Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa screen ng laptop na nakapatong sa lap ko. Tinawagan lang ako ni Aicel kanina nang makauwi na kami galing school at sinabing may natanggap na siyang email mula sa company nila Mishari. Kahit 'yong ibang mga kaklase namin ay may natanggap na ngunit sa ibang company naman. Na-excite akong magbukas ng email ko, at ngayon ay hindi ko alam kung matutuwa ako o makakaramdam ng disappointment dahil sa email na natanggap ko mula sa isang company na tumanggap sa akin bilang isang trainee para sa practicum namin. Simula kasi no'ng malaman ko na do'n sa company nila Ari mag-o-OJT si Laureen, nagbago na ang isip ko at do'n ko na gusto. Medyo umasa din ako na makakatanggap ako ng email mula sa HR nila, ngunit galing sa ibang company HR ang