Chapter 4

2892 Words
"We're on our way to your apartment," ani Jam habang kausap ko siya sa phone. Bumuntong-hininga ako. Ngayon na kasi kami pupunta kina Mishari. At ayoko na talagang sumama dahil gusto ko na lang mag-trabaho. Pero dahil kilala ni Andrei 'yong may-ari ng shop, ipinag-paalam niya ako. At sa kasamaang palad, pumayag siya. Wala akong nagawa kundi sumunod dahil kahit naman pumasok ako, wala din namang bayad. Sayang lang. Hindi ko kasi alam na kilala pala ni Andrei 'yong may-ari ng shop noon. Actually, hindi siya. Iyong Dad niya. Late na noong nalaman ko. Pero kung una pa lang alam ko na, hindi na ako tutuloy sa pag-pa-part time. Hahanap na lang sana ako ng iba. Pero nakaka-dalawang buwan na noong sabihin niya na kilala ng Dad niya 'yong may-ari. Kaya minsan ay hindi maiwasang isipin ng mga kasamahan ko sa trabaho na binibigyan ako ng special treatment ng may-ari 'pag pumapasyal siya. Pero ang totoo ay pare-pareho lang naman ang trato niya sa amin. "Jam. . ." kinagat ko ang ibabang labi ko. "Hindi pa kasi ako nakaka-uwi sa bahay, eh. Pwede ba na next time na lang ako sumama? Sure naman ako na may next time pa." Pag-da-dahilan ko kahit alam kong hindi siya papayag. "What?! Hindi pwede, Jill! Malapit na kami sa apartment mo." Wika niya saka tinapos ang tawag. Muli akong bumuntong-hininga. Makikita ko na naman ulit siya? Kahit ba na sabihing ilang araw ko na 'tong pinaghandaan, kinakabahan pa din ako. Nakita ko na siya, eh. Hindi nga lang niya ako nakita. Pero base sa mga nakita ko, ayoko na silang makita. Tama na 'yong isang beses. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ang kasama ko sa apartment na si Cecille na abalang kumakain sa maliit naming mesa. Siya 'yong kasamahan ko sa shop, pero hindi kami pareho ng shift. Noong una ay nasisikipan ako dito sa lugar na ito. Pati na din sa kwarto ko dahil maliit lang; pati 'yong kama. Hindi ka pwedeng matulog doon kung malikot ka. Iisa lang din 'yong banyo namin dito kaya madalas kaming nag-u-unahan sa paggising. Magka-dugtong din 'yong kusina at sala. Pero maganda naman dahil may kanya-kanya kaming room. "Aalis ka?" Tanong nito nang makita ako. Bihis na bihis na ako at lahat-lahat pero ayoko talagang umalis. Tumango ako. "May papasyalan kami ng mga kaibigan ko." Lumakad ako palapit sa glass rack at kumuha ng baso. Kinuha ko ang pitsel sa maliit naming refrigerator na ipinahiram ng landlord namin. "Si Ellie pala?" Takang tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Umuwi na daw. Hindi ba siya tumawag sa'yo?" "Nag-text lang kagabi. Tinatanong kung naka-uwi na ko. Wala naman siyang nabanggit." Sagot ko saks uminom. Kasama din namin si Ellie dito. Full-time student naman iyon. "Nga pala, Jill. Si Karen, galit na galit!" Natatawang sabi nito. "Umuusok 'yong ilong kasi siya 'yong pinapasok ngayon imbes na ikaw!" Sabi niyang naiiling. "Oo nga, eh. Kung ako lang, gusto kong pumasok ngayon." Ngumiwi ako. I know Karen hates me. Simula pa lang no'ng pumasok ako sa shop. At lalong nadagdagan iyon noong malaman niyang kilala ng kaibigan ko ang may-ari. Like, duh! Masungit din si Cecille at Ellie sa akin noong una. Pero ngayon ay kasundo ko na silang dalawa. Nakarinig ako ng busina mula sa labas. Muli akong bumuntong-hininga dahil alam kong sina Jamayma na iyon. Kinuha ko ang bag ko sa loob ng kwarto saka nagpaalam kay Cecille. "Ingat, Jill!" Aniya. Tumango