Pagbalik ko sa bar room ay maingay ang mga kasama ko. Nakaupo patalikod si Andrei at Marion sa bar counter. May hawak namang cue stick si Trisha at Britz na ngayon ay naglalaro ng billiard. Tumatawa naman si Laureen habang kausap sina Jam, Crizette at Grace. Mukha naman silang normal lahat.
Umupo ako sa tabi ni Jamayma. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang makinig sa usapan nila kung ano man 'yon. Mali talagang ideya na sumama ako dito, eh.
"You'll gonna stay here until the wedding?" Tanong ni Crizette kay Laureen.
"No. Hanggang sa engagement party lang. I need to show my face to my relatives. Pero babalik ako sa wedding." Ngumiti ito.
"So dito ka nags-stay sa house nila Ari ngayon?" Curious na tanong ni Jam.
"Yes. Dito na muna ako pinag-stay ni Ate Cath," sagot nito.
Kung anu-ano na ang mga pumasok sa isip ko na pwede nilang gawing dalawa habang nandito siya. Sa kwarto ba siya ni Mishari natutulog? Well, kung ganoon... okay. Ano ba ang pakialam ko? Pwede siya dito hanggang sa gusto niya. Boyfriend niya si Mishari. At siguradong okay lang naman sa mga magulang ni Mishari na dumito na muna siya.
Malay ba naming lahat kung nagsasama na sila noong nasa States sila. For two years... hindi malayong ganoon na nga.
Napalingon kaming lahat kay Mishari nang bumalik na ito. May dala itong mga paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.
"Mga pasalubong ba 'yan, bro?" Tanong ni Britz na napahinto sa paglalaro.
"Yeah. Balak nalang sana naming ihatid sa mga bahay niyo bukas kung hindi kayo pumunta ngayon," tugon nito saka inihagis niya ang isang paper bag kay Britz. Mabilis naman niya itong sinalo at binulatlat.
"I didn't know what you like. 'Yan nalang 'yong binili namin." Ani Laureen habang nakangiting nakatingin kay Britz.
"Why, thanks!" Sabi ni Britz habang tinitignan ang mamahaling sapatos na bigay nila.
"I know you can afford that." Tawa ni Ari.
"Pero iba pa din 'pag hindi ako ang bumili." Humalakhak si Britz.
Isa-isa na din niyang ibinigay sa amin 'yong para sa amin. Lumunok ako nang iabot niya ang sa akin.
"Thanks." Kinuha ko ang paper bag saka ngumiti sakanya. Ngumiti din ito pero saglit lang dahil lumapit sakanya si Laureen at yumakap sa torso niya.
Bigla kong naalala kung gaano ako laging ka-excited kapag umuuwi siya galing sa bakasyon sa States. Lagi siyang madaming pasalubong sa akin na siya mismo ang pumipili. Pero ngayon ay sigurado akong kasama niya si Laureen sa pagpili niya ng mga binili niya.
"Louboutin?!" Tili ni Crizette sa tonong hindi makapaniwala. Tumawa si Mishari at Laureen.
"Nabanggit kasi ni Mishari na mahilig ka sa heeled shoes," ani Laureen.
Sinilip ko ang loob ng paper bag at nakita ko ang isang kahon. Siguro ay mga sapatos din ito. Mamaya ko nalang titignan kung anong klase ng mga sapatos. Pero hindi ako sigurado kung gagamitin ko sila.
Inabala ko ang sarili ko sa panonood kila Trisha na naglalaro habang paminsan-minsang nakikipag-usap kay Jam at Grace. Hindi ko kayang tumingin kay Mishari at Laureen. Parang hindi ako makahinga. Para akong sinasakal.
"Laur, do you know how to play billiard?" Tanong ni Trisha bago tirahin ang cue ball. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga bola.
"Sadly, no. Hindi ako marunong humawak ng cue stick." Tumawa ito.
"Madali lang naman," ani Marion. "Paturo ka kay Mishari, Laur. Magaling 'yan!"
"Really?" Halata sa tono ng boses ni Laureen na ang enthusiasm. Nilingon ko sila. Nakangisi si Mishari sakanya.
"Wanna learn?" Malambing nitong tanong. Tumango si Laureen.
Lumakad si Mishari at kumuha ng isang cue stick. Pinalapit niya sakanya si Laureen para masimulang turuan. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko para lang hindi sila makita. Pero sa huli ay sakanila pa din nag-focus ang mga mata ko.
Pinahawak ni Mishari ang cue stick kay Laureen. Inayos niya ang position ng mga kamay nito para sa tamang paghawak. Pati 'yong tamang ayos ng mga daliri niya. Pumwesto si Ari sa likod ni Laureen at pina-bend ng kaunti ang kanyang likod. Gusto kong tumayo at umalis. Gusto ko din dukutin ang puso ko sa loob ko para lang hindi ko na maramdaman ang kirot nito, pero sa huli ay wala pa din akong ibang nagawa kung hindi panoorin sila.
"You're good," puri Mishari nang subukang tirahin ni Laureen ang cue ball sa table para ipasok ang isa pang bola, pero hindi ito pumasok sa butas. Humawak pa siya sa bewang nito. Ngumiti naman si Laureen sakanya.
Nang ibaling sa akin ni Mishari ang tingin niya ay hindi ako kaagad na nakaiwas. Ngumiti nalang ako. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Pero saglit lang iyon dahil pumikit siya at nakita ko ang pag-igting ng mga bagang nito. Bakit? Nalulungkot siya para sa amin? Dahil sa ginawa ko sakanya two years ago?
No, Jill. Nalulungkot siya para sayo dahil tuluyan ka na niyang natanggal sa sistema niya.
Tumayo ako at lumapit sa bar counter kung nasaan si Andrei na ngayon ay nasa loob. Pinaglalaruan niya ang mga bote na para bang isang professional bartender.
"What's yours, missy?" Tanong niya matapos saluhin ang bote na hinagis niya sa ere. "Expensive or cheap?"
Tumawa ako.
"Expensive. A shot of Red Label, please," sagot ko. Umiling-iling ito pero binigyan pa din niya ako ng isang shot.
"Kailan 'yong balik niyo sa U.S?" Rinig kong tanong ni Jam.
"Depende," si Ari ang sumagot. Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap.
Inabala ko ang sarili ko sa pag-inom kahit na parang umaapoy ang lalamunan ko para lang hindi ko na sila marinig. Kailan ba ako huling uminom? Noong pasko? Noong birthday ko? Noong nalaman ko na may iba na siya? Hindi ko na matandaan.
Bakit ako nagkakaganito? Dapat sana ay maayos na ako dahil masaya na siya. Pero bakit nasasaktan ako? Taliwas ang mga sinasabi ko sa mga tao na okay na ako sa nararamdaman ko. Wala na, eh. Huli na. Huling-huli na. Jill, magkaibigan nalang kayong dalawa.
"Nga pala, Drei. Next time, huwag mo akong ipagpa-paalam para lang hindi ako pumasok, ah? Nagagalit 'yong mga workmates ko!" Pahayag ko saka sumimangot. Tumawa naman ito.
"Talaga? Kahit daw isang linggo kang naka-leave pwede ka, eh." Pang-aasar nito. Sinalinan niya ng alak ang shot glass niya saka diretsong ininom iyon.
"Baliw! Wala akong sahod!" Natatawang sabi ko. Naramdaman ko ang isang pares ng mata sa likuran ko pero hindi ko iyon pinansin.
Hindi ko alam kung nakailang shot na ako ng Red Label habang nagku-kwentuhan kami ni Andrei. Sinamahan na din kami ni Trisha. Ilang minuto pa ang dumaan nang iwan kami ni Andrei para sumali sa mga nagbi-billiard.
