Panay ang kulit sa akin ng mga kaklase ko habang naglalakad kami palabas ng University. Gusto nilang pumunta sa Mall para mag-unwind dahil masyado daw silang na-stress sa exam namin. At para bang hindi sila makakapunta doon kung hindi nila ako kasama.
Mula kanina ay kinukulit na nila ako na sumama sa kanila at pilit akong tumatanggi dahil may trabaho pa ako. Medyo napaaga ang labas namin ngayon dahil maaga kaming natapos.
"Sumama ka na kasi! Kakain lang naman tayo, tsaka konting shopping!" Pamimilit ni Jeric na pumaparak pa.
"May trabaho nga kasi ako, 'di ba?" Iritableng tugon ko dahil ilang ulit ko nang sinabi sa kanya 'yon.
"Eee! Kainis! Sasaglit lang naman tayo do'n, eh! 2PM pa lang naman at 6PM pa lang 'yong work mo, 'di ba?" Aniya na parang bata na nag-ta-tantrums. Tumawa ang mga iba naming kasama.
"Yes, but I need to rest a bit! Kailangan ko din matulog!" Pahayag ko. Wala pa akong maayos na tulog dahil paglabas ko kagabi sa shop ay diretso na akong nag-review para sa finals. Isa't kalahating oras lang yata ang tulog ko.
"I swear, hindi tayo magtatagal do'n, okay? Or sige, samahan mo lang kaming kumain and then, you're free to go!" Pamimilit nito. Umiling ako.
"Alam mo, nakakasira talaga ng pag-ka-kaibigan 'yong trabaho!" Irap nito sa akin. Hindi ko napigilan ang pagtawa kahit na naiinis ako sa pangungulit niya.
"Sumama ka na kasi, Jill. Kakain lang naman tayo, eh. Hindi din ako pwedeng magtagal. Sabay na lang tayong umalis after," sabat ni Jozelle.
Kinulit lang nila ako nang kinulit hanggang sa marindi ako at pumayag sa gusto nila.
"Fine! Basta after kumain, aalis na ako." Pinal kong sabi saka ngumiwi. Pumalakpak si Jeric sa tuwa saka ako niyakap.
Tumungo kami sa may terminal ng Jeep papunta sa Mall. Mabilis lang kaming nakaalis dahil halos kami na ang pumuno sa buong Jeep. Wala naman kasi sa amin ang may sasakyan. Hindi din kami pwedeng mag-taxi dahil anim kami at hindi kami magkakasyang lahat.
Nang makarating kami sa mall ay nagtungo muna sila sa comfort room para magpaganda. Binantayan ko din ang oras dahil baka ma-late ako sa trabaho ko. Ayoko pa naman madungisan ang attendance ko doon dahil sayang 'yong incentives na makukuha ko. Malaking tulong na din iyon para sa akin.
Mula nang magtrabaho ako ay doon ko lang naisip na hindi madaling kumita ng pera. Nakakapagod, nakakaiyak, at nakakapanibago. Naalala ko pa noong first day ko sa trabaho ay halos umiyak ako dahil mabagal akong kumilos. Medyo may pagka-lampa pa ako kaya madalas akong mapagalitan no'ng Manager at inilagay muna ako sa counter para mag-cashier. Pwede naman kasi akong mag-cashier or mag-serve lang ng mga order. Depende sa Manager kung saan niya ako gusto.
Gusto kong tumigil na noong mga panahong iyon pero naisip ko na sayang. Inisip ko na lang na sa umpisa lang mahirap at nakakasakit ng katawan dahil ilang oras din akong nakatayo at pa-ikot-ikot sa loob para maghatid ng mga order. Pero ngayon ay nasanay na ako. Sa loob ba naman ng dalawang taon na gano'n 'yong ginagawa ko, eh.
"Ano kaya 'yong mga showing ngayon?" Tanong ni Aicel nang mapadaan kami sa may cinema.
"Hoy! Huwag niyong sabihin na may balak kayong manood?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Wala, 'no! Tsaka, para masabi ko kay Bryan. Kaming dalawa 'yong manonood." Tumango ako sa kanya.
Hindi nasunod ang usapan na kakain muna dahil nag-labas-masok sila sa mga boutique kaya hinayaan ko na lang. I'm now trading my sleep for this! Pero okay lang. Maliligo na lang ako pag-uwi at diretso na sa shop. Babawi na lang ako ng tulog sa day off ko, which is sa Sunday pa. At mukhang hindi na naman ako makaka-uwi sa bahay.
Pumili-pili din ako sa mga damit pero wala akong binili dahil wala akong magustuhan. Panay naman ang tanong ni Jozelle kung alin ang kulay na bagay sa kanya dahil morena siya.
"Guys, ano'ng pwedeng gift ang ibigay sa boyfriend? Well, birthday gift." Biglang tanong ni Aicel habang tumitingin sa mga damit na panlalaki.
