Panay ang tingin ko sa likod para i-check kung maayos pa si Alfred na walang malay. Nag-aalala ako na baka bigla nalang siyang mahulog. Though hindi naman mabilis magpatakbo si Mishari ngayon; banayad lang. Napansin ko ang kanang pisngi niya nang tumama ang liwanag ng mga street lights sa mukha niya. Iba ang kulay nito. Parang nagiging medyo violet. Siguro ay dahil sa suntok na tinamo niya doon sa lalaking gago. Nakakainis! Kung hindi na kasi siya sumagot-sagot at hindi na ininsulto pa 'yung babae, siguro ay madadaan pa sa pag-uusap ang problema nila kanina. Tsk. "Are we taking the right way, baby?" Tanong ni Mishari habang patungo kami sa bahay nina Alfred. It's just a few blocks away from Marion's street kaya sigurado ako kahit na gabi na. "Yes. After ng kanto na 'yan, kumanan ka."