Abala ako sa pagre-review sa notes ko habang kumakain ng chips sa gilid ng Auditorium. Vacant din namin sa isang subject at bukas na 'yong final exam namin at end of semester na.
Ilang araw na lang ay bakasyon na at magfo-fourth year na din kami sa wakas! Pinili kong mag-review dito dahil tahimik at walang masyadong mga estudyante. Well, maliban sa akin, kay Aicel at kay Jeric na kanina pa nag-aasaran.
Parang wala naman sa kanila 'yong finals. Sabagay, madami silang oras para mag-review. Hindi tulad ko na kulang na lang ay hindi na matulog kahit iyon na lamang talaga ang tanging pahinga ko dahil sa pag-ta-trabaho sa Coffee Shop.
"Order kaya tayong tatlo nitong shirt? Ang cool, oh!" Ani Jeric kaya napatingin ako sa kanya. Nakatuon ang mga mata nito sa screen ng phone niya.
Dinungaw ni Aicel ang phone ni Jeric hanggang sa kunin na niya ito sa kamay niya.
"Ay! Vintage 'to, 'di ba?" Tumango si Jeric. "Parang panlalaki siya?"
Umusog ako palapit sa kanila para matingnan ang shirt na pinagkaka-interesan nila. Ipinakita naman iyon sa akin ni Aicel. Maganda siya at parang panlalaki nga. Pero ganito 'yong mga gusto kong damit dahil hindi naman talaga ako mahilig sa mga girly clothes.
"Unisex naman 'yan," sabi ni Jeric. "Ewan ko lang kung babagay kay Jillian. Maluwang 'yan, for sure. Eh, ang payat, payat na niya ngayon!" Panunuya nito.
"Payat naman talaga ako, 'di ba? Ilang taon na tayong magkakasama!" Depensa ko. "Tsaka one size lang ba 'yan?" I rolled my eyes.
"Yup. Pero hindi ka naman ganyan kapayat. Look at your body, girl. Mukha kang malnourished!" Pangungutya nito.
"Exaggerated! Hindi naman payat na payat na mukhang malnourished! OA! Maybe noon. Pero nakabawi na siya ngayon," pagtatanggol ni Aicel. "But, Jill, why don't you stop working? Hindi naman kayo naghihirap?" Baling nito sa akin.
"Oo nga! Ano? Pinapatay mo ba 'yong sarili mo? Aral sa umaga, trabaho sa gabi. May pera naman kayo. Bakit pinu-pursue mo pa ang pagta-trabaho?" Wika ni Jeric. Umirap ako.
Parang hindi nila alam ang dahilan kung bakit. Pero ayoko nang i-remind sa kanila ang tungkol doon dahil sigurado ako na mabubuksan ulit iyon. Ipina-intindi ko na sa kanila ang bagay na iyon noon pa. At ang alam nila ay maayos na ako.
"Like being a working student is such a big disgrace!" Ismid ko sakanila.
"No. . . hindi naman sa ganoon. Pero maawa ka naman sa sarili mo," sabi pa ni Jeric.
"Magta-trabaho din naman tayo pagka-graduate, 'di ba? Sinasanay ko lang 'yong sarili ko."
"Surely, hindi bilang isang staff ng Coffee Shop," ani Aicel. Napa-iling nalang ako. What is wrong kung maging staff ka ng isang Coffee Shop? Tsk. Hindi ko sila maintindihan.
Hindi ko na lang sila pinansin at muling itinuon ang atensyon sa pag-re-review. Kahit naman ang mga magulang ko ay pinapatigil na din ako sa pagiging working student ko dahil totoong mukha na akong malnourished noon. Lagi ko nalang idinadahilan sa kanila na masaya ako sa ginagawa ko na totoo naman.
Napag-pasyahan nila na um-order nga ng tatlong t-shirt na magkakaiba ang kulay at design. Naisip din nila na isuot namin ang mga 'yon minsan nang sabay-sabay.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag nang marinig ko itong tumunog. Nakita ko ang pangalan ni Trisha sa screen kaya sinagot ko kaagad ito.
"Where are you?" Bungad nito.
"Nasa Auditorium, reviewing. Why?" Sandali akong tinapunan nang tingin ni Aicel at Jeric. Tinaasan ko sila ng kilay. Umirap si Jeric at umiling naman si Aicel.
"Main Street Depot tayo. Hintayin kita sa guardhouse, okay?" Aniya. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at napagtanto ko na lunch break na.
Sa tuwing lunch time ko na lang kasi sila nakakasama ng matagal mula nang mag-trabaho ako kaya hindi ako pwedeng hindi mag-lunch kasama nila. Ayokong magalit ulit sila sa akin. Well, maliban kay Trisha dahil siya naman ang unang nakaalam ng totoong dahilan.
"I'm on my way." Sabi ko saka ibinalik sa loob ng bag ko ang mga notes ko.
"Okay!" Tugon ni Trisha saka na tinapos ang tawag.
"Wanna come with me? Lunch kami sa Main Street." Sabi ko sa mga kasama ko habang tumatayo.
"Lunch time na agad?" Gulat na tanong ni Jeric saka tiningnan ang oras sa phone nito. Tumango ako sa kanya kahit na hindi niya pinansin.
"Cafeteria nalang kami." Ngiti ni Aicel.
"Okay. Una na ako, ha? Bye, guys. See you later!" Paalam ko. Tinanguan lang nila ako.
Mabilis akong naglakad tungo sa guardhouse at nakita ko si Trisha na may kausap na isang lalaki. Siguro ay kaklase niya ito. Nag-tanguan silang dalawa saka na umalis ang lalaking kausap nito.
"Asan 'yong iba?" Tanong ko kay Trisha nang makalapit ako sa kanya.
"Nandoon na si Britz tsaka si Crizette. Sunod nalang daw sina Jam." Tugon nito nang mag-umpisa na kaming maglakad palabas ng University.
Aaminin ko na medyo parang nagkalamat ang samahan namin dahil sa ginawa ko noon. Ramdam na ramdam ko noon ang panlalamig nilang lahat sa akin maliban na lang kay Trisha. Halos ilang buwan din nila akong hindi kinakausap lalo na si Britz at Crizette. Sa loob ng halos dalawang taon ay madami nang nagbago sa amin. At masasabi ko na hindi iyong pagkakaibigan namin. Kahit naman nagalit sila sa akin ay pinili nilang inintindi ang desisyon ko at sitwasyon.
Siguro ay dahil pareho-pareho naming ayaw masira ang pagkakaibigan naming lahat dahil lang sa nangyaring iyon.
"How about Marion?"
"I don't know. Hindi naman niya sinasagot 'yong call ko." Tumango na lang ako.
Nang makarating kami sa Main Street ay nadatnan na namin si Marion sa loob na nakikipag-harutan kay Crizette. Sila na kasi. 'yong mga pag-aaway nila noon ay dala nang pareho nilang nararamdaman. Pakipot pa silang dalawa no'ng mga panahong iyon.
"Damn you, Marion! Nandito ka na pala!" Irap ni Trisha sa kanya nang makalapit na kami sa table nila.
Tumawa ito.
"You calling me?" Tumango si Trisha. "Nakalimutan ko 'yong phone ko sa sasakyan." Paliwanag nito habang nakangisi.
Umupo ako sa tabi ni Britz na abala sa pag-pindot sa screen ng phone niya. Seriously, what's with their phones? Sinilip ko ito at nakitang may ka-text siya. Tumawa ako nang ibaling niya sa akin ang atensyon niya at mabilis na iniwas ang phone.
"You sneaky, Jill!" Nakangising sabi nito saka pinitik ang ilong ko. Agad kong pinalo ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Mauna na daw tayong um-order. Paki bili nalang din daw 'yong dalawa. Papunta na sila dito." Sabi ni Crizette sabay lapag ng phone niya sa mesa.
Ang dalawang lalaki ang um-order ng mga kakainin namin. At habang naghihintay kami kila Jamayma ay nagku-kwentuhan sila tungkol sa finals at sa darating na bakasyon. Napatingin ako sa mga bakanteng upuan dito sa mesa, at hindi ko naiwasan ang paglipad ng isip ko.
Pinilig ko ang ulo ko at itinuon ang atensyon sa mga nag-u-usap dahil kinakain na naman ako ng kalungkutan. Dapat sana ay maayos na ako dahil dalawang taon na din ang lumipas, pero bakit baon na baon pa din ako?
"Jam, Drei, here!" Tawag ni Crizette saka tinaas ang kamay. Sinundan namin nang tingin ang direksyong tinitignan nito at nakita namin ang mag-syota na naglalakad na tungo sa direksyon namin. Mukhang hanggang sa matapos ang lahat, sila pa ding dalawa. At nakakatuwa dahil kahit madalas silang mag-away, matatag pa din sila.
"Sorry kung natagalan kami." Sabi ni Andrei. Ipinanghila niya ng upuan si Jam.
"Um-order na kayo?" Sabi naman ni Jam saka na umupo. Umupo din si Andrei sa tabi nito.
"Yeah. Hindi ko alam kung bakit wala pa," yamot na tugon ni Marion.
Tinawag ni Trisha ang isang staff at tinanong ang tungkol sa mga order namin. Agad naman niyang inasikaso ang mga pagkain namin. Humingi pa ito ng pasensya sa kung bakit natagalan ang pag-si-serve nila.
"Oh my God. . ." gulat na sabi ni Trisha. Pare-pareho kaming natigilan sa pagkain at tumingin sa kanya. Nakatingin naman ito sa screen ng phone niya. Again, what's with their phones?
"What is it?" Tanong ni Andrei.
"Uh. . . " usal nito saka ako nilingon. Tumaas ang mga kilay ko. "Um, Ate. . . Ate Cath wants to meet. . . us." Aniya nang alisin ang tingin sa akin. Para pa itong nahihirapan na sabihin iyon.
Kinabahan ako bigla dahil kilala ko kung sino ang Cath na sinasabi niya. At kung bakit gustong makipag-meet ni Catherine Hizon sa amin ay hindi ko alam.
"Umuwi na siya dito?" Gulat din na tanong ni Crizette. Tumango si Trisha at ipinakita ang screen ng phone nito sakanya. Sumilip din ang iba habang ako naman ay nanatali lang sa lugar ko..
"So. . . ibig sabihin. . .?" Ani Marion saka tumingin sa akin.
"I don't know. I will call her." Tugon ni Trisha saka mabilis na tumayo at lumayo sa amin.
Kumunot ang noo ko nang pare-pareho silang nakatingin sa akin nang may pag-a-aalala. Umiling ako saka sila inirapan. Naiintindihan ko naman kung bakit sila nakatingin sa akin nang ganito ngayon. Pero kailangan kong liwanagin sa kanila na maayos na ako. I mean, kailangan kong mag-sinungaling sakanila.
"Jeez! Problema niyo?" Natatawang tanong ko. "It's just Ate Cath!"
Hindi sila kumibo at ipinag-patuloy ang pagkain. Tinuloy ko din ang pag-subo pero hindi ko pa din maiwasan ang mapa-isip. Kung nandito na siya, ibig sabihin. . . pwedeng. . .
Kinuha ko ang four-seasoned juice ko saka uminom. Pare-pareho din kaming tahimik sa mesa na para bang dumaan ang isang anghel sa mga harapan namin. Nakikita ko din sa mukha nila na naghihintay sila sa pagbalik ni Trisha. Hindi ko alam kung gusto ko ba na malaman kung ano ang pinag-u-usapan nila ni Ate Cath ngayon o hindi.
"Ate Cath is really back with his boyfriend, now fiancé. Kahapon pa daw sila dumating," ani Trisha nang makabalik sa table namin. Walang nagsalita sa amin. "Umuwi sila dito for their engagement party celebration."
"Invited tayo?" Tanong agad ni Andrei. Tumango si Trisha.
"Ari's also back then," walang alinlangang pahayag ni Britz.
Pangalan pa lamang niya ang narinig ko ay parang tambol na ang puso ko sa pag-kabog. Naramdaman ko ang panunuyot ng lalamunan ko. Kamusta na kaya siya?
Ayokong pumunta sa engagement party ng kapatid niya. Ayokong makipagkita sa kanila. Pero hindi ko pwedeng sabihin iyon dahil lalabas akong bitter.
"Bukas pa ng gabi 'yong dating nila ng. . ." tinignan ako ni Trisha. I smiled.
"Girlfriend niya." Pagtatapos ko sa linya niya habang nakangiti. Tumango ito.
"So, kailan tayo makikipagkita sa kanya? And where? Tsaka, kailan 'yong party?" Tanong ni Jam. Pare-pareho silang walang ngiti sa mga mukha. Marahil ay iniisip nila na hindi pa ako maayos kaya ganito sila.
Madalas kasi nilang makausap si Ari. Hindi niya pinutol 'yong koneksyon niya sa kanila -- sa akin lang talaga. At alam nila na okay na siya. Naka-move on na siya. Ni minsan nga ay hindi niya ako naitanong. Gusto kong isipin na galit siya sa akin pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Hindi iyon ang nababalitaan ko. Inaamin ko, ilang buwan akong naghintay at nagbakasaling tumawag siya sa akin, pero wala akong natanggap kaya pinalitan ko na lang din ang number ko.
"Sunday, next week. And this coming Saturday tayo makikipagkita sa kanila dahil nandoon na sina Ari at wala na tayong mga klase. Pinasabi lang niya kay Ate Cath dahil busy daw sila sa pagbili ng mga pasalubong dahil biglaan, kaya hindi na niya tayo nasabihan na uuwi sila. And yes, pinapapunta niya tayo sa bahay nila." Mahabang pahayag ni Trisha saka tumango.
Busy din ako. Hindi ako makakapunta. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kanila.
"Bakit parang biglaan yata 'yong engagement party?" Tanong ni Crizette. "Sa house ba nila Ari mags-stay 'yong girlfriend niya?"
"I don't know. Tanungin na lang natin sila sa Saturday. . ."
Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa engagement ni Ate Cath. Nakisali ako sa usapan nila para ipakita sa kanila na okay na ako. Kahit ang totoo. . . ay hindi. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya -- sila. May nagbago ba sa kanya? Kakamustahin ko ba siya? Masaya na ba talaga siya? Hindi ko alam kung kakausapin niya ako o kakausapin ko siya. Hindi ko alam.
"Will you be fine?" Tanong ni Trisha habang naglalakad kami pabalik sa University. Nauna na kami sa iba dahil nagyaya na siya.
"Of course, Trish. Ano ka ba? It's been almost two years! Wala na 'yon!" Natatawang sagot ko sa kanya. "Mishari is happy now." Dahil alam kong masaya na siya.
At natatakot akong makita siya na masaya na.
"You should, too. Get yourself a boyfriend, Jill. May nakilala ako sa Night Life. Gwapo siya at mabait. I will introduce you to him."
Ilang beses na ba siyang nag-set ng date para sa akin? Hindi ko na mabilang dahil hindi naman ako sumisipot. I didn't want to use anyone just to get over with someone. Tsaka, busy ako sa pag-aaral at pagta-trabaho sa shop. Wala akong panahon para sa mga lalaki.
"Come on, Trisha! Kung gusto kong mag-boyfriend, I will choose Alfred over those guys." Pahayag ko with hand gesture.
"Then, go! Ang tagal na niyang nagpaparamdam sayo." Aniya saka umirap. Umirap din ako.
Alam naman nila na gustong manligaw sa akin ni Alfred at alam din nilang ayoko. Hindi dahil sa hindi pa ako handa. Kundi dahil natatakot akong magmahal ng iba bukod sa kanya.
"Ayoko. Trish, I'm good alone. Drop the boyfriend thing."
She sighed, defeated.
"Are you sure, you'll be okay?" Ang kulit nito! Tsk.
"Oo nga! Ang kulit!" Natatawang sagot ko.
It's okay not to be okay. And I can make up some excuses to not go.