Chapter 16 Aki's POV Masayahin din ako, palabiro, medyo tanga rin sa ibang bagay, medyo slow at may pagkaisip bata. Bata pa naman talaga ako, eh, pero sabi nila ay isip-bata raw ako. Nagdadalaga na pero isip-bata pa rin. Kung gaano kalala ang ugali ng kambal ay mas malala pa ako sa kanila. Kaso simula noong mamatay si Papa ay parang may napansin akong kakaiba sa ugali ko, parang hindi na ako 'yong dati... Feeling ko ay medyo nag-matured na ako. Nabawas-bawasan na 'yong mga ugali ko rati, hindi na siya malala. Dahil siguro itinatak ko sa utak ko ang katotohanang wala na si Papa. Wala na ang taong hindi magsasawang tanggapin ako sa kung sino talaga ako. Inisip kong hindi lahat ng tao ay katulad ni Papa. Akira, anak, ang mundo ay mapanakit at mapanghusga. That is why people tend to be st