Tumungo kami sa isang convenience store habang hinihintay si Laureen. Dito nalang siya pinapapunta ni Ari dahil ito nalang 'yong bukas. It's almost 12 midnight. Medyo kinakabahan pa ako dahil baka hindi lang si Laureen ang hinihintay namin ngayon. Hindi namin alam na baka masurpresa kaming dalawa na kasama niya ang mga magulang ni Mishari sa pagpunta dito. Iyon ang pinangangambahan ko. "Are you hungry? Wanna eat something?" Tanong ni Mishari sa akin. Nakaupo ito sa tabi ko at nakapatong ang baba sa balikat ko, habang 'yong mga kamay ay nakapulupot sa may tiyan ko. Kaming dalawa lang ang nandito sa second floor ng convenience store. Mukha lang kami tumakas sa prom para tumambay dito. Well, tumakas naman talaga kaming dalawa, ngunit hindi sa prom. Kundi sa wedding party ng kapatid niya.