Sabay kaming lumingon ni Trisha nang magtawanan silang lahat. Naka-shoot pala ng isang bola si Laureen ngunit ang nai-shoot niya ay ang cue ball. Pulang-pula ang mukha nito kaya sinubukan niyang itago ang sarili niya sa likuran ni Mishari. Tumatawa naman si Ari saka inalis ang takas na buhok ni Laureen at inipit iyon sa likod ng tenga niya.
"You good?" Biglang tanong ni Trisha sa tonong kami lang ang makakarinig. Tumingin ako sakanya at nakita ang pag-aalala at lungkot sa mga mata nito.
"Of course, I am." Nakangiti kong sagot. Bumuntong-hininga ito.
"Jill..."
"Hell, I'm not." Amin ko saka pagak na tumawa. "Ewan ko!" Malungkot akong ngumiti sakanya. Sa aming magkakaibigan ay mukhang siya lang ang nakakapansin na hindi pa talaga ako maayos. Siguro ay dahil alam niya ang lahat.
Sinalinan ko ng alak ang baso ko saka ito tinitigan. Maayos pa naman ako. Hindi pa ako lasing dahil alam ko pa naman ang ginagawa ko. Nararamdaman ko pa din 'yong mga demonyong tumutusok sa dibdib ko.
"Wanna go home? Magpapasundo na ako sa driver ko," aniya. Tumango ako. Kanina ko pa gustong umalis dito.
May humila sa bakanteng upuan sa tabi ko at naramdaman ko ang pag-upo nito. Ayokong ibaling ang ulo ko sa direksyon niya dahil alam ko kung sino ito.
"Give me that shot," utos niya. Hindi ko alam kung kanino niya sinabi iyon at kung kaninong shot ang gusto niya.
Hindi kumilos si Trisha kaya ako nalang ang nagkusang kumuha ng shot glass na walang laman at hindi pa nagagamit saka nilagay sa harapan niya. Tinulak ko din ang bote ng Red Label para sakanya saka siya tinignan. Mapungay na ang mga mata nito dala ng alak dahil kanina pa din sila umiinom.
Nagulat ako nang kunin niya ang shot glass ko na may laman at diretsong nilagok ito. Tahimik naman si Trisha sa tabi ko.
"Hey!" Suway ko. "That's mine!" Ewan ko kung papaano ko nasabi iyon. Siguro ay dala na din ng alak.
"I know. We're friends, alright." Prenteng sagot nito saka tumayo at umalis bitbit ang bote ng Red Label.
"Ang gago talaga!" Natatawang sabi ni Trisha habang naiiling. Napailing nalang din ako. Bakit niya ginawa 'yon? Tsk. Bakit napaka-big deal sa akin no'ng ginawa niya?
Nagpaalam kami sakanila nang dumating ang driver ni Trisha para sunduin kami. Ayaw pa kaming umalis ni Laureen pero ang sabi namin ay may next time pa. Hindi lang ako sigurado kung gusto ko pang sumama sa next time na iyon.
Hindi naman nagsalita si Ari at hinayaan kami. Total naman ay maiiwan pa doon ang iba, at kaming dalawa lang naman ni Trisha ang aalis.
Pumikit ako nang nasa loob kami ng sasakyan saka inihilig ang ulo sa saradong binatana.
"Saan ka namin ihahatid? Sa apartment o sa bahay niyo?" Tanong ni Trisha.
"Sa bahay, please," tugon ko habang nakapikit pa din. Bumuntong-hininga ito.
"I like Laureen," usal nito. Parang kinurot ang puso ko dahil pati ang mga kaibigan ko ay gusto nila siya.
"I know. And they look so good together. Mishari has finally moved on." Naramdaman ko ang pagtango nito kaya ngumiti ako.
"But not for Mishari." Napamulat ako sa sinabi niya.
"Huh? What are you saying?"
"I admit, she's pretty. But I still like you for him. Nanghihinayang talaga ako sainyong dalawa." Malungkot itong ngumiti. Hindi ako kumibo.
Ako din, nanghihinayang. Pero wala na akong magagawa dahil nakalatag na sa harapan ko na wala na ako sakanya.
"Jill..." tawag nito. Tinignan ko siya. "Let Alfred enter your life. You deserved to be happy, too." Pakiusap nito habang may malungkot pa din na ngiti. Bumuntong-hininga ako.
Kaya siguro niya nasabi iyon ay dahil alam na din niyang wala na talaga. Ramdam siguro niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa din ako kay Mishari. At siya... wala na.
Pag-uwi ko sa bahay ay natuwa ang mga magulang ko. Ngumiti din ako sakanila at humalik. Nandito din si Kuya at may pinapakita siyang mga papeles kay Daddy.
"No work today?" Tanong ni Dad. Umiling ako saka umupo sa couch. Inilapag ko sa sahig ang paper bag na hawak ko.
"Galing dito si Catherine, Jill. Binigay niya 'yong invitation," ani Kuya.
"I know." Tipid kong sagot saka tamad na sumandal.
"I heard Mishari is back with his new girlfriend?" Tanong ni Mommy na para bang wala lang sakanya kung ano ang mararamdaman ko.
"Yes, Mom." Minulat ko ang mga mata ko. "Actually, galing kami sakanila." Kinuha ko ang paper bag kung saan nakalagay ang pasalubong niya sa akin at ipinakita sakanila.
Tipid akong tinanguan ni Daddy. Nagkibit-balikat naman si Kuya saka umiling.
"Oh! So, you've met his girlfriend already?" Ngumisi ako sa isip ko at pinigilang paikutin ang mga mata.
"Yes, My. She's staying in his house." Normal na sagot ko.
"What does she looks like? Kasing ganda ba ng pinsan mo? I bet, mas maganda si—" hindi naituloy ni Mommy ang sasabihin niya nang magsalita si Kuya.
"Cut it, Mom!" Iritang saad ng kapatid ko.
"The what, Tristan? I'm just asking! Bakit? Hanggang ngayon ba ay gusto ng kapatid mo si Mishari?" Tumaas ang boses niya kay Kuya. Jesus!
Gusto ko silang sigawan lahat! Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inis saka na tumayo. Para bang nagkapatong-patong na ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi niya direktang itinanong sa akin iyon, pero sigurado akong gusto niya ng assurance galing sa akin na wala na talaga.
"Jeez! That was two years ago! May iba na 'yong tao at masaya na sila! Nakalimutan na niya 'yon at huwag niyo nang ungkatin! At wala na akong gusto sakanya, okay?!" Iritadong pahayag ko saka na naglakad patungo sa kwarto.
Sa apartment nalang sana ako umuwi kung alam ko na ganito ang dadatnan ko dito!
"Jill, anak..." habol sa akin ni Daddy bago pa ako makapasok sa loob ng kwarto ko. Bumuntong-hininga ako saka siya tinignan. Pakiramdam ko ngayon ay nakaka-awa ako.
"Yes, Dad?"
Lumapit ito sa akin saka hinaplos ang balikat ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi maiyak. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. After all, this is my favorite place to cry.
"Shh... it's okay. I'm sorry about your Mom," pagpapatahan nito sa akin.
"I don't understand her, Dad." Iling ko. "Parang wala lang sakanya kung masasaktan ako!" Sumbong ko.
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Do you still have... feelings for him?" Tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya dahil alam kong hindi niya ako papanigan. Pero umamin pa din ako.
"I do. But he's in love with someone else now." Inangat ko ang tingin ko sakanya. Malungkot itong ngumiti at tumango saka pinunasan ang pisngi ko.
"I'm sorry." Aniya saka malungkot na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nagso-sorry ang Daddy ko. Nanghihinayang din ba siya?
"I'll be fine. Don't worry," wika ko.
"I know. Because you are my daughter."
Mahigpit ko siyang niyakap saka humagulgol. Hindi lang dahil sa iisang dahilan. Kundi dahil sa patong-patong na sakit na nararamdaman ko ngayon.