"Shirt?" Suggest ni Jozelle.
"Not a shirt. Lagi na lang gano'n, eh. Iba naman. Any suggestions?" Ani Aicel.
"Kay Bryan?" I aksed. Tumango siya.
Nag-kibit-balikat na lang ako dahil nakalimutan ko kung ano ang sasabihin ko. Bigla siyang pumasok sa isip ko. Ano na ba ang naibigay ko sa kanya? Uh, sama ng loob? Sakit? Napailing ako sa naisip ko.
"Try mo shoes?" Sabi ni Jeric. "Tapos, hingi ka na lang ng piso." Pare-parehong kumunot ang mga noo namin sa sinabi niya.
"Bakit hihingi ako ng piso?" Tanong ni Aicel.
"Uh, you know. May superstitious belief kasi na kapag binigyan ka ng shoes ng isa tao, like boyfriend or whatsoever, kailangan mo siyang bayaran ng piso o kung galante ka, pwedeng mas malaki pa sa piso. Kasi ang sabi, aapak-apakan ka daw niya kapag hindi mo binayaran." Paliwanag nito sabay kibit ng kanyang balikat.
"Naniniwala ka sa mga haka-haka?" Tanong ni Miriam na nasa may gilid ko. Nag-lupong kami sa loob ng isang boutique na parang bumubuo kami ng isang plano.
"Yes. Why not? Wala namang mawawala kung gagawin mo, 'di ba?" Depensa ni Jeric. Napatango ako.
"Eh, what about necklace? Kapag binigyan ka ng necklace ng boyfriend mo, is it bad or not? May haka-haka din ba doon?" Curious na tanong ni Anna. Mukhang naging interesado siya sa mga superstitious belief ni Jeric.
"Okay. It's Jerica's trivia time!" Sabi niya saka pumalakpak na parang baliw. "Yes, Anna. Mayroon ding kasabihan ang pagbibigay ng kwintas sa mag-jowa. Proven na 'yan, girl!"
"What is it?" Tanong ko saka luminga-linga dahil baka may staff dito na binabantayan kami at akalaing mga shoplifters gang kami.
"Kasi, kapag daw binigyan ka ng kwintas ng boyfriend mo, mabilis kayong maghihiwalay. I mean, once na naputol 'yong kwintas, parang doon na mag-uumpisa 'yong lahat -- hanggang sa mag-break kayo. Parang may hangganan ba. Ganoon kasi 'yong nangyari do'n sa kapatid ko!" Pahayag niya saka umismid.
"Kaya pala two months lang kami." Matabang na sabi ni Anna saka umirap at nag-mura.
"Uh, what about earrings?" Interesadong tanong ni Jozelle. Biglang lumipad sa tenga ko ang mga kamay ko at hinawakan ang mga hikaw na suot ko.
"Ayan! Earrings! Mas gusto ko 'yong binibigyan ako ng earrings kaysa sa kwintas!" Malandi nitong sabi at pekeng kinilig.
"Why?" Tanong pa ni Jozelle.
"Well kung — sino ba ang nagbigay sa'yo?" Ani Jeric.
"Uh, a f-friend." Utal niyang tugon at nakita ko ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Kahit naman morena ito ay halata sa mukha niya.
"A boy?" Tanong ni Jeric. Tumango siya. "Oh my gosh!" Aniya saka biglang humagalpak ng tawa. "Girl, your friend wants you!"
"W-what?" Lalong tumingkad ang pamumula ni Jozelle. "What do you mean. . . he wants me?"
Bigla kong naisip 'yong gabing binigay niya sa akin ang mga hikaw. Does that mean, he wants me? Hindi ko alam kung alam niya ang sabi-sabi tungkol sa pagbibigay ng hikaw, pero sinabi na niya sa akin noon na gusto niya ako.
"Kapag binigyan ka ng earrings, girl, especially, guy 'yong nagbigay, that means, he wants you. Well, in bed. Pero depende naman 'yon." What?
Napanganga ako sa sinabi niya at napalunok. Nag-init din ang mukha ko. That means. . . he wants me. . . that night? What?
Awkward akong tumingin kay Jozelle na kapareho ko ng reaksiyon. Tumatawa naman 'yong iba. Pero ang ayon naman kay Jeric ay depende naman 'yon.
Lumabas kami sa boutique na ganoon pa din ang naiisip ko. But it doesn't make any sense anymore. Wala na siya - wala na kami. At sigurado ako na hindi na niya ako gusto ngayon. May iba na. May iba na siya.
Naka-ilang boutique pa kami na pinasukan bago nila maisipang kumain na. Nag-aya muna 'yong iba na mag-CR ulit pero hindi na ako sumama at hinintay na lang sila. Nagugutom na din ako. Sumandal ako sa pader malapit sa isang kainan habang naghihintay sa mga kasama ko. Iniisip ko pa din 'yong sinabi ni Jeric tungkol sa pagbibigay ng hikaw. Hinawakan ko ang tenga ko at pinisil ang hikaw.
Kung bakit hindi ko pa tinatapon ang mga ito? Hindi ko alam. Siguro, isa ito sa nagpapatunay na naging matured na ako. Hindi tulad noong naging sila ng pinsan ko ay halos itapon ko ang lahat ng mga bagay na binigay niya sa akin. Mapa sapatos man o damit. Mamahalin man o hindi. Tanging 'yong painting lang ang naiwan.
Nahinto ako sa pag-iisip nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang tao na nasa loob ng fast food habang naghihintay sa mga kasama ko. Nasa harap sila ng counter at mukhang pumipili sila ng kakainin. Nakahawak ang kamay ng lalaki sa bewang ng babae, at ganoon din ang babae.
Naka-faded jeans ang lalaki at kulay grey na longsleeve. Messy ang buhok nito na medyo mahaba.
Kumabog ang puso ko. At kasabay ng pagkabog ay ang pagtusok ng maraming karayom. Hindi ko alam kung ilan. Basta marami sila. Masakit. Kahit nakatalikod siya ay kabisado ko ang built niya at ang way ng pagtayo niya. Though, parang lalo lang siyang tumangkad at gumanda ang katawan. Pero alam kong siya 'to.
Ibinaling ng babae ang ulo niya kay Mishari kaya malaya kong nakita ang hitsura niya. May maganda itong ngiti, mapupulang mga labi, magandang pares ng mata at matangos na ilong. Maputi din ang kulay ng balat niya at mahaba ang kulay brown niyang buhok na kulot ang ibaba. Naka-dress itong kulay peach na hanggang ibabaw ng tuhod.
Gusto kong i-alis ang tingin ko sa kanila ngunit hindi ko magawa. Para bang gustong-gusto ng mga mata ko na tingnan silang dalawa.
Kinagat ko ang inner lip ko. Alam kong makikita ko siya - sila. Pero hindi ko alam na ngayon ang araw na iyon. Noong isang araw pa sila naka-uwi dito, at pina-plano ko pa lang ang sasabihin ko para hindi makasama sa sabado na pumunta sa kanila. Ngunit ang galing nga namang maglaro ng tadhana dahil ako pa talaga ang unang nakakita sa kanila. At sa sobrang dami ng tao sa loob ng kainan, sa kanila pa talaga nag-focus 'yong paningin ko.
May itinuro ang babae sa mga menu at nakita ko ang pagtango ni Mishari. Ngumiti ang babae sa kanya saka humalik bago naglakad. Nilingon siya ni Mishari habang may malapad na ngiti. How I missed his smile. How I missed his scent, his hair, his voice, his warmth. . . how he pronounced my name so dearly. I missed everything about him. I miss him so much. But he's not mine anymore.
Hinatid siya nang tingin ni Mishari hanggang sa makaupo ang girlfriend niya. His eyes were full of adoration. He really is happy now. And I should be happy, too. I'm glad he was healed. . . while I'm still grieving.
Madali kong pinunasan ang mukha ko nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga para mapigilan ang paghikbi ko.
"Ang tanga!" Tawa ni Aicel. Lumingon ako sa kanila at nakitang hinahaplos ni Jozelle ang balakang niya.
"Hindi ko alam na madulas! Ang sakit!" Aniya habang nakangiwi.
"Tara na! Kain na tayo!" Anyaya ni Jeric habang sinusubukang pigilan ang pagtawa. Sa totoo lang ay hindi na ako nakakaramdam ng gutom. Para bang namanhid ako.
"Dito na lang tayo." Turo ni Miriam sa kalapit na fast food kung nasaan sina Mishari.
"Sa iba na lang. Huwag lang diyan." Wika ko at pilit na ngumiti. Pare-pareho nila akong tiningnan. Lihim kong ipinalangin na sana ay hindi nila mapansin.
"Oo nga! Tsaka, parang crowded na, oh. Sa iba na lang." Sang ayon ni Jeric habang nakatingin sa loob ng kainan. Hinila niya ako at nauna kaming nag-lakad. Walang ibang nagawa ang iba kung hindi ang sumunod sa amin.
Nilingon kong muli ang fast food nang dumaan kami. Tipid akong ngumiti sa sarili ko nang makita ko silang kumakain habang masayang nag-u-usap.
Darating din 'yong araw na mawawala ang lahat ng sakit. At naniniwala ako na magiging maayos din ako katulad niya.
Sayang, Jill.
Sayang na sayang dahil hindi mo siya ipinaglaban.
Ikaw sana ang kasama niya ngayon kung hindi ka bumitaw.