Prologue
Wild Nights Series is a collaboration of six aspiring writers who aim to create stories you will love. It is a story about six young women having fun at the club, made a wild dare to flirt with someone they fancy at that moment; no strings attached, no feelings involved... but in the end, will change the beats of their hearts. Wild nights that will change their lives forever...
1. Wild Nights 1: Don't Give Me Love by Weng Cipriano
2. Wild Nights 2: Give Me One Last Chance by Loizmical
3. Wild Nights 3: Tainted Obsession by cUaroundDcorner
4. Wild Nights 4: Tough Love by Kitty Karri
5. Wild Nights 5: Pull Me Closer by Jen Melendrez
6. Wild Nights 6: The Seductive Virgin by Bam Gregorio
*************************************
Wild Nights 3: Tainted Obsession by cUaroundDcorner
Prologue
THAT day was just another day for Heather. Tanghalian, at abalang-abala ang bawat estudyante at staff sa canteen na iyon ng Princeton University. Kalansingan din ng mga kubyertos ang pumapaibabaw sa paligid. Isa na roon ang kubyertos na gamit ni Heather.
The table where she was eating was good for six people. Five had been occupied, but a chair remained vacant. With that view, Heather's disquietude got worst. Bagay kung bakit mabilisan niyang inuubos ang kinakain. Her friends were supposed to notice but perhaps they got used to it.
Magkakaiba man sila ng kurso, si Heather man ang pinakamatanda dahil ilang ulit siyang nag-shift ng course bago pumirmi sa BS Insterior Design, kapwa mga third-year college na sila. At sapat na marahil ang halos dalawang taong pagkakaibigan para makabisado ng mga ito kapag ganoon ang ikinikilos niya.
"Ate Heat," tawag sa kanya ni Sahara. Katapat niya ito sa mesa. "'Wag ka masyadong mag-alala kay Maxine. May mga kasama naman siya."
Noon na hindi nakatiis si Heather na kuhain ang bote ng softdrinks. Sumisip siya sa straw niyon nang ilang ulit. "That's what I'm worrying about: iba ang mga kasama niya." Luminga-linga siya. "And Yngrid isn't here too! Kinakabahan ako. At alam niyo kapag kinakabahan ako, may nangyayaring hindi maganda."
"Sabi ko kasi sa 'yo, puntahan na natin sa classroom niya si Maxine kanina since madadaanan din naman natin." Malinaw ang matinding pagkabahala sa tono ni Bia, siniko si Carly na katabi nito sa mesa.
Tulad ni Bia, worried din si Carly. Bahagyang napakamot pa ito sa sentido. "Nag-send naman siya ng message sa 'ting hindi siya sasabay magtanghalian. Alam mo naman 'yon: 'pag malapit na ang finals, subsob sa pag-re-review."
Wala nang nagsalita pa. Ipinagpatuloy nila ang pagkain pero ang tensyon, nanatili sa mesang iyon. At bakit hindi? Bukod sa anak si Heather ng dean ng unibersidad na iyon, siya ang tipo ng tao na mahilig makipagbasag-ulo sa mga mapang-aping tao. That includes Yngrid.
Pero sa kung anong kadahilanan ay parang hindi ito nadala noong masapak niya ito kamakailan lang. Ibig sabihin, hindi tulad ng ibang nabugbog niya, hindi nasisindak sa kanya si Yngrid. Kung bakit, marahil ay dahil anak ito ng isang senador. Hindi man bago ang ganoong siste dahil hindi lang naman ito ang estudyanteng nag-aaral doon na anak ng isang politician o anak ng isang sikat public figure, still, Yngrid had the guts not to get afraid of her.
At lalong nanggigigil si Heather sa ideyang iyon. Sa sobrang gigil ay pabagsak na binitiwan pa niya ang kubyertos. Nga lang, bago pa niya maisukbit ang bagpack sa balikat, naunahan na siyang tumayo ni Ariella.
"I'm coming with you," anito. Ariella was calm. Ito nga lang yata sa kanila ang kalmado. Kalmado sa paraang hindi ito magawang mapansin ni Heather kanina. Gayunman ay tumayo siya, sumunod dito. Ganoon din ang ginawa ng tatlo.
Now, there they were, exiting the canteen, occupying every hallway they walked past through as if they were the most badass b*tches ever. Pero nang makarating sa malawak na library, hindi pa man tuluyang nakapapasok ay nakasalubong nila ang ka-close na utility staff. Kalalabas lamang daw ni Maxine.
Nagkatinginan silang lahat. Kung sa canteen ang tungo ni Maxine, dapat ay nakasalubong nila ito. Heather knew Maxine's class schedule. Wala na itong klase pagkatapos ng tanghalian. At iyon lang ang oras kung saan maari nitong silipin ang crush nitong varsity player, na minsan na ring nakaaaway ni Heather.
Noon sila dali-daling tumungo papuntang basketball court.
Kung bakit husto pang dinaga ang dibdib ni Heather ay mas binilisan na lamang niya ang pagtakbo. Soon, right before she arrived, just a few steps from where she stopped, she saw Maxine. Papalabas na ito ng basketball court. May kasama babae, kakuwentuhan nito habang naglalakad.
Sa daraanan nito ay nakatambay si Yngrid, nakikipagkuwentuhan din sa lalaki na kung hindi nagkakamali si Heather ay isa sa mga kasintahan nito. Tulad ni Maxine, BS Education ang kurso ni Yngrid, pero magkaibang section ang kinabibilangan. Gayunman, tuwing school year, sa kung anong kadahilanan ay nagpapalipat si Yngrid ng klase sa isang subject kung saan naroroon si Maxine.
Bukod pa roon, nasa Dean's list ang dalawa, magkasunod sa listahan. Sadyang nasa top 1 lamang talaga si Maxine at nagkataong mas matalino ito kay Yngrid. Even though Maxine didn't tell it directly, it was obvious that Yngrid was insecure.
O baka sadyang nais lang talaga ng bruha na asarin si Heather. Tulad na lamang ngayon: nginisian siya ni Yngrid bago naglakad patungo sa direkyong sasalubungin nito si Maxine.
Alam na ni Heather ang susunod na mangyayari; tumakbo pa siya, tinawag si Yngrid. Pero huli na; natisod na nito si Maxine.
Maxine fell to the ground. Nahulog ang makapal na salamin nito, naitungkod ang isang kamay sa sementadong sahig. Sa puntong iyon ay nakabaling na kay Maxine ang buong atensyon ng karamihan sa mga estudyanteng nasa malapit. Gayunman, sapat na para kay Heather ang malakas na daing ng kaibigan para maunawaang nasaktan ito.
Mabilis niyang nadaluhan ang kaibigan. Ang ibang mga kaibigan ay inalalayan din itong makatayo. Ang masaklap, ang kamay na naitungkod ni Maxine sa semento kanina ay agad na nangitim at namaga.
Noon bumigat ang paghinga ni Heather; nilingunan si Yngrid na bumalik sa dating puwesto, kinausap muli ang kasintahan na parang walang nangyari. And Heather stared at her as she gritted her teeth. Sahara did the same thing. Parehas niya itong mahilig sa away. Iyon nga ang dahilan kung bakit sila nagkakilala; sumaktong sabay silang ipinatawag sa opisina ng gudance councilor.
However, Carly, Bia, Ariella, and most of all, Maxine was their counterpart. And as usual, the four were trying to calm her down. Yet, it seemed Heather couldn't hear a thing.
Alam niya ang pakiramdam ng pinagdaraanan ni Maxine. But as Heather reached the point where she finally knew better, she realized she got to be tough. At ang mga katulad ni Yngrid ang dapat nilalabanan!
After few seconds of holding back her temper, she balled her hands into fists. Taas-baba ang dibdib na inihakbang niya ang mga paa palapit sa babae.
"Ms. Heather Arellano!" It was Henry Arellano, dean of Princeton University — her dad.
Heather automatically stopped and stood two steps away from Yngrid. Ni hindi na niya nilingon pa ang ama niya na nakatayo 'di-kalayuan sa kanyang gilid. Pihadong tinawag ito ng kung sino sa opisina nito. It was possible he arrived that quick; nagkataong nasa malapit lamang ang Dean's office.
Soon, Carly and Ariella were at her sides.
"Hayaan mo na, Ate, 'wag mo nang patulan." Ikinawit ni Ariella ang braso sa braso niya.
But Heather kept on; she glared at Yngrid. Nakangisi ito sa kanya, parang hinahamon talaga siya.
"Oo nga, Ate Heat." Si Carly. "Naalala mo bang last na 'yong warning mo sa guidance? Kapag napatawag ka ulit doon, mapapatalsik ka dito sa school."
Ilang saglit pa, ang pagtitig na iyon ni Heather kay Yngrid ay nauwi sa pagyuko. Kapagkuwan ay tinalikuran na niya si Yngrid. Kalakip ang bigat ng kalooban, nag-umpisa silang maglakad. Bagaman sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno kung saan namumukadkad ang sandamakmak at matitingkad na kulay kahel na mga bulaklak, doon ay nakaupo ang isang lalaki.
Kilala ni Heather. Who wouldn't? Kahit hindi ito estudyante, kilala ito sa buong campus dahil sa banyagang hitsura at mala-modelong pangangatawan. He was tall. Sa ilalim ng kasuotan nitong itim na maong at itim na t-shirt, halatang maganda ang pangangatawan. His face was that of a god.
It was Jean Deveaux, must be pronounced in French.
Paano niya nalaman? Iyon ang usap-usapan sa buong campus.
Palagi naman itong nagagawi roon; it seemed it became his routine for three years. At parati ay may kung anong epekto ang lalaki sa sistema niya. Bakit hindi? Kung palagi ay nakatingin ito sa kanya? Hindi naman sa nag-a-assume. Maski kasi ang mga kaibigan at ibang estudyante ay ganoon ang napapansin. Heather just ignored it.
She had to . . . because that French guy was Yngrid's boyfriend as well.
Regardless, that could also mean one more thing: two-timer ang girlfriend nito at walang kamuwang-muwang ang lalaki roon.
Pity.
~~**~~