Sunod-sunod na mga katok ang narinig ko sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Ayokong bumangon dahil masakit ang katawan ko. Sobrang pagod na pagod ako sa trabaho at hindi man lang ako nakakuha ng tiyempo para makapag-pahinga dahil sa dami ng mga customer, tapos ay kulang pa kaming nagta-trabaho. Para akong pinarusahan dahil hindi ako pumasok nung Saturday. "Jill!" Tawag ng isang tinig sabay katok. Si Ellie 'yon. "Tulog ka pa ba? Tanghali na, oy! O baka naman patay ka na diyan?" Bigla akong natawa. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at dahan-dahang tumayo. Lumapit ako sa pintuan saka ito binuksan. "Sorry. Masakit lang 'yong mga paa ko." Wika ko saka ngumiti. Pag-alis ko sa bahay namin noong Sunday ng umaga ay dumiretso na ako sa shop. At dahil kulang nga sa tao ay hindi ako kaagad