ako. "Pasalubong!" Pahabol pa nito bago ako tuluyang makalabas. Masaya naman silang kasama at mababait. Lalo na si Ellie na may pagka-boyish kaya madalas kaming magkasundo pagdating sa pag-porma. Si Cecille kasi ay masyadong girly at mahilig sa mga maiiksi at sexy'ng damit. Minsan nga ay lalabas siya mula sa room niya na naka-undies lang. Nasanay na din ako sa kanilang dalawa. Nakababa ang bintana ni Jam at nakangiting nakatingin sa akin. Kumaway naman si Andrei mula sa loob. Tumango ako sa kanila saka binuksan ang pintuan sa backseat. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko si Trisha. Hindi ko alam na kasama nila siya. "Hindi mo dala 'yong sasakyan mo?" Tanong ko kay Trisha pagkasakay. "Nope. Para tipid sa gas," tugon nito. "Papunta na do'n sina Crizette. Baka magsabay lang tayo sa pagdating do'n. Masyado silang excited makita si Ari." Pahayag ni Andrei habang nag-ma-maneho. Tipid akong ngumiti. Ako, hindi dahil nakita ko na siya. Ang saya-saya nga niya sa bago niya. Pero hindi ko hahayaang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko dahil alam kong kasalanan ko. Habang iniisip ko na magkikita na kami ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Kagabi ko pa iniisip kung ano'ng gagawin ko - kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hinayaan ko ang mga kasama ko na mag-kwentuhan habang ako naman ay piniling isarado ang utak. Nandito pa lang ako sa sasakyan ay nanginginig na ako dahil sa nerbyos. Hindi ko alam kung bakit ganito pa din ako hanggang ngayon. Dahil ba sa makikita niya ako? Ano kayang magiging reaksyon niya? Gusto niya ba akong makita? Mga tanong na nabuo sa utak ko. Mga tanong na hindi ko din alam ang sagot. Lalong kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Gusto ko na lang mawalan ng malay ngayon dito sa loob. O kaya'y magkunwaring tulog. Subalit makakabuti na bumaba ako at magpakita. Mas mainam na iyon para ipakita sa kanila na wala na akong pakialam -- na maayos na ako. Huli akong bumaba at lihim na humugot ng isang malalim na hininga. Halos kadarating lang din ni Crizette kasama sina Marion at Britz. Nilingon ko si Trisha nang i-akbay niya sa braso ko ang kamay niya. Ngumiti ito sa akin kaya gumanti ako ng ngiti pabalik. "Halos sabay lang pala tayo," ani Marion kay Andrei pagbaba niya ng sasakyan. Nauuna ang mga lalaki sa paglakad papasok kila Mishari, habang kami naman ni Trisha ay nasa huli. Pinanatili kong maayos ang lakad ko kahit na nangangatog na ang mga tuhod ko. Jeez, Jill! Act normal! Sinalubong kami ng isang kasambahay nila Mishari habang nakangiti. Ngayon na lang ulit ako pumasok sa bahay na ito. Nadatnan namin ang kapatid ni Mishari na bihis na bihis at mukhang aalis. Nasa tabi nito ang boyfriend niya. I mean, fiancé niya. Hindi naman foreigner ang fiancé niya, pero alam kong galing ito sa mayamang pamilya -- katulad nila. Sabay silang napalingon sa gawi namin at nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Ate Cath nang makita niya kami. "My babies!" Masayang sabi nito at patakbong lumapit at yumakap kay Crizette at kay Jam na nakipag-unahan. "We missed you, Ate!" Sabi ng dalawa habang nakayakap pa din sa kanya. "Oh, my gosh! We missed you too, kiddos! Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay!" Aniya. Lumapit na din sa kanya sina Britz, Marion at Andrei para yumakap. "11am pa lang naman, ah? Aalis kayo?" Tanong ni Marion. Tumango ito. Excited din na lumapit si Trisha sa kanya. Lumunok ako nang tumingin siya sa akin. Sinubukan kong ngumiti nang maayos nang ngumiti siya. Lumapit na din ako at niyakap siya. "How are you?" Tanong niya. "I. . . I'm good." Sagot ko saka ngumiti. Humiwalay siya sa akin saka lumapit sa fiancé niya. Ipinakilala niya ito sa amin. Masasabi ko na bagay na bagay silang dalawa. "Kaalis lang nila Trevor. Dito sila nag-overnight! Hindi niyo sila naabutan," ani Ate Cath. "Hindi na sila babalik?" Tanong ni Andrei. "I'm not sure. By the way, nasa bar room sina Ari." Pahayag niya saka ako sinulyapan nang tingin. Hindi ko lang alam kung bakit. Dahil ba alam niya ang nangyari two years ago? "That guy! Madami ba siyang dalang pasalubong, Ate?" Tanong ni Crizette habang naniningkit ang mga mata. "Yup! Whole day silang namili ni Laureen." Ngiti nito. Laureen? His girlfriend, probably. Nagpaalam sila na aalis muna dahil madami pa silang kailangan ayusin para sa engagement party nila. At kung sino si Laureen ay walang naglakas-loob na magtanong. Marahil ay kilala na naman nila siya. Ako lang 'tong walang ideya. Kung hindi ko lang sila nakita sa mall, malamang ay maku-curious ako. Nagtungo kaming lahat sa bar room kung nasaan sila. Kailangan kong umarte nang normal. Pero nakalimutan ko iyon nang makita ko sila. Patalikod na nakaupo si Mishari sa bar counter habang nakatayo sa harapan niya ang girlfriend niya. Nakaipit ito sa pagitan ng mga hita ni Ari at nakapulupot ang braso ni Laureen sa leeg nito, habang hawak naman ni Mishari ang bewang niya. Nice scene. "Mishari!" Matinis na tili ni Crizette saka tumakbo palapit sa kanya. Pare-parehong nagulat ang mga nasa loob. Nandito din si Grace na kasama nila. Galing din siyang America dahil ang alam ko ay sumunod siya kay Mishari noon kasama ng nanay niya para ipagamot. Natuwa ito nang makita ang mga bisita nila at itinigil nito ang pagbi-billard. Naghiwalay silang dalawa at agad na tumayo si Ari para salabungin si Crizette. Isa-isa na din silang lumapit sa kanya maliban sa akin at kay Marion. Laking pasasalamat ko dahil nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Siguro ay naiintindihan niya ako. "I didn't know you were already here!" Halakhak nito. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para tignan siyang mabuti. Gano'n pa din 'yong hitsura niya. Iyong mga ngipin niya na gustong-gusto kong nakikita. 'Yong malalim niyang mga mata, 'yong tinig niya at 'yong mga ngiti niya. Ngunit alam kong may nagbago na. Kinalabit ako ni Marion bago siya naglakad tungo kay Mishari. Hindi ko namalayan na medyo matagal na ang pagtitig ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko dahil nahagip ng mga mata ko si Grace na nakatingin sa akin. Nag-fist bump ang dalawa. Lumapit na din si Laureen kay Mishari. Mabilis nitong hinawakan ang bewang niya. Kinurot na naman ang puso ko. s**t, Jillian. It's alright! Act normal. Mabagal akong lumakad palapit sa mga kaibigan ko. Sa totoo lang ay gusto ko nang umalis dito. Parang bigla akong lumutang habang naglalakad. Kumabog ang puso ko lalo na nang dumapo ang mga mata sa akin ni Mishari. Gusto kong magtago sa kung saan hindi niya ako makikita, pero huli na. Nakita ko ang pag-kunot ng noo nito nang makita niya ako. Para bang hindi niya inaasahan na makikita niya ako dito. O baka naman hindi naman talaga ako dapat nandito? Alin man sa dalawa, maiintindihan ko. Tipid akong ngumiti sakanya. Doon ko lang napansin na silang lahat ay nakatingin na pala sa akin, pero panandalian lang iyon dahil agad nilang ibinaling sa girlfriend ni Ari ang atensyon nila. Pati 'yong atensyon niya ay nawala na din sa akin. Nakipag-beso na din sa amin si Grace. "These are Mishari's friend, Laur." Ngiti ni Grace. "Oh, yeah! I've heard a lot about you, guys. So good to finally meet you all." Ang ganda-ganda ng speaking voice niya. "Baka naman puro pangit ang sinasabi niya sa'yo, ah?!" Sabi ni Crizette saka masamang tinignan si Ari. Umiling naman ito habang nangingiti-ngiti. Pakiramdam ko ay gusto ng mga kaibigan namin si Laureen para sa kanya. At wala akong magagawa tungkol doon. "Laur, this is Jamayma," panimula ni Ari. Nakipag-beso sa kanya si Jam. "Crizette." kumaway si Crizette saka din bumeso. Gusto kong takpan ang mga tenga ko habang pinapakilala niya kami isa-isa sa Girlfriend niya. Gusto kong maging masaya para sa kanila, pero bakit hindi ko magawa? Gusto ko din ngumiti at maging normal na kaibigan ngayon. Iyong kaibigan na masaya dahil sa wakas ay nakahanap na siya ng babaeng deserving sa pagmamahal niya. "And this is Jillian." Pagpapakilala sa akin ni Ari habang nakangiti sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung makikipag-shake hands ako o bebeso. "Hi!" Masayang bati ko saka na lang kumaway. Umupo ako sa couch kung saan katabi ko si Trisha. Pina-kwento ni Crizette si Laureen kung paano sila nag-meet ni Ari sa States. Malugod naman niyang ikinwento ang buong istorya. Na nagkakilala sila sa isang party kung saan sobrang nalasing si Mishari. Kaibigan pala ni Ate Cath 'yong Ate ni Laureen. "I thought he was a snob! Kasi 'yong dating niya, ang sungit-sungit para sa akin. Pero no'ng tumagal, I realized that he wasn't. Ang cool niyang kasama!" Kwento ni Laureen saka tinignan si Ari habang nakangiti. Halos umupo na din siya sa lap ni Mishari. Lihim akong humugot nang isang malalim na hininga. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tagalan ito. But I deserved this. I deserved the pain that I am feeling now. Tinawag ni Mishari ang isa nilang kasambahay para makapag-handa ng kakainin. "And then one time, nagulat na lang ako nang makita ko siya sa tapat ng bahay namin. I was like, what is he doing in here? Because I won't deny it, gusto ko na siya no'n." Tumawa si Laureen habang nagku-kwento. Nakikinig naman sa kanya ang mga kaibigan namin. "Tapos, ayon na. He asked me out. . . hanggang sa naging kami." "Wooooh!" Kantyaw ng mga kasama namin. I wish I could also say that. "Tapos—" hindi na naituloy ni Laureen ang sasabihin niya nang biglang takpan ni Mishari ang bibig nito. "I know what you're going to tell." Malambing na wika ni Mishari habang nakangiti at ipinagdikit ang mga noo nila. May kung anong bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makangiti nang maayos kahit na kinikilig ang mga kasama namin dito. Calm the f*****g down, Jill. You're okay. You're good. Paalala ko sa sarili ko kahit na ang totoo ay dinudurog ang puso ko. Nang matapos mag-kwento si Laureen ay nagsimulang mag-billard ang mga lalaki habang nag-uusap-usap ng kung anu ano. Nagpaalam ako na kukuha muna ng tubig dahil juice at alak lang ang mga nandito ngayon. Hindi naman nila ako masyadong pinagtuonan ng pansin dahil kay Laureen. Pailing-iling akong tumungo sa kusina nila. Nakasalubong ko ang pinakamatanda nilang kasambahay. "May kailangan ka ba, Hija?" Tanong nito. "Uh, wala po, Auntie. Kukuha lang po ako ng tubig." Ngiti ko. "Ikukuha na kita. Sige na, bumalik ka na doon," aniya. Umiling ako. Ito na nga lang 'yong naisip kong paraan para makaalis doon. "Ako na po. Thank you. Uh, samahan niyo na lang po ako?" Tumango ito at ngumiti saka kami sabay tumungo sa kusina. Nagpasalamat ako nang ipangkuha niya ako ng baso dahil hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga iyon. Umalis din siya pagkatapos. Sumandal ako sa counter ng kusina nang makakuha na ako ng tubig. Masasanay din ako. Makakapag-move on din ako dahil sa nakikita ko, wala na sa kanya 'yong nangyari two years ago. Wala na talaga ako sa kanya. Naiisip ko nga kung may nai-kwento kaya siya kay Laureen tungkol sa aming dalawa? Bukod sa kaibigan niya ako? Ang hula ko ay wala. "Hey. . . " dinig kong marahang sabi ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran ko. Halos mabitawan ko ang basong hawak ko dahil sa gulat. Biglang nagkabuhol-buhol ang utak ko, pati ang dila ko. Marahan akong lumingon sa kanya. Nasa kabilang side ito ng counter nila. Hinila nito ang upuan saka umupo. "How are you?" Tanong niya. Ano'ng isasagot ko? I'm fine? Good? Better? Broken? Falling apart? I don't know. "I-I'm okay," utal kong sabi. "Ikaw? You look good. You look so happy with her." Sa segundong lumabas ang mga huling salita sa bibig ko ay gusto kong basagin ang baso na hawak ko sa bibig ko. "I am. . ." tugon niya habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Gusto kong manlumo pero wala akong karapatan. Wala na talaga. Bakit pa ako umaasa? "G-glad to hear that." Wika ko saka ngumiti. Alam ko na masaya na siya. Kitang-kita ko. Pero iba pa din pala 'yong sakit na dulot kapag sa kanya mo mismo narinig. "Pumayat ka," aniya sa mababang tinig habang nakatingin sa design ng counter nila. Ipinatong ko ang basong hawak ko sa counter dahil nanginginig ang mga kamay ko. Isn't it a bad idea for us to talk? "U-uh. . . payat naman talaga ako." Sinubukan kong gawing normal ang tono ng boses ko saka ngumiti. Umiling naman ito bago i-angat ang tingin sa akin. "And your hair's got longer." Simpleng puna pa niya saka itinuro ang buhok ko. Fuck! Jill, relax, please! Natural lang na mapapansin niya 'yon dahil matagal kayong hindi nagkita. Relax! Peke akong tumawa at kinuha ang ilang hibla sa tip ng buhok ko. "Yup. I guess so." Malapit na kasi sa bewang ang haba ng buhok ko. Kung hindi ko pa ito panapa-trim ay siguradong hanggang pwet na ang haba nito. Rinig na rinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Hindi ko alam kung bakit. Sumandal pa siya sa upuan at ipinatong ang dalawang kamay sa counter. Ilang segundo kaming natahimik hanggang sa mapagpasyahan kong bumalik sa bar room. "Balik na 'ko doon." Paalam ko saka na naglakad. "Jill. . ." tawag nito sa pangalan ko na nagpahinto sa akin sa paghakbang bago pa man ako makalabas nang tuluyan sa kusina. Lumingon ako sa kanya. "Y-yeah?" "You're still my friend, right? We're not back to being. . . strangers again, are we?" Tanong niya. Parang pinilipit ang puso ko at paulit-ulit ang salitang 'friend' sa utak ko. "We're still. . . friends." Tipid akong ngumiti saka na tuluyang tumalikod sa kanya dahil hanggang doon na lang kami ngayon. Hanggang doon na lang talaga. Magkaibigan na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD