Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay binabagtas na namin ang daan tungo sa isang beach resort, at medyo malayo iyon kaya maaga kaming bumabyahe ngayon. Natulog na lang kaming lahat sa unit ni Ari para wala nang hassle pa sa pag-alis. Kami-kami lang naman at wala na kaming ibang kasama. Ang tagal na nga din naman mula no'ng nag-outing kaming walo. "Candy?" Alok sa akin ni Jam na katabi ko ngayon sa isang balot ng candy na bukas na. "Thanks!" Dumampot ako ng isang piraso saka iyon binuksan at inilagay sa bibig. "Guys, oh, candy." Alok pa ni Jam sa dalawang tao sa harapan. Inilapag niya ang hawak niya sa glove compartment. Si Mishari ang nakaupo sa driver's seat dahil siya 'yong driver ngayon. Nasa tabi naman niya si Andrei na ka-kwentuhan niya para siguro hindi siya dalawin ng anto