PROLOGO

1063 Words
"Ano patay na ba?" tanong ng boses ng nasa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na inaalis niya ang pagkakalapat ng cellphone niya sa kaliwang tainga at nilipat niya iyon sa kanan. "H-hindi k-ko," huminga siya ng malalim para kalmahin ang nanginginig pa niyang kalamnan. "Hindi ko alam, siguro, b-baka-" napabuga siya ng hangin at kinakabahang napahawak siya sa kanyang noo. Patuloy pa rin sa panginginig ang buong katawan niya. Dinig niya din ang napakalakas at mabilis na t***k ng puso niya. Wala sa sariling lumingon siya at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Madilim man ay naaninag pa rin niya ang nagtataasang puno at damo na nagkalat sa kanyang paligid. Sigurado siya na walang sasakyan o tao ang dumadaan sa lugar na iyon lalo na at mag aalas dos pa lamang ng madaling araw kaya kampante siyang walang nakakita sa krimen na ginawa niya. Gayun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan at makaramdam ng takot. Nakapatay ka ng tao! Hysterical na sigaw ng kanyang isip. "B-baka patay na, imposible namang mabuhay pa `yun," nababahala na sabi niya. "Siguraduhin mong patay na, hindi pwede sa akin iyang baka baka na sagot," mahina ang pagkakasabi nito ngunit hindi maitatago `nun ang pagkairita sa boses nito. "Hindi mo makukuha ang pera at sisiguraduhin ko na ikaw ang makukulong kapag nabuhay pa iyan at nagsumbong sa mga pulis," may pagbabantang sabi pa ng nasa kabilang linya. "Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagkakahulog ng sasakyan sa bangin!" medyo lumakas na rin ang boses na sagot niya. Aburido na siya. Hindi pwedeng hindi niya makuha ang pera. Kailangang-kailangan niya iyon! "Pwes! puntahan mo siguraduhin mong bangkay na at kung humihinga pa buhosan mo ng gasolina at pasabugin mo ang sasakyan! Gawin mo lahat basta siguraduhin mong patay na," Aburidong naihilamos niya ang kanyang kaliwang palad sa mukha niya. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng pera hindi niya papasukin ang ganitong trabaho. "Hindi ko dapat binigay ang ganitong trabaho sa babaeng tulad mo. Mukhang papalpak pa yata,” dismayadong sabi ng kausap niya sa kabilang linya. “Ayusin mo ang trabaho mo! Uulitin ko hindi ko ibibigay ang pera kapag wala kang pruwebang maibibigay na patay na siya" iyon lang at pinutol na ng nasa kabilang linya ang tawag. Marahas na inalis niya ang pagkakalapat ng cellphone sa tainga niya. Aburidong napatingin siya sa bangin kung saan nahulog ang sasakyan. Kahit wala siyang makita o maaninag man lang. Kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid ng kalsada kung saan eksaktong nahulog ang sasakyan. Ramdam pa rin niya ang panginging ng buong katawan niya at ang mabilis na t***k ng puso niya. Napatingin siya sa mga palad niyang labis ang panginginig. Gamit ang kaliwang kamay niya ay mahigpit niyang hinawakan ang kanang palad niya na para bang pinipigilan niya ito sa panginginig. Napabuga siya ng hangin. Bahagya niyang binasa gamit ang dila at laway niya ang kanina pa niyang nanunuyong mga labi. Wala siyang ibang choice kundi maghanap ng daan pababa sa kung saan nahulog ang sasakyan upang siguraduhin na patay na nga ang sakay `nun. Humarap siya sa truck na ginamit niya para banggain ang kotse kanina, dahilan para mahulog ito sa bangin. May nakita siyang galon ng gasolina sa kaha `nun. Gagawin na lang din niya ang suhestiyon ng kausap niya kanina na sunugin ang sasakyan. Ginamit niya ang ilaw ng cellphone niya para makita ang kanyang daraanan patungo sa truck. Dumeretso siya sa kaha ng truck at inabot niya ang galon na may lamang gasolina, binitbit niya iyon at humakbang na siya pabalik sa kinatatayuan niya kanina. Luminga-linga siya para hanapin kung saan siya pwedeng dumaan pababa. Unti-unti ay nakababa na siya. Pinakikiramdaman niya ang paligid habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa nakataob na sasakyan. Yuping-yupi ang kabuoan nito ang ilang mga bahagi nito ay natanggal na, may mga ilang bahagi pa din ito na sira na pero nanatili paring nakakabit. Sa itsura nito ay imposibleng may makaligtas pa ng buhay. Yumuko siya, saka siya umupo ng pasquat para silipin ang loob niyon. Nilapag niya sa lupa ang bitibit niyang galon ng gasolina malapit sa tabi niya. Nakita niya ang mga nagkalat ang mga bubog na galing sa mga nabasag na bintana ng sasakyan. Bahagya siyang nagulat nang sa pagtayo niya ay may maapakan siyang malambot na bagay. Mabilis niyang tinutok ang mapusyaw na ilaw na nagmumula sa hawak niyang cellphone sa bagay na naapakan niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita, ang pagkabahalang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng labis na pagkatakot. Tila ba may sariling isip ang kanyang mga paa at nagkusa ang mga itong humakbang ng mabilis palayo sa bagay na iyon. Napalunok siya ng sunod-sunod, nanatiling nakatutok ang mulat na mulat niyang mga mata sa bahagyang nakalabas na duguang kamay ng lalaki na lulan ng sasakyang iyon. Ilang Segundo pa ang lumipas nang manumbalik ang saglit na nawalang katinuan sa katawan niya. Nakaramdam siya ng konsensya nang makita niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng lalaki. Punong-puno ng dugo ang mukha nito, maging ang buong katawan nito. Eksaktong nasa tapat siya ng driver's side kaya kitang-kita niya ang malaking sugat sa pisngi nito, kitang-kita din niya ang paglabas ng dugo sa sugat na iyon. “Pasensya na, kailangan ko kasi ng pera eh,” mangiyak-ngiyak na bulong niya. Bumaling ang tingin niya sa galon ng gasolinang nasa tabi niya. Nagdadalawang isip siya kung susunogin pa ba niya ang bangkay o huwag na? Napabuga siya ng hangin. “Talaga bang wala ka ng konsensya?” pabulong na tanong niya sa kanyang sarili. “Patay na ‘yan, papatayin mo pa ba ulit?” Wala sa sariling napailing siya na tila ba sinasagot niya ng ‘hindi’ ang sarili niyang tanong. “Uulitin ko hindi ko ibibigay ang pera kapag wala kang pruwebang maibibigay na patay na siya” umalingaw-ngaw sa utak niya ang mga sinabing iyon ng kausap niya kanina sa cellphone. Nanginginig pa rin ang mga kamay na hinanap niya sa cellphone na hawak niya ang camera app. Kukuhanan niya ito ng litrato sapat na ang mga sugat na natamo nito, ang mga dugong bumalot sa buong katawan nito na pruwebang wala na itong buhay. Hindi na niya kailangan na sunogin o pasabogin pa ang sasakyan. Pagkatapos niya itong kuhanan ng litrato at i-send iyon sa kausap niya kanina ay tumayo na siya at nagmamadali niyang nilisan ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD