IKALAWANG KABANATA - Pansamantalang Solusyon

3319 Words
Palihim kong sinulyapan si Jason, bahagya akong napapitlag nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin nang ngumisi ito saka kumindat. Kinilabotan ako sa ginawa nito. Nakaramdam tuloy ako na parang gusto ko nang lumabas at huwag na lamang ituloy na kausapin ito. “At sino naman itong magandang dilag na kasama mo?” tanong ni Jason na matiim na nakatingin sa akin. Inalis nito ang pagkaka-akbay nito sa mga babae sa magkabilang gilid nito. Maging ang mga iba pang kasama nito ay nakatingin na sa amin ni Sheila. “Pwede ka po bang makausap in private?” magalang na sabi ni Sheila sa mababang tono. Napansin ko na mas lumawak ang pagkakangisi ni Jason. Sumandal ito sa couch na hindi inaalis ang pakakatitig sa akin saka nito pinagcross ang mga binti nito. Punong-puno ng malisya ang mukha nito. “Well, gentlemen,” bahagya itong sumulyap kay Abel. Agad namang tumayo si Abel at iginiya ang dalawa pang matandang lalaki na kasama ng mga ito at mga bayarang babae na nasa kwartong iyon sa pintoan palabas. “You are very fortunate tonight, having this fresh young woman here,” ani ng isa sa mga matanda nang tumapat ito sa akin at tumigil sa kinatatayuan ko. Nanigas ang buong katawan ko nang hagurin nito ang buhok ko pababa. Puno ng pagnanasang sininghot pa nito ang ilang mga hibla ng buhok ko na nahagip ng mga kamay nito. “Oh! come on, Leonardo,” reklamo ni Jason. “You know I don’t like people touching something that’s about to be mine,” dugtong nito. “I’m sorry kumpadre,” anito sabay sulyap sa direction ni Jason. Lumaki ang mga mata ko nang muling bumalik ang mga mata nito sa akin. Kitang-kita ang naguumapaw na pagnanasa sa mga mata nito. Tumaas baba ang tingin nito sa akin na para bang hinuhubaran na ako nito sa isip nito. “I can’t help myself admiring this beauty in front of me,” sabi pa nito. Ang mga mata nito ay nakatutok sa malulusog kong mga dibdib. “You know where to find me kapag sawa ka na, I am willing to give you any price you may think of,” ‘Tang ina nitong manyak na ‘to, lumabas ka na!’ sigaw ng isip ko. Lihim akong nakahinga ng maluwag nang humakbang na ito palabas ng VIP room. “What now?” nakangising tanong ni Jason nang kami na lamang tatlo ang naiwan sa kwartong iyon. “My friend here was curious to know if there’s anything you can do to help,” tugon ni Sheila. “Oh!” bulalas nito na tila ba alam na nito kung ano ang pakay namin sa kanya. Inayos nito ang pagkakaupo nito saka nito pinagsalikop ang mga palad nito at pinatong sa kandungan nito. “Alam na ba niya ang mga rules?” Tumango si Sheila bilang tugon sa tanong nito. “Well then, how much?” seryosong tanong nito. Tumingin si Sheila sa akin na para bang sinasabi nito na ako ang makipag usap. “K-kalahating million,” sabi ko. “That’s small,” anito. “What collateral can you give?” Napalunok ako. Ito na ang kinakatakotan ko ang hihingiin nitong kapalit kung sakaling hindi ako makapagbayad ng utang. Nagdadalawang isip ako. ‘Itutuloy ko pa ba ito?’ Para namang nanadya ang tadhana na ipakita sa balintataw ko si tatay na nakaratay sa ospital bed at ang kapatid kong umiiyak sa tabi nito. “W-wala po kaming…kahit anong mga properties,” nag-aalangan na tugon ko. “So how is that then?” kunot ang noong tanong ng matanda. Napakapit ako sa bestidang suot ni Sheila na tila ba humihingi ako ng saklolo mula rito. Nangungusap ang mga mata ko nang sumulyap si Sheila sa akin. “She is good in giving service,” ani Sheila kay Jason. Napansin ko ang lalong pagkunot ng noo ng ni Jason. “Service?” “Pwede siyang magtrabaho under you habang binabayaran ang pagkakautang niya sa’yo,” si Sheila ang sumagot. “She is good sa mga pangangalap ng mga imporasyon laban sa mga katunggali mo o pagsubaybay sa mga kilos ng mga ito,” “Marami akong tauhan na pwedeng gumaya niyan,” matabang na sagot ni Jason. “What if-,” Napayuko ako nang tumingin siya sa akin. “You heard mister Leonardo kanina diba? He is willing to pay you kahit na magkano,” nakangising sabi nito. Sumulyap ito sa may pintoan ng VIP room. “Abel?” tawag nito. Agad namang bumukas ang pinto at niluwa ‘nun si Abel. “Why don’t you take your sits first ladies?” sabi ni Jason. Minuwestra nito ang kamay nito sa couch na nasa kaliwang bahagi ng inuupuan nito. Agad akong sumunod kay Sheila nang maglakad ito patungo sa couch. Umupo na rin ako nang maupo ito. Si Abel naman ay naupo sa couch na nasa kanang bahagi, nakaharap sa amin. Nilabas nito ang isang short brown envelope. Mula sa brown envelope ay hinugot nito mula roon ang isang short bond paper saka nito inabot iyon kay Jason. “So, here’s our contract,” ani Jason kinuha nito ang papel na inabot ni Abel at nilapag nito iyon sa lamesa. Kinuha nito ang kulay itim na ballpen sa bulsa ng suot nitong amerikana at nilapag nito iyon sa ibabaw ng puting bond paper. “I’ll give you your five hundred thousand,” kinuha nito ang bank cheque na inabot ni Jason. Nagsulat ito doon bago nito pinunit saka nilapag sa lamesa katabi ng puting bond paper na sinabi nito kaninang kontrata. Nakatingin lamang ako sa tseke. “Come on, pwede mo namang hawakan,” Umangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko ang mukha ni Jason na nakangisi. Alam ko na sa oras na kinuha ko iyon at pagkatapos kong pirmahan ang kontrata ay wala na itong atrasan. Base sa sinabi nito kanina ay malinaw na ako, ang sarili ko ang collateral. ‘Ano na Ella, ayan na, nakasulat na sa papel na iyon ang kasagutan sa iyong problema maipapaopera mo na ang iyong tatay,’ sabi ng utak ko sa aking sarili. ‘Ngunit anong mangyayari sa akin kapag hindi ako nakapagbayad?’ Kinilabotan ako nang magflash sa isip ko na sumasayaw ako sa harap ng mga matatandang lalaki at wala akong kahit anumang saplot sa katawan. ‘Pero kailangan ko munang unahin si tatay, bahala na kung anong mangyayari sa akin,’ Mariin akong napapikit sabay hablot sa tsekeng nakalapag sa lamesa. “Yeah, that’s right,” Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Jason. “Now you need to sign the contract,” nakangising sabi nito habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang dahan- dahang gumagalaw para kunin ang puting bond paper na nakalapag sa lamesa. Nakatitig lamang ako sa mga nakasulat doon, wala akong naiintindihan sa mga binabasa ko. Inabot ko na rin ang ballpen at nanginginig ang kamay na pinirmahan ko iyon. “We’re almost done and we need one more thing,” nakangising pa ding sabi ni Jason. Tumayo si Abel at lumapit sa inuupan naming couch. Nadoble ang panginginig na nararamdaman ko nang hablotin nito ang kanang kamay ko. Mabilis din na kinuha nito ang maliit na kutsilyong pinapambalat ng apple na nakalapag sa mesa. “Wait! A-anong ginagawa mo?!” gulat at takot na tanong ni Sheila. Mabilis na hinawakan din nito ang kanang kamay ko na hawak hawak ni Abel. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero sadyang malakas si Abel. “Relax may dear,” natatawang sabi ni Jason. “It’s only going to be a small cut,” Puno pa rin ng pag-alala at pagduda ang mukha ni Sheila pero naramdam ko ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kamay ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang paguhit ng matinding sakit sa hinlalaki ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagtulo ng dugo mula roon. Pilit ko pa ding hinihila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Abel. Marahas na hinila nito ang kamay ko saka nito madiin na dinampi ang hinalalaki ko na may sugat sa kontratang pinirmahan ko. Nagiwan iyon ng bakas ng finger print ko sa puting papel. Mahigpit kong hinawakan ang hinlalaki ko nang sa wakas ay bitawan na ito ni Abel. Kinuha nito ang kontrata at sinilid pabalik sa brown envelope. Bahagya akong napapitlag nang pumalakpak si Jason. “And that’s it! That makes our agreement more official,” malawak ang pagkakangiti nito. “You have to pay me after six months, five hundred thousand plus the interest failed to do so, you will be mine and you will serve at my brothel as a prostitute,” anito. “Ate, Ate!” naramdaman ko ang pagyugyog nang kung sinoman sa akin. Dahilan para maputol ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Dumako ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa braso ko. Kamay iyon ni Angie. “Ate, kailan ka lumapit kay Jason?” mangiyak-ngiyak na tanong ulit nito. Umangat ang kamay ko at inakbayan ko siya. “Huwag mo ng isipin iyon, ako na ang bahala doon,” “Pero ate paano kung kunin ka din nila? Wala ni si nanay, wala na din si tatay,” maingat na pinunasan ko ang bumalisbis na luha sa pisngi nito. “Hindi mawawala si ate,” hinila ko siya palapit sa akin at bahagya kong idinampi ang mga labi ko sa ulo nito. “Amoy pawis ka na,” biro ko dito. “Ate naman eh,” reklamo naman nito. Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Binitawan ko na siya mula sa pagkakayakap ko saka ako tumayo ng tuwid. “Halika na bili na tayo ng bigas,” yaya ko sa kanya. Pilit itong ngumiti. Pagkatapos nitong punasan ang mga nagingilid pa nitong mga luha ay nauna na ito sa pagpasok sa tindahan. Pagkatapos namin bumili ay pinauna ko na siyang umuwi sa bahay. Ako naman ay dumeretso sa bahay ni Sheila. “Magkano pa ba ang kailangan mong bayaran?” tanong nito habang nilalapag nito ang juice sa maliit na lamesang nasa harap niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga sofa sa sala ng bahay nito. “Isang milyong mahigit pa eh, nadodoble pa interest ‘nun kada buwan,” aburidong tugon ko. “Sabi ko na nga ba at maling ideya talaga na lumapit tayo sa kanya eh,” may bahid ng pagsisising sabi nito. “Hindi rin ‘nun nailigtas ang buhay ng iyong ama,” malungkot na dugtong nito. “Bayad na sana iyon sa huling bigay ko ng bayad ng huling trabahong ginawa ko, kung hindi lang sana ganoon kalaki magpatong ng interest,” “Pumayag ka na kasing magtrabaho sa club, pipiliin ko ang mga kliyenteng ibibgay ko sa’yo sisiguraduhin ko na malilinis sila at hindi mga sadista,” pangungumbinsi ni Sheila sa akin. Hinawakan nito ang aking kamay. “At least iyon may kita ka araw araw, makakaipon ka ng pambayad kay Jason kada buwan,” “Eh para ko na ring binigay ang sarili kong pambayad kay Jason ‘nun,” tugon ko. “Eh, iyon nga ang gusto niyang ipagawa sa akin ang maging bayarang babae sa club nito at ibenta sa mga matatandang lalaki,” “At least kapag sa akin aalagaan kita at malaya ka hindi katulad niya na ginawa ka niyang pag aari, laspag ka na hindi ka pa sumahod,” katwiran nito. “Ayoko pa rin Sheila, hindi ko kaya, baka makasira lang ako sa image ng club na pinamamahalaan mo baka iyon pa ang maging rason para mawalan ka ng trabaho,” Puno ng pag aalala ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “Okay na ako sa mga trabahong binibigay mo mula sa mga VIP,” muli ay sabi ko. “Pero nagiging mamatay tao ka na,” nagaalalang sabi nito. Napalunok siya nang maalala niya ang huling trabahong ginawa niya kung saan kumitil siya ng buhay. Kumapit na siya sa patalim. Malaki kasi ang bayad sa mga ganoong trabaho kaya wala na siyang ibang choice kundi patusin na rin iyon. Noong una ay ayaw itong ibigay ni Sheila sa kanya ngunit napapayag rin niya ito sa huli. Hindi siya sanay sa mga ganoong trabaho ilang documentary movies na patungkol sa mga murderer o killer ang pinanood niya para lamang sa trabahong iyon. Maraming beses siyang inusig ng kanyang konsensya. Ilang beses din na nagtalo ang isip at puso niya. Ilang mga gabi hanggang ngayon ay hindi siya nakakatulog. Sumumpa siyang hinding hindi na ulit siya tatangap ng ganoong trabaho. Ayaw na niyang pumatay! Napapitlag sila pareho ni Sheila nang tumunog ang cellphone sa bulsa ng suot niyang kulay asul na maong pants. Agad niya iyong dinukot. Nagtataka siyang napatingin kay Sheila pagkatapos niyang makita kung sino ang tumatawag. Nanlalaki naman ang mga mata ni Sheila na nakatingin sa kanya na para bang tinatanong nito kung sino ang tumatawag. Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago niya sinagot ang tawag. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan. Dahan dahan niyang nilapat ang cellphone sa kanyang kaliwang tainga. “Hello?” mahinang sagot niya. “Pumalpak ka!” napanting ang tainga niya sa malakas na pagsigaw ng nasa kabilang linya. Agad naman niyang nilayo ang cellphone sa kanyang tainga. Napakunot noo siya. Anong ibig sabihin nito? Muli niyang nilapat ng dahan dahan ang cellphone sa kanyang tainga. “Ipaliwanag mo sa akin ngayon kung paanong nasa harapan ko kanina iyong taong nahulog sa bangin three months ago!” Impossible! Sigurado siyang patay na iyon nang iwan niya. Napuno ng pagtataka at takot ang buong pagkatao niya. “Gawan mo ‘to ng paraan dahil kung hindi ikaw ang ituturo ko at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulangan!” pagkatapos sabihin iyon ng nasa kabilang linya ay pinutol na nito ang tawag. Hindi makapaniwalang binaba niya ang kanyang cellphone. Ilang segundo siyang nakatingin sa kawalan. ‘Hindi! Ayoko na ulit pumatay!’ Sigaw ng isipan ko. ‘Paano kung hanapin niya ako at ipakulong? Nakakilala kaya niya ako? Hindi ako pwedeng makulong saka na kapag nakapagbayad na ako ng utang ko, kapag sigurado na akong ligtas na ang buhay ng kapatid ko.’ Sunod sunod na sabi ko sa sarili. “Ella?!” “Huh?” wala sa sariling napatingin ako kay Sheila. “Okay ka lang ba? Sino tumawag? Anong sinabi niya? Sino ba iyong nakausap mo? Namumutla ka?” sunod sunod na tanong nito hindi rin maitatago ang pag aalala sa tono ng boses nito. Napalunok ako, napatingin ako sa cellphone na hawak ko. “I-isa sa mga VIP,” mahinang tugon ko. “Anong sabi?” nag aalalang tanong ni Sheila. “Naalala mo ‘yung huling trinabaho ko?” Dahan dahan kong binaling ang tingin ko kay Sheila. “Buhay daw siya,” humugot ako ng malalim na hininga. “At kailangan ko daw siyang patayin ulit dahil kung hindi ipapakulong daw nila ako,” “Eh paano ngayon iyan?” hindi mapakaling sambit nito. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. ‘Paano na lang ang kapatid ko kapag nakulong ako, sigurado ako na kapag nalaman ni Jason na may kapatid akong babae ay ito ang kukunin niyang kapalit ko. Si Angie ang pagtatrabahuin nito sa club nito at pagpapasa-pasahan ng mga matatandang manyakis na mga iyon. Napapikit ako ng mariin nang magflash sa utak ko ang umiiyak at dumadaing na si Angie habang malademonyong minomolestiya ni Jason. Marahas na umiling ako para iwaglit sa isip ko ang senaryong iyon. “Hindi ako pwedeng makulong Sheila,” naiiyak na sabi ko. “Ano na lang ang mangyayari kay Angie?” Napansin ko ang pagliwanag ng mukha nito na tila ba may naisip na magandang ideya. “Eh kung magtago ka muna,” suhestiyon nito. “Pumunta ka sa isang lugar na walang nakakakilala sa’yo,” Para sa akin ay maganda ang naisip nitong ideya. Pero saan naman ako pupunta? Wala akong ibang alam na lugar kundi itong lungsod lamang na ito kung saan kami nakatira. At paano ang kapatid ko? “May alam ako, sa Sta. Ana, tama sa Sta. Ana doon ipinanganak ang nanay ko, doon ka na muna pansamantala, kayo ni Angie,” “Balak ko sanang huwag isama si Angie para kapag natuntun ako eh hindi madadamay ang kapatid ko,” “Pwede naman kaso hindi ko rin kasi siya pwedeng kunin dito sa akin at alam mo naman ang trabaho ko,” malungkot na sabi nito. “Naiintidihan ko naman, Iwan ko na lang muna siguro siya kay tiyang Bireng,” Si tiya Bireng ay malayo naming kamag-anak na nasa kabilang barangay mabait naman ito kaya sigurado ako na papayag itong kupkupin muna pansamantala si Angie lalo na at wala itong asawa at anak. Kinagabihan ay dumeretso na ako sa terminal ng bus pagkatapos kung ihatid si Angie sa bahay ni tiya Bireng. Ayaw nitong maiwan at gusto nitong sumama sa akin ngunit nang sabihin ko sa kanya na hindi maaari ay tumahimik na lamang ito at pumayag na maiwan. Marahil ay naintidihan nito ang sitwasyon ko. Pagkatapos kong kumuha ng ticket ay naupo muna ako sa waiting area. Luminga linga ako sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang bus ticket na hawak ko nang masigurado kong walang nakasubaybay sa akin na tauhan ni Jason o kahit na sinomang mga tao na may kahina-hinalang galaw. Napatingin ako sa bus na paparating, agad na dumako ang mata ko sa bus no. na nakasulat sa katawan nito. Ito na nga ang bus na sasakyan ko papunta sa probinsya ng Sta. Ana. Hinila ko patakip sa mukha ko ang hood ng kulay itim na jacket na suot ko bago ako tumayo at tumungo sa mga taong nakapila papasok sa bus. Pagkapasok ko ay agad na hinanap ko ang seat no. na uupan ko. 26 ang nakasulat sa bus ticket na hawak ko. Huminto ako sa upuan na may nakasulat na 26. Two-seater ang bus at wala pang tao na nakaupo sa parehong upuan kaya naman kinuha ko na iyong upuan malapit sa bintana. Maliit lamang ang bag na dala ko kaya hindi ko na ito nilagay sa lagayan ng mga bag na nasa taas ng upuan. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagupo ng kung sino sa tabi ko. Hindi ako lumingon nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana. Base sa amoy ng pabango nito ay babae ang katabi ko. Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang pagpasok ng conductor at driver sa loob ng bus. Ilang Segundo pa ay narinig ko ang ugong ng sasakyan, naramdaman ko din ang pagbuga ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon na nakakabit sa itaas at nakatapat iyon sa inuupuan ko. Senyales na binuhay na ng driver ang makina ng sasakyan. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang dahang-dahang paggalaw ng sasakyan. Paalis na ito. Hindi pa kami nakakalayo sa terminal ng bus nang magsimulang maglakad ang konduktor sa gitna para icheck ang ticket ng mga pasahero. Inabot ko ang ticket ko nang huminto ito sa tapat namin. Saglit na pinasadahan nito iyon ng tingin pagkatapos ay tinupi nito iyon sa dalawa at pinunit ng maliit sa gitna. Kinuha nito ang conductor’s copy at ibinalik sa akin ang passengers copy na ticket. Isinilid ko na ang ticket sa dala kong kulay itim na maliit na duffle bag. Inayos ko ang pagkakaupo ko, inayos ko rin ang suot kong hood, sinisigurado ko na natatakpan ‘nun ang mukha ko. Naninigurado lang at baka may mga tauhan si Jason na makakita sa akin o tauhan ng VIP na tumawag sa akin kanina. Pagkatapos ay sinandal ko na ang ulo ko sa bintana ng bus na nasasapinan ng pulang kurtina. Pumikit na ako at hinayaan ko ng iduyan ako ng marahang paggalaw ng bus hanggang sa igupo ako ng antok.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD