UNANG KABANATA - Mga Suliranin

4173 Words
Ella's POV  "Angie?" mahinang sambit ko para kunin ang attention ng nakababata kong kapatid. Kasalukuyan itong nagsasandok ng kanin. Umangat ang ulo nito at tumingin sa akin saglit at muli ring binalik nito ang tingin nito sa kanin. "Yes, ate?" tanong nito. Patuloy pa rin ito sa paglalagay ng kanin sa plato nito. Nasa hapag kainan kami ngayon at kasalukuyang nag aagahan. "Nalista mo na ba lahat ng kailangan nating bilhin?" tanong ko habang inaabot ang mangkok na may laman na adobong manok. Napansin ko kasi na halos paubos na ang asukal at mga ilang pang condiments at ubos na rin pala pati bigas namin. Kaya naisipan ko na magrocery kami ngayon. Kaya naman inutusan ko ang kapatid ko kanina pagkagising ko na ilista lahat ng wala sa kusina na panluto at iyon na muna ang bibilihin namin. "Ate," sabi nito habang nakatingin sa akin. "Bigas lang ang kailangan natin," saad nito bago sumubo. "Hindi na natin kailangan bumili ng kung ano-ano pa, alam ko naman po na wala kang maayos na trabaho eh," ngumunguyang sabi nito. Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Tama nga naman siya wala akong trabaho. Kung ano-anong raket nga lang ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit kahit service crew sa mga fast food ay ayaw nila akong tanggapin o kahit tindera man lang diyan sa palengke. Hindi ako nakapagtapos ng pag aaral. Hanggang second year college lang ang natapos ko sa kursong Business Management. Hindi na kasi kinaya ng tatay ko ang magtrabaho mula ng madiagnosed siya na may colon cancer. Mula nang malaman namin na may cancer siya ay huminto na ako sa pag aaral at kung ano-anong trabaho na lang ang pinasok ko. "Ano ka ba?" pilit ang mga ngiting sabi ko. "May naipon naman sa mga pagraraket-raket ko," sabi ko na pilit tinatago ang pagkapahiyang naramdaman ko. "Eh kung magtrabaho kaya ako ate? Total bakasyon naman," suhestiyon nito. Ang hiyang naramdaman ko kanina ay napalitan ng pride. Biglang tumaas ang pride ko pagkarinig ko sa sinabi niya. Ate ako, at responsibilidad ko na kumayod at magprovide para sa kanya. "Hindi! Kaya ko pa namang magtrabaho eh," madiin ngnunit malambing na tugon ko. "Malakas pa ate mo," pilit pa rin ang mga ngiting dugtong ko. Hindi na umimik si Angie. Tinuon na lamang nito ang pansin nito sa pag ubos sa kinakain nito. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang lamesa at hinugasan ang mga platong ginamit namin. Si Angie naman ay inutusan ko ng maligo dahil maya maya lamang ay aalis na kami para bumili ng bigas. Adonis's POV "Anak!" nag aalala at hindi makapaniwalang sabi ni mama habang matiim na nakatingin sa akin. "You don't have to do that?" sabi nito. Napatingin ako sa sandwich at juice na kumalat sa sahig. Hindi pa rin nawawala ang pagkairitang nararamdaman ko. Paano ba naman kasi ang aga-aga juice ang ibibigay? Maliwanag na ang sinabi ko ay hot choco at pancake. Napakasimple! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi iyon ang ginawa ng tatanga-tangang katulong na iyon. Napatingin ako ng matalim sa nakayukong katulong na nakatayo malapit sa pintoan. "Who hired her?" pigil ang inis na tanong ko. "I want her out of this house," "S-sir," garalgal ang boses na sambit ng katulong. "P-pasensya na p-po sir, hindi na po ma-mauulit," naluluhang dagdag pa nito. "Replace her," madiin na bigkas ko. "S-sir naman po-," "It's okay Josie, lumabas ka na muna," mahinahong sabi ni mama. Agad namang lumabas ang luhaang katulong. "Ano bang nagyayari sa'yo anak?" nag alalang tanong ni mama. Umiwas ako ng tingin sapagkat hindi ko kayang makita ang ganoong expression sa mukha niya. "Lagi ka na lang galit, madaling mairita, hindi ka naman dating ganyan," Lumapit si mama sa akin at pilit na hinuhuli ang aking mga mata. Pasimpleng lumingon ako at bahagyang humakbang paatras para iwasan ang tangkang paghawak niya sa braso ko. Sa paglingon ko ay nahagip ng mga mata ko ang salamin. Nabuhay ang galit sa puso ko nang makita ko ang istura ko sa salamin. Lalo na nang matuon ang paningin ko sa maskarang nakasuot sa mukha ko. "Pasensya na ma, pero gusto kong mapag-isa," tiim-bagang saad ko. "Please Adonis, anak," samo ni mama. "Can you please, at least tell me what your problem is?" nangungusap ang mga mata ni mama na nakatingin sa akin. Wala akong ibang maisip na sabihin kundi "I'm sorry ma," Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama bago muling tumingin sa akin. "Okay, ganito na lang, what if magbakasyon ka muna?" suhestiyon nito. "Go somewhere peaceful, baka sakaling mawala na yang pagkairitable mo," Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang. Dahil alam kong hindi ako titigilan ni mama hangga't hindi ako pumapayag. Ella's POV Nadatnan ko si Angie na nakaupo sa sofa sa sala at abala sa pagdutdot sa kanyang cellphone. Nakabihis na ito at halatang naiinip na sa paghihintay. Nilapitan ko siya. "Tara na," masayang sabi ko. Tumayo na siya at nauna ng naglakad. Pagkalabas namin ng pinto ay nilock ko na ito. "Uy!" dinig kong sigaw ng kung sino. Luminga-linga ako para hanapin kung saan galing o kanino ang boses. Nahagip ng paningin ko si Aling Mameng na kumakaway. Ang isang kamay nito ay mayhawak na walis tingting. Marahil ay nagwawalis ito sa bakuran nito nang makita niya kaming papalabas ni Angie sa gate kanina. "Uy! Aling Mameng," masayang bati ko din habang kumakaway. "Kumusta po kayo?" "Ay, ito malakas pa naman," nakangiting tugon nito. "Saan ba ang punta niyo?" "Pupunta po kami sa tindahan ni Aling Rosing," nakangiting sagot ko. "Bibili po ng bigas," "Hala, siya sige mag iingat kayo," "Sige po, Aling Mameng," masayang ang boses na paalam ko at nilagpasan na namin ang bahay nila. "Ella, maupo ka muna saglit at maglaro tayo," ani Mang Tonyo malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Nakaupo ito sa gilid ng side walk sa tapat ng bahay ng mga ito, may lima pa itong kasama at kasalukuyan silang naglalaro ng tong-its o mas tamang sabihing nagsusugal ang mga ito base na din sa mga perang nakalagay sa lapag. "Sige po Mang Tonyo, habol na lamang po ako mamaya," nakangiting tugon ko. "Bibili lang po muna kami ng bigas," "Sige, sige hintayin ka namin ha?" paniniguro nito. "Sige po!" Binilisan ko ang paghakbang para habulin ang kapatid ko na may ilang metro ng ang layo mula saken. "Ang bilis mo namang maglakad," reklamo ko dito nang sa wakas ay mahabol ko at ngayon ay sabay na kaming naglalakad. "Eh, Nakikipagkwentohan ka pa ate eh," anito. "Uy! Sheila," bati ko sa babaeng nakasalubong namin. Kapit-bahay namin si Sheila. Makapal ang make up nito ngayon lalo na ang pulang-pulang lipstick sa labi nito. Medyo magulo na rin ang mahabang buhok nito, halatang kalalabas lamang mula sa trabaho. Nakasuot ito ng bestidang kulay itim na kumikinang na hapit na hapit sa katawan nito. Mababa ang neckline ng suot nito na may korteng V at halos lumawa na ang buong s**o nito. Masyadong mataas din ang manggas ng suot nitong bestida, kaya naman kitang-kita ang tuhod nito at biloggang mga hita at sigurado ako na kapag yumuko ito ay makikita na ang kuyukot nito. Isang bayarang babae si Sheila sa isang sikat na nightclub sa lugar namin. Siya rin ang manager doon at sakanya ako laging lumalapit at humihingi ng pabor para bigyan ako ng trabaho. Marami kasi itong kliyente na naghahanap ng mga taong handang sundin anumang iutos o ipaggawa ng mga ito. "May pwede ba tayong trabahuhin ngayon," excited na tanong ko. "Naku, wala eh," tugon nito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. "Magbenta ka na din kasi ng laman," maarte ang boses na suhestiyon nito. "Sayang naman 'yang ganda mo at ganda ng katawan mo. Naku! Sigurado akong madami kang magiging kliyente," may pananabik sa boses na dugtong nito. Matagal na akong kinukumbinsi ni Sheila na magtrabaho bilang isang prostitute sa pinagtatrabahoan nitong club. Pero hindi ko talaga kaya. Minsan na akong nagtrabaho bilang waitress sa club na iyon at doon ko naranasan ang mahipoan sa pwet. Ramdam ko `nun ang paggapang ng takot at kilabot sa buong katawan ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ako pumasok sa trabaho. Sinundan ko ng tingin si Sheila nang maglakad ito paikot sa akin. "Bakit ba kasi ganito ang mga sinusuot mo?" kunot ang noong tanong nito sa akin. Bahagya pa nitong hinila ang suot kong kulay puting loose na T-shirt. "Eh, he he he dito ako komportable eh," alanganing sabi ko saka ako nagpakawala na alanganing ding tawa. "Dapat nagsusuot ka ng mga sexy na damit, yung mga revealing. Hindi tinatago ang ganyang magandang pangangatawan, ipinapangalandakan iyan," sabi nito. "Iyang laki ng s**o mo, pinagyayabang iyan," Hindi naman sa pagmamayabang pero biniyaan ako ng makinis na kutis at balingkinitan na pangangatawan. Medyo may kalakihan din ang aking hinaharap kumpara sa ibang mga kababaihan. "Ay, sige Sheila, balitaan mo na lang ako kapag meron ng trabaho," pilit ang ngiting paalam ko rito at kumaripas na ako ng takbo para habulin ang nauna kong kapatid. Naabutan ko si Angie sa harap ng tindahan ni Aling Rosing. Hahakbang na sana ako papasok sa tindahan nang mahagip ng paningin ko ang grupo ng mga kalalakihang papalapit sa amin. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa amin. Napatayo ako ng tuwid. Nanigas ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay binuhosan ako ng malamig na tubig na may kasamang yelo. Nagsimula na ring mamuo ang pawis sa palad at noo ko. Patago at pasimple akong humawak sa kamay ng kapatid ko. Hindi ako makapag isip ng maayos kung ano ang dapat kong gawin. Hihilain ko ba siya para magtago sa likod ko o itutulak ko papasok sa tindahan? Paano ko siya itututlak na hindi ako nahahalata ng mga paparating? Napakagat labi ako 'Ella bilisan mong mag isip, papalapit na sila.' natatarantang sigaw ng isip ko. Hindi nila dapat malaman na may kapatid akong babae. Mabilis na dinukot ko ang isang libong paper bill sa bulsa ko at pasimpleng nilagay ko iyon sa palad ni Angie. Naramdaman ko ang pagtikom ng palad nito. "Mauna ka na sa loob, bumili ka ng bigas at kahit anong mangyari ay huwag kang lalapit sa akin," mahinang sabi ko na hindi masyadong binubuka ang bibig ko. Hindi ko alam kong sapat ba ang lakas ng boses ko para marinig niya ako. "Mas mainam kung mauna ka ng umuwi," dagdag ko na hindi man lang tumitingin sa kanya nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa grupo ng mga lalaking ilang metro na lamang ang layo sa amin. Bahagya kong tinulak si Angie papasok sa loob ng tindahan. "Boss!" sigaw ko. Kahit kinakabahan ay nagawa kong magpaskil ng ngiti sa mga labi ko at itaas ang kanang kamay ko para kawayan sila. Nagsimula na ring gumalaw ang mga paa ko para salubongin sila. "Boss, kumusta?" bungad ko nang makalapit na ako sa kanila. "Ikaw ang kumusta?" balik tanong ni Abel sa kanya, ang tinawag kong boss. Kanang kamay at pinagkakatiwalaan ito ni Jason. Si Jason ay isa sa mga kilala at pinakamalupit na loan shark sa kanilang lugar. Madali lang makahiram ng pera rito. Madali itong kausap pero dapat madali ka ding kausap at dapat ay makapagbayad ka agad ng buo kasama ang interest sa araw na napagkasunduhan dahil kung hindi ay madodoble ang perang inutang mo. Bago makautang ng pera kay Jason ay kailangan mo munang pumirma sa isang kasunduan. Sa kasunduan na iyon ay nakalagay ang halaga ng perang uutangin at ang kung anong handa mong ibigay kung sakaling hindi ka makapagbayad sa tinakdang araw. Maaaring mga ari arian o kaya ay bahagi ng iyong katawan. "Pinatawag ka noong isang araw," tumingin si Abel sa akin. Napalunok ako. Dinig ko din ang malakas na t***k ng aking puso. "Bakit hindi ka sumipot?" seryosong tanong nito sa akin. Napakamot ako sa ulo ko para pawiin ang sobrang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko . "Eh, boss ano eh-" hindi ko mahagilap ang eksaktong salita na dapat sabihin para hindi ito maoffend. Patuloy ako sa pagkamot sa ulo ko. Ang mga mata ko ay kung saan saan na tumitingin. "Baka nagbabalak ng tumakas," nakangising sulsol ng isa sa mga kasamahan nito. "Boss h-hindi, hindi ako nagbabalak tumakas," natataratang saad ko. "A-ano, naghanap ako ng pera," sa wakas ay nakahanap na rin ako ng idadahilan. Bahagya akong nabuhayan ng loob. "Tama! Naghanap po kasi ako `nun ng trabaho boss, pasensya na boss," "Ah," sambit nito pero nahimigan ko sa boses nito na hindi ito naniniwala sa mga sinabi ko. "Kung ganoon eh, makakapagbayad ka na," Domoble ang kilabot na naramdaman ko nang ngumisi ito at matiim na tumingin sa akin. "W-wala po b-boss eh, w-wala akong nahanap," wala sa sariling tugon ko. "Kasasabi mo lang kanina naghanap ka ng pera!" pagalit na saad nito. "Pinagloloko mo ba ako!" "O-oo, h-hindi boss, hindi po" hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Hindi na ako makapag isip ng maayos sa sobrang takot. Napakurap ako ng sunod sunod nang maramdaman ko ang paghablot nito sa kwelyo ng kamisetang suot ko. Ilang pulgada na lamang layo ng mukha nito sa mukha ko. Naamoy ko na din ang nakakasulasok na hininga nito. "Kailangan mong sumama sa amin," sabi nito. Napahawak ako sa dalawang kamay nito na nakakapit sa kwelyo ng damit ko. "B-boss m-may naipon ako," natatarantang sabi ko. "Da-dadalhin ko mamaya," napalunok ako kahit tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. "K-kunin ko lang at dadalhin ko mamayang gabi," dugtong ko. Napansin kong saglit itong natigilan at nag isip na tila ba tinatantiya kung nagsasabi ba akong ng totoo o hindi. Ang isip ko naman ay abala sa pagsusumamo na sana ay bitawan na niya ang kwelyo ng damit ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagbitaw nito sa kwelyo ko. Lihim akong napahugot ng malalim ng hininga. "Siguraduhin mo lang na dararating ka dahil kung hindi ako mismo ang magtatangal ng kidney mo," nagbabantang saad nito. Iyon lang at tumalikod na ang mga ito. Naiwan akong nakatayo at nakatingin lamang sa kanila. 'Saan ako kukuha ng pera?' tanong ng utak ko sa aking sarili. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Wala naman kasi talaga akong ipon. Sinabi ko lang iyon para bitawan niya na ako. Napangiwi siya. Bahala na, pupuntahan ko na lamang si Sheila mamaya. Saka lamang ako gumalaw nang mawala na ang mga ito sa paningin ko. Inayos ko muna ang aking sarili. Nakailang hugot na rin ako ng malalalim ng hininga baka sakaling makatulong ito para pawiin ang takot na nararamdaman ko kanina pa. Lumingon ako at naglakad pabalik sa tindahan ni Aling Rosing. Nakita ko si Angie na nakatayo at bahagyang nakasandal sa pader ng tindahan ni Aling Rosing. Namumutla ito. Mababakas din sa mukha nito ang takot at pagkalito. Nilapitan ko siya. "Angie?" Dahan dahan itong nagangat ng ulo at tumingin sa akin. Nangungusap ang mga mata nito. "A-ate," simula nito. "Anong pinag usapan niyo ng mga tauhan ni Jason? Lumapit ka ba sa kanya? Nangutang ka ba sakanya?" mangiyak-ngiyak at sunod-sunod na tanong nito. Nagiwas ako ng tingin. Nahihiya akong sabihin na oo. "Ate?" naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi lihim sa karamihan na kapag lumapit ka kay Jason ay para mo na ring tinanggap si kamatayan. Alam ng lahat ang patakaran nito. Marami na rin kasing napabalita na binawian ng buhay o nasiraan ng bait dahil sa hindi nila nabayaran ang kanilang pagkakautang mula rito. "Kailan ka pa lumapit sa kanya, ate?" mababakas ang pagaalala sa boses ni Angie. Kailan nga ba? Sa pagkurap ko ay nanumbalik sa akin ang nakaraan. "Malaki pa ang pag-asa ng iyong ama na gumaling, kailangan niyang lamang sumailalim sa isang operasyon,” Naramdaman ko na parang may nabunot ng malaking tinik sa dibdib ko nang marinig ang sinabing iyon ng doctor. “Hindi pa naman kumakalat ang cancer sa ibang organs at tissues kaya naman kailangan lang natin na tanggalin iyong bahagi kung saan nandoon ang cancer,” muli ay sabi ng doctor. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa aking narinig. Para akong dinuduyan sa hangin. Napapikit ako. Akala ko mawawala na rin sa amin si tatay. Salamat sa Diyos at hindi pa ganun kalala ang kanyang sakit. “Ngunit malaking halaga ang kakailanganin natin iha, nasa mga three hundred thousand, para maisagawa ang operasyon,” dugtong ng doctor. “Pagkatapos ng operasyon ay kailangan din niyang sumailalim sa chemo,” Oo nga pala. Kailangan ng pera. Saan ako kukuha ngayon ng pangpaopera ni tatay? Nawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko kanina. Ang tinik na nabunot kanina ay parang bumalik sa pagkakatusok at muling bumaon sa dibdib ko. ‘Saan ako kukuha ng pera?’ ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Kaya naman dahan-dahan akong humakbang papunta sa upuan na pinakamalapit sa akin. Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha. Ang mga mata ko ay nakatingin sa sahig ng ospital. Dinig kong nagsasalita pa ang doctor ngunit wala na akong naiintindihan, abala ang isip ko sa pagiisip kung saan ako kukuha ng pera. “Ate?” Umangat ang ulo ko nang maramdaman ko ang magaang pagdampi ng kamay sa balikat ko. Sumalubong sa paningin ko ang mangiyak-iyak na mga mata ng kapatid ko. “Wala tayong ganoon kalaking halaga para ipaopera si tatay,” malungkot na sabi nito. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Pilit akong ngumiti. Inangat ko ang aking kanang kamay, hinawakan ko siya sa balikat at bahagya ko siyang hinila palapit sa akin. “Huwag mo ng isipin iyon, gagaling si tatay,” sambit ko habang marahan kong hinahaplos ang balikat niya. “Maipapaopera din natin siya, gagawan ko ng paraan,” Naiwan si Angie sa ospital para magbantay kay tatay. Agad naman akong dumeretso sa nightclub na pinagtatrabahoan ni Sheila alam ko kasi na siya lang ang malalapitan ko sa mga ganitong situation. “Naku girl, wala akong maibibigay ngayon sa’yong trabaho,” saad nito. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bar ng nightclub at nakatingin lamang ako sa bartender na nagpapakitang gilas sa pagmimix nito ng inumin. Karamihan kasi sa mga nagpupunta sa nightclub na iyon ay mga matataas na tao, mga mayayaman o may mga katungkulan na may nais ipagawang mga krimen. Si Sheila, bilang manager ng club na iyon ang kinakausap ng mga taong iyon at si Sheila naman ang nagrerekomenda ng taong gagawa sa trabahong nais ipagawa ng mga mataas na kliyente kung saan ito ay tinatawag nilang VIP. Ilang beses na rin siyang binigyan nito ng trabaho tulad ng pagmamanman sa taong nais ipasubabay ng mga VIP at pangunguha ng litrato upang gawing ebidensya halimbawa sa nangangaliwang asawa. “Kahit ano,” nagsusumamong sabi ko. “Kahit anong trabaho, kailangang kailangan ko lang kasi talaga,” tumingin ako sa mga mata niya. “Sheila si tatay, kailangan maoperahan ni tatay,” inabot ko ang mga palad niya at hinawakan ko ang mga iyon ng mahigpit. “Please Sheila,” Naramdaman ko ang marahang paghila ni Sheila sa mga kamay nito mula sa pagkakahawak ko. Inabot nito ang glass na nasa harap nito na may lamang blue margarita, inisang lagok niya ito. Sumipsip muna ito ng lime bago muling humarap sa akin. Dinig ko ang pagbuntong hininga nito. “Pasensya ka na talaga, walang utod mula sa mga VIP ngayon eh,” malungkot na saad nito. Napansin ko ang pagbaling ng tingin nito sa grupo ng mga kalakihan na masayang nagiinuman sa table na may ilang metro lamang ang layo mula sa amin. Maging ako ay napatingin na rin sa grupong iyon. Mga tauhan iyon ni Jason. Marahil ay nasa isa sa mga VIP rooms ng nightclub si Jason. Napatingin ako kay Sheila nang bumaling ang tingin nito sa akin. “Magkano ba kailangan mo?” nag-aalalang tanong nito. “Mga 300,000 daw ang kailangan para sa operasyon sabi ng doctor, tapos kailangan pa daw magchemo ni tatay pagkatapos maoperahan,” tugon niya. “So mga magkano ang kailangan?” muling tanong nito. “Hindi ko alam pero sa ngayon mga kalahating milyon muna siguro,” "Emergency ba?" Tumango ako bilang tugon sa tanong nito. “Eh kung,” saglit itong natahimik, napansin ko din ang pagiwas nito ng tingin. "Eh kung lumapit kaya tayo kay Jason?” nag-aalangan na tanong nito. Ako naman ngayon ang natahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong nito. Naisip ko na rin ang ideyang iyon pero wala kasi kaming mga ari-arian na pwedeng ibigay na kapalit na katumbas ng halagang kailangan ko. Kaya nagdadalawang isip akong lumapit sakanya dahil baka hindi ko kayang ibigay ang hihingiin nitong kapalit. Napalunok ako. Pero paano si tatay? Makakaya pa ba niyang tiisin ang sakit niya? Hindi kaya tuluyang kumalat ang cancer sa ibang organs sa katawan niya? Paano kung mahuli ang lahat kapag hindi siya maooperahan ngayon? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili. "Hindi," napatingin ako kay Sheila nang magsalita ito. Inabot nito ang baso sa harap nito pagkalapag ng bartender. "Mali ang sinabi kong iyon," anito bago uminom ng alak. Pero iyon lang din ang nakikita niyang tanging sulusyon para mailigtas niya ang buhay ng kanyang ama. Huminga ako ng malalim bago humarap kay Sheila. Nakapagdesisyon na ako! "Kausapin natin si Jason," buong ang desisyon na sabi ko. Natigilan ito. Mababakas din sa mukha nito na tinatantiya nito ang mga sinabi ko. Marahil iniisip nito kung seryoso ba ako o hindi. Nilapag nito ang hawak nitong baso. "Ella," hinawakan nito ang mga palad ko. "Alam kong galing sa akin ang ideya na iyon pero si Jason ang tinutukoy natin dito," nag-aalalang sabi nito. "Hindi ko dapat sinabi iyon, mali na sinabi ko iyon. Tiyak na buhay ang kapalit kapag lumapit tayo sakanya," "Pero Sheila nakapagdesisyon na talaga ako, buhay ni tatay ang nakasalalay dito," "Hindi natin alam kung ano ang hihingiin niyang kapalit, maaring buhay mo ang hingiin niya," puno ng pag-aalalang sabi nito. "Makakapagbayad ako sa itatakdang araw, alam kung hindi mo ako pababayaan Sheila, alam ko na may VIP tayo sa mga susunod na araw," puno ng pag-asang saad ko. Matagal na nakatitig lamang sa akin si Sheila. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga. Tumayo na rin ako nang tumayo ito. Iginiya niya ako sa VIP room kung nasaan si Jason. Sinalubong kami ng dalawang bouncer na nagbabantay sa may pintoan. Hinarang ako ng isang bouncer at si Sheila lamang ang nakalapit sa isa pang bouncer. Nagsimulang magusap ang dalawa. Nanatili lamang akong nakatingin sakanila. Hindi ko marinig kung ano ang pinaguusapan nila dahil sa sobrang lakas ng musikang umaalingawngaw sa buong club. Mayamaya pa ay tumingin si Sheila sa akin sumenyas ito na pwede na akong lumapit. Pagkalapit ko sa kanila ay pinapasok na kami sa loob ng VIP room. Kulay pula ang ilaw sa loob ng VIP room. Pasimple akong nagtakip ng ilong nang maamoy ko ang matapang na amoy ng pinaghalong usok ng sigarilyo at alak. Dinig ko din ang halinghingan ng mga babae at malalakas na tawanan ng mga kalalakihan. Ginaya ko si Sheila nang yumukod ito sa harap ng isang mataba at matandang lalaki, marahil ay nasa edad 50 ito pataas. Malapad ang kulubot na mukha nito na pinaresan ng dalawang bilogan na mga mata, matangos na ilong at maninipis na labi. Ang buhok nitong nakabrush up ay kumikinang na parang binuhosan ng ilang bote ng gel. May suot itong kulay gintong kwintas, maging ang bawat daliri nito ay nakasuot ng malalaking singsing. Sumisilip din ang gintong rolex nito na hindi naitago ng manggas ng suot nito amerikanang kulay puti. 'Ito pala ang itsura ni Jason,' bulong ko sa sarili. Hindi kasi basta-basta lumalabas at nagpapakita si Jason sa mga ordinaryong taong tulad niya. Laging ang kanang-kamay nitong si Abel ang inuutusan nitong maningil. May dalawang babae na nakasuot lamang ng maninipis na panty ang nakaupo sa magkabilang side ni Jason abala ang mga ito sa paghahaplos sa kung saan-saang bahagi ng katawan nito. Walang sapin na pang itaas ang mga ito kaya naman kitang-kita ang mga dibdib ng mga ito na paminsan-minsang hinahaplos at dinidilaan ng matandang si Jason. Sa kabilang couch naman sa kanang bahagi ng inuupang couch ni Jason ay prenteng nakaupo ang nakangising si Abel ang buong katawan nito ay punong-puno ng tattoo. Wala itong suot na anumang alahas. Nakasuot lamang ito ng simpleng itim na t-shirt at maong pants. Sa kaliwang bahagi naman ay nakaupo ang dalawa pang matatandang lalaki na sa tanitiya ko ay kaedad lamang ni Jason. Nakasuot din ang mga ito ng amirekana at mga alahas at tulad ni Jason ay mga mga kaniya-kaniya ring babaeng ang mga ito. Sa harap ng mga ito ay ang isang mahabang lamesa na puno ng mga nagkalat na bote ng mga branded na alak, may tatlo ding ashtray na may nakalapag pang umuusok na sigarilyo. Nagkalat din ang mga pagkain. "Oh! mahal kong Sheila," nakangiting bati ni Jason. Hindi naitago sa boses nito ang pagnanasa. Nakita ko ang matamis na pagngiti ni Sheila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD