalis siya. Nung malapit na sila sa Airport ay humabol ako. Papunta na siya sa Terminal na naka-assign sa kanya kaso humarang ako. Hindi ko napansin na may kotse na parating. Agad niya akong itinulak sa gilid. Sadly, siya yung nabangga. Sobrang sising-sisi ako noon. Natrauma ako. Nagpa-therapy pa nga ako dahil hindi makamove on. Takot na takot ako noon. Halos magpakamatay na rin ako. Feeling ko wala nang kwenta ang buhay ko.  Hindi naman nagalit ang mga magulang niya sa akin. Ang bait nga nila. Halos araw-araw na nga akong humihingi ng sorry sa kanila e. Naiintindihan naman nila. Sa akin pa nga sila naawa dahil natrauma ako.  Napansin ko naman na tumigil siya sa harapan ko. Nakipagtitigan ako sa kanya. He's so serious. Hindi ganyan si Krich. Lagi ako nun nginingitian. E siya, ni hindi man lang ngumingiti o kahit anong magandang expression. Mukha siyang masungit. Ayokong isipin na siya si Krich pero magkamukhang magkamukha sila. Wala namang kakambal yun or sadyang magkamukha lang talaga?  Nakita ko naman si Claire. Nanlaki rin ang mata niya. Nilagpasan naman ako nung lalaking hawig ni Krich.  "Omg, Ressel! I mean Reca, kamukhang kamukha niya si Krich. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi naman siguro tayo minumulto? Pero mas gwapo yung lalaking yun ng onti," hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Claire.  Namimiss ko na si Krich. He's my first love. Pangako ko na siya na ang huli. Kaya hindi ako nagkaka-boyfriend ay dahil nangako ako na siya lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. "I'm so sorry, bess. Kamukha lang niya siguro yun. Ayoko naman na umasa ka. Nandito naman ako para sa iyo e," sabay hagod niya sa likod ko. Naluha na naman ako.  I still love him kahit ilang years na ang nakalilipas.  Siguro kung buhay pa siya ngayon ay hindi ako ipapakasal sa iba. Baka ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo kung darating ang araw na magpapakasal kami. Kaso hanggang panaginip ko nalang ang pangarap kong maging asawa si Krich.  "I still love him. I miss him. I want to hug him," malungkot kong sinundan nang tingin ang lalaking kamukha niya. "Bess Ressel, masaya na si Krich sa feeling ni God. Kailangan mo nang magmahal ng iba. Patay na siya, hindi habambuhay ay sa kanya tatakbo ang buhay mo. Alam mo, mas magiging masaya si Krich kung magiging masaya ka rin. Please naman, sana isipin mo rin ang kasiyahan mo. Hindi porke patay na siya ay hindi ka na magmamahal ng ibang lalaki," payo ni Claire. Tama naman siya pero mahirap pa rin gawin ang sinasabi niya kung ang puso ko ay si Krich pa rin ang sinisigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD