C H A P T E R 1 :
T R I G G E R
LOUD upbeat music. Different hues of lights were circling across the massive space of the club. Intoxicated people were dancing, drinking. A couple near to the VIP lounge where she was sitting were making out. And for the third time, she shook her head to reject the man who just invited her for a dance; she wasn't in the mood yet.
Heather was at the nightclub --- Zenclub. Bukod sa iyon ang tambayan nilang magkakaibigan tuwing Sabado, wala nang bago sa mga pagkakataong nasa nightclub ang isang tao. It was either people go there for a celebration, relaxation, find a hook-up, or release the stress they had.
For Heather, it was the latter. Parati naman. Going to a nightclub was her escape from her mother, Olivia. Nagkasagutan na naman kasi sila. Isa sa mga rason: hindi siya sumipot kanina sa job interview niya via virtual meeting. At bakit naman siya sisipot kung para lang naman sa pormalidad ang interview na iyon? Heather's aunt, Olivia's eldest sister, was the Senior Interior Designer of the company where Heather supposed to work . . . so where was the fun in that?
Kahit pa nasa Paris, France ang kompanyang iyon, boring pa rin kung tutuusin. Walang ka-challenge-challenge. Kumbaga, magkakaroon siya ng trabaho kasi may kamag-anak siya sa loob, hindi dahil sa skills niya. She didn't want that. Kung magtatrabaho rin lang naman si Heather, doon na sa magbibigay ng matinding hamon sa kakayahan niya.
She loved challenges; it made her boring life more interesting.
But then, masyado pang maaga para mag-apply kahit pa nga nangungulit ang firm kung saan siya nag-intern noon. Isang linggo pa lang naman mula nang maka-graduate siya. She wanted to chill out after the stressing six years of her college journey. Hindi nagustuhan ni Olivia ang ganoong rason niya. E, sumaktong kaliligo lamang ni Heather noon, nagagayak paalis papuntang Zenclub dahil nagkayayaan silang magkakaibigan. Bago pa lumalim ang argumento nilang mag-ina, umalis na siya.
Now, there she was, waiting, alone in that lounge. Hindi rin naman siya makontrol pa ng ina. Magbuhat kasi nang makatapak sa kolehiyo, sariling sikap na si Heather—she was a student assistant in Princeton. Gayunman, spoiled siya ng ama; nasa routine na ni Henry na lagyan parati ng laman ang ATM niya na ginagalaw lamang ni Heather kapag ganoong may lakad siya kasama ang mga kaibigan.
"Ate Heat!"
Napapihit siya. It was Carly and Ariella. Kumakaway ang mga itong sinusuong ang mga taong nagsasayawan.
Kumaway siya pabalik. Napasimangot kapagkuwan. "Ang tagal niyo." Sinimsim niya ang Martini na in-order pagkarating kanina.
"Well," si Ariella, umupo sa kanyang tabi, "You know the traffic. Saturday ngayon."
"Wow. Nagpagupit ka ulit?" Pilit na sinisipat ni Carly ang maiksi at undercut na buhok niya. "Wala ka talagang balak na pahabain ang buhok mo?"
Bumuntonghininga si Heather. "Wala." Wala siyang balak kasi boring magsuklay ng buhok. She used to have a long hair. Nang magkolehiyo ay naiba nang lahat sa kanya. Sa puntong iyon ay nilagok niya nang deretso ang iniinom.
"'Di ka pa nasanay." Ariella waved to the waiter nearby. "Anyway, since dama kong magiging madalang na 'tong get together natin, we've got to enjoy this night; hard ang iinumin nating lahat."
Tila nasabik naman si Carly. "Tequila ang bet ko!"
Napangiti si Heather, lalo na noong mamataan si Maxine na kapapasok pa lamang sa entrada ng bar. She simply waved at her. Agad siyang nakita nito. Nang makalapit si Maxine, sumaktong nakalapit na rin ang waiter sa table nila.
Ariella winked at them. At alam nilang lahat, lalo na ni Maxine ang ibig sabihin ng pagkindat na iyon. Hinarap ni Ariella ang serbidor. "One bottle of Casamigos," tukoy nito sa paborito nilang brand ng tequila na karaniwan nilang iniinom doon. "Anim na shot glass. Oh! and lots of lime, and ice--'yung crushed, please."
The waiter jotted it down. At parang nais matawa ni Heather. Ngiwing-ngiwi kasi si Maxine.
"Alam niyo namang hanggang juice lang ako," reklamo nito, itinulak paitaas ang suot na salamin.
Natawa si Carly. "Masarap ang Tequila. Promise."
Nagkatawanan sila. Napasimangot lang si Maxine, lalo't kung nakaalis na ang waiter nang hindi man lang isinama ni Ariella sa order ang paboritong juice na iniinom nito.
Sa huli ay parang naawa na rin si Heather kay Maxine. Pasimpleng inilapit niya ang bibig sa tainga nito. "Ako na sasalo sa tagay mo. Just act as if you're still drinking it, ayt?"
Iyong lukot na mukha ni Maxine, ilang sandali lamang ay napalitan na ng ngiti. Karaniwan nang ganoon ang siste nilang dalawa. She didn't know why, but aside from Sahara and Biatrez, she considered Maxine not only a friend but her younger sister. Maski sina Ariella at Carly ay ganoon din naman sa kanya. Sanhi na marahil ng pagiging only child ni Heather.
However, there was something about Maxine that caused Heather to attach herself to her. Nagkataon din siguro na katulad ni Maxine, na-bully rin siya mula pre-school hanggang high school.
Heather studied in an exclusive school in Eastwood. Principal doon ang ina niya mula pa noon. As she grew up, she had this thought she had to be a perfect student. As a result, she became the best of all. Walang school year na hindi Valedictorian si Heather. But it caused her to get bullied by the other students. When she graduated high school, she realized that being perfect was too boring. There was no challenge because again, she was the best.
Na-bored na rin siya sa siste na palagi na lang inaapi. Kaya hayun, nang magkolehiyo, na sumakto namang naging Dean ang kanyang ama sa Princeton, nagkalat siya sa naturang unibersidad. Dalawang taon siyang hindi mapirmi sa kursong pinipili. Ni hindi rin siya gaanong nag-aaral. Nag-aaral lang siya para hindi bumagsak. She even graduated college without honor.
Six years ang itinagal niya sa kolehiyo. At six years na rin silang hindi magkasundo ni Olivia. Good thing, she met these bitches. Nagkakulay ang boring na buhay niya.
Not long after, dumating na ang in-order nila. Sahara arrived as well. Nasa panghuling shot glass na sa pagsasalin ng inumin si Heather nang tuluyang itong makalapit.
"As usual, you're late again," sita niya sa bagong dating, isinasara ang bote ng tequila.
"Hinintay ko munang makaalis si Dad para magamit ko ang kotse." Sa tabi ni Maxine ay doon ito umupo. "Mukhang hindi naman ako ang pinaka-late sa atin. Where's Biatrez?"
Si Carly ang sumagot. "Wala nang bago kay Bia. Lagi namang nali-late 'yun. Let's enjoy the night. Before we know it, nasa likod na natin siya."
Nagdilang-anghel si Carly; Bia arrived after a while. And they were enjoying the night. Nakailang shot na rin ng tequila ang lahat. Higit na roon si Heather na balak talagang magpakalasing nang gabing iyon.
At dahil sa lasing na, pinaunlakan niya ang lahat ng mga kabinataang nag-invite na makasayaw siya. Until a man slapped her butt. Awtomatikong nagising ang pagiging warfreak ni Heather. Hinarap niya ang lalaking nakangisi at walang sabi-sabing sinapak niya ito sa nguso. Dahil sa dami ng kabataang naroroon at sa lakas ng musika, wala gaanong nakapansin bukod sa kasayaw niyang lalaki na bagaman nagpakilala ay hindi naman talaga niya kilala.
The man she punched in the face, however, covered his mouth. Tila hindi inaasahan ang ginawa niya. Even though Heather couldn't see it, sa tindi ng sakit sa kamao niya, pihadong pumutok ang nguso nito.
Tunay na matigas nga ang mukha ng mokong. He even looked at her from head to toe. Akmang sasapakin niya sana ito na magmuli nang itaas nito ang kamay at tumalilis na sa harap niya. She was about to roll her eyes. Hindi natuloy. Sa puwestong kinatatayuan ng lalaking manyak na kaaalis lang, doon ay bahagyang sumisilip ang mesa kung saan nakapuwesto ang isang magkapareha.
It was, none other than Yngrid Monteverde. Katabi nito ang kasintahan---si Jean. Sino ba ang magaakalang going strong pa rin ang dalawa samantalang tatlo-tatlo ang boyfriend ni Yngrid sa campus? Kapit-tuko pa nga ang babae kay Jean. Ygrid was showing her phone to him but Jean wasn't looking.
Sa kanya ito nakatingin. The way he looked at her, it seemed to tickle the part between her legs.
Hindi na bago na makita ang dalawa roon. Hindi na rin bago iyong hindi pagiging sweet nito kay Yngrid.
Higit na hindi na bago kay Heather ang ganoong pakiramdam sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Which kind of creeping her out because she had always wondered why she felt that way when she got no idea about s****l feelings.
Heather was and still a virgin for, Pete's sake!
Yet, with how the way those eyes caressing her body was as if to awakened her carnal senses. Parang hindi na dapat pang pag-isipan, katulad sa mga pagkakataong nauuhaw ka ay alam mo na na kailangan mong uminom ng tubig.
Shit! anang isip niya. Nanlamig kasing bigla iyong parteng iyon sa gitna ng mga hita niya. Ibig sabihin, hindi sumapat ang panty na pinatungan ng cycling shorts dahil dama niya ang pamamasa ng bahaging iyon.
Noon na niya pinutol ang pagtititigan nila. Unconsciously, she pulled down the hem of her skirt. Baka sakaling mabawasan ang lamig. Pero walang silbi. Sadyang maikli ang pulang bodycon dress na isinuot niya para sa gabing iyon.
"Are you okay?" tanong ng kasayaw niya. "Your hand is bleeding." Akmang hahawakan nito ang kamay niyang ipinansuntok niya kanina.
Pero inilayo niya iyon. Hindi naman gaanong dumudugo. Sanay na siya. "I'm okay."
"Are you sure?"
Napalunok siya. There was a hint of cigarette smoke from his breath. Kanina pa niya naaamoy iyon. "Do you have a cigarette?" Hindi niya bisyo ang manigarilyo. But she was anxious. Dama niyang nakatitig pa rin sa kanya si Jean.
Binigyan naman siya ng lalaki ng sigarilyo, sinindihan nito iyon. Matagal na paghithit ang ginawa niya. "Thanks."
Ngumiti lang ang lalaki. Kasunod niyon ay tinawag na ito ng mga kasama. Magalang na nagpaalam ito. Bagaman hindi nakontrol ni Heather na sulyapan ang mesa kung nasaan si Jean.
And God! No one could ever know how her slit throbbed vigorously. Nakatingin pa rin ito at halos tumakbo si Heather pabalik sa mesa nila. Lahat ng mga kaibigan niya ay lasing na, bukod kay Maxine. Pero kung bakit lalo lang nanikip ang dibdib niya ay dahil mas lalo lamang natatanaw mula sa kinauupuan niya si Jean. And how she hated it. How she hated seeing him with Yngrid. Sipat na sipat niya kasi. Mukhang lasing na rin ang babae dahil halos dama niya ang bigat ng ulo nitong nakapatong sa balikat ng binata.
Noon ininom nang bottoms up ni Heather ang iniwan niyang shot glass kanina na puno ng tequila. Doon na rin lalong bumigat ang balikat niya. Nasa kalagitnaan niyon si Carly sa panunukso kay Maxine. Naroroon din pala kasi sa lugar ang ultimate crush nito.
Mukha lang attentive si Heather dahil nakikisali siya sa panunukso. Gayunman, maya't maya ay panay ang pagsulyap niya sa gawi nina Jean at Yngrid.
Hanggang sa hampasin ni Sahara ang mesa. "Ikaw rin, Ate Heat. Akala mo ba hindi namin napapansin na kanina ka pa napapasulyap sa estraherong 'yon?" Lasing na nga ang babae, maski ang pangalan ni Jean ay mukhang nawala na sa isip nito.
"Wow! Ako lang ba? E, 'yong lalaking 'yon?" turo ni Heather sa lalaking nakaupo sa harap ng bar counter. "Don't tell me you're not attracted with him?" Oo. Lasing si Heather pero hinding-hindi niya aaminin ang tungkol sa kung anumang atraksyon niya kay Jean. Never!
"Let's do some dare!" bagkus ay iniba ni Sahara ang usapan.
What Sahara had said seemed to spark Heather's excitement. Ni hindi na niya nagawa pang hithitin iyong sigariyong kalalagay lamang niya sa ashtray. Isa lang yata ang hindi nawaglit sa isip niya --- si Jean, na muli ay sinulyapan niya
Pero wala na roon ang lalaki. Maski si Yngrid. Where the f*ck are they? Imposibleng umalis ang mga ito. Naroroon pa rin sa mesa ang motorcycle helmet ng lalaki.
"Ayoko nga!" Si Maxine, itinulak paitaas ang suot na salamin saka humalukipkip.
Napangiwi si Sahara. "Ang KJ mo! For fun lang naman 'to! Sige na!"
"Anong dare ba 'yon?" iritable na si Maxine sa puntong iyon.
Mabilis na sumagot si Sahara. "E, di lalapitan mo si Lucas at lalandiin mo," tukoy nito sa crush ni Maxine.
Kung bakit lalo nabuhay ang excitement ni Heather, marahil ay dahil sa hamon na iyon ni Sahara. Nagbunyi ang kalooban niya, sa katunayan. Subconsciously pa nga ay hinanap niyang muli si Jean. Wala pa rin ang magkasintahan sa mesa. Si Sahara ang binalingan niya. "Tapos, ikaw? 'Yong lalaking 'yong ang lalandiin mo?" tanong niya.
Bagaman ay biglang sumingit si Biatrez. "Wait, para saan naman 'to?" Malinaw sa boses nito ang pagka-disgusto sa paksa nila.
Bumagsak ang balikat ni Sahara, parang nais pa ring ipaglaban ang dare na iyon. Well, hindi naman masisi ito ni Heather. Sahara was wilder than her. "C'mon, guys! Ni isa sa 'tin walang boyfriend, wala namang magagalit. A little kiss on the cheek won't hurt us. Ang boring ng mga love life natin."
Indeed. Pero para kay Heather, hindi big deal sa kanya kung wala man siyang love life. Bagaman parang nais pa rin niyang matawa dahil kung tutuusin, iyong 'little kiss on the cheek' ay boring din.
Kung bakit bigla ay hindi na nagawang maibuga ni Heather ang hangin sa baga niya ay hindi niya alam. Only a few things became clear: one, the night was still young; two, the dare was too boring; three, Jean and Yngrid was also in the club.
At ang panghuli? Iyon na marahil ang pagkakataon ni Heather para makaganti kay Yngrid.
Noon niya naihampas ang kamay sa mesa. "Sige! Call ako d'yan. So, kanya-kanyang diskarte na tayo, gano'n ba?" Matatag ang tono niya. Handa siyang gawin ang kung anumang naglalaro sa isip niya sa kasalukuyan—higit pa sa 'kiss on the cheek'. Hindi man na naulit pa ang ginawa ni Yngrid kay Maxine nang araw na iyon dahil gumawa siya ng petition noon mabigyan lamang ng ultimatum ang bruha, hindi pa rin natahimik ang loob ni Heather.
Hindi niya kayang kalimutan ang pagkapoot niya kay Yngrid. If she had to seduce her boyfriend to get her revenge for what she did to Maxine that day, Heather would do it.
Isa rin iyong hamon sa kakayahan niya. Her lust for Jean would definitely reveal how wild she could be in bed. Yup. Now admitted she was lusting for him for four years. Heck, she even was sometimes imagining herself having s*x with him by putting her finger inside of her. She reached the peak but God! Hindi na niya inulit dahil lalo lamang siyang na-frustrate.
But now, knowing she had this chance to have Jean's c**k inside of her just for tonight, while the daughter of a senator knew nothing about it, that would be marvelous. She would bump into her one of these days and laugh in her mind thinking she completely made a fool out of her.
It was a mischievous plan, Heather knew. Pero niloloko nito si Jean. At mas masama iyon, hindi ba?
Walang masama kung hayan siya't matiyagang hinihintay ang pagbabalik ng magkasintahan. Until it was Sahara and Heather were the only ones that were left on the table. Nag-iisip nang maigi si Sahara. At siya, minatyagan ang bawat kilos nina Jean at Yngrid. Nakakarami na ng iniinom si Yngrid. The man sitting like a god was still looking at her. And all the while, not like what Heather used to do, she never cut their gazes.
Mukhang dama ng lalaki na inaakit niya ito, lalo na noong bigyan niya ito nang isang mapanuksong ngisi. Until the couple stood up. Halos hindi na makalakad ang babae. At halos hindi huminga si Heather kung dadalhin din ba ni Jean ang helmet nito.
He didn't. Napangisi si Heather. Mayamaya, siyang pagbalik ng lalaki—nang walang Yngrid na kasama. Dahil sa adrenaline, tumungga siyang muli ng isang shot glass ng tequilla.
Believe her, malakas ang tolerance niya sa alak. Bagaman nasobrahan yata; hindi na niya namamalayang naglalakad na siya patungong CR, dala ang sigarilyong kusang namatay na lang sa ashtray. Pumasok siya roon saka magaan ang ulo na inayos kaunti ang sarili, naglagay rin siya ng kaunting pabango. Iniipit niya rin ang sigarilyo sa kanyang bibig saka lumabas na roon.
Iyon naman ang plano niya. And it was a success; sa dulo ng pasilyo sa bahaging iyon palabas ng banyo, nakatayo si Jean, nakasandal sa pader. She walked towards him. Then she stopped in front of him. Then they looked fixedly without blinking. With her five inches pumps, halos nakatingala siya rito. He was tall, indeed.
Jean lit the cigarette that was still in between her lips. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ito nang ganoon kalapit, and man, her senses supposed to be diminished by the spirit of alcohol, but Jean's scent was remarkable. Ni hindi niya kayang i-describe ang amoy nito.
Ni hindi niya nagawang hithitin ang sigarilyong nasa bibig niya. Even the cigarette smoke wasn't enough to cover his scent!
"You aren't supposed to smoke, milady." Kinuha nito ang sigarilyo. That was the first time she heard him talking too. He had an accent, a thick French accent. And his voice . . . his voice. It was husky and low, and---"But guess what," wika nitong muli. "You looked so sexy when you smoke." He put his hand on her lower back. Hinigit siya nito palapit.
She felt his c**k against her stomach. Umurong ang dila niya. She had to tell him about the dare. But why couldn't found her voice?
"Kiss me, Heather."
Ah, he pronounced her name in the sexiest way possible; it seemed as if it became her trigger switch . . . as if she was a nuclear bomb, ready to explode. Nga lang ay segundo lamang at hindi minuto ang countdown. Hindi niya kayang maghintay nang ganoon katagal.
Thus, she kissed him. Who would've thought this man would be her first kiss? And possibly will be the first man who will take her V-card.
~~**~~