"Do you know where he is?" Tanong ni Ari habang nagmamaneho. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi mapakali sa upuan. "Hindi, eh. He already ended the call and I'm trying to call him back, pero hindi niya sinasagot!" Nag-aalala kong sabi. Wala sanang nangyaring masama sakanya. God! I am so worried. Mas inaalala ko pa si Alfred ngayon kaysa sa kung ano ang maging resulta nitong pag-alis namin ni Ari sa party. We managed to meet outside the reception nang walang nakakahalata. Si Ate at Kuya lang ang may alam nang tungkol dito. And they won't tell anyone. Sigurado ako doon. "Any idea, Jill? Wala ba siyang nabanggit kaninang tumawag siya sa'yo? Sa tingin mo?" He asked again. Nag-isip ako ng mga lugar na pwede niyang puntahan. Alfred doesn't go on pubs regularly. At kung nasa isang bar ma