bc

Love at First Taste

book_age18+
1.4K
FOLLOW
8.7K
READ
billionaire
mate
student
campus
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Bea is an intelligent and beautiful young woman who got scholar from Manila Christian University, ang isa sa pinakasikat na University sa bansa.

Unang araw pa lang niya sa MCU ay nagulo na kaagad ang tahimik niyang mundo nang aksidente na mabangga siya ni Ken Han. Ang lalaki na sinalo na ang lahat ng biyaya ng Diyos. Hindi man naging maganda ang una nilang paghaharap dahil sa ginawa nitong pagsusuplado sa kaniya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya magustuhan ang lalaki. Ken was cold and distant from her as if there was a significant barrier between them. He was not pleased, not even when she admitted her true feelings. Instead, he turned her down. First heartbreak niya iyon kung tutuusin at ayaw na niyang mapangalawahan pa. But God didn't listen to her. Dahil sa muling pagtatagpo nila ni Ken ay doon pa niya naibigay ang sarili sa minsan na pagkalimot dahil sa alak.

Would she allow herself to get hurt again?

chap-preview
Free preview
Prologue
Bea "Hey! Bea, may girls night out kami mamaya. Wanna join us?" pagyaya ni Thea sa akin. Katatapos lang ng klase namin at kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng university. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman sa kaniya dahil hindi naman ako mahilig lumabas kasama ang mga kaklase ko. Lumalabas lang ako noon kasama ang mga kaibigan ko na sina Sav at si Avin na boyfriend ko na ngayon. "Weekend ngayon at masarap mag-bar. Sumama ka na sa amin, maraming boylet doon at tiyak na mag-e-enjoy ka." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Eh, ano naman kung maraming boylet doon? Hindi naman ako naghahanap ng boylet dahil may boyfriend naman ako. Nasa malayo nga lang siya ngayon. Gusto kong sabihin sa kan'ya, pero hindi na lang. "Pag-iisipan ko," sagot ko at ngumiti sa kan'ya. Patuloy lang ako sa paglalakad at sinasabayan niya naman ako at mukhang hindi niya ako titigilan. "Huwag kana mag-isip. Sumama ka na sa amin, minsan lang naman ito." Pamimilit pa nga niya. Niyayaya ba niya ako o pwersahang isinasama? Tsk! Hindi naman talaga ako mahilig lumabas kasama ang iba. Pero siguro ay gusto lang nila akong makasama at mas makilala. Nasa unang semester pa lang kami ng klase ngayong taon, na pangalawang taon ko naman sa second course ko. Dalawang taon lang naman ang course kong ito ngayon at graduating na ulit. Ewan ko ba kung bakit, pero hindi ako nakontento noon sa apat na taon na course ko kaya pinili kong mag-aral ulit sa course na gusto ko. Scolar naman ako kaya ayos lang na mag-aral ulit. Wala na kasi akong ginawa noon kun'di ang sumunod nang sumunod sa taong hindi naman ako napapansin. Kaya pakiramdam ko hindi ko na-enjoy ang college life ko. "Hey! Tulala ka na d'yan. Ano G ka ba?" Nabalik ako sa wisyo nang kalabitin niya ako. Malalim na pala ang iniisip ko. Bumuntong-hininga ako. Okay lang naman siguro na sumama ako sa kanila. Minsa lang naman ito at para mas makilala ko pa sila. "Sige, sasama na ako." Nagtatalon naman siya sa harapan ko at sobra ang saya na animo'y nanalo sa loto. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng kasabay namin sa paglalakad. Bakit naman kasi sobrang saya niya. Ganoong ba ako kaimportante na sumama sa kanila. Matagal na rin naman na hindi ako nakagimik kaya sasama na ko. Sa tagal ay hindi ko na alam ang itsura ng bar at lasa ng alak. Ang huli kong tikim ng alak ay noong kasal pa ni beshie Sav na tatlong buwan na rin ang nakalilipas. Ang tagal na diba? Kaunti lang din ang nainom ko noon dahil pinipigilan ako ni Avin na uminom ng marami. Siguro kailangan ko talagang uminom ngayon dahil masama rin ang loob ko. Ilang araw na kasing walang paramdam si Avin. Isang buwan matapos ang kasal ni Sav noon ay nagtungo si Avin sa ibang bansa para doon magtrabaho. Pangarap niya 'yon kaya hindi ko siya pinigilan pa. Noong unang buwan niya doon ay halos araw-araw siyang tumatawag sa akin. Pero ngayon ay halos mag-iisang buwan na siyang walang paramdam. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ko siya ma-contact. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala. Bumigat na naman ang nararamdaman ko sa dibdib ko at parang gusto ko ng umiyak. Mahigpit ko naman iyong pinigilan dahil baka magtaka sa akin si Thea at ang iba pang mga nakakakita. Namiss ko rin tuloy si beshie Sav. Buntis siya ngayon kaya hindi rin kami ganong nakakalabas. Mabuti pa ang kaibigan kong iyon, masaya ang love life. "Hey! What's wrong? Are you okay?" tanong ni Thea. Nahalata pa n'ya yata ako. Muli na naman akong nabalik sa wisyo mula sa malalim na pag-iisip. "Oo, naman," sagot ko at kaagad na ngumiti sa kan'ya. "We will pick you up at seven, okay? "Seven? Ang aga naman yata?" "Mas maaga mas maganda, mas marami mas masaya." Kinindatan pa niya ako at halata sa mga mukha niya ang excitement. Napaisip tuloy ako. Baka i-goodtime ako ng mga ito. Hindi naman siguro. "Okay!" pagsang-ayon ko na lang sa kan'ya at ngumiti. Tuluyan na kaming naghiwalay dahil papunta siya sa parking lot habang ako naman ay sa gate palabas ng university. May sasakyan siya kaya sa parking ang punta niya. Malapit lang naman sa University ang boarding house ko kaya nilalakad ko lang. Mabilis lang din ako nakarating. Tumingin ako sa orasan at alas tres palang ng hapon. Mahaba pa ang oras kaya puwede pa ako matulog muna. Nahiga ako sa kama at kaagad na nakatulog. Naalimpungatan naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito na nasa loob pa ng bag ko. May pagmamadali ang kilos ko dahil baka si Avin na ang tumatawag. Hindi ko na naabutan pa ang tawag ngunit may mensahe rin. Kaagad ko rin naman itong binuksan at binasa. "Be ready at seven o'clock." Akala ko si Avin, hindi pala. Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit ba hindi siya nagpaparamdam? Napatingin naman ako sa orasan ng maalala ang pupuntahan ko. Alas sais na pala ng gabi kaya kaagad na akong naligo. Mabilis lang akong naligo dahil naligo naman na ako kanina. Pumili ako ng damit na isusuot ko. Alam kong bongga at sexy ang mga suot nila kaya hindi ako magpapatalo, nuh. Napili kong suotin ang black fitted backless satin dress na above the knee. Sinipat ko ang sarili ko sa full length mirror. Bakas na bakas ang magandang hubog ng aking katawan. Naglagay lang din ako ng light make up. Alam ko naman na maganda na ako kaya hindi ko na kailangan pa ng makapal na make up. Sapat na ang simple lang. Itinali ko lang ng mataas ang aking lagpas baywang na tuwid at silky na buhok. Para mas makita ang mukha ko. Nang matapos ako ay sakto naman ang pagbusina ng isang sasakyan. Sumilip ako sa bintana at nakita ko Thea na bumaba ng sasakyan. Dinampot ko na ang black mini shoulder bag ko na naglalaman ng cellphone at pera tapos ay nagmadali na akong lumabas. PAGPASOK namin ng bar ay agad kaming sinalubong ng malakas na tunog ng musiko at mga grupo ng mga kababaihan at kalalakihan na nagsasayaw. Ang aga naman nila mag-bar. Akala ko maaga na kami, may mas maaga pa pala. Nagtungo kami sa bandang gitna at naroon na pala ang iba pa naming mga kaklase na babae. Mga kaklase kong brats na lagi na yatang laman ng mga Bar. Alam kong hindi ako bagay sa grupo nila pero ngayon lang naman ito. "Hey! Bea. Mabuti naman at sumama ka. Halika, dito ka maupo," ani ni Lea na itinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya. Isa siya sa mga kaklase kong brats. Ngumiti lang naman ako sa kanya bilang tugon at naupo na sa tabi niya. "Ang sexy mo, ahh," bati naman ni Irish na may magandang ngiti sa mga labi. Sa tingin ko ay totoo iyon at hindi plastik. "Thank you!" Binigyan ko rin siya ng isang matamis na ngiti. Nagsingitian din ang iba pa naming mga kaklase sa akin. Ngiti lang din ang itinugon ko sa kanila. Hindi ko kasi sila masyadong close at bihira lang din kami mag-usap sa school. Ngayon lang talaga ako sumama sa kanila na lumabas kahit noon pa nila ako niyayaya. Mababait naman sila at kahit mga brats sila wala naman akong nabalitaan na nam-bully sila. Maya-maya pa ay dumating ang dalawang waiter na may bitbit na tag-isang tray na puno ng mga alak. Napalunok akong bigla dahil medyo may karamihan ang alak na in-order nila. Alam kong malalakas sila uminom at mga sanay na sila, pero sa tingin ko ay talagang walang uuwi na matino. "Iinumin ba natin lahat iyan? Ang dami naman yata, ang aga pa," tanong ko kay Thea na nasa tabi ko sa kaliwang bahagi. Sa kanang bahagi ko naman ay si Lea, na katabi si Irish at si Mae . Katabi naman ni Thea si Izy. "Oo naman, saglit lang yan. Malakas uminom ang mga iyan," sabi niya na may pagmamalaki. Iyon nga ang nakikita ko sa kanila. Dahil na rin siguro sa palagi silang laman ng nga Bar. "Umiinom ka naman diba?" tanong naman niya sa akin at ngumiti. "Oo, pero hindi gano'n kalakas," nahihiyang sagot ko. Hindi naman talaga ako ganoon kalakas uminom, pero kaya ko naman siguro makipagsabayan sa kanila. "Well, tingnan natin." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Mukhang mapapalaban nga ako dito, ah. Pagkalipas ng ilang oras ay parami nang parami ang mga tao. Parami rin nang parami ang naiinom namin. Tama nga si Thea malakas silang uminom at pati ako ay napapasabay na nga. May mga dumating na kalalakihan. Mga kaibigan nila at ang iba naman ay mga kaklase rin namin. Pumuwesto sila sa p'westo namin at kasama na namin silang uminom. Mukhang tama naman si Thea. Mas marami mas masaya. Habang lumalalim ang gabi tuloy-tuloy pa rin kami. Naka-ilang order pa sila ng alak at naka-ilang sayaw na rin kami sa dance floor. Ang lalakas din uminom ng mga lalaki at sinasabayan sila ng mga babae na mukhang hindi papatalo sa mga lalaki. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi ko na namalayan na marami na ang akong nainom na alak. Pansamantala kong kinalimutan ang sama ng loob ko dahil sa hindi pagpaparamdam sa akin ni Avin. Nagpaalam ako sa kanila na gagamit ng rest room. "Samahan na kita," alok ni Jhon na agad ko ring tinanggihan. Kaya ko naman mag-isa at naiilang talaga ako kay Jhon. Isa siya sa mga kaklase namin at kanina pa ako naiilang sa mga titig niyang kay lagkit. Pakiramdam ko nga matutunaw na ko sa upuan ko. Magkatapat kami ng pwesto kaya pilit kong iniiwasan ang mga titig n'ya. Kaya idinaan ko na lang sa pag-inom, naparami tuloy ang inom ko. "Hindi na kailangan. Kaya ko naman, thank you." Tumayo na ako at kaagad na naglakad patungo ng restroom ngunit hindi pa ako nakakarating nang restroom ay nakaramdam na naman ako ng matinding hilo. Hindi na ako makalakad ng diretso dahil sa hilo kaya napatigil at napahawak ako sa may bar counter. Nagulat ako ng may lumapit sa akin na lalaki. "Hey babe! How're you doing? Do you want me to join you?" tanong niya habang humahaplos sa braso ko. Napatingin ako sa mukha niya. Akala ko ay sinundan ako ni Jhon, pero iba pala. "No! Just leave me alone," ani ko sa kanya sa naiiritang boses. Mukha kasi siyang manyakis. Muli niya naman akong hinawakan sa braso na may kasamang paghimas. Kaagad ko iyong tinabig at dahil doon ay nawalan ako ng balanse kaya agad akong bumagsak, ngunit may mga malalakas na braso ang sumalo sa likod ko. Napatitig naman ako sa mukha ng taong nagmamay-ari niyon na sobrang lapit lang din sa mukha ko. Nagulat ako ng makilala ko siya. Hindi kaya nananaginip lang ako at dala lang ng kalasingan ko. Mas lalo pa siyang gumawapo. NAGISING ako na sobrang sakit ng ulo ko. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay ibang kwarto ang nabungaran ko. Hindi ito ang kwarto ko. Inikot ko ang aking mga mata sa buong paligid. May kalakihan ang kwarto na ito. Malinis ,maayos at maaliwalas. Napabaling naman ang paningin ko sa tabi ko. Nanlaki ang aking mga mata at halos mapasigaw ako sa gulat nang makitang may katabi akong lalaki na mahimbing na natutulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
80.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook