Bea is an intelligent and beautiful young woman who got scholar from Manila Christian University, ang isa sa pinakasikat na University sa bansa.
Unang araw pa lang niya sa MCU ay nagulo na kaagad ang tahimik niyang mundo nang aksidente na mabangga siya ni Ken Han. Ang lalaki na sinalo na ang lahat ng biyaya ng Diyos. Hindi man naging maganda ang una nilang paghaharap dahil sa ginawa nitong pagsusuplado sa kaniya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya magustuhan ang lalaki. Ken was cold and distant from her as if there was a significant barrier between them. He was not pleased, not even when she admitted her true feelings. Instead, he turned her down. First heartbreak niya iyon kung tutuusin at ayaw na niyang mapangalawahan pa. But God didn't listen to her. Dahil sa muling pagtatagpo nila ni Ken ay doon pa niya naibigay ang sarili sa minsan na pagkalimot dahil sa alak.
Would she allow herself to get hurt again?
Kung may pagpipilian lang si Shalanie ay mas gusto sana niya ng babaeng Executive assistant. Ngunit dahil lalaki ang ipinadala ng HR ay wala siyang choice kundi ang tanggapin ito.
Hindi naman niya inakalang magtatagal ito sa pamamahala niya kahit pa ba napakasungit niya. She had a reputation of being strict and ruthless. Ngunit wala itong epekto kay Samuel. Sa halip ay siya ang apektado rito.
Paano ba naman? Ang assitant niyang ito ay mahusay sa trabaho, matalino, guwapo, simpatiko at may mga matang nakaka-hipnotize kapag napapatitig siya dito.
Pinabibilis nito ang tibok ng puso niya sa tuwing nasa malapit ito, lalo na kapag nagkakadikit ang mga balat nila at nagtatama ang kanilang mga mata.
Alam niyang nanganganib ang puso niya rito at ano mang oras ay mahuhulog siya sa lalaking ito..
Ang tanging pangarap ni Savannah ay ang kanyang diploma para sa magandang trabaho na naghihintay sa kanya. Ngunit sa kamalas-malasan ay ibinagsak siya nang masungit at estrikto niyang professor na si Mr. Albrey Ford.
Nakiusap siya at halos magmakawa ngunit hindi siya pinagbigyan nito.
Paano naman kung ang professor niyang ito ang mangailangan ng tulong niya? Mapagbibigyan kaya niya ito?