Chapter 1 - Cute Name

2160 Words
FIVE YEARS AGO Ngayon ang unang araw ng klase. Excited ako dahil mag-aaral ako sa isang sikat na university. Maaga akong pumasok mula sa aking boarding house na malapit lang din sa university. Wala pa akong kilala sa ngayon. Sana ay mababait ang mga professor at ang magiging mga kaklase ko. Ang alam ko ay mayayaman ang mga nag-aaral dito. Una kong kinuha ang class schedule ko na nakapaskil sa bulletin board. Pagkatpos kong makuha iyon ay kaagad na rin akong nagtungo sa unang klase ko. Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang bawat nadadaanan ko. Talagang napakaganda ng eskwelahang ito. Napakalawak at may magagandang pasilidad. Pinagmasdan ko rin ang mga estudyante lalo na ang naggagandahang mga babae na sa tingin pa lang ay alam mo ng mga mayayaman at mga spoiled brats pa ang iba. May kanya-kanya na ring grupo ang iba, na malamang ay matagal ng magkakakila o magkakaibigan. Hindi ko mapigilan ang mamangha sa kapaligiran at hindi pa rin ako makapaniwala na dito na ako mag-aaral. Ang saya-saya ko. Alam kong naiiba ako sa mga mag-aaral dito dahil hindi kami mayaman na tulad nila. May kaya naman ang pamilya ko dahil may malawak kamimg lupain sa probinsiya. Ngunit kahit pa yata pagdoble-doblehin ang lupain namin ay hindi ko pa rin mapapantayan ang estado ng mga nag-aaral dito. Hindi naman dahil may pera kami kaya nakapasok ako sa university na ito kundi dahil nakakuha ako ng scholarship. Mabuti na lang at matalino ako, nuh. Pagbubutihin ko pa ang pag-aaral ko para hindi mawala ang scholarship ko. Nasa building C ang unang klase ko. Hinanap ko muna ito. Mabuti pala at maaga akong pumasok. Masyadong malaki ang University at mahirap hanapin ang pupuntahan mo. Lalo na kong first day mo na gaya ko. Nagpatuloy pa ako sa paglinga-linga sa buong paligid habang naglalakad. Hangang sa marating ko na ang building C. Kaagad na akong umakyat ng hagdan. Nasa third floor ang unang klase ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mapalingon sa mga nakakasalubong kong mga estudyante. Nakakamangha kasi sila. At dahil sa kalilinga ko ay hindi ko napansin ang isang presensiya na malakas na bumundol sa aking katawan. Bigla kong naramdaman ang paglutang ng katawan ko sa ere. Napigil ko ang aking paghinga nang mag-slomo ang buong paligid. Ganoon na lang ang takot ko nang mapagtanto ko na mahuhulog ako sa mataas na hagdanan. Ngunit bigla ko na lang naramdaman ang malalakas na kamay na humila sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang sa paghila niya sa akin papalapit sa kanya ay aksidenting naglapat ang aming mga labi. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo ko. Para akong bilang nakarating sa isang napakagandang lugar. Napaka-romantic ng buong paligid. Nagkatitigan kaming dalawa habang magkasugpong ang aming mga labi. Siya na ba ang forever ko? Ilang sandaling naglapat ang aming mga labi hanggang sa makarinig ako ng tila pagkahulog ng isang bagay sa sahig. Nakita ko rin ang pagkabigla sa kanya base sa reaksyon ng kanyang mukha. Nang mapagtanto niya ang nangyari ay kaagad na humiwalay ang kanyang mga labi sa pagkakadikit niyon sa mga labi ko at unti-unti ring humiwalay ang mga braso niya mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin. Natulala ako sa nangyari. Halos hindi ako nakagalaw. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napakaguwapo niya kahit napakaseryoso ng mukha niya. Nanatili akong nakatanga pa rin dahil sa pagkabigla. Napansin ko na lang na yumuko siya at may dinampot sa baiting ng hagdan. Iyon marahil ang bagay na narinig kong nalaglag kanina. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagdampot niya ng isang bagay na sa tingin ko ay cellphone. Cellphone pala ang nalaglag niya. Nang madampot na niya ang cellphone ay kaagad na siyang tumalikod at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan na parang wala lang nangyari. Iniwan na niya akong tulala pa rin at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Gosh! Napakaguwapo naman niya. Pero teka totoo bang nag-kiss kami? “Teka, sandali,” tawag ko sa atensyon niya nang makabalik ako sa wisyo. Ngunit hindi na siya lumingon pa. Natawa ako ng mapakla. Halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Kikiligin ba ako dahil nahalikan ako ng isang guwapong lalaki o maiinis ako dahil muntik na akong mahulog sa hagdan at isang hindi ko kilalang lalaki ang humalik sa mga labi ko? Tapos ang lalaking iyon parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. “Hello, first kiss ko kaya iyon. Hayt! Mababaliw ata ako. First day ko pa lang sa school na ito ay may humalik na kaagad sa akin,” pagmamaktol ko. Ilang beses kong ipiniling ang aking ulo bago muling nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan. Nakarating ako ng third floor na hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari. Sino ba siya? Bakit parang wala lang sa kanya na nakahalik siya ng isang babae? Ni hindi manlang siya nag-sorry o nagsalita man lang ng kahit na ano. Teka, pipi ba siya? Pero infairness, huh. Ang lambot ng mga labi niya, saka ang guwapo niya talaga. Siguro ay mayaman din siya dahil halata iyon sa kutis niya. Napangiti ako habang iniisip ang mga iyon. Bakit ko ba iniisip ang mga iyon? Sa wakas ay narating ko rin ang silid ng unang klase ko. Naroroon na ang ilan sa mga estudyante na magiging kaklase ko sa unang subject ko. Pumasok na ako sa loob at naupo sa bakante pa na upuan. Wala pa ang professor namin sa mga oras na ito. Siguro ay masyado pang maaga. Ang ilang mga estudyante ay abala sa pagkukwentuhan. Malamang ay magkakakilala na sila. Nginingitian ko naman ang bawat estudyante na napapatingin sa akin. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ako ng mga kakilala at kaibigan. Sana nga ay magkaroon kaagad ako ng kakilala at kaibigan. Pinagmasdan kong mabuti ang bawat estudyante at sa pagmamasid ko ay napagtanto ko na parang lahat sila ay mahihirapan akong pakisamahan. Ang mga babae kase ay mukhang mga maaarte at ang mga lalaki naman ay may sariling mga mundo. Ilang sandali pa ay pumasok na sa loob ng silid ang magiging professor namin. Nagpakilala ito sa lahat bago nag-umpisa sa lesson niya. Buong klase yata akong tulala dahil hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Sino ba naman ang makakalimot kaagad sa ganoong pangyayari? Naiisip ko kung gaano kalambot at kapula ang mga labi niya. Mas maganda pa ata ang mga labi niya kaysa sa mga labi ko. Ano kayang year na niya? Baka magka-year lang kami. Ano kayang course niya? Ano kayang pangalan niya? May girlfriend na kaya siya? Imposible naming wala sa guwapo niyang iyon, sigurado ako na napapaligiran siya ng mga babae. Gosh! Mababaliw ata ako kakaisip. Pinilit kong ituon sa ibang bagay ang isip ko upang makapag-focus ako sa mga lesson ko. Limang subject ang mayroon ako ngayong araw at natapos ko na ang tatlo. Tumingin ako sa orasan sa aking cellphone at nakita ko na eleven fourty five na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom ay dahil tanghali na pala. Mamaya pa naman ang susunod kong subject kaya minabuti ko na ang magtungo sa canteen para kumain. Hinanap ko ang canteen. Masyadong malaki ang university kaya nahirapan akong hanapin ito. Nagtanong-tanong na lamang ako sa ilang estudyante na nakasalubong ko at kaagad ko ring nakita ang canteen. Maraming mga kumakain sa oras na ito. May mga bakante pa namang lamesa at upuan sa bandang dulo kaya kaagad na rin akong nag-order ng food sa counter. Nang makuha ko ang mga pagkain na in-order ko ay dali-dali na akong nagtungo sa bakanteng lamesa at upuan sa bandang dulo. Nangmaka-upo ako pakiramdam ko lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa akin. Tumunghay ako at tumingin sa buong paligid at tama nga ang pakiramdam ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. Bakit kaya? “Bakit d’yan siya umupo?” “Hindi ba niya alam?” “Hayaan n’yo lang, sure ako na paalisin din siya d’yan.” Nagbubulungan sila pero hindi ko na sila pinansin pa. Pakiaalam ko ba sa kanila? Gutom na ‘ko. Inumpisana ko na ang pagkain ko ngunit nakakaisang subo pa lang ako ng maramdaman ko ang paglapit ng ilang mga prisensiya. “Excuse me, miss. P’westo kasi namin ito. P’wede bang lumipat ka,” sabi ng isang baretonong boses. Napatigil ako sa pagkain ko at dahan-dahang tumunghay sa kanila. Nagulat ako ng nagguguwapuhang mga lalaki ang nakapalibot sa harapan ko ngayon. Teka lang, parang gusto ko pa ng maraming kanin. Ang dami yatang ulam. Bakit naman ang daming guwapo sa university na ito? Mukhang tama lang na dito ako nag-aral. Parang magiging exciting ang bawat araw ko. Pinagmasdan ko silang lahat at lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin. May isang nakangisi na parang tuwang-tuwa ata sa akin ‘to. Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang isang pamilyar na mukha. Ang lalaking iyon. Iyong nakasalubong ko kanina at humalik sa akin sa hagdan. Oo, tama siya iyon at hindi ako maaring magkamali. Kahit lahat sila ay guwapo, iba ang isang iyon. Siya ang pinakaguwapo at napakalakas ng dating niya. Napatingin ako sa mga labi niya at muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa amin kanina lang. Ang mga labi naming naglapat. Kung gaano kalambot ang mga labi niyang iyon. “Miss, naririnig mo ba ako?" “A-Ahh, ehh…” hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Pinapaalis ba nila ako? Pero teka, nauna ko dito, a. “K-Kailangan ko ba talagang umalis?” tanong ko dahil kabastusan naman ata na paalisin nila ako kahit kumakain pa ako, diba? Mapaklang natawa ang lalaking nasa harapan ko. Siya iyong may baretonong boses kanina. Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Siga ba sila dito? Bigla na lang sila nagpapaalis ng kumakain. “Hayaan n’yo na siya. Patapusin n’yo na lang siyang kumain,” utos ng isa. But wait, siya iyon. Siya ang nag-utos na hayaan lang ako kumain. OMG! Natandaan n’ya naman siguro ako diba? Parang kikiligin ako. Siguro parang kamatis na sa pula ngayon ang mukha ko. “Pero, Ken,” tutol ng lalaking gustong magpapaalis sa akin. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Hinila niya ang isang upuan at naupo sa tabi ko. OmyG! Tama ang sinabi ko. Sa tabi ko talaga siya tahimik na naupo. Hindi ko makita ang reaction ng mukha niya. Nakatingin ba siya sa akin? Hindi ko siya magawang lingunin. Ang mga kasama naman niya ay nanahimik na at alam kong nakatingin silang lahat sa akin. Napansin ko rin na sa akin na din nakatingin ang halos lahat ng tao ngayon dito sa canteen. Napalunok ako. Nawala yata ang gutom ko. “Sige na, ituloy mo na ang pagkain mo.” Nabitawan ko ang kutsara sa gulat nang muli siyang magsalita sa tabi ko. Nanginginig ata ang kamay ko. Paano naman ako makakain kung lahat ay nakatingin sa akin. Paano na lang kung malaki ang subo ko. Nakakahiya iyon. May dumating na dalawa pang lalaki na may bitbit na mga tray na may lamang mga pagkain. Siguro ay pagkain nila ang mga iyon. So, ibig sabihin kakain din sila? At sasabay sila sa akin? Ibinaba na ang mga pagkain sa mesa at naupo na rin ang iba. Nag-umpisa na silang kumain. Hindi na ako nakatiis pa kaya naman nilingon ko na siya sa tabi ko. Napakaseryoso ng mukha niya, pero hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhan niya. Muli ko nang itinuon ang sarili ko sa plato ko at inumpisan ang pagkain. Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga kasama ko sa mesa gayun din ang mga taong nakatingin ngayon sa amin. Tahimik ang lahat habang kumakain pero panay ang sulyap nila sa akin. Nagpatay malisya na lamang ako. “Anong pangalan mo, Miss?” tanong ng isa sa kanila iyong nakangiti kanina na parang tuwang-tuwa sa akin. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. Sasagutin ko ba ang tanong niya? Bakit gusto niyang malaman? “A-Ahm, Bea,” sagot ko at ipinagpatuloy kong muli ang pagkain ko. “Anong course mo?” “Accountancy,” tipid kong sagot. Hindi ko kasi alam kong tama bang sagutin ko ang mga tanong niya. “First year?” Tumango na lamang ako. “May boyfriend ka na ba?” tanong pa rin ng makulit na lalaki. Ang dami naman niyang tanong. Interview ba ‘to? “Ah, wa---.” Sasagot pa lamang ako ng bigla siyang magsalita sa tabi ko. “Sa iba ka na maupo sa susunod,” seryosong sabi niya pagkatapos ay tumayo na ito. Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang kumain. Nagsitayuan na rin ang iba. “See you again, Bea. Ako pala si Mark. Nice to meet you,” nakangiting paalam at pakilala ng makulit na lalaki at kumindat pa ito na animo ay close kami. Siya naman ay hindi na lumingon pa. Hindi ko nakuha ang pangalan niya pero narinig ko na tinawag siyang Ken. Ken ang pangalan niya. Ang cute